Chapter Four

1839 Words
ILANG araw akong nagkulong sa aking kuwarto, tulala at blangko ang pag-iisip. Ano na ang mangyayari sa akin? Ano na ang gagawin ko? Saan ako hihingi ng tulong? Saan ako titira? Saan ako kukuha ng pera gayong walang tatanggap sa isang buntis na tulad ko para magtrabaho? Ang tanga-tanga ko kasi. Tanga ka kasi Kayla! Iyan ang napala mo sa letseng pagmamahal na iyan! Ito tuloy ang napala mo, ang letseng kamalasan ang dulot sa iyo! Oh god, I hate my life! I hate my life! Kanina pa kumakalam ang aking sikmura pero wala akong lakas para tumayo at kumain. Ano pa ang kakainin ko e wala na akong karapatan para halungkatin ang kusina dito sa dorm para kumain? The baby must be hungry too, I thought but I immediately discarded the thought. Mabuti nga sigurong mawala na lang ang batang ito. Hindi ko siya kailangan. Patawarin na ako ng Diyos sa iniisip ko pero hindi ko kailangan ang batang ito, ayoko, ayoko! Marahas akong tumayo at lumabas ng dorm. Umuulan subalit hindi ko iyon inalintana. Patuloy akong naglakad sa ilalim ng malakas na ulan. Sa isip ay kung paano iwawala ang bata sa aking sinapupunan. Ano kaya at magpabundol ako, baka sakaling makunan ako kung sakali? Sa naisip ay hindi na ako nagdalawang isip at mabilis na kumilos nang makita ang papalapit na sasakyan. Mabilis akong pumagitna sa daan at saka pumikit, handang damhin ang pagbundol ng rumaragasang sasakyan sa aking harapan. I heard the forcibly break of the tires the way the sound it made. Napadilat ako, nakahinto ang sasakyan ng ilang dipang layo sa aking katawan. Gusto kong magalit dahil hindi nangyari ang aking iniisip. Lumabas ang driver ng kotse at saka lumapit sa akin. Her face was familiar. Parang nakita ko na siya. “Nagpapakamatay ka ba?” matigas nitong tanong. Nababasa na rin ito ng ulan. “D-doktora?” gumaralgal ang aking boses dahil sa panginginig ng aking katawan. Giniginaw na rin kasi ako. “Kayla, right? You’re Julian’s schoolmate?” pangingilala niya sa akin. Tumango ako at saka yumuko. Of all people to see, bakit siya pa? Bakit ang ina pa ni Julian? “Anyway, get in my car before we get into an accident.” Inalalayan niya akong makapasok sa sasakyan niya at sumunod lang ako. Kinuha niya ang spare clothes na nasa backseat saka iniabot sa akin para punasan ko ang sarili, samantalang ginamit naman niya ang tissue para tuyuin ang sarili. Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng ilang minuto bago muling pina-andar ang sasakyan. Wala kaming imikan na nag-drive lang siya hanggang sa makarating sa isang malaking bahay. Bumukas ang gate saka ito pumarada sa harap ng malaking pinto. Bumaba siya, umikot para buksan ang pinto sa aking gawi. “Halika, pasok ka muna. This is my house; you can stay here for the night.” Lumabas ako at sumunod lang dito. It’s a big house pero wala akong ganang igala ang paningin. Muli kasing tumakbo ang aking isip, pinapagana sa ideyang namumuo sa aking utak. “Manang, pakisamahan nga si Kayla sa banyo para makaligo siya at saka pahiraman na rin muna ninyo siya ng maisusuot dahil wala siyang dalang sariling gamit.” Utos niya sa katulong na lumapit sa amin. Ginamit ko ang bathtub at inilubog ang sarili sa maligamgam na tubig. Naramdaman ko ang paggaan ng aking katawan at ulo, kaaya-aya kasi sa pakiramdam ang dulot niyon sa aking katawan. Tumayo ako at nagbihis matapos ang dalawampung minuto. Nilampasan ko ang salamin, kinamumuhian kong makita ang sarili sa ganitong itsura. May nakahandang pagkain sa hapag kainan sa kusina nang pumanaog ako ng hagdan. Sa usok pa lang na nanggagaling doon ay nagpakalam na sa aking sikmura. Mabilis akong umupo at saka nilatakan ang pagkain na nakahain.  Nakaramdam ako ng kaginhawaan. Sumandal sa kinauupuan. Pumasok sa kusina ang mommy ni Julian at naupo sa aking harapan. “You were trying to kill yourself there, aren’t you?” mataman niya akong tinitigan. Nakipagtitigan din ako. Buo na sa aking isip ang ideyang napagdesisyunan kong gawin. Tumango ako sa kanyang tanong. “Bakit, dahil ba sa ipinagbubuntis mo?” Tumango uli ako. “You should have thought of the outcome of your actions before you got yourself pregnant.” “Believe me, I have thought of that a million times and scolded myself to the point I hated what I am in right now, and the result was what you witnessed earlier.” “Did you ask for the help of the one who made you like this? He too has the responsibility to take part in your matter. Huwag mong sarilinin lahat.” Yumuko ako, bumubuwelo sa nais sabihin at kung paano ipaliliwanag ang mga pangyayari. “You don’t seem stupid to get your self in this predicament.” “Because I was not. Ilang taon akong nag-ingat. Nagdamit ako ng mahaba, nagsalamin kahit hindi naman kailangan ng mga mata ko. Lumayo sa mga kaedad ko at hindi nakipagkaibaigan dahil gusto kong umiwas sa kahit anumang tukso na makakasagabal sa aking pag-aaral.” Mapakla akong ngumiti. “Pinilit ko ang aking mga magulang na patuntungin ako ng high school kahit hindi nila kayang tustusan ang mga gastusin. Halos hindi ako makatulog makahanap lang ng magiging sponsor para sa aking kolehiyo at hindi ako nabigo. I did everything I could to focus on my studies.” I was staring at her, reading at her expressions. I guess deep inside me I was expecting sympathy, but I didn’t get any from her reaction. “I met this guy when I was in my second year and I fell in love right away. Ang hirap pigilan ang damdamin ko dahil alam kong wala akong luxury para magmahal, hindi iyon kasama sa plano ko. At natuwa ako nang malamang mayroon na siyang kasintahan dahil ibig sabihin ay wala na akong dahilan para umasa pero hindi… patuloy ko siyang minahal nang palihim.” Nakuyom ko ang mga palad. “Palagi ko siyang nakikita, palaging nasisilayan ang kanyang mga ngiti. At habang pinipigilan ko ang damdamin, lalo lang iyon tumitindi sa bawat paglipas ng panahon. Pero kontento na ako sa ganoon, okay lang dahil hindi naman siya kasama sa mga plano ko. I could not afford to fall in love and somehow I was thankful that he did not notice me at all.” Tumulo ang luha sa aking pisngi pero hindi ko iyon pinahid, hinayaan ko lang. Matiim namang nakatitig lang si Dra. Samonte, tahimik na nakikinig kung ano ang patutunguhan ng aking pagkukuwento. “Hindi ko sinasadya noong isang gabing makita ko siya sa kuwarto ng girlfriend niya. He was looking for her, asking for her forgiveness, but she was not there. He was too late, and very drunk. Akala niya ay ako ang kanyang nobya…” This time I wiped my tears and sniffled. “Hindi ako nakakilos dahil akala ko lang ay nagulat ako pero hindi. Nang gabing iyon, nagkatotoo ang akala ko lang ay sa panaginip lang mangyayari. Hinalikan niya ako habang paulit-ulit nagso-sorry sa kanyang nobya, humihingi ng tawad.” Muli akong nakaramdam ng pait pagkaalala sa gabing iyon. “Dapat umiwas na ako pero hindi ko ginawa, kasi sa wakas… napansin din niya ako. Gumanti ako, sa isip at damdamin ay iyon na ang pagkakataon, ang una at huling pagkakataon para maramdaman ang mahalin niya kahit kunwari lang.” Napayuko ako, muling pinahid ang mga luha. “I gave in to my desire. Hindi na ako nag-isip dahil ang mahalaga lang nang gabing iyon ay ang maangkin siya at maging akin kahit isang gabi lang bago man lang ako magtapos at lisanin ang lugar na ito. Gusto kong isipin na magsisilbi iyong isang napakagandang alaala para sa akin. Iyon lang ang gusto ko. Iyon lang ang dapat na nangyari.” Napansin kong huminga ito nang malalim. Naramdaman ko rin ang tensiyon na namumuo sa pagitan namin. “Okay na sana ang lahat. Ni hindi ko alam na nagbunga ang nangyari sa amin. Kung hindi pa ako dinugo at nadala sa ospital ay hindi ko malalaman na buntis ako. I was scared, so scared that I tried to kill it, but it survived. Anong magagawa ko, hindi pa ako handa? Hindi ito kasama sa mga plano ko sa buhay.” Tiningnan ko siya. Tumiim ang kanyang mukha. “Minsan lang ako nagkasala. Nagkamali. Hindi naman ako masamang tao pero bakit naging ganito ang buhay ko? Sabi mo mahina ang kapit ng bata, pero bakit ayaw niyang malaglag? Bakit ang tibay pa rin niyang kumapit? I don’t have anyone to ask for help. Hindi ko hahayang masayang ang lahat ng pinaghirapan ko marating lang kung nasaan man ako ngayon.” Naibuhos ko na ang lahat-lahat ng hinaing ko. “At ito, itong nasa tiyan ko ay hindi ko hahayaang maging hadlang para maudlot lahat ng mga pangarap ko.” Nayakap ko ang sarili. Naawa ako sa sa nangyayari sa akin, pero mas nagagalit ako sa sariling katangahan at naging resulta niyon. Pakiramdam ko ay ang sama-sama kong tao dahil sa mga naiisip at pinaggagawa ko. Pero hindi ko na alam kung ano nga ba ang tama. Isa lang alam ko, ang makatapos at makalayo sa lugar na ito. Hindi ko hahayaang masadlak sa kahirapan pagkatapos ng lahat ng hirap ko. “Pinalayas na ako sa dorm, wala na rin akong sponsor para makapagtapos. Takot na takot ako. Hindi ko alam ang gagawin. Kaya naisip ko na kapag nawala ang batang ito ay mababalik sa dati ang lahat. Kaya nakita mo ako kanina...I need help, Dra. Samonte.” Tumayo ang in ani Julian at pumunta sa fridge, naglabas ng orange juice drink at muling umupo sa katapat kong upuan. Ibinaba niya ang basong may lamang juice na hindi ininom, pero nakahawak ang mga kamay doon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa baso. Muli niya akong tinitigan. “Anong ibig mong iparating?” sa matigas niyang tinig. Lumunok ako. Matiim din siyang tinitigan. “Si Julian…siya lang ang nakagalaw sa akin.” Inalis niya ang mga kamay sa baso’t naikuyom. Naging matalim ang kanyang pagtitig sa akin subalit hindi ko inalintana iyon. Wala na akong pakialam sa kung anumang iniisip niya patungkol sa akin. “Pero hindi niya matandaan ang lahat at wala akong balak ipaalala sa kanya. May girlfriend siya at wala akong balak maging tinik sa pagitan nila. Wala rin akong balak dalhin ang batang ito. Hindi ko ito kailangan, hindi pa sa ngayon. Katulad nang nakita mo kanina, kung hindi ko ito maiwawala, ipaaampon ko sa kung sino man magkaka-interes. This is Julian’s flesh and blood and I need your help. Please help me.” Hindi siya umimik. Hindi kumilos. Matiim lang na nakatitig sa akin, waring pinag-aaralan ang aking iniisip. Hindi ko iniiwas ang mga mata. Wala naman akong itinatago dahil mas mabuting malaman nito ang lahat ng aking baho at wala na akong pakialam. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD