Surprisingly, Janice didn't wake me up. Nakaligo na rin ako't lahat-lahat ngunit wala paring Janice na kumakatok sa pinto. I'm almost finished fixing my hair when my phone rings. I fished it out of my pocket and saw Janice's name on the screen. I swiped it up to answer.
"Oh, saan ka?" nagtatakang tanong ko.
"Sorry, mala-late ata akong sunduin ka ngayon may pinapabili kasi sa'kin si Dad pero hindi naman tayo mahuhuli sa klase. Sandali lang 'to," paliwanag niya.
I can sense in her voice that she's bustled.
"Oh, okay lang. Dito ka ba kakain?"
"No, nakakain na ako. Nagluto si Mama."
Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangiti siya ngayon. Nararamdaman ko sa kaniyang boses.
Kumunot ang aking noo dahil unang beses ko atang narinig ito ngayon. Simula kasi nang malaglag ang dinadalang tao ng mama ni Janice ay palagi na lang nag-aaway ang kaniyang magulang. Hindi pa man nalalaman kung anong kasarian ng bata sa sinapupunan ngunit nawala na ito nang malaglag si Tita Bernadette sa hagdan ng kanilang bahay. Labis na nasaktan si Janice nang mangyari iyon. Matagal na kasi niyang hiling ang magkaroon ng kapatid kaya lang nang mangyari iyon ay agad namang nawala. Parang pinatikim lang sa kanila ang mga masasayang sandaling iyon.
Hindi ko alam kung ano ang kanilang nararamdaman sa mga panahong sinusubukan sila ng tadhana. Lalo na si Tita. Palagi kasing nag-iingat iyon. Nakakapagtaka ngang nadulas siya at nahulog sa hagdan e kahit paghawak ng kutsara at tinidor ay nag-iingat baka raw kasi mahulog sa kaniyang tiyan at masaktan ang baby, kahit napakalabong mangyari iyon.
And it's good to hear na mukhang umaayos na ang kalagayan ng pamilya nila. Ni minsan kasi hindi ko naririnig o nalalaman na nagluluto si Tita maliban sa uminom ng alak pag-uwi galing trabaho. Wala ring pinagkaiba si Tito Samuel–papa ni Janice, lagi rin itong umiinom pagkagaling sa pag-aaring motor parts shop.
"Oh, sige. Hihintayin na lang kita dito sa bahay. At may sasabihin din ako sa'yo mamaya," nae-excite kong sabi.
"Tungkol ba kay Kairo yan?" Mahihimigan ang panunukso sa kaniyang boses.
"Hindi!" agap ko. Narinig ko siyang humalakhak sa kabilang linya.
Hindi ko pa nga nasasabi sa kaniya ang nangyaring halikan, ganito na siya kung manukso. Pano na lang kaya kapag nasabi ko na.
Nakapagtatakang hindi ko naiisip si Kairo kagabi. Napapadalas kasi ang pagdungaw ng kaniyang mukha sa aking isipan noong mga nakaraang araw.
After hanging up the call, I immediately ran downstairs to the kitchen and found kuya doing something on the stove. Nakarating sa aking pandama ang amoy ng matagal ko ng hindi natitikmang bersiyon ni Kuya. Ang specialty niyang adobo.
"Good morning, kuya," bati ko sa kaniya.
Lumingon siya sa akin at ngumiti. Isang ngiti na akala ko'y hindi ko na masisilayan pa.
"Good morning bunso," sagot niya. "Anong oras ba ang klase mo?"
"Alas otso po."
Pumunta ako sa mesa at inihanda ito. Naglagay ako ng tatlong pinggan, dalawa sana ang kukunin ko nang maalalang nandito na pala si Kuya. Nasanay kasi akong kami lang dalawa ni mama kumakain.
"Sino ang kasama mo? May maghahatid ba sa'yo?" tanong niya.
"Dinadaan po ako ni Janice tuwing umaga."
"Oo nga pala, kumusta na si Janice?" nakangiting tanong niya.
"Ayos naman. Mukhang naging maayos narin ang pamilya nila, ipinagluto kasi siya ni Tita Bernadette ng umagahan kanina," nakangiting tugon ko. "At siguradong magugulat iyon kapag makita ka niya rito, hindi ko kasi sinabi sa kaniya kagabi na umuwi ka na."
Tumawa lamang si Kuya sa aking sinabi.
Hindi nagtagal ay bumaba na rin si Mama. Mapapansin ang saya sa kaniyang mata at ngiti. At alam na alam ko kung ano ang dahilan. Matagal ko ng hindi nakikita ang ganitong ngiti ni Mama. Oo, ngumingiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiting humahaplos sa kaniyang puso, hindi kagaya ng sa ngayon.
Tumingin siya sa akin at kay kuya na hinahain ang niluluto. Ang kaninang ngiti niya ay mas lalong lumapad.
"Good morning mga anak," puno ng emosyon niyang sambit.
Lumingon si Kuya sa kaniya at binati siya pabalik at sumunod rin ako.
Sa kalagitnaan ng aking pagnguya ay biglang pumasok si Janice sa loob ng kusina.
"Jasper! Ang saya ng umaga ko ngayon alam mo bang—
Bigla siyang napatigil at lumubo ang mga mata na nakatitig kay kuya. Matagal bago siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan.
"Kuya Ezekiel?" nauutal niyang sambit. Ang kaniyang mga labi ay nangatog na parang iiyak na.
"Kumusta Janice?" kuya said fondly.
Matapos magsalita ni Kuya ay bigla itong kumaripas nang takbo papalapit sa kaniya.
"Kuya!" tili niya.
"Ako nga Janice," tumatawang tugon ni Kuya habang si Mama at ako ay nakangiting pinagmasdan ang dalawa.
Parang kapatid na rin kasi ang turing ni Janice kay Kuya Ezekiel, lalo na si Kuya kay Janice. Siya ang naging tagapagtanggol namin noong mga bata pa lamang kami ni Janice tuwing inaaway kami ng aming kalaro sa parke.
At kapag may kailangan kaming na hindi binibigay ni Mama ay siya agad ang aming takbuhan.
Tulad na lang dati nang gusto namin magkaroon ng trumpo ngunit walang gagamawa. Nagpaalam kami ni Janice kay mama na gagawa kami ng ganoon gamit ang sinusunog na plastic ngunit hindi pumayag si Mama dahil baka raw masaktan namin ang aming sarili. Dapat raw na umiwas kami sa apoy at baka makasunog kami. Buti na lang at to the rescue agad si Kuya at siya ang gumawa.
"Akala ko wala ng mas ikakaganda pa ang umaga ko. Meron pa pala," natutuwang sabi ni Janice habang nakalingkis parin ang mga braso sa leeg ni Kuya. Buti na lamang at tapos na si Kuya na kumain.
Hinayaan lamang siya ni Kuya ng mga ilang minuto hanggang sa ipinaalala niyang may pasok pa kami.
"Ay, oo nga pala." Napakamot na lamang si Janice sa kaniyang batok.
Napuno ng tawanan ang paligid, pati si Mama ay hindi rin naiwasang tumawa.
WHEN we entered the campus we immediately go to our locker to get our books and of course with a good mood. Nadaanan pa namin si Nicole kasama ang kaniyang apat na kaibigan. She was surrounded with some other girls while expressing herself with an ostentatious dress and accessories she's wearing. Na alam kong mamahalin.
Nang makita niya kaming dumaan ay masama agad ang ipinukol niyang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit hindi ako magpapaapekto sa kaniya. Masaya ang umaga ko kaya hindi ko hahayaang masira lamang ng tulad ni Nicole.
Dumiretso si Janice sa kaniyang locker habang ako pumunta rin sa kinaroroonan ng akin.
Nang makuha ang mga kailangang kunin ay agad ko itong sinara. Bumaling ako sa kaliwa upang tingnan si Janice kung tapos na rin ba siya ngunit parang wala pa at mukhang may hinahanap pa ito. Dahil tapos na rin naman akong kunin ang aking libro,tumungo ako sa kaniya upang tulungan siya.
Ngunit bigla akong napatigil sa aking paglapit sa kaniya nang mabundol ako ng babaeng tumatakbo. May hawak siyang kape at nasaboy niya ito sa akin buti na lamang at nakailag ako at konting bahagi lamang ng aking damit ang nasabuyan. Naging kulay brown ang parte kung saan nalagyan ng kape. Good thing it wasn't hot.
I looked at the person who did it. She's wearing round glasses at halatang nagmamadali siya dahil sa magulo niyang buhok. Her glasses gone askew due to the impact when our body collides.
"Sorry. Sorry talaga. Nagmamadali kasi ako," paghihingi niya ng tawad. Tumingin siya sa kaniyang likuran na parang natatakot na baka may susulpot na hindi niya inaasahan. She's also fidgeting na parang hindi mapakali.
Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Janice. Kung hindi siya nagsalita ay siguradong hindi ko siya mapapansin.
"Eh, kung hindi ka lang kasi tatanga-tanga," mataray na sabi niya.
"Janice, it's okay. Hindi naman mainit, e," pagpapakalma ko sa kaniya dahil alam kong parang hindi okay ang babae.
"Paano kapag mainit yun? Eh, di sunog yang balat mo?"
Napairap na lamang ako sa pagiging protective ni Janice. I mean it's a good thing na mayroon kang maaalahaning klaseng kaibigan. Pero minsan they're blinded with their will to protect someone that they don't even care to read the situation.Tumingin ako sa nakayukong babae sa harap namin at hinawakan nang marahan ang kaniyang balikat.
"Okay lang talaga, miss. Sana sa susunod mag-iingat ka na," marahan kong sabi. "Pero okay ka lang ba?"
She then raised her head and looked at me apologetically. "Sorry talaga," nahihiyang sambit niya. "At oo, ayos lang ako."
Alam kong nagsisinungaling siya ngunit tumango na lamang ako pagkatapos ay nahihiya siyang nagpatuloy sa paglalakad.
Nang lumingon ako kay Janice ay natagpuan ko siyang nakapamewang.
"Alam mo, ikaw? Sobrang bait mo talaga, e, no? Sana hindi ka mapahamak sa pagiging ganyan mo sa susunod. Oh, anong gagawin mo diyan?" tanong niya sabay turo sa parte ng aking damit na may mantsa.
Yumuko ako at tiningnan ito sa aking bandang tiyan at nakitang kasing laki ito ng dalawang pinagsamang palad. Bumuntong hininga ako. Ano pa nga ba? Eh, di lilinisin sa C.R.
Inayos ko ang pagkakabit ng bag sa aking balikat at nagkibit-balikat.
"Nangyari na, e. Anong magagawa ko? Eh, di syempre lilinisin."
Biglang umalingawngaw ang tunog ng bell sa hallway kaya ay biglang nagsitungo ang mga estudyante sa kanilang mga silid. Ako naman ay nagpaalam kay Janice na pupunta lang ng C.R para basahin at punasan ang aking damit kung makakayang matanggal ng tubig ito.
"Mauna ka na. Okay lang ako. Alam ko naman kung nasaan ang C.R, e," pagkumbinsi ko sa kaniya.
Gusto niya kasi akong samahan yun nga lang ay tumunog na ang bell at ayokong kaming dalawa ang late mamaya sa klase. At saka madali lang din naman ako. Susubukan ko lang namang linisin itong damit ko at kung hindi talaga matanggal ang mantsa ay ayos lang.
"Sige na," tulak ko.
Bumuntong hininga siya dahil wala na siyang ibang magawa. Tumungo na lamang siya sa aming silid. Ako naman ay dumaan muna ng banyo.
Nang makapasok ako ay agad akong pumunta sa lababo. Buti na lamang at walang tao, lalo na ang mga bully na aking iniiwasan. Sa likod ng building kasi ang tambayan nila. Oo, alam ko. Dahil minsan na nila akong dinala roon upang takutin. Buti na lang at alam ko ang mga pasikot-sikot doon at nakatakas ako. Kahit masikip ang bawat dadaanan ay sinubukan ko paring ipagkasya ang aking sarili. May sulok kasi doong maliit lang ang bukas na mga tulad kong payat lang ang kasya. Dahil malalaki ang katawan nila ay hindi na nila ako nahabol pa. Kahit subukan pa man nila siguradong mabibigo lang sila.
Binasa ko ng tubig ang aking kamay at pagkatapos ay pinunasan ko ang maduming parte ng aking damit. Nakailang kuskos na ako ngunit konti lamang ang natanggal na mantsa. Lumabo nga ang pagiging brown ngunit hindi naman tuluyang napawi talaga.
Nako, paniguradong papagalitan ako ni Mama nito. Ang tagal kasing matanggal. Napabuntong hininga na lamang ako.
It's okay, ako na lang ang maglalaba nito. Konting bleach ay paniguradong mawawala na ito. Well, not totally. Atleast mabawasan man lang.
Kalagitnaan sa aking ginagawa ay bumukas ang pinto ng C.R at narinig kong may pumasok. Base sa yabag ng kaniyang paa ay nag-iisa lamang siya. Hindi ako lumingon dahil nagmamadali akong matapos itong aking ginagawa para makapasok agad ako sa klase. I hope sinabi ni Janice ang nangyari at i-consider akong hindi late. At saka paniguradong hindi iyon ang grupo ni Samuel dahil alam kong palagi silang magkasabay. Ni minsan ay hindi ko sila nakitang magkahiwalay na naglalakad. Kaya no worries. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa para matapos na 'to.
Si Mrs. Via pa naman ang aming guro. Nakakatakot siya lalo na ang kaniyang matalim na tingin. Noong mga nakaraang araw nga ay pinagalitan niya si Kiko sa loob ng klase. Ayaw kong mapagalitan ng ganoon. Nakakahiya! Lalo na sa mga mapanghusga naming kaklase.
May naramdaman akong presensya sa aking likuran ngunit hinayaan ko na lamang iyon dahil baka dumaan lang sa likuran ko. Ngunit nang hindi umalis ang kung sino man ay humarap na ako.
Nanlobo ang aking mata nang makita kung sino ito. Si Kairo. Seryosong nakatitig sa akin.
"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal kong tanong dahil sa gulat.
Nalanghap ko ang panlalaking pabango niya kaya hindi ko maiwasang huminga ng malalim nang manatili sa aking pandama ang kaniyang nakakaadik na amoy. Kung tatanungin ako kung ako ba ay magsasawa sa kaniyang amoy, nasisigurado kong ang makukuha mong sagot ay hindi. Hinding-hindi.
"Hindi ka ba talaga natuto? Hindi ba at muntik ka nang masaktan ng mga gagong yun noon? Gusto mo atang sinasaktan ka nila, e," mahina ngunit may diin niyang sambit. Sina Samuel ang tinutukoy niya.
Mas lalo lamang siyang naging attractive nang lumutang ang ugat sa kaniyang sintido. Mapapansin ang pagkainis sa kaniyang mukha dahil sa nakakunot niyang kilay.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Biglang nagbago ang timpla ng kaniyang mukha. Walang mababakas na presensya ng kahit na anong emosyon ang makikita rito.
Aatras na sana ako subalit nakadikit na pala ako sa malamig na tiles ng lababo. Nilagay ko ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib upang itulak siya ngunit hinawakan niya ang mga iyon ng mahigpit.
I was remained immobile, staring in his beautiful irises, it was hypnotizing.
Lalo lang akong nawalan ng lakas nang illapat niya ang aming labi. Napasinghap ako na para bang unang beses ito mangyari. Ang ang aking dibdib ay parang lalabas na sa aking katawan dahil sa bilis nang pagpintig nito.
Ikalawang pagkakataon na itong mangyari ang mahalikan ako ni Kairo. Kung sa ika-tatlo ay siguradong hindi ko na kakayanin. Siguradong sasabog na aking dibdib sa pagkakataong iyon.
Gusto ko siyang itulak papalayo ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.
Dahil sa paggalaw at bawat kibot ng kaniyang bibig ay nakalimutan ko na ang mantsa sa aking damit. Nakalimutan ko na kung bakit ako narito. Nakalimutan ko nang kanina pa pala tumunog ang bell at nakalimutan ko nang masiyado na pala akong late. Kaya matalim na mga mata ni Mrs. Via ang sumalubong sa amin nang pumasok kami ng room.
"What time is it?" tanong niya sa amin.
Walang ni isa sa amin ang nagsalita.
Pareho kaming nakatayo ni Kairo sa pinto. Iniiwas ko ang aking mga mata sa harap at yumuko na lamang dahil alam kong lahat ng mga kaklase namin ay sa amin nakatingin.
Ngunit kabaliktaran ang ginagawa ni Kairo. Taas noo siyang nakipagtitigan kay Mrs. Via na parang hindi natatakot.
"How about you Mr. Alvaréz? Where have you been?"
Wala paring imik si Kairo. Hindi sinasagot ang katanongan ni Mrs. Via.
Gusto ko siyang sikuhin nang matauhan ngunit hindi ko ginawa baka lalo lang magalit si Mrs. Via sa amin.
"Do you think it's okay for you to come late in my class? Well, for your information I don't allow any student to be late in my class without any valid reason," matalim na sambit niya.
Bumaling siya sa akin kaya agad kong nilihis ang aking tingin sa sahig. I can't stand her penetrating gaze. It feels like she wanted to enter my body and insnare my soul.
"What about you Mr. Fernandez? I know na pumunta ka pa ng C.R ngunit bakit parang doon ka na titira sa sobrang tagal mo roon?"
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng room. Alam ko ang mga iniisip ng aking kaklase. Ni minsan ay hindi pa nila ako nakitang napagalitan ng kahit na sinong guro maliban sa ngayon.
"Go to your seat and if this happen again, I won't think twice to send you two in detention," babala niya. Nakahinga ako ng maluwag nang malapat ko ang aking puwetan sa upuan. Buti at hindi kami masiyadong pinagalitan gaya ng kay Kiko noon.
We continued our class. Sa loob ng isang oras ay ang mga tingin ni Janice na may ibig sabihin ang bumabagabag sa akin.
Hindi naman siya umiimik ngunit ang kaniyang mga tingin sa tuwing magtagpo ang aming mata ang siyang ingay na nagpapabingi sa aking payapang isipan.
Tingin niya pa lang kasi ay malalakas na katanungan na agad ang aking nababasa. Buti na lang at natigil ito nang magkaroon kami ng small quiz sa Filipino, kay Mrs. Cruz. Madali lang naman kaya sinubukan kong ituon ang buong atensyon ko sa aking ginagawa kaya saglit na nawala ang pansin ko sa kaninang tingin ni Janice.