Chapter Five

1872 Words
“HOW dare you!” mahina subalit matigas na turan ni Dra. Samonte. Ang galit niyang reaksiyon ay tumatak sa aking isip. Kung sa ibang pagkakataon ay baka napaatras na ako sa takot. Pero wala na akong ibang ikinatatakot kung hindi ang sarili kong sitwasyon. “Ikaw ang gumawa ng lahat ng ito at ikaw pa ang may ganang magbanta? How dare you?” nasa mukha na rin nito ang galit. “Hindi ko intensiyong pagbantaan kayo, pero kung hindi ninyo ako matutulungan, wala na akong magagawa kung hindi gawin ang alam kong mas makabubuti sa akin.” “You are a shameless piece of work! How cound you do that?” Gusto kong marindi sa murang narinig dito pero hindi iyon inalintana. Wala akong pakialam. “At paano akong maniniwalang sa anak ko nga ang dinadala mo?” “I told you, si Julian lang ang nakagalaw sa akin. You can do a paternity test now if you want to. Pero maniwala ka man o hindi ay nasa inyo na.” “I’ll have to talk to Julian-” “No!” Napatayo ako sa kinauupuan. “I told you he was drunk that night. Wala siyang maaalala, at wala akong balak patali sa sitwasyong ito. Kahit mahal ko si Julian, hindi ko nanaising patali sa kanya. I have my own plans and I don’t plan to stay in this country. Gusto kong lumayo rito. I don’t want to be stuck in here. Ayokong magbuntis! Ayokong magkaanak! At ayokong magkapamilya!” “You are one selfish woman!” “Oo! I just realized that, but this is me. Masama bang mangarap? Masama bang kalimutan ang lahat ng ito? Masama bang gusto kong mapabuti ang aking buhay at ng magulang ko? Huwag lang ito dahil hindi pa ako handa. Hindi pa. At kayo, kakayanin n’yo bang makitang masira ang magandang samahan nina Julian at nang girlfriend niya? Julian loves Laila so much and I know that for a fact.” Tumayo siya at nilapitan ako. Marahil ay inaasahan ko na pero nagulat pa rin ako nang padapuan niya ako ng malakas na sampal sa pisngi. “I have never met a trash like you, so desperately despicable!” Ngumiti ako nang mapakla kasi totoo naman. Ako man ay hindi inaasahang magiging ganito ang aking pagkatao. Subalit walang lugar sa puso ko ang umiyak at sisihin ang sarili. Hayop na kung maituturing pero nandito na at hindi ako papayag na masira ang buhay ko nang dahil lang sa isang pagkakamali. I don’t have the luxury to be like that. “Dra. Samonte, magkaiba tayo ng buhay kaya hindi mo maiintindihan ang mga pinagdaanan ko at kung paanong ang katulad ko ay kumapit sa kahit anong patalim na makakapitan maiwanan lang ang mahirap na buhay. I don’t expect you to understand but at least, I want you to lend me a helping hand because this is also a part of Julian’s. Kung ikaw may konsensiyang matatawag, tutulungan mo ako at aangkinin ang batang dinadala ko dahil kadugo mo ito. Dahil kung hindi, hindi ko ito kawalan at huwag ninyo akong sisisihin.” Muli niya akong sinampal. Nasapo ko ang pisnging nasampal. Pagkatapos ay sinapo ko ang pagitan ng aking mga hita dahil kanina ko pa nararamdaman na basa roon. I looked at my hands and saw blood. Ni hindi ako nakaramdam ng pagkatakot o pagkabigla pagkakita sa dugo, but Dra. Samonte immediately rushed to me and called for an ambulance. Ilang minuto ang lumipas nang dumating ang ambulansiya at mula roon ay pinapasok niya ang EMT’s. Agad akong isinakay sa ambulansiya at dinala sa ospital. Mabilis ang bawat galaw sa aking paligid. Si Dra. Samonte na rin ang umasikaso sa akin. Nakaramdam ako ng hilo at gusto kong pumikit. Nakatulog siguro ako dahil nang magising ako ay nasa pribadong kuwarto na ako at may isang nurse na tumitingin sa dextrose na nakakabit sa akin. Nginitian niya ako at sinabihang tatawagin niya si Doktora Samonte para ipaalam na nagising na ako. Dumating si Dra. Samonte, saglit kaming nagtitigan habang nakatayo siya sa gilid ng aking kama. Pagkuwan ay lumambot ang kanyang reaksiyon at saka naupo sa silyang nandoon. “You almost lost the baby, again. Pero siguro mas matutuwa kang malaman na nawala nga, hindi ba?” sarkastiko niyang sabi. Oo, mas matutuwa nga siguro ako pero hndi ako sumagot. “You will stay in my house till you give birth. I will pay for your school expenses and for everything while you’re in my care. Pero kapag nakapanganak ka na, matatapos na rin ang koneksiyon natin sa isa’t-isa. You will give up your right as a mother of that child. I will pay you to get out of this country and start a new life. Don’t ever come back and claim this child, not even in your dreams. Is that what you want?” Tumango ako. “Hindi mo man lang ba pag-iisipan bago ka sumagot? This is your child we’re talking about?” singhal niya. “Hindi na kailangan. Bahala na kayo sa bata. I will forget this ever happened,” matigas kong sagot. Huminga siya nang malalim saka mapaklang tumawa. “You will regret this, Kayla and when that happens, wala ka ng babalikan pa.” “Siguro nga, pero hindi pa sa ngayon. I’ll deal with it when I get there.” Napailing siya, mahinang tumawa. Kung hindi lang siguro ako nakahilata sa ospital ay baka nasampal na naman niya ako. “Magpahinga ka at wala kang ibang gagawin kung hindi ang magpasigla at kumain nang maigi. Kailangan mo ng lakas para lumakas din ang bata sa tiyan mo. Magpahinga ka at bukas ay iuuwi na kita sa bahay. “Doctora…” “Yes?” Huminto siya sa paglabas sa pinto’t lumingon. “I don’t want Julian to know.” Nagsusumamo ang aking mga titig. She stared at me for a moment. “You don’t have to worry about that anymore. Ngayon pa lang ay wala ka ng karapatang magdesisyon para sa bata. Isinuko mo na kahit ang kaliit-liitang karapatan mo bilang ina. Kahit nasusuklam ako sa pagkatao mo at hindi matanggap na ang isang tulad mo ang ina ng batang kadugo ng anak ko, may takot ako sa Diyos para pairalin ang aking konsensiya. Sana lang ay huwag bumalik sa iyo ang karma ng mga ginawa mo.” “Karma? My parents are good people too, Doktora. Buong buhay nila ay wala silang ibang ginawa kung hindi sumunod sa tawag ng konsensiya at utos ng Diyos pero walang mabuting naidulot sa amin iyon dahil hanggang ngayon at hanggang sa mamatay siguro sila ay mas mahirap pa rin sila sa daga.” Nagpakawala lang siya nang hininga. “Ako ang magdedesisyon ng karma ko. Kung dumating ang araw na bumalik nga sa akin ang bad karma, saka ko na iyon pag-iisipan dahil ang mas mahalaga ay ang ngayon, at ako lang ang makapagpapa-ahon sa kahirapan ng aking magulang at wala ng iba. Ako lang ang makatutulong sa aking sarili at walang iba.” “I just hope you don’t eat what you said.” I took in the disgusting look she gave me. I really don’t care. Hindi ako mapapakain ng konsensiya ko. Wala akong pakialam! She left me with that look, but I shrugged it off.   NAKAHINGA ako nang maluwag, masaya sa aking sitwasyon ngayon. Mayroon na akong lugar na matutuluyan, pagkaing makakain, at perang pantustos sa aking pagtatapos. Masarap tumira sa bahay ni Dra. Samonte, ang katulong lang at siya ang nandoon at madalas ay sa ospital pa naglalagi. Si Julian naman ay sa daddy niya nakatira at napagalaman ko ring hiwalay na ang magulang niya at palipat-lipat si Julian between two houses every few months or so. Hindi ko na kailangang magpaliwanag sakali mang magpang-abot kami ni Julian na kung bakit dito ako nakatira sa mommy niya. It’s not like I get things for free. Pinaghihirapan ko ang lahat ng mga natatanggap ko, lahat ay may kapalit. Wala ng libre sa mundo ngayon at kanya-kanya ang bawat isa. I don’t practice give and take, but I don’t take what’s not mine. And Julian, he was not mine at all, never from the start and will never be after this situation. Hindi ko na kailangan pang pag-isipan ang lahat lalo na pagdating sa bata. ‘It’ will be in good hands dahil kadugo naman nito ang kukupkop sa kanya. Mas magiging kawawa lang ang bata kung sa akin mananatili dahil wala naman akong ipapakain dito gayong pati ako ay nang-aamot rin lang. And the karma she was talking about, it will all be fine as long as I don’t see them anymore. Pagkatapos nito, magpapakalayo-layo na ako at hindi ko na balak pang bumalik sa lugar na ito. If the bad karma is after me, I will run as far as I can. I may not be able to escape from it, but I will hide for as long as I could.   FOR the first time in my life I was served like a real person and not a servant, or a caretaker. Pinagsisilbihan ako ng katulong ni Dra. Samonte at alaga sa bawat kailanganin ko. Siguro dahil buntis ako, o marahil dahil kay Julian ang dinadala ko kaya kahit paano ay maayos din ang pakikitungo sa akin ng mommy niya. Wala rin akong naging problema sa school, pwera sa mapanghusgang tingin na ibinabato sa akin ng mga schoolmates ko. Mas mabilis pa sa pagkalat ng apoy ang tsismis at kung ano-anong naririnig ko patungkol sa ipinagbubuntis ko. Kesyo nasa loob daw pala ang kulo ko at mas haliparot din daw pala ako. Tinawanan ko lang sila, wala akong pakialam sa kanila. Lalo kong pinagbuti ang aking pag-aaral at nagtagumpay naman ako dahil sa paglipas ng ilang buwan ay magtatapos na ako. Iyon nga lang, lalo akong bumagal kumilos at hindi ako komportable sa lalong paglaki ng aking tiyan.  Nahihirapan at naiinis ako.  Habang nararamdaman ko ang pagsipa ng bata sa aking tiyan ay lalo akong nakadarama ng pagka-irita, kung pwede lang hilahin na itong palabas para maginhawaan na ako. To think aakyat ako sa entablado ng nakatoga at parang penguin kung lumakad dahil sa laki ng aking tiyan. “You will be due before you get on the stage,” ani Dra. Samonte nang tanungin ko siya. Napangiti ako, nasiyahang makapagmamartsa ako ng normal at walang dala-dala sa tiyan. “Siya nga pala, next week ay darating ang anak ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanyang narito ka. I will let you explain it to him.” Naghanda na siya sa pagpasok sa ospital. “Salamat, Doktora. Ilang buwan na lang naman, pasensiya na sa abala.” Hingi ko nang paumanhin. Walang reaksiyon niya lang akong tinitigan. Alam ko…wala siyang respetong maramdaman para sa akin, pero wala na akong magagawa pa roon. Ito na lang naman ang una at huling pagkakatang magkakatagpo kami sa buhay na ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD