“KAYLA!” Lumingon ako sa tumawag.
“O Marie, bakit?” Huminto ako sa paglakad at humarap dito. Isa ito sa mga boarders na kababalik lang galing sembreak.
“May group study kami ng mga classmates ko tonight kaya gagabihin ako sa pag-uwi. Pwede bang pagbuksan mo ako ng pinto?”
“Oo naman, i-text mo lang ako.”
“Salamat Kayla, you are the best.” She smiled.
“Bola.” Balik ngiti ko.
“Uy, alam mo bang nagkabalikan na sina Julian at Laila? Sayang, akala ko ay pwede na akong magpapapansin kay Julian kapag nag-break sila pero talagang mahal talaga ni Julian si Laila. Ang suwerte talaga ng babaeng iyon.” Kumindat ito.
Kahit pabiro ang pagkakasabi nito ng mga katagang iyon ay alam kong isa si Marie sa mga babaeng naghahangad na mapansin din ng isang Julian Samonte, katulad ko na hanggang tingin lang din ang kayang gawin.
“Anyway, text kita tonight kapag pabalik na ako ha?”
“Sure.”
“Salamat.” I watched as she ran to her classroom. We all belonged to the same department but with different majors.
Julian and Laila were famous for being a lovely couple in our department. Kaya kahit kaliit-liitang issue na mayroon sila ay magiging gossip na inaaabangan ng mga interesado sa kanila, maging ako subalit hindi nila alam iyon. Hindi nila maiisip na ang isang tulad ko na manang kung manamit at may salamin sa mga mata ay interesado rin sa kanila.
They looked at me as just a mere caretaker kahit nasa school ground na ako. Maging sa classroom ay ganoon din kung tratuhin nila ako. They make me feel lower than them even though they don’t say anything. They were probably thinking I was that stupid.
I did not really care what they see me as. I came here to finish school and get my diploma. What mattered to me is that I graduate and get a job to support myself and give back what my parents have sacrificed for me. College is a steppingstone to get ahead in life and so taking care of what’s most important to get there is what I must focus on.
“EXCUSE me, Miss?” tawag ng boses lalaki sa aking likuran.
I looked around to see Julian standing behind me with a smile on his handsome face, wearing his basketball jersey.
“Ano iyon?” I’m good at hiding my emotion, and right now I’m happy to have him right in front of me and seeing his sweet smile was a bonus.
“Hindi ba ikaw ‘yong caretaker ng girls’ dormitory?”
“Ako nga, may kailangan ka?”
“A, kasi hindi ko masasabayan ng uwi si Laila kaya kung pwede sana kung okey lang na pakiabot naman ito sa kanya?” Saka iniabot ang isang box of chocolates with a small, cute teddy bear with it.
I felt a little jealousy and wished he would do the same for me. Ipinilig ko ang ulo, stop dreaming Kayla!
“Sige, akina.” Kinuha ko ang mga iyon at hindi inaasahang magkakahawakan kami ng mga kamay.
Mabilis kong hinablot ang sariling palad dahil sa mainit na daloy ng kuryenteng dulot ng init mula sa mga kamay niya kaya nahulog sa lupa ‘yong teddy bear at chocolates. Mabilis niya iyong dinampot saka mataman akong tinitigan.
“I-I’m sorry, hindi ko sinasadya.” Kinakabahan kong sabi. Kinalma ko ang sarili at muling inilahad ang aking mga kamay para kunin ulit ang mga iyon.
“No, it’s alright, sorry din sa abala. Hindi bale na, ako na lang ang pupunta roon at mag-aabot mismo sa kanya. Salamat na lang. Sige.” And then he ran off without looking back.
I bet you don’t even know my name, ipinilig ko ang ulo sa sumbat ng sariling isip. This is not the time to waste my time in things I don’t get results I can benefit from. Stop your foolishness, Kayla. Loving him in silence is enough, there is no way in this world he’ll notice you, I scolded myself.
MALAKAS ang buhos ng ulan at dahil wala akong dalang payong, patakbo-takbo ako habang pasilong-silong sa pwedeng masisilungan na nilisan ang library papunta sa exit gate. It was Friday night, and I was supposed to be at the dorm by now pero nag-review pa kasi ako sa library para sa nalalapit naming final exam sa Monday.
I was on my way to the dorm when I felt dizzy all of the sudden. Nakaramdam din ako ng pangingirot ng aking puson. Mabilis akong lumakad para makarating na agad sa dorm at nang makainom ng gamot.
My period was finally coming after three months of delay. Irregular kasi ako datnan pero ito ang pinakamatagal na hindi ako dinatnan. May nakaabang sa gate ng dorm ng makarating ako roon. Matamis na ngumiti si Julian nang makalapit na ako.
“Hi! I’ve been waiting for you.” Masigla niyang bati.
“B-bakit?” Gusto kong matuwa na nandito siya at nakangiti sa akin subalit lalong kumikirot ang hapding nararamdaman ko sa aking puson. Napahawak tuloy ako roon.
“Laila told me to wait for her down here and I needed permission from you to get in. Okay ka lang?” Pansin niya pagkatapos.
“Y-yeah. Sige, pasok ka na,” sabi ko pagkatapos buksan ang gate.
Nauna akong pumasok at sumunod siya. Nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang aking balikat kaya nilingon ko siya dahil sa pagtataka.
“You are bleeding!” May pag-aalala sa mukha nito habang ang mga mata ay nakapako sa aking legs.
Umaagos ang dugo sa mga hita ako. Natilihan ako. This was not an ordinary period. I have never had a heavy gush of blood during my period. Kinabahan ako. Bumigay na ang mga tuhod kong kanina pa nanginginig. Napaupo ako sa lupa at napa-aray sa sakit na nararamdaman.
“Miss, anong masakit? Anong nangyayari? Anong gagawin ko? Do I need to bring you to the clinic?” natatarantang dinaluhan niya ako at sinapo ang aking katawan.
“O-ospital…dalhin mo ako sa ospital.” Nanlalabo na ang aking paningin sa sobrang hilo.
Mabilis niya akong binuhat at dinala sa kanyang sasakyan. May malapit na ospital sa aming dorm at doon niya ako dinala. Parang alam ang pupuntahan na buhat-buhat niya akong ipinasok at inilapag sa stretcher. Sinalubong kami ng ilang nurses at doctor na babae.
“MOM! She is bleeding profusely, please help her!” I could hear his worried voice. Kahit nakapikit ang aking mga mata, naririnig ko pa rin ang nangyayari sa aking paligid.
“Julian, she will be fine. Just wait here, ok? Ipapasok namin siya sa emergency room so just wait outside the room,” tinig ng doktora.
“O-okay. Please help her.” Narinig ko pang pahabol ni Julian habang ipinapasok ako sa emergency before I blacked out.
NAGISING akong may mga nakakabit sa aking braso na dextrose at isa na hindi ko alam kung para saan. Julian was sitting on the couch by the bed looking at his phone, may ka-text siguro. Bumukas ang pinto at pumasok ‘yong doktora na umasikaso sa akin. Tumayo si Julian at sinalubong ito.
“Hi Mom, how is she?” Julian asked but instead, matalim na tingin ang ibinigay ng doktora sa kanya.
“Julian, I told you na mag-iingat ka. What is the use of contraceptives kung hindi naman ninyo alam gamitin? And what is this, she almost lost the baby!” mahina subalit matigas na sabi ng doktora.
Para akong dinagukan sa aking sikmura. Nangatal ang aking katawan. Para akong mawawalan ng ulirat. Buntis ako? No, hindi pwede! Hindi totoo. Hindi pa tama. Hindi dapat! HINDI! Sigaw ng aking isipan, halos magwala.
“Mom, what are you talking about?” Nasa mukha ni Julian ang pagtataka.
“She is pregnant, Julian! And now what?”
Tumawa si Julian nang makuha ang ibig sabihin ng kanyang ina. Tumingin si Julian sa akin bago muling ibinaling sa ina.
“Mom, it’s not mine, don’t worry. She’s not even my girlfriend so why would I touch her? I’m just helping her out. I was there when she started bleeding and as a good person, I did what I thought was right, to have her brought here.” Nilapitan pa niya ang ina saka niyakap.
I was hurting all over, especially my heart. Paano ko ipagsisigawang sa kanya ang dinadala ko, na may nangyari sa amin subalit hindi nito matandaan dahil sa kanyang kalasingan?
Natatakot ako lalo na sa magiging resulta ng pagbubuntis ko. Hindi ito kasama sa mga plano ko. I just wanted to love him for one night. To have a beautiful dream I can keep forever. Pero ito, hindi ito kasali. Hindi ko kayang akuin ang responsibilidad na ito. Hindi pa ako handa.
Ano na ang mangyayari sa akin? Kahit pitong buwan na lang ang nalalabi bago ako maka-graduate ay malaking abala pa rin iyon kapag nalaman ito ng aking sponsor. Siguradong patatalsikin ako sa dorm at wala akong pera para makakuha ng matutuluyan. Wala rin akong alam na mapagkukunan ng pantustos sa aking tuition fee.
Ang tanga ko! Bakit ba ako nagpadala sa udyok ng damdamin ko? Nang dahil sa damdaming ito ay nasira lahat ng plano ko sa buhay. Bakit sa kanya pa na hindi naman ako kilala at tutulungan? Ano na ang gagawin ako? Bakit ba hindi ako nag-ingat? Bakit hindi ako nag-isip? Bakit ang tanga-tanga ko?
“Miss?” ulit na tawag ni Julian.
Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong sabihing may kasalanan din siya dahil siya ang gumalaw sa akin. Gusto ko siyang sisihin. Pero ‘yong totoo na ako ang matino nang gabing iyon ay hindi ko maitatanggi dahil kung mayroon mang may kasalanan sa gabing iyon ay walang iba kundi ako. Dahil ako ang matino at hindi siya na lasing at hindi maalala ang mga nangyari.
“Miss, kumusta na ang pakiramdam mo?” Idinampi niya ang kamay sa aking noo ngunit marahas kong tinabig iyon.
“Huwag mo akong hahawakan!” hindi ko mapigilan ang nanunumbat na damdamin.
Nagulat man, nakuha pa rin niyang ngumiti. Marahil ay naisip na pasyente ako at natural lang na ganoon ang kilos ko.
“You are fine. The baby is fine. My mom-I mean the doctor said you will be fine as long as you take the medication. You will hear more from her before your release.” Sa magaan nitong tinig at maamong mukha.
“Please leave.” Subalit lalo lamang akong nagngitngit. Ipinikit ko ang mga mata.
“Do you need anything? Do you want me to call you anyone?”
“I said leave me alone!” sigaw ko, pero nanatiling nakapikit.
Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin bago ko narinig ang pintong bumukas at sumara. Idinilat ko ang mga mata, umalis na nga siya.
Doon ko pinakawalan ang pag-iyak. Sising-sisi ako sa ginawa. Sinabunutan ko ang sarili. Sinuntok ang tiyan. “Ayoko nito. Hindi ka dapat nangyari. Ayoko. Ayoko!” tili ko.
“DO not do that to your baby.” May pumigil sa braso ko.
Hawak-hawak ng mommy ni Julian ang mga braso ko. “Walang kasalanan ang baby.”
Hindi ko man lang naramdaman ang kanyang pagpasok. Kinuha ko ang mga braso at itinakip sa mukha. Patuloy ako sa pag-iyak. Paulit-ulit humihiling na sana ay isa lamang itong masamang panaginip. Sana’y magising na ako. I rocked myself. I was trying to calm myself. I thought of solving the problem our professor gave us this morning in my head. Kapag ginawa ko iyon, baka sakaling magising ako sa bangungot na ito.
“I am Dra. Samonte and I will take care of you while you are here. What is your name? I need to get your record filled out.” Narinig kong sabi nito.
Nagmulat ako ng mga mata, naroon pa rin ako sa kuwartong puti. Naroon pa rin ang mommy ni Julian na suot ang white coat. At ang mga nangyayari…ay totoo lahat.
“Aaaaaah!” malakas kong iyak.