Richel
Katahimikan ang namayani sa buong paligid, walang gustong mag-salita dahil sa nangyari. Hiyang-hiya ako sa aking nagawa, hindi ako makatingin ng maayos kay Sir Lyndon. Galit na galit ito sa ginawa ko lalo na nang itulak ko s'ya at tumama ang kanyang pang-upo sa sahig. Napansin ko rin ang ilang gasgas sa kanyang braso, dahil yata ito sa bag na pinanghampas ko sa kanya kanina. Samantalang si Glodie at Ronoel ay panaka-nakang tumitingin sa'kin. Hindi sila makalapit sa'kin para tuksuhin dahil nandito lang si Sir Lyndon nakaupo habang titig na titig sa'kin. Nakakailang tuloy kumilos at nakakatakot magkamali, pakiramdam ko ay bubuga na ito ng apoy sa sobrang galit.
"Good morning!" basag ni Aljon sa nakakabinging katahimikan. Tumingin ako sa kanya ganun din si Sir Lyndon. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito ng makita si Aljon. Palipat-lipat naman ang tingin ni Aljon sa aming dalawa ni Sir Lyndon. Marahil ay nagtataka ito kung bakit si Sir Lyndon ang nandito.
"Good morning Sir, " bati nito kay Sir Lyndon. "You're late," malamig na wika nito kay Aljon. "S-sorry sir, may importante po kasi akong inasikaso. Nagpaalam naman po ako kay Ma'am kahapon," paliwanag naman ni Aljon. "Never mind," walang ekspresyon nitong wika at muling binaling ang tingin sa'kin.
"E-excuse me Sir," paalam na ni Aljon at nagtungo na ito sa locker room. Sinundan ko ng tingin si Aljon hanggang sa makapasok ito. Ibinalik ko ang tingin kay Sir Lyndon, nakatitig pa rin ito sa'kin, wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Matagal din naghinang ang aming mata, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga titig n'ya. Marahil ay matindi talaga ang galit nto sa ginawa ko kanina sa kanya, na-guilty tuloy ako lalo na nang itulak ko s'ya. Naalala ko ang itsura n'ya kanina habang hinihimas ang pang-upo nito na tumama sa tiles na sahig, gusto kong matawa ng mga oras na y'un. Ngunit pinigilan ko dahil baka mas lalo lamang ito magalit.
Bahagya akong napapitlag nang may kumalabit sa balikat ko, nilingon ko si Glodie na mag tinging nagtatanong. "Ano ba ang nangyari sa inyo ni Sir Lyndon kanina ah?" Lumingon ako sa pwesto kung saan nakaupo si Lyndon kanina. "Pumasok na si Sir Lyndon sa opisina," nakanguso nitong wika, ang nguso nito ay nakaturo sa pintuan ng opisina ni Ma'am. Napabuntong hininga ako ng malalim. Hindi ko namalayan ang pag-alis nito sa kinauupuan kanina. "Ang lalim n'un beshy ah, sa sobrang lalim muntik na akong malunod," panunukso ni Glodie.
"Napagkamalan ko kasi siyang magnanakaw kanina," nagsimula na ako mag-kwento sa kanya. Lahat sinabi ko, kasama na rin ang muntik na paghalik sa'kin ni Lyndon.
"Ano?!" Tinakpan ko naman agad ang bibig ni Glodie dahil sa lakas ng sigaw n'ya. "Ang ingay mo naman, baka marinig ka n'ya," saway ko sa kanya. Tinanggal nito ang kamay ko na nakatakip sa bibig n'ya. "Ano ba ang nangyari Richel? At ano yung naabutan namin kanina? Nakita ko ang pag-tulak mo kay Sir Lyndon kanina," sunod-sunod na tanong ni Ronoel, nakalapit na pala ito sa'min. "Hay naku besh, napagkamalan nyang magnanakaw si Sir Lyndon kanina," si Glodie na ang sumagot ng tanong ni Ronoel. Tulad ni Glodie ay gulat din ito sa narinig. "Nag-sorry ka na ba?" muling tanong ni Ronoel sa'kin. "H-hindi pa. HIndi ko kasi alam kung paano ko uumpisahan e'. Galit na galit s'ya sakin dahil sa ginawa ko," totoo namang hindi ko alam ang sasabihin kay Sir Lyndon. Paano kung mag-sumbong ito kay Ma'am Jerica, baka matanggal ako nito sa trabaho. Hindi pa nga ako nakakasahod tapos matatanggal na agad ako. Ang hirap pa naman makahanap ng trabaho lalo pa at high school graduate lamang ang natapos ko. "Puntahan mo 'dun sa opisina, at mag-sorry ka," payo sa'kin ni Ronoel. Tiningnan ko silang dalawa, mataman din silang nakatingin sa'kin. Tumingin ako sa opisina ni Ma'am, kung saan nandun sa loob si Lyndon.
"Sige na, puntahan mo na." Tinulak-tulak pa ako ni Glodie para makarating sa pintuan ng opisina ni Ma'am. "Sir!" Katok at sigaw nito sa pinto, ngunit wala kaming narinig na pag-tugon mula sa loob. "Sige na besh, pumasok ka na at manghingi ng sorry." Tinapik n'ya pa ang balikat ko upang pakalmahin ang kabang nararamdaman ko. Huminga muna ako ng malalim bago ipinihit ang seradura ng pinto. Sumilip muna ako sa loob bago nilakihan ang bukas ng pinto at tuluyan ng pumasok. Nakaupo ito sa swivel chair habang nakapikit ang mga mata. Tumikhim ako upang ipaalam dito na may tao, ngunit nanatili lang nakapingit ang mga ata nito. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili na pagmasdan ang kabuuan nito. Ang napaka-gwapo nitong mukha na napaka-amo kapag tulog, salungat sa itsura nito kapag gising. Matangos ang ilong, mapupula ang mga labi at bumagay naman ang kapal ng kilay nito. Mukha s'yang actor sa napanuod ko dati na turkish drama.
"Are you done fantasizing me?" nagulat naman ako ng bigla itong nagsalita. Ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata, 'may mata ba 'to sa noo?'. Nilukob ako ng kaba nang idinilat na nito ang kanyang mata, mataman s'yang nakatangin sa'kin.
"What are you doing here? Do you need something?" Napayuko ako sa tanong n'ya, hindi ko alam kung paano mag-uumpisa.
"Ahm, k-kasi..."
"What?"
"G-gusto ko lang sana mag-sorry... Sorry kasi napagkamalan kitang magnanakaw, at sorry kasi tinulak kita kanina," sa wakas ay nasabi ko na rin. Gumaan ang pakiramdam ko, ngunit nanatili lamang akong nakayuko.
"I don't want to accept your sorry," napatingin naman ako sa sinabi n'ya. "B-bakit?" takang tanong ko sa kanya, ngunit ngumisi lamang ito at tila may kakaibang kislap ang kanyang mga mata.
"I will accept your sorry, if you accept my offer too."
"A-ano ba 'yon?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Ngumiti ito at unti-unting lumapit sa'kin. Naglakad ako paatras, hanggang sa napasandal na ako sa pader.
"S-sir Lyndon," nauutal kong sambit sa pangalan n'ya. Isang pulgada na lang ang pagitan naming dalawa. Lihim akong napalunok, pakiramdam ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Nag-umpisa ng magkarerahan ang mga kabayo sa dibdib ko. Nakatitig lamang s'ya sa'kin at ganun din ako sa kanya.
"Be my part time girlfriend," wika nito na ikabilog ng mga mata ko.
'Ano daw? Part time girlfriend?'