Synopsis
Hindi biniyayaan si Kayla ng marangyang pamumuhay. Kaya nagsumikap siyang tustusan ang pag-aaral mula sekondarya hanggang kolehiyo. Ipinangako niya sa sariling iaangat sa kahirapan ang sarili, bibigyan ng magandang buhay ang magulang, higit lalo, ang tuparin ang kanyang mga pangarap na ipinagkait ng kasalukuyang kalagayan sa buhay.
Para umiwas sa tukso, naging mailap siya sa lahat. Maging ang sarili’y dinamitan ng hindi angkop sa kagandahang mayroon siya. Manang kung siyay manamit, out-of-place kung siya’y ituring ng mga kaklase, at kahit kailan ay hindi siya nagpa-unlak sa paanyaya na maglibang kahit kaunti. Itinutok niya ang sarili sa pag-aaral at trabaho lamang.
Subalit sadyang mapanukso ang pag-ibig. Sa isang gabi na nagkaroon siya ng pagkakataong maangkin ang lalaking lihim na iniibig, sinamantala niya iyon, sa kaisipang pagsapit ng umaga ay ituturing na lamang niyang isang magandang panaginip at kalilimutan.
Hindi niya akalaing ang isang gabi ng kasiyahan, ay siya ring dahilan ng lahat ng pagkasira ng lahat sa kanya. Isang pagkakamali na sinundan pa ng mga maling desisyon, makamit lamang niya ang mga pangarap.
At sa muling pagtatagpo nila ng lalaking dating minahal, may puwang pa kaya siyang babalikan? O galit na dapat niyang harapin?
What can she do, Just to Be Near Him once again?