Chapter 30

1856 Words
As what I'm expecting. Lahat ng madadaanan ko ay nasa akin ang tingin. Kanina pa simula nang makalabas ako ng sasakyan ni Janice. Unang araw ko ngayon na makabalik ako sa eskwela kaya ayokong masira ang araw ko sa mga tingin na ipinukol nila sa akin. What's weird about it was that they are giving me this obnoxious sympathy look. Ayaw na ayaw kong makita ito kanino man. Naaawa na nga ako sa sarili ko, dadagdagan pa nila. Utang na loob naman, ngumiti sila. Buti na lang at may ibang ngumingiti rin. Everyone still don't know about me and Kairo. Bago sila kinaladkad ng pulis palabas ng school ay nangako silang hindi nila sasabihin nino man ang kanilang nalalaman, lalo na si Nicole ayon kay Kairo kagabi nang sabihin niya sa akin. Binati ako ng ilan na nakakakita sa akin, which is new. Hindi ako sanay sa mga ganito. Sana ay huhupa ito kinabukasan. Hanggang sa makarating ng classroom ay kung anong nakikita ko kanina sa labas yun din ang nakikita ko ngayon. Even Ms. Via gives her slightest smile. The coldest and scariest teacher I've ever known. "Welcome back, Jasper," she said in her usual cool voice. "Thank you, Ms," matipid kong sagot. She started the class and it didn't sink in at first that they're all ahead of me in our lesson until Ms. Via started her lesson. Hindi ko alam kung tuluyan nga akong gumaling na sa head injury ko dahil parang naramdaman kung bumabalik ang sakit nang isipin kong malayo na ang mga nalalaman ng mga kaklase kaysa sa akin. And to think that we have nine subject was imponderable to imagine. This was out of my imagination. Kanina lang ay excited akong makabalik dito sa skwela, ngayon parang pinagsisihan ko na ata kung ba't ako atat na atat makabalik. Hiningi ko kina Janice at Kairo noon ang notes nila ngunit ayaw nilang ibigay, saka na raw kung magaling na ako. Ngayon, ano nang gagawin ko? Pagkatapos ng klase ay dumeretso agad ako sa library. Ayos lang na hindi makapagrecess. Buti at sinamahan ako ni Kairo dito sa library. Si Janice ay nasa kanilang club ulit kahit recess. Well, I think we're all busy at this moment. Habang papunta kami parehong tingin parin ang natatanggap ko sa mga madaanan. Haven't they noticed in my face that I don't like what they're doing? Mukhang napansin ata ni Kairo. "Don't mind them," bulong niya sa akin. I don't know but I noticed these past weeks that my temper easily rise at bababa rin naman agad. Ito ba ang bunga ng paghampas ng bat sa ulo ko? Magkaroon ng mood swings? I don't like it. Nang makapasok kami ay agad naming okupahin ang bakanteng mesa sa gilid ng bintana. I took the seat facing the window. This way makikita ang soccer field. Kumuha si Kairo ng librong maari naming gamitin. Sumunod siya rito para samahan at tulungan ako sa mga hindi ko pa natutunan noong mga nakaraang leksyon. Mukhang minamaliit ko ata ang kakayahan ni Kairo noon, hindi ko alam na magaling pala siya sa bawat subject. Nang makabalik siya sa mesa ay parang hihimatayin ako sa librong dala niya. He put the books in the cart that the library provide. Ang daming libro ang naroon and to think na chemistry pa lang ang pag-aaralan namin ngayon, ha. Hindi ko pa nabubuksan ang isang libro parang aayaw na ako. May exam pa ako next week dahil hindi ako naka-take noong nakaraang taon bago ang christmas break dahil nasa hospital nga ako. Kalagitnaan sa pagtuturo ni Kairo sa akin ay may isang babaeng lumapit sa amin. Ang kaniyang kamay ay nakatago sa likod. She's wearing glasses. Her hair was straight and long and under that shirt I know she's hiding a perfect slim body. She got this pouty lips and fine flushed cheeks. She's an exact example of a model. Lalo na at matangkad siya. Base sa kaniyang suot na P.E uniform ay nasa grade 11 ang baitang niya. Una siyang tumingin sa akin at ngumiti. She then looked at Kairo's way. Mas tumagal ang tingin niya rito. Mapapansin ding parang kinakabahan siya dahil kagat-kagat niya ang kaniyang labi. "U-uhm.. Hi Kairo. May ibibigay pala ako," nauutal niyang sambit. Ako ay nakatingin lang sa babae. Ibinaba ni Kairo ang hawak na libro at itinuon ang atensiyon sa babae. "What is it?" his voice was something neither cold nor friendly. Biglang nilabas ng babae ang kamay niyang nakatago sa kaniyang likuran at inalay kay Kairo ang isang disposable na baunan. Hindi ko alam kung anong laman. Kaya pala nasa likod ang kamay niya nang lumapit siya sa mesa namin. "Thanks..." he trailed off. He's looking my way and back to the girl. Hindi niya alam ang gagawin kung kukunin ba niya. I don't know what he's thinking right now. Para sa akin ay ayos lang namang tanggapin niya. I surreptitiously nod my head to him. Dahil kanina pa nakaalok ang kamay ng babae. Agad niyang nakuha ang nais kong ipabatid kaya tinanggap niya ito. Mukhang nakahinga ng maayos ang babae nang kinuha ito ni Kairo sa kaniya. "What's your name?" mahinahong tanong ni Kairo. "Sheena," malambot na sambit niya. Hindi parin nawawala ang kaba sa kaniya. It's pretty palpable because she was constantly fidgeting. Hawak na niya ang kaniyang damit, hindi mapakali. "Thank you, Sheena," Kairo said with a hint of smile on his lips. "W-welcome." Matapos niyang sabihin iyon ay hindi niya alam ang gagawin. Parang nagtatalo ang kaniyang isipan kung aalis ba siya o mananatili. Pareho lang kaming nakatingin ni Kairo sa kaniya. But at the end, she decided to leave. With a sweetest smile she can muster, wave Kairo goodbye and walk away. Iginilid ni Kairo ang binigay ng babae at kinuha muli ang kaninang hawak na libro. "Where did we stop? Oh, yeah. Acid rain occurs when sulfur dioxide reacts with oxygen and water in the air to form sulfuric acid," pagpapatuloy ni Kairo na para bang walang nangyari. Parang wala nang pumapasok sa aking isip dahil sa nasaksihan. Kairo's acting like it's nothing or maybe he's just containing to show emotion dahil nag-iingat siya sa nararamdaman ko. Kung ano man yun ay wala akong pakialam. Alam kong inamin ko kanina na ayos lang na tanggapin ni Kairo iyon pero nang makita ko ang kanilang interseksiyon ay may kakaiba akong nararamdaman. Ang perfect nilang tignan. A perfect pair public wanted to see. Obvious din kasing may gusto ito kay Kairo. Am I insecure because I'm not a girl? No! Am I jealous because she bothered to give Kairo something while I didn't. Maybe. Sa daming pagkakataon na pwede kong bigyan ng kahit na ano si Kairo ay wala man lang akong naibigay sa kaniya. We didn't have any s****l relations since the day he jerk me off in his room. Aside from that, wala na akong maalalang may ginawa kami maliban sa halik. I'm scared. What if magsawa si Kairo sakin dahil hindi ko naiibigay ang mga pangangailangan niya bilang lalaki? Pareho kaming lalaki at inaamin kong may pangangailangan din ako at naiintindihan ko kung maghahanap siya ng iba para ma-fullfil ang pangangailangang iyon. Should I make a move? Or something. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan sa kaniya. Kasi kahit sa halik ay siya ang nagfi-first move sa aming dalawa. What if one day I insist to have s****l relationship with him and he declined. Mapapahiya ako nun. I want it his way. Sa paraang yun ay hindi ko na kailangan mag-overthink. Pero paano kung naghihintay rin siyang ako ang gagawa dahil nahihiya siya? Kiss is so simple to start with. You just need to look your partner in the eye and then boom! Let your feelings control you. Ganoon rin ba sa s*x? I don't know. I dont want to think about it. Sumasakit ang ulo ko. "You okay?" nag-aalalang tanong niya. Napansin niyang nakahawak ako sa aking sintido. Tumingin ako sa kaniya. And I saw the worried look on his face. Ngumiti ako para ipakita sa kaniyang ayos lang. "Oo naman," sambit ko. "Anong laman niyan?" I tried to divert his attention and it works. Kinuha niya ang itinabing baunan at kinuha sa kinalalagyang cellophane. Nang nailabas na niya ay namangha ako sa nakita. It's a chocolate muffin. Didn't I tell you before that it's Kiaro's favorite? Well, it is. Minsan kapag dumadaan kami sa bakery ay humihinto agad siya para bumili ng paborito. Naiinggit ako dahil hindi ako marunong gumawa niyan. Sigurado namang hindi ako makakagawa dahil wala kaming gamit para diyan. Hindi ko maiwasang pababain ang sarili. I'm the boyfriend, pero nakakakuha si Kairo ng mga paborito niya sa ibang tao. And to think, na alam ng babaeng iyon ang paborito ni Kairo kahit hindi naman sila kaano-ano o nag-uusap. Well, I think it's time to overthink again. "Chocolate Muffin? Wow," manghang sambit ni Kairo. He didn't notice my uneasiness. Yes, of course, cause I didn't tell him. Binuksan niya ito at aktong bubuksan na sana ngunit naalalang nasa loob siya ng library, bawal kumain. Hindi mawala sa isip ko ang nangyaring iyon kahit na nasa loob na kami ng klase. Ilang ulit na akong tumitingin sa aking orasan, nababagot. Huling klase na'to at lunch na. Ba't ang tagal ata ng oras kung tumakbo. And for the hundredth times, I glance to the tickling watch on my wrist. 10 minutes to go. I grab my notebook and scribble something to waste the time. Wala rin namang pumapasok sa isip ko kaya ba't pa ako makikinig? Kanina ko pa ramdam na parang may tumitingin sa akin ngunit hindi ko iyon pinapansin. Naka-focus lang ako sa mga linyang ginuguhit ko sa aking kuwaderno. Hindi ko matiis kung sino ang tumitingin sa akin kaya tumingin ako sa aking likuran at hindi sinasadyang kay Kairo ay ako napatingin. He's the one looking at me. He bore his gaze on me like he wanted to invade my being. Like he wanted to capture my soul. Umiwas ako dahil hindi ko kayang titigan siya ng matagal. I don't know what's with his stare. If feels like there's something I saw. Nevermind. Tumunog ang bell na siyang pinakahihintay ko. Nagtatakang tumingin si Janice sa akin nang makalabas ang aming guro. Agad ko kasing nilagay sa loob ng bag ang notebook at biglang tumayo. "Atat na ata ka ata lumabas? Sa rooftop ba ulit kayo kakain ni Kairo?" The moment she mentioned the word rooftop my mood suddenly change. Parang napansin niya ang pagbabago sa timpla ng mukha ko. Dahil napatakip siya sa kaniyang bunganga l. "Hindi, sa canteen tayo kakain," sagot ko na hindi nakatingin sa kaniya. "Uhmm.. hindi kasi ako makakasabay kasi may gagawin pa kami sa club," nag-aalangang sambit niya. "It's alright. Sa canteen ako kakain. Wala narin namang mananakit sa'kin dito. See you." Agad akong lumabas na hindi tumitingin kay Janice. I don't know what's with me. When I heard her say rooftop it suddenly makes me feel something inside. It trigger something inside me. I just can't pinpoint what exactly it is. Whatever it is, I don't want to know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD