“MISS, ano ba? Bilisan mo naman o! Nagmamadali akong makapasok. Kung wala kang ID, pwedeng tumabi ka muna para makapasok na kami? Male-late kami nang dahil sa iyo e.” Reklamo ng lalaking estudyante sa likuran ko. Nahihiyang tumabi nga ako sa gilid ng gate. Hinalungkat ko na’t lahat-lahat ang bag ko pero hindi ko pa rin mahanap ang ID ko. Ngayon pa naman ang final submission ng report namin kaya hindi ako puwedeng mahuli. Nabitiwan ko ang bag ko. Nagkalat ang mga laman niyon sa semento. Napatingin ako sa mga nakapilang estudyante, nakatingin lang sila sa akin. Nahihirapan man, napilitan akong lumuhod para damputin ang mga gamit ko. “KAYL, don’t! Ako na ang dadampot.” Inalalayan ako ni Julian patayo. “Maiipit si baby Jordan. If you need help, just ask.” Malumanay niyang tinig. May mga