Chapter Six

2014 Words
NASA bintana ko ng ginagamit na silid nang masilayan ko ang pagdating ni Julian at pagpasok sa bahay ng kanyang ina. My heart suddenly did a somersault. Tila mabibilaukan ako sa pagbigat ng aking hininga. Sobra ang kabang napaupo ako sa gilid ng kamang gamit, pilit kinakalma ang sarili. Ano ba ang dapat kong ipaliwanag kay Julian kapag nagtanong siya kung bakit ako narito?             Habang nag-iisip nang maikakatwiran, lalo lamang bumibilis ang pagtibok ng aking puso. Napamura ako sa sarili, pagkuwa’y napatingin sa aking tiyan. Ah, does it matter? Tutal naman ay alam na niya ang nangyari sa akin, bakit pa ako magpapaliwanag? Tumayo ako at lumapit sa pintuan para lumabas ng guest room.             Siya namang pagtigil ni Julian sa kinatatayuan, sabay pa kaming nagulat na nagtitigan sa isa’t isa. Kumunot ang kanyang noo, tila sinisino ang kaharap. “Is that really you Kayla?” Nasa mukha nito ang pagkalito. Napatayo pa nang diretso nang mapagtantong ako nga ang kaharap. “W-wow, is that how you normally loo? You look really different.” “Hi Julian.” Ngiti ko, medyo nailang sa pagtitig niya sa akin. “Malaki na kasi tiyan ko at medyo nanaba ako.” Paliwanag ko. “N-no, I did not mean that. Palagi ka kasing nakasalamin at nakadamit ng mahaba, now that you you’re wearing sleeveless and short dress, at wala kang salamin, you are beautiful Kayla.” Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha at siguradong halata ang pamumula ng aking mga pisngi. Ito lamang ang lalaking pumuri sa akin, at nakalimutan kong itago ang sarili sa sa mahabang kasuotan at salamin mula nang tumira ako rito. “Mom said she has someone staying in her house but …what are you doing here?” Lumapit pang lalo si Julian sa akin. Napahawak ako nang mahigpit sa doorknob. Alam kong magpapang-abot kami sooner or later. Katulad nang sinabi ng mommy niya, ako na ang bahalang magpaliwanag kay Julian pero ngayong narito na, hindi ako makahagilap ng sasabihin. Anong kasinungalingnan ba ang dapat kong hawiin? Pareho kaming naghihintay ng sasabihin, siya sa sagot sa tanong niya, at ako ay sa kasinungalingang hahabiin ko. Pagkuwan ay dumako ang kanyang tingin sa aking tiyan at lumambot ang kanyang reaksiyon. “That’s huge!” A wide grin pasted on his mouth. Nahawakan ko ang tiyan, medyo na-conscious sa kanyang pagtitig. “Pwede pahawak-ups, sorry, was that rude of me?” Pag-aalanganin niya sa reaksyon ko. He seemed too excited. “Sige, okay lang,” pagbibigay-alam ko. Humaplos kasi sa damdamin ko ang kanyang pagkagiliw roon. Lumapit siya at maingat na idinantay ang isa niyang palad sa ibabaw ng aking tiyan habang nasa mukha ang sari-saring emosyon na hindi ko akalaing makikita rito. Napaigtad ako nang magulat siya at napaatras na parang napaso. “Bakit?” Pag-aalala ko. “G-gumalaw…” tukoy niya sa aking tiyan. Nasa mukha niya ang pagkabahala, takot, pagtataka at pagkagulat, sari saring emosyon na nagpatawa sa akin. Umangat ang nanlalaki niyang mga mata sa aking mukha. “Ah, sumipa lang ‘yong baby. Naramdaman niya sigurong may humaplos sa kanya.” aking paliwanag. Napalitan ng nag-aatubiling ngiti ang kanyang reaksiyon. Naroong natawa ito nang mahina pagkatapos ay parang nasisiyahang lumapit uli at dahan-dahang idinantay ang palad sa aking tiyan na parang nananantiya.  Muling sumipa ‘yong baby but this time, hindi inalis ni Julian ang kamay, sa halip ay lalo pa siyang natuwa at pinakiramdamang maigi ang paggalaw niyon. “High-five raw.” Birong-tawa niya. “Marunong ng mag-high five si baby.” Tuwang-tuwang sabi niya. “I think the baby likes you” mahina kong sabi. “Talaga? I’m excited to see him—wait, is it a boy or a girl?” “H-hindi ko pa alam e.” “Hindi pa ba malalaman ang gender e mukhang gusto ng lumabas niyan?” “Alam na ng mommy mo since siya ang doktor pero pinili kong huwag malaman.” Bakit pa e hindi ko naman aalagaan ito. “Ah, para surprise? Me too, gusto ko rin surprise ang paglabas pag misis ko na ang nagka-baby. Kailan ba ang labas ni baby? Teka, may pangalan ka na bang napili para sa kanya?” Excited na muli niyang hinaplos-haplos ang aking tiyan. Bakit ba ganito siya kung maka-react na parang close kami? Ganito ba talaga siya kabait? Ganito ba talaga ang pagkatao niya? Well, at least sa ganitong klase ng tao mapupunta ang batang dinadala ko, kaya wala akong dapat ipag-alala. “H-hindi pa ako nakapag-isip ng ipapangalan, saka na kapag lumabas na mga next month ang due date ko.” I don’t have to know, ayoko nang makialam sa kahit anong konektado sa bata. Pumanaog kami ng hagdan, nakaalalay agad siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at dahan-dahang umalalay sa aking paghakbang. Hinayaan ko lang siya kasi mukhang nasisiyahan ang baby sa aking tiyan. Marahil ay alam nito na daddy niya ang kalaro kanina at siguro ay alam din nito na hindi ko siya kailangan kaya hindi ito gumalaw nang ganon kalakas at kadalas pagdating sa akin. Hinila niya ang upuan at iniupo ako roon. “Anong juice ang gusto mo?” Binuksan niya ang ref at inilapag sa harap ko ang dalawang pitsel na magkaiba ang kulay ng laman. “Grapes or orange juice?” Kumindat pa siya “Grapes.” I smiled back. “Ako rin! We have things in common.” Natutuwang ibinalik niya sa ref ang isang pitsel at nagsalin ng grape juice sa dalawang baso saka iniabot ang isa sa akin habang tinungga naman niya ng isang lagukan ‘yong sa kanya. “I’m not going to ask why you’re here. You can stay for as long as you want basta ba buddy-buddy kami ni baby pag lumabas na.” He smiled. “Why?” Napahigpit ang hawak ko sa baso. “Why? Because…I like kids. Is it weird?” Tumawa siya. “H-hindi naman. Para lang kasing hindi bagay sa iyo. I mean, you are Julian Samonte, the university star. You are everyone’s envy and is admired so much. You don’t strike as someone who would love kids.” Parati siyang tumatawa. Nakangiti. He always seemed to have a positive side of him. Kaya siguro marami siyang kaibigan at tagahanga. Alam kong mabait siya, pero hindi ko alam na marami pa pala siyang magagandang katangian na sadyang nakakaakit. Muling tumibok ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin. “Bakit naman? Babies are angels. They are the cutest and the sweetest. Actually, my first option was to be a pediatric doctor, but then my dad insisted that I have to follow his footsteps so that I can inherit his company, so I took business course.” “Ang suwerte ni Laila sa ‘yo.” Hindi ko naiwasang sambitin. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. “Suwerte rin naman ako sa kanya. Mahal niya ako, at iyon lang ang kailangan ko.” Mahal din kita. Pero hindi sapat sa akin iyon. I need more. I want more. I’m sorry, Julian. “Anway, I’m happy that you are fine. I was really worried when I didn’t see you around. Pumapasok ka pa ba?” Natawa ako. Paano nga naman niya ako mapapansin e masyado siyang abala sa OJT niya, sa iba niyang activities, at siyempre, sa kanyang kasintahan. At isa pa, talagang iniiwasan ko siya. Umiiwas ako dahil…ayokong muling mabuhay ang damdaming pilit kong ibinabaon sa ilalim ng aking pagkatao. “Hey,” Pitik niya ng mga daliri sa mukha ko. “Are you alright?” Ngumiti ako. “Oo naman. Medyo abala din ako kaya siguro hindi na tayo nagkikita pa.” “I thought so too. Anyway, I will be here for couple of months. Pero ‘wag kang mag-alala, gawin mo lang ang parati mong ginagawa. Isipin mo na lang na kunwari ay wala ako rito. I don’t want you to feel uncomfortable around me. But if you need help, just holler and I will fly to you.” “Ano ka, si Superman?” “Hindi ah. Ito naman…si Batman lang.” Natawa ako. I’ve never been so happy like this. I could feel his sincerity. His tender care. I could hear his overflowing concern. Kumirot ang aking puso. Gumalaw ang aking tiyan. “Hey, Kayla…are you alright?” Nahawakan niya ang kamay ko. “B-bakit?” Napatingin ako sa kanya. “You’re crying. Did I do something wrong? May masakit ba sa iyo?” Saka niya sinuri ang tiyan ko, hindi alam kung ano ang dapat gawin. “I’m fine, Julian.  Na-touch lang ako. Ang corny mo kasi.” Pagkakaila ko. Silly me for crying for something like that. “Are you sure?” Paninigurado pa rin niya. “Oo nga. Ang kulit.” “Oh yeah, do you know that I can cook?” may pagmamalaki sa kanyang tinig. “Talaga?” “Oh yes, Laila taught me how. Ipagluluto kita mamayang gabi, any request?” Laila. Laila. I sighed…ang suwerte niya talaga. Julian really loves her. Sana…sana ako rin. Ipinilig ko ang ulo. Muling pinagalitan ang sarili. Idinikdik sa utak na ang damdaming iyon ang dahilan kung bakit nasa ganito akong kalagayan. Huwag kang tanga, Kayla! I reminded myself. “What are you craving for?” Julian was just so adorable, so full of energy. Kinagat ko ang labi para pigilan ang damdaming bigkasin ang pagmamahal sa kanya. “Anything. Hindi naman ako naglihi. Kahit ano kinakain ko.” “What a good baby. Ang behave-behave. Hindi pinahirapan si mommy.” He tapped my stomach lightly. Muling gumalaw ang tiyan ko. I couldn’t help but to feel emotional about it. Their bonding was already showing. Hindi ko na kailangan pang manghula kung ano ang kasarian ng nasa tiyan ko, alam kong lalaki. “Jordan.” Bigla kong nabigkas. “What is that?” Tiningnan niya ako. “J-Jordan ang gusto kong ipangalan sa kanya.” Isang maluwang na ngiti ang pinakawalan niya. “I like it. My favorite basketball player-Michael Jordan. Teka, akala ko ba hindi mo pa alam kung lalaki o babae nga?” “I can feel it. He’ll be a Jordan.” “Yes…” mahina niyang tawa. Hindi ko na kinaya ang nakikitang kasiyahan sa kanya. Ayokong umiyak sa harapan niya kaya naman tumalikod ako at iniwan siya. “Kayla? Wait! What’s wrong?” Hinabol niya ako.  Dahil mabagal ang mga kilos ko, naabutan niya ako. “Hey, what’s wrong?” Umiling ako. Patuloy pa rin sa paghikbi. Bakit ba masyado akong iyakin? I was not like this. I hate this. “Kayl, tell me.” Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. Kayl? God! Everything about him screamed of sweetness. I could not take it. It’s just too much. “Let go, Julian.” “Kayl?” “P-pagod lang ako. Gusto ka na munang magpahinga. Sorry. Ganito raw talaga ang mga buntis, may topak,” pagdadahilan ko. “Are you sure?” Hindi siya kumbinsido. “Oo sabi. Just busy yourself cooking me a dinner.” “Really?” Bumalik ang mga ngiti niya. “Really! Ikaw na ang bahalang mamili kung ano. Hindi ako maselan.” “Alright. Go and rest. I will call you when the dinner’s ready.” Binitiwan niya ako. The warm of his touch remained on my skin. He watched as I walked to my room. I swallowed hard, pinched my skin to stop myself from running back to him. Hinaplos ko ang tiyan, “You will be fine, Jordan…your dad is a good person. You will be happier with him. Sorry…sorry because I couldn’t be here with you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD