bc

His Part Time Girlfriend (Heartthrob Series #2)

book_age18+
8.5K
FOLLOW
88.0K
READ
possessive
sex
others
playboy
goodgirl
drama
campus
office/work place
virgin
shy
like
intro-logo
Blurb

*** BLURB ***

Richel needs a lot of money for her mother's treatment, which is why she didn't refuse Lyndon's offer to pretend to be his girlfriend. Lyndon Buencamino is a handsome, rich, playboy, and campus heartthrob at their school.

Meanwhile, Richel Peralta is a simple woman from a poor family.

As they pretend, they will fall in love with each other. Lyndon confesses his love to Richel. But Richel finds out that Lyndon is engaged to his ex-girlfriend. Will she fight for her love for Lyndon? Or will she just let it go with his beloved Veronica?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Good news
Richel "Lumayas kayo, mga salot!" sigaw ni Tiya Bebang habang isa-isang hinahagis ang mga gamit namin sa labas ng bahay. Si Tiya Bebang ay nakakatandang kapatid ni Tatay. Simula ng mamatay si Tatay ay lagi na lamang ito galit sa'min, kami kasi ang sinisisi n'ya sa pagkamatay ni Tatay. Yakap ko ang dalawa kong kapatid habang si Nanay naman ay nakikiusap kay Tiya na 'wag kaming paalisin. "Parang awa mo na Ate, maawa ka naman sa mga bata. Wala na kaming ibang mapupuntahan," pagmamakaawa ni Nanay. Ngunit tinalikuran lang s'ya ni Tiya at tuluyan nang isinara ang pinto. Umiiyak na lumapit sa'min si Nanay at niyakap kaming tatlo. "'Nay saan na po tayo ngayon titira?" tanong ko kay Nanay. "Ayusin na natin mga gamit Richel, maghahanap tayo ng mauupahang bahay kahit maliit lang," sagot n'ya sa'kin. "Anna, Kevin tulungan n'yo kami ng ate mo," utos naman n'ya sa dalawa kong kapatid. Isa-isa naming pinulot ang mga nagkalat na damit sa lupa. Nang matapos ay nagsimula na kaming maglakad palayo sa bahay ni Tiya Bebang. Dala ko ang sama ng loob kay Tiya Bebang habang papalayo sa bahay na pag-aari ni Tatay. Nakapasok kami sa eskinita pero wala pa rin kaming mahanap na mauupahang bahay. Hanggang sa makarating kami sa isa pang eskinita ay nakakita rin kami ng bakanteng bahay. Maliit lamang ito, sakto lang na tulugan naming tatlo at paglalagyan ng mga gamit namin. Ang banyo at lababo ay nasa labas, at may mga kahati kami sa pag-gamit. Two thousand five hundred ang bayad sa upa, samantalang ang kuryente at tubig ay bukod pa ang bayad. "Nay nagugutom na po ako," daing ni Anna ang sumunod sa'kin. "Ako rin po 'Nay," segunda naman ni Kevin ang aming bunso. "Sandali lang mga anak, lalabas lang si Nanay para bumili ng makakain natin ah. Richel ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid mo," bilin n'ya sa'kin. Pagbalik ni Nanay ay may dala na siyang apat na balot ng kanin at sardinas. Pinagkasya na lang namin 'to para sa'ming apat, ang importante ay magkalaman ang aming t'yan. 'Bukas na bukas din ay hahanap ako ng trabaho, upang makatulong ako kay Nanay.' wika ko sa sarili. KINABUKASAN, nagsimula na akong maghanap ng trabaho. Sinubukan kong mag-apply sa mga restaurant kahit janitress o diswasher lang, okay na sa 'kin. Ang importante meron akong kikitain na pera. Umupo muna ako sa waiting shed para magpahinga. Malayo layo rin ang nilakad ko, kaya nakakapagod at bukod pa 'dun ay tirik na tirik ang araw. Pinapaypay ko ang envelope sa'kin para mabawasan ang init na aking nararamdaman. Nilibot ko ang paningin sa paligid, may mga estudyante at teachers na naglalakad. Napatitig ako sa mga estudyante na mukhang mayayaman. ' Hays, nakakainggit naman sila. Sana makapag-aral din ako katulad nila, kahit hindi na rito sa mamahaling eskwelahan,' tanging hiling ko para sa sarili. Hindi ko na kasi naituloy ang pag-aaral ko 'nung mamatay si Tatay. Nakakalungkot mang isipin, ngunit kailangan ko na lang tanggapin. 'Mag-iipon ako para makapag-aral'. Tumayo na ako at naglakad-lakad ulit, nagbabaka-sakaling may madaanan ako na hiring. Sa paglalakad ko ay napadaan ako sa coffee shop at may nakapaskil sa pintong salamin na hiring sila. Tumingala ako para basahin ang pangalan ng coffee shop 'Infinity Love Cafe', ang ganda naman ng pangalan. Mukhang bago lang ang coffee shop na 'to dahil marami ang hinahanap na staff kaya naman walang pag-alinlangan na pumasok ako sa loob. Nakita ko naman ang babaeng nakatayo sa counter habang may kausap ito sa kanyang telepono. Napasulyap s'ya sa'kin at sumenyas ng sandali lang. Nilibot ko ang paningin sa buong coffee shop. Maganda ang pagkaka-disenyo, parang ang sarap tumambay dito lalo na pag kasama mo ang girlfriend or boyfriend. Maganda ring mag-set ng meeting dito dahil sa ganda ng ambiance. "Hi, mag-a-apply ka ba?" napatingin ako sa babaeng ngayon ay nakangiti sa 'kin. Wala na pala siyang kausap, at ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Mukha naman siyang mabait. Maganda at sexy rin, at mukhang mayaman. Siguro ito ang may-ari ng coffee shop na'to. "G-good morning po," nauutal kong bati sa kanya. "Opo sana kung may bakante pa," nahihiya kong tugon sa tanong niya kanina. "Oo naman marami pang bakante. Tara maupo tayo rito." aya niya sa 'kin, at nauna na itong umupo. Sumunod ako sa kanya at naupo katapat niyaa. Naiilang man ay hindi ko na 'to ininda pa. Pagkakataon ko na 'to para makakuha ng trabaho. "May dala ka bang resume?" panimula nitong tanong. Kaagad ko naman kinuha ang resume sa envelope na dala ko. Nang makuha ko ito ay iniabot ko sa kanya, kinuha naman n'ya agad ito at binasa. "By the way, I'm Jerica." pakilala n'ya sa'kin. "Richel po Ma'am" pakilala ko sa kanya sa mahinang tinig. Nanginginig ang tuhod ko sa kaba habang binabasa nito ang resume ko. "So Richel, high school pa lang ang natatapos mo? At wala ka pang working experience," sabi nito habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa resume ko. "Yes po Ma'am," tugon ko sa kanya, at agad ko naman niyuko ang ulo dahil sa hiya. "Okay. Mabilis ka naman sigurong matuto di 'ba?" awtomatikong nag-angat ako ng tingin sa kanya. "O-opo, mabilis lang po ako matuto. Kahit anong trabaho po Ma'am basta po marangal ay ayos na po sa'kin," agad-agad kong sagot sa kanya. Tumingin s'ya sa'kin ng nakangiti. "Okay, you can start next week as a trainee. I will be the one to teach you," namilog ang mga mata ko sa narinig. "Totoo po ba Ma'am?! Tanggap na po ako?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. "Yes! Kaya agahan mo sa Monday, before 8am nandito ka na para marami akong maturo sa'yo," nakangiti nitong saad sa'kin. Sa sobrang tuwa ay hindi ko napigilang hawakan ang kamay nito. "Maraming salamat po Ma'am sa pagtanggap sa 'kin agad," naluluha kong sabi sa kanya. "Basta galingan mo para magtagal ka rito," binitawan ko na ang kamay n'ya. Sabay naman kaming napalingon sa pintuan nang may biglang pumasok. Dalawang babae na mag-a-apply rin siguro. "Good morning po!" magkasabay nilang bati. "Ahm, may bakante pa po ba? Balak din po sana namin mag-apply," tanong ng isang babae na medyo may kapayatan pero maganda ang hubog ng katawan. "Yes, meron pa. Have a seat here," nakangiti namang in-entertain ni Ma'am ang dalawang babae na kadarating lang. Lumapit na ang dalawa sa kinaroroonan namin. Nakangiti silang nakatingin sa'kin, kaya naman gumanti rin ako ng ngiti sa kanila. "Hi Ma'am, I'm Ronoel." "Good morning Ma'am! Ako naman po si Glodie," pagpapakilala nilang dalawa. "Good morning ladies! I'm Jerica, the owner of this coffee shop." nakangiting pakilala naman ni Ma'am kina Ronoel at Glodie. "And, siya nga pala si Richel, katulad niyo nag-apply rin siya," nabaling ang tingin nila sa akin nang ipakilala ako ni Ma'am Jerica. "Hello!" nahihiya kong bati. Malawak ang ngiti nila sa akin. "Ma'am, excuse me po. Uwi na po sana ako," paalam ko may Ma'am. Kailangan ko ng umuwi dahil nakaramdam na ako ng gutom. "See you on Monday. And take care!" bilin pa niya sa akin. "Sige po. Thank you po ulit Ma'am!" pasasalamat ko sa kanya. Lumipat ang tingin ko kina Ronoel at Glodie, nginitian ko lamang sila bago tumalikod. Malawak ang ngiti ko habang naglalakad papuntang sakayan. Sobrang saya ko kasi may trabaho na ako. Makakatulong na ako kay Nanay. NANG makauwi sa bahay ay agad kong ibinalita kay Nanay ang good news. Tuwang-tuwa sila para sa akin. Naikwento ko rin sa kanila kung gaano kabait ang magiging amo ko. Mabait na, maganda pa! 'Pagbubutihin ko sa trabaho, para hindi mabigo si Ma'am sa pagtanggap n'ya sa'kin' nakangiti ako habang nakatitig sa kisame.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
49.2K
bc

My Cousins' Obsession

read
178.3K
bc

Daddy Granpa

read
213.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
145.3K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.7K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.3K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook