Chapter 31

1786 Words
Tahimik akong umupo malapit sa bintana, katumbas na katahimikan na aking ginawa ay ang ingay na maririnig sa paligid. Hindi ko alam ba't sobrang ingay ng cafeteria ngayon. O baka ngayon ko lang napansin na ganito pala ito kagulo. Baka nga. I wasn't a fan of noice to be honest but I don't have any choice but to stay here. Wala akong mapupuntahang ibang lugar para kumain. Hindi na ako hinabol ni Janice nang lumabas ako ng classroom. She's that busy, huh? Ngayon ko lang din napagtanto ang ginawa ko sa kaniya. Hindi makatarungan. It wasn't her fault if she accidentally spit it out. Hindi niya naman sinasadya, ako lang talaga itong masyadong sensitive. It wasn't the usual me. Alam ko yun. Pero parang may kagagawan din ang gamot na iniinom ko palagi na binibigay ng doktor. My temper rises in an unexpected moment. Iniwan ko ang bag sa mesa at pumunta sa mahabang pila para makakuha ng pagkain. I am not a fan of this either, ang maghintay at tumayo ng ilang minuto sa linya. Bakit kasi dalawa lang ang linyang narito? Pwede naman sigurong tatlo o apat, hindi ba? I don't understand. Ang pila na kinatatayuan ko ay umuusad nang kaunti at ang sa kabila ay hindi. Despite of my situation, may mabuti rin palang nangyayari. Sa pag-usad ng aming pila, hindi ko namalayan na nakatapat ko ang isang babae na kinaiinggitan ko kanina lang. Well, maybe kinaiinggitan is not the right word. The girl that spark interest on me to practice making muffin. Did I sound insecure? Yeah, maybe. She's beautiful. Hindi ko maipagkakaila iyon. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Desente siya tingnan sa suot niyang uniform. Ibang-iba sa kaninang suot na P.E uniform. The feeling that I felt in the library emerged back to the surface. Hindi ko alam ba't nakakaramdam ako ng kakaiba kapag maaalala ko ang babaeng ito, lalo na ngayon na nakikita ko siya. She didn't even did anything wrong. Napalingon siya sa gawi ko at nahuli niyang nakatingin ako sa kaniya. She give me a slight smile. Mukhang hindi niya ako nakikilala. Ganon na ba ako ka invisible kapag nasa tabi ako ni Kairo, hindi ako mapapansin o makikita nino man. I didn't know that Kairo's this far-famed na kahit sinong katabi niya ay hindi mapapansin, kahit na boyfriend niya pa ito. Halos mapahalakhak ako sa naiisip. Wala ngang nakakaalam dito sa school maliban kay Janice na kami ni Kairo. At maliban doon sa mga taong nanakit sa'kin. Tumango ako sa babaeng ngumiti sa akin. If I remember it right, her name is Sheena. Yeah, Sheena. Dahil parang bumibilis ang pag-usad ng pila namin ay naiwan ko siya kung saan siya nakatayo. Nang makuha ang in-order ay agad akong bumalik sa mesa. Kairo was already in their usual seat. Their table was boisterous contrary to mine. Hinayaan ko na lamang kahit gustong-gusto ko nang umalis dito. Nakita ko siyang tumingin sa gawi ko. He looked to the empty seat in front of me. At alam ko na agad kung sino ang hinahanap niya. I can see through his eyes that he wanted to accompany me but I can also see he rather stay where he is than to risk his peaceful closet. It's alright. I don't mind. Natatakot siyang mapag-usapan kapag pupunta siya sa akin. I understand where he came from. Ayaw niyang malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa kasarian niya kaya mas gusto niyang lumayo sa akin. Oh, hindi naman masakit. I mentally laugh. Damn, I need to stop. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy na kumain. I don't know any place where I can eat. Kung may alam lang ako, kanina ko pa nilisan ang lugar na ito. Kung sa likod ng senior high building ay sobrang layo naman niyon. Tambayan din ng ibang mga lalaki at nangangamoy mapanghi. Nakapunta na ako doon nang minsang nadaanan ko ito dahil sa pagtakas ko sa mga bully. I don't want to recall it. It's already in the past. I started eating without minding the obnoxious surrounding. Halfway through my food, too invested on chomping the content in my mouth, someone speak beside me that frightened the hell out me. Can somebody stop doing this? "Hi, pwedeng umupo," rinig kong sambit niya. Nahihiya ito at pamilyar ang kaniyang boses kaya nang lingunin ko ay hindi na ako nagulat na makita si Liam. Nakatungo ang kaniyang ulo na nakatingin sa sahig. Namumula rin ang kaniyang tainga at pisngi. "Oo naman," sagot ko. Though, nagulat ako. I'm glad he approached me dahil nakakabagot mag-isa rito. I may be want peace but being with someone is not bad. Tahimik din naman siya kaya ayos lang. He took the seat in front of me and I noticed his new haircut. Bagay sa kaniya. Lumalabas ang kagwapuhan niya. Kung alam niya lang dalhin ang sarili at hindi mahiyain siguradong maraming maghahabol sa kaniyang babae. Though, wala namang masama sa pagiging mahiyain. "You look good," matapat kong sinabi. Mas lalong nadagdagan ang pula sa kaniyang pisngi. "T-thanks," nauutal niyang tugon. Kahit magkaklase kami nito ay matagal ko rin siyang hindi nakasalamuha kahit pa noong nakaraang taon. At ngayong matagal ako bago nakabalik, buti at nakasalamuha ko siya. He's a good guy. "How are you, Liam?" I wanted to keep the conversation going. Alam kong mahiyain siyang tao at hindi masyadong nagsasalita pero hindi iyon naging dahilan para tumigil akong magtanong. I'm bored. Ano ba! "Ayos naman ako," mahinang sambit niya. Lumunok muna siya bago nag-salita ulit. "Ikaw? Kumusta ka na?" I know what he's asking. Hindi ito tungkol sa kalagayan ko ngayon. It's about after the incident. I can see how genuine his question was. Kaya napangiti ako. I guess, this is the first time a real smile appeared in my face this day. I don't want to count it yet cause the day isn't over but I can't help it. "Okay ako, Liam. Thanks for asking," nakangiting sagot ko. Tumango siya at may multo ng ngiti ang nakita ko sa kaniyang labi bago ito nawala. Ipinagpatuloy namin ang aming pagkain. I silently devoured my food. Biglang naghiyawan ang mesa kung saan nakaupo si Kairo. Agad akong napatingin sa gawi nila para malaman kung ano ang nangyayari. Sana pala ay hindi ko na ginawa dahil nakita ko ang babae sa library na namumula ang mukha na nasa tabi ni Kairo. What is she doing there? At bakit hinahayaan lang ni Kairo na tumabi sa kaniya. Sabihin na nating bilang kaibigan lang ngunit hindi niya ba napapansin ang ginagawa ng mga kaibigan? They're shipping them together. Their loud tease is hard to ignore. Nagkakantiyawan ang mga kaibigang lalaki ni Kairo na mas lalo lang nagdagdag sa kulay ng mukha ni Sheena. Kairo was just silently eating like he's not aware of his surrounding ngunit hindi iyon nakapagpagaan ng loob ko. He's acting like it's nothing and that lit a fire inside me. Bakit hinahayaan niya lamang itong mangyari? Pwede naman niyang ipatigil ang ginagawa ng kaibigan niya at paalisin ang babae. Ngayon ay lahat nang atensyon ng mga tao ay nasa kanila. Nanonood. Ang iba ay nakisabay pa sa kantiyaw. Liam noticed my fury. Kaya nang tumingin ako sa kaniya para magpaalam na aalis na ay tumango lamang siya at yumuko para ipagpatuloy ang pagkain. I drastically grab my bag and strode towards the commotion. Nothing could contain my rage over this scene. "Kairo! Kairo! Kairo!" They're now chanting Kairo's name na mas lalong nagdagdag sa inis ko. Malapit na sana ako sa mesa nila nang may humatak sa aking braso at hinila ako palabas ng canteen. Sinubukan kong kumawala ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng sino mang humila sa akin. Hindi ko alam kung sino ang gumawa niyon dahil nanlalabo ang paningin ko sa galit. "Bitawan mo ako," marahas na sigaw ko nang makalabas na kami ng tuluyan. Humarap sa akin ang humatak sa akin palabas at namumulang mukha ni Janice ang sumalubong sa akin. "Why the hell did you do that?" I demanded. Naiinis ako sa ginawa niya. Kung sana hindi niya ako pinigilan ay nasaktan ko na ang babaeng iyon. Ang kapal ng mukha! "Are you out of your mind? Susugod ka ng ganoon?" galit na sigaw niya. Napansin kong nandito kami sa likod ng canteen at walang kahit na sino ang pumunta rito, tagong parte rin kasi. "Oo, nang malaman ng babaeng yun at ng mga kaibigan ni Kairo na pag-aari ko siya! Na ako ang boyfriend niya!" sigaw ko. Galit na rin ang aking boses. "Ahh talaga? Para ano? Pagsusuntukin ang mga kaibigan niya? Sasabunutan ang babaeng iyon? Hindi ka ba nag-iisip? Kung gagawin mo yun ano sa tingin mo ang iisipin ng ibang tao? Binibigyan mo ng dahilan na pag-usapan kayo ng mga estudyante rito at para mo na ring isiniwalat sa buong school na may relasyon kayo. Hindi mo ba naalala na sekreto muna ang meron kayo hanggang sa grumaduate? Dahil ayaw ni Kairo na malaman ng magulang niya ang kaniyang kasarian baka ipatigil siya sa pag-aaral, lalo na at ilang buwan na lang makapagtapos na tayo ng senior high. Sisirain mo ba ang kinabukasan niya, Jasper?" Natahimik ako matapos niyang magsalita. I can't find my voice. I have so many things to say but all I did was bite my lips and... cry? Hinawakan ko ang aking pisngi at nalamang basa nga. Umiiyak ako. How am I that sensitive over small things? Hindi nga pinapansin ni Kairo ang babae, bakit ako ganito kung umaasta? Why shouldn't I be grateful that Kairo was ignoring her? At susugod ako? Like what? Makakaya ko ba ang mga kaibigan niya? Ano namang sasabihin ko? Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang na mayroon ako kani-kanina lang. Lumambot ang mukha ni Janice at bigla niya akong niyakap nang mahigpit. What is happening? Why am I being like this? At si Janice? Bakit ako nakikipagtalo sa kaniya? Wala akong maalalang nag-away kami ni Janice ng ganito. Iyong umabot sa sigawan. Nagkatampuhan, oo, pero iyong ganito? Hindi pa, maliban ngayon. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at napahagulgol na lang. "I'm so sorry, Janice," bulong ko sa kaniya. Marahan niyang hinaplos ang aking likuran. "It's okay. It's okay. Everything will be okay," rinig kong sambit niya ng paulit-ulit. I hope so. Sana ay magiging okay rin ang lahat. Paanong ang pagbigay ng isang babae kay Kairo ng muffin ay biglang napunta sa ganito? Hindi naman ako ganoon kaseloso noong nandito pa si Nicole. Pero bakit kakaiba ang nararamdaman ko ngayon? "Talk to him, Jasper. Wag mong sarilihin ito. Sabihin mo sa kaniya ang nararamdaman mo. Sort this thing out with him. Hindi yung ganito," rinig kong bulong ni Janice sa akin.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD