Chapter Three

1898 Words
IPINAGPATULOY ko ang pag-stay sa dorm nang hindi sinasabi ang aking kalagayan kahit kanino. Kung maitatago ko pa ang paglaki ng aking tiyan ay gagawin ko. I cannot afford to lose everything I have worked for. “Kayla, nananaba ka yata?” Pansin ni Laila na kapapasok lang sa gate kasama si Julian. Nagtama ang mga mata namin ni Julian pero agad akong umiwas. Hindi ko rin sinagot si Laila at ipinagpatuloy ang pagbuhat sa stock supplies na dineliber kani-kanina lang. “Anyway, kung hindi lang kita kilala iisipin kong buntis ka. You really do look like one.” Dugtong pa nito. Natigil ako sa ginagawa at saka tumingin dito. Gusto kong isigaw sa mukha nito na hindi naman kami close para magpalitan kami ng salita pero bago ko pa nagawa iyon ay sumingit na si Julian. “Babe, magpalit ka na bago tayo ma-late sa movie.” “Ay, oo nga pala. Okay, just wait here and I’ll be back.” At saka na pumasok sa dorm si Laila. Muli kong sinubukang buhatin yung box ng toiletries para dalhin sa kusina pero mabilis na kinuha ni Julian iyon at siya na mismo ang nagbuhat. “Hindi ka dapat nagbubuhat ng mabibigat na bagay, bawal sa iyo lalo’t mahina ang kapit ng bata dahil muntik ka nang makunan.” Seryoso niyang turan. Tiningnan ko siya. Pumait ang aking mukha. Gusto kong humingi ng tulong sa kanya dahil halata na ang aking tiyan. Five months na ang dinadala ko at hindi ko na maitatago sa loob ng aking maluwang na jacket ang paglobo niyon. “You should tell this to the father of this child. It’s not easy to get through with all these all by yourself. Hindi mo dapat dinadala lahat, may parte rin siya na dapat niyang gampanan. Even though I am keeping this a secret, you’re getting bigger and soon everyone will find out.” “He doesn’t even remember that he did this,” mahina kong singhal. “What do you mean?” “He was drunk.” “He is still your boyfriend, isn’t he? For sure he’ll take the responsibility once you told him what really happened. If he really loves you he will take care of it.” “Hah!” Natawa ako, mapakla nga lang dahil ang totoo ay gusto kong maiyak. “He’s all you’ve got so you just have to swallow your pride and tell him.” “He doesn’t even love me, and worse hindi ako ang girlfriend niya. It was just a mistake on his part, and I took advantage of it because I love him. I was at the wrong place and he mistook me for his girlfriend. Sa tingin mo kapag sinabi ko sa kanya, maniniwala siya? Matatanggap ba niya? Ikaw, kung ikaw siya, would you accept me?” Pinahid ko ang luhang hindi napigilan. Hindi siya umimik at nakatingin lang sa akin, waring nag-iisip. Pagkuwan ay huminga siya nang malalim at saka tumikhim. “I have a girlfriend and I love her so. If I did this, I would take the responsibility for the child but that’s it. If it was just a mistake, we’ll just have to correct it by doing that. I’ll take care of my child, but I can’t love you back because my heart belongs only to Laila.” Diretso niyang sagot. Natahimik ako. Hindi alam kung ano ang susunod na sasabihin. Narinig ko ang mga yabag ng sapatos na papalapit, kay Laila iyon kaya tumalikod ako at iniwan si Juian. Nakaalis na sila habang ako ay nakaupo sa aking kama, iniisip ang mga sinabi ni Julian. Pananagutan daw niya ang bata…at least that is good news. Pero paano ko nga ba sasabihin sa kanya? Paanong ipaliliwanag na siya ang tinutukoy ko?   NATAPOS ko nang linisin ang kusina maging ang mga banyo. Naramdaman ko ang paghingal, madali na akong mapagod at pagpawisan. Bumagal na rin ang aking mga galaw at pagkilos. Sooner or later, this will all blow up and I really don’t know what to do. Hindi ako pwedeng bumalik sa amin para ipakitang ito ang aking kinahinatnan. Ilang buwan na lang naman bago ako grumadweyt pero paano akong hihingi ng pabor na patapusin na lang nila ang mga huling buwan na natitira bago ako magtapos? Nasapo ko ang aking tiyan, I regretted for this to happen. I shouldn’t have done that. I should have known better. Patawarin ako ng Diyos dahil tingangka kong ilaglag ang bata subalit hindi ako nagtagumpay. Kahit sinabi nang doktora na mahina ang kapit ng bata, nagtagumpay itong manatili sa aking sinapupunan sa dalawang beses na napahamak ito. Gusto kong maiyak dahil parang sinusuyo ako ng baby sa loob ng aking tiyan. Ni hindi ako pinahirapan sa paglilihi. Ni hindi ako nag-crave nang kung ano-ano. Miminsan lang ako nagsuka at nahilo-hilo. It made me feel guilty to be thinking of not wanting this baby. Pero anong magagawa ko, hindi pa talaga ako handa. Ayokong maging ina sa batang edad lalo at maging single parent. Inisip ko ring ipaampon ang bata. Iyon ang palaging nasa isip ko gabi-gabi sa tuwing mahihiga ako sa kama. Alam kong ang sama-sama ng dating ko. Alam kong kasalanan ang gagawin ko, kahit isipin pa lang pero hindi pa talaga ako handa. Ayokong matulad sa iba na nabuntis at naburo ang buhay at umikot sa pagiging ina. Hindi iyon ang plano ko. I want to get out of this country. Magpayaman at kumita ng maraming pera. Ayokong matulad sa magulang ko na nakuntento sa buhay na puro utang, no, I don’t want that kind of life. I will get out of here no matter what. I don’t want this baby. Makahahadlang lang ito sa aking mga pangarap.   “KAYLA, mag-usap tayo.” Bungad ng aking sponsor pagkabalik ko galing klase. Nagulat ako dahil hindi man lang ito nagpasabi na pupunta ito rito. Limang buwan na kaming hindi nagkikita at madalas ay sa phone lang kami nag-uusap. Kinabahan ako ng todo dahil nahihinuha ko na ang aming pag-uusapan. Gusto kong mahilo at mawalan ng ulirat sa tindi ng aking kaba. Parang nakalutang ang aking mga paa at hindi nakatapak sa sahig sa pagsunod ko sa mga hakbang nito papunta sa aking kuwarto. Sinapo ko ang aking tiyan, parang nananakit iyon dahil sa kaba. Gusto ko ng umiyak at lumuhod dito at magmakaawa na huwag akong palayasin sa dorm dahil wala talaga akong matutuluyan. Natatakot talaga ako at pinagpapawisan ako ng malapot. Nanghihina ang aking mga tuhod. Gusto ko na lang mahimatay at huwag ng magising. Isinara nito ang pinto pagkapasok namin sa loob ng kuwarto ko. Mataman niya akong tinignan lalo sa aking tiyan na halata na talaga sa paglobo. Huminga ito nang malalim. “I thought you would be different from other girls who know what’s right and wrong, but you’ve proven me wrong, Kayla. Ilang buwan na lang at magtatapos ka na but look at you, you’re pregnant at huwag mong itatanggi dahil ebidensiya na ang paglaki ng tiyan mo.” She looked at me disgustingly from the bottom of her eyeglasses. She was an old maid, and she was strict when it comes to her boarders. “M-Mrs. Ramiro, I’m really sorry. It was just an accident. Please let me stay for a few more months till I finish school. Please, please po Mrs. Ramiro, wala akong ibang mapupuntahan at wala akong perang maaasahan. Please po, nagmamakaawa ako.” Lumuhod ako, nanginginig maging ang aking boses. Ito na ang aking kinatatakutan. Wala akong pakialam kung ano ang hitsura ko ngayon, isa lang ang importante, ang huwag akong mapaalis dito. “I don’t do charity Kayla. I took you in and paid for your school because you are useful to me but now, I don’t know. I hear complaints about issues here not being taken care of and that was supposed to be your job, to take care of things around here when I’m not around but look at you, you can’t even take care of your own self. You are ruining my business. You are ruining the image of my dormitory.” “Mrs. Ramiro, maawa na kayo. Wala akong ibang mahihingan ng tulong. Wala akong ibang kilala sa lugar na ito. Please naman po, please!” My knees were hurting bad, but my stomach was worse. Gusto kong masuka sa hilo dahil hindi ako makahinga nang mabuti sa pagkakaluhod ko. Baka hindi rin masyadong nasusuplayan ng oxygen ang batang nasa sinapupunan ko pero sumagi sa isip ko na mabuti nga siguro iyon para mawala ang batang siyang pasimula ng mga kamalasang nangyayari sa akin ngayon. Alam ko…alam kong ang sama-sama ng iniisip ko subalit anong magagawa ko, hindi ko ito ginusto, ayokong masipa sa dorm, at mas lalong ayokong mahinto sa pag-aaral. I don’t want this child! “Paano mong mapapanatili ang kayusan dito kung ganyan ka na kabagal kumilos? Paano kung maaksidente ka dahil sa mga gawain mo at may mangyari sa dinadala mo, e ‘di ba gastusin ko pa iyan? At kahit sabihin mong hindi ay kargo ko pa rin dahil ako ang employer mo at pananagutan kita.”  Tumayo ito’t nagpalakad-lakad sa harapan ko. “Everything was fine Kayla. You should have not gotten your self pregnant and everything should still be fine even now. Ikaw ang tanga na nagdulot ng kamalasan sa sarili mo kaya huwag mo akong idadamay. Bibigyan kita ng isang lingo para umalis. Makahanap ka man o hindi ng ibang malilipatan, wala akong pakialam, basta ayokong maabutan ka pa rito. Nakahanap na ako ng kapalit mo kaya maghanda-handa ka na sa pag-eempake ng mga gamit mo.” “Please! Naging mabuti naman akong caretaker sa inyo. Wala kayong mairereklamo sa nakaraan kong trabaho. Lahat ay nasa ayos at wala kayong naging problema. Please naman po kahit ilang buwan lang. Patapusin lang po ninyo ako at pangako, babayaran ko kahit doble pa. Please po!” Halos maghisterya ako sa pagmamakaawa. Nakatawag na rin ako ng pansin sa mga boarders dahil naririnig ko sila sa labas ng pinto ng aking kuwarto pero wala akong pakialam. “Kayla Dizon, I am sorry but please pack your things and leave.” At saka ito lumabas ng aking kuwarto. Nangangatal ang aking buong katawan. Nanlalabo ang aking paningin. Takot na takot ako sa mangyayari sa akin, sa isiping hindi ako makaka-graduate dahil wala na akong pantustos sa aking tuition fee, at pati matitirhan ay wala din akong alam na mapupuntahan. Oh god, oh god, bakit ganito? Minsan ko lang sinunod ang aking damdamin, minsan lang ako nagkamali, wala naman akong ginawang masama pero bakit naging ganito? NO! Ano nang gagawin ko! Patuloy ako sa pagtangis. Ni hindi ko nagawang pasukan ang dalawa kong subject kinabukasan dahil magulong-magulo ang aking isip. Tiningnan ko ang aking tiyan, nakaramdam ako ng matinding galit. Sinisisi ko ang sarili. Si Julian, ang bata sa sinapupunan ko. Pero alam kong ano mang galit ang pagsisisi ang gawin ko, iisa pa rin ang kalalabasan ng lahat, hindi ako makapagtatapos ngayong taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD