Chapter 3 - Almost a Kiss

1482 Words
Richel Isang buwan na rin ang nakalipas mula n'ung mag-training ako, at masasabi kong napakabait at sobrang galing ni Ma'am Jerica mag-turo. Marami akong natutunan lalo na ang tamang pagtimpla ng iba't-ibang klase ng kape. Naikwento naman ni Ma'am na high school pa lamang s'ya ay pangarap na nito ang makapagpatayo ng sariling negosyo, at natupad na nga ito ngayon. Abala kami ngayon para sa opening ng coffee shop, plano na kasi itong buksan ni Ma'am next week. Kasalukuyan kami ngayong nagkakabit ng mga dekorasyon para naman maging kaakit-akit sa mga tao. Isang buwan na rin ang nakalipas mula ng pumunta rito si Lyndon, 'di ko maintindihan ang sarili kung bakit sa mga nagdaang araw ay hinahanap-hanap ko ang presensya n'ya. Ang kwento naman ni Ma'am sa'min ay abala raw ito para sa darating na enrollment, graduating pala ito sa kursong business administration. Ang swerte naman ng magiging girlfriend nito, bukod kasi sa gwapo na ay matalino pa. "Richel, tulungan na kita mag-ayos." Napalingon naman ako sa aking likuran ng bigla may nag-salita, si Aljon lang pala. Tulad namin ay empleyado rin s'ya rito, sabi kasi ni Ma'am ay kailangan namin ng lalaki para sa mga mabibigat na gawain. Mabait naman ito at mabilis rin naming nakasundo. Kinuha ni Aljon ang hawak kong ribbon na ikinakabit ko sa mga lobo. "Ano ka ba? Madali lang naman 'to, kayang-kaya ko na," nakangiti kong sabi sa kanya at kinuha ko muli sa kanya ang ribbon na inagaw n'ya sa'kin. "Ako na gagawa ng iba, wala naman na akong ginagawa," wika nito, at sinimulan ng palobohin ang iba pang lobo. "Sige ikaw ang bahala. Ako na lang mag-lalagay ng ribbon sa mga lobo." Kinuha ko na isa-isa ang mga lobo na napalobo nito upang malagyan ko na ng pulang ribbon. Nagtatawanan kami ni Aljon ng makarinig kami nang kalabog na nag-mula sa pinto, tila binagsak pasara ang pinto ni Ma'am. "What the h*ll is happening to him?!" galit na sambit ni Ma'am Jerica, at bakas sa mukha nito ang pinaghalong gulat at galit. Pumasok si Ma'am sa opisina nito, bahagya pa akong sumilip upang makita kung sino ang may kagagawan n'un , ngunit wala akong nakitang tao. "Sino 'yun?" nagtatakang tanong ko kina Glodie. "Hindi ko nakita kung sino ang bigla na lang pumasok sa opisina ni Ma'am, pero hula ko ay si Sir Lyndon 'yun," sagot ni Glodie sa'kin. Tumingin naman ako sa nakasaradong pinto ng opisina ni Ma'am. So ibig sabihin nandito si Lyndon? Ano naman kaya ang problema ng tao na 'yun? Nakakatakot naman yung ginawa n'ya, buti na lang at matibay ang pinto ni Ma'am, baka kung nagkataon ay nasira na ito sa lakas ng pagkakasara kanina. Nasa malalim ako ng pag-iisip nang biglang lumabas si Ma'am mula sa opisina nito, pilit kong sinisiip ang loob ngunit hindi ko makita si Lyndon. "I'm sorry guys, may toyo lang ang little brother ko," paumanhin ni Ma'am habang nakangiti. Napangiwi naman ako sa sinabi n'ya, marahil ay ganito talaga ang ugali ni Lyndon. Topakin. Bumalik na ulit kami ni Aljon sa ginagawa namin, malapit na rin matapos ang pagkakabit namin ng mga lobo. "Yehey! Natapos na rin tayo," tuwang-tuwa ako sa naging resulta ng ginawa namin, ang ganda ng pagkaka-decorate sa buong coffee shop. Nilibot ko ang paningin sa buong coffee shop, nakaramdam ako ng excitement sa darating na opening. Bigla namang bumukas ang opisina ni Ma'am, at nagtama ang mga mata namin ni Lydon. Matatalim ang mga mata nito habang nakatingin sa'kin, tila ba gusto n'ya ako kainin ng buo sa uri ng tingin n'ya sa'kin. Biglang tumahimik ang buong paligid nang lumabas si Lyndon sa opisina ni Ma'am, tila ba takot ang lahat sa kanya. Hindi ko natagalan ang paninitig n'ya sa'kin, kaya naman nauna akong nagbawi ng tingin. Ito nanaman ang kakaibang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hangin sa katawan. Huminga ako ng malalim, para maibsan ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ito ng coffee shop, kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Nagulat naman ako ng lahat sila ay nakatingin sa'kin, tila ba ako ang may kasalanan kung bakit tinotopak si Lyndon. "B-bakit?" nauutal kong tanong sa kanila. Ngumiti naman sa'kin si Ma'am habang paplapit s'ya sa'kin. "Mukhang tinamaan sa'yo ang kapatid ko," bulong n'ya sa'kin. Tumingin naman ako sa kanya na may pagtataka, hindi ko kasi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Magtatanong na sana ako nang tinapik nya balikat ko at pumasok na ulit sa kanyang opisina. Ibinaling ko ang tingin kina Glodie na hanggang ngayon ay titig na titig pa rin sa'kin. "Ayiee, besh! Mukhang magkaka-love life ka na ah, mauunahan mo pa kami ni Ronoel." lumapit pa ito sa'kin at sinundot-sundot ang tagiliran ko. "Anong magkaka-love life ka d'yan? Galit na nga y'ung tao kung anu-ano pa sinasabi mo," kontra ko sa kanya. "Ang slow mo naman," sabi pa nito at sinabayan pa ng pag-irap. "Hay naku, tumigil ka na nga Glodie. Taposin na lang natin ang pag-aayos, baka mainit lang talaga ang ulo ni Sir Lyndon," saway naman ni Ronoel sa panunukso ni Glodie. Buti na lang at nakikinig si Glodie kay Ronoel, kundi ay hindi ako nito tatantanan. Miike Enriquez lang ang peg. KINABUKASAN ay maaga akong nagising, napalingon ako kay Nanay dahil inuubo nanaman ito. Napapansin ko na madalas na itong ubuhin. "Uminum ka na po ba ng gamot 'Nay?" tanong ko habang iniaabot sa kanya ang isang basong tubig. "Oo anak, kaso parang hindi naman effective eh," inuubo-ubo pa ito habang nagsasalita. "Wag ka na lang kaya muna pumasok 'Nay, magpahinga ka po muna," nag-aalala ako at baka lumalala pa ang kanyang sakit. "Sa sahod ko ay magpa-check up ka para maresetahan ka ng gamot," wika ko pa sa kanya. Hindi naman kumontra pa si Nanay sa sinabi ko. Naghanda na rin ako para sa pagpasok sa coffee shop. Ngayon ituturo sa'kin ni Ma'am ang pagkakaha, sa tingin ko ay madali lang naman ito. Kailangan ko raw kasi ito matutunan para kapag isa kay Glodie at Ronoel ang day off ay may papalit. Matapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Nanay. Nakabukas ang coffee shop ngunit wala pa namang tao, tumingin ako sa parking na nasa tapat, wala naman ang kotse ni Ma'am. Nakaramdam ako ng kaba, baka napasukan kami ng magnanakaw. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para kung sakaling may tao ay hindi ako agad mapapansin ng mga ito. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag at dahan-dahang humahakbang. May naririnig akong kaluskos sa loob ng opisina, mukhang nandon sila sa loob. Unti-unti kong inihakbang ang aking mga paa patungo sa opisina. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Hawak ko na ang door knob, luminga muna ako sa paligid at sa labas kung may mahihingian ako ng tulong, ngunit sobrang aga pa at wala pa gaanung dumadaan na tao. Pinihit ko na ang door knob at unti-unting binuksan, hindi ko pa 'man nasisilip ang tao sa loob ay bigla na lamang may humila ng pinto at bumukas ito ng maluwag. Napapikit ako sa takot dahil nahuli nila ako. Napasigaw ako ng hawakan nito ang aking kamay, kaya naman pinalo-palo ko sa kanya ang hawak ko na bag. "Ahhh! TULONG! Bitawan mo ako! May magnanakaw, tulungan niyo ako!" sigaw ko habang inihahampas sa kanya ang hawak ko na bag, nakapikit pa rin ako kaya hindi ko pa nakikita ang mukha ng magnanakaw. "F*ck! Stop! Aray!" daing naman nito at minumura pa ako. "Walang hiya ka! May gana ka pa mag-ingles eh magnanakaw ka naman!" sigaw ko sa kanya at pilit inaagaw ang kaliwa kong kamay na hawak n'ya pa. "Hey, stop it! Hindi ako magnanakaw!" nahuli n'ya ang kanang kamay na pinampapalo ko sa kanya. Mahigpit n'ya itong hinawakan. Mas lalo kong nilakasan ang sigaw ko at buong lakas na hinihila ang dalawang kamay na mahigpit n'yang hawak. "I said stop screaming! If you don't want to shut your mouth, I will force myself to kiss you!" sigaw n'ya na ikinahinto ko. Ngayon ko lang napansin na pamilyar ang kanyang boses, unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pinag-halong takot at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na'to. "S-Sir L-Lyndon?" bigkas ko sa pangalan nito ng maidilat ko ang mga mata ko. Magkahinang ang mga mata namin habang hawak nito ang dalawang kong kamay. "Why did you stop? I thought do you want a kiss?" nakangisi nyang wika sa'kin. Nakatitig pa rin ako sa kanya at hindi gumagalaw. Kahit pag-hinga ko ay pigil na pigil. Unti-unting lumalapit ang mukha ni Sir Lyndon sa 'kin, ngunit malakas ko siyang itinulak nang biglang may pumasok sa loob ng coffee shop. "F*ck!" dinig kong mura niya. Hindi ko siya pinansin at napalingon ako sa pintuan, shock na mukha nila Glodie at Ronoel habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Sir Lyndon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD