Chapter 5 - Problem

1783 Words
Richel Pauwi na ako at naglalakad na papuntang sakayan ng jeep. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin ang sinabi ni Sir Lyndon. 'Ano raw? Part time girlfriend? Nababaliw na ba s'ya?' nailing na lang ako sa aking naisip. Hindi ko tinanggap ang offer n'ya sa'kin. Hindi tuloy nawala sa isipan ko ang nakasimangot nyang mukha. Naalala ko nanaman ang naging usapan namin kanina. "Ano? Nababaliw ka ba?" kunot-noo kong tanong sa kanya "What? Nababaliw? I'm not crazy?!" halata sa boses n'ya ang pagka-irita. "Ano ba'ng part time girlfriend ang sinasabi mo? Bagong trabaho ba 'yan?" sarkastikong wika ko sa kanya. "Yes. And you are working for me as a girlfriend." kampanteng wika nya sa akin, tila sigurado s'ya na papayag ako sa offer n'ya. Akala siguro nya ay tatanggapin ko ang alok n'ya. Hindi pa naman ako baliw para tanggapin ang offer n'ya. Kung ibang trabaho ang ialok n'ya sa akin ay marahil tinanggap ko na. Iba talaga kapag mayaman ka kung anu-ano na lang ang naiisipang gawin. Nandito na ako ngayon nakatayo sa waiting shed, nag-aabang na may dadaan na jeep. Alas-otso na ng gabi kaya marami na rin ang tao na tulad ko ay nag-aabang din ng masasakyan. "Miss, ikaw yata ang binubusinahan ng kotse na 'yun," wika ng babae na katabi ko, itinuro pa nya ang kinaroroonan ng sasakyan. Pamilyar sa akin ang kulay ng sasakyan na iyon- kay Lyndon. Ano naman kaya ang gusto ng lalaki na 'yun. Sinabi ko na nga sa kanya na hindi ko tatanggapin ang alok n'ya e'. Ang tigas din ng ulo. Hindi ko s'ya pinansin at wala rin akong balak na lapitan s'ya. May huminto ng jeep sa tapat namin ngunit tatlong pasahero lamang ang kayang idagdag. Napabuntong-hininga ako at lumapit sa upuan na nkakabit sa bubong ng waiting shed na ito. Nangalay ako sa halos thirty minutes na pagkakatayo. Napalingon ako kung saan nakaparada kanina ang kotse ni Lyndon, ngunit nand'on pa rin iyon at tila walang balak na umalis. Bumusina ulit iyon, nakita siguro n'ya na nakatingin ako sa pwesto n'ya. Inirapan ko lamang s'ya kahit hindi ko naman nakikita ang tao sa loob. Sa wakas ay may huminto na ulit na jeep, nakasakay na ri ako dahil maluwag pa. Muli kong nilingon ang kotse ni Lyndon. Namilog ang mga mata ko nang makitang nakasunod sa amin si Lyndon. Ano bang trip n'un at sinusundan ako? Stalker ba s'ya? Ipinilig ko ang ulo para mawala sa isipan ko si Lyndon. Dumukot ako ng pera sa aking bag upang magbayad ng aking pamasahe. Malapit-lapit lang naman ang bahay namin sa coffee shop. Kung tutuusin ay kaya ko naman iyon lakarin. Kaso ay gabi na at napapagod na rin ang katawang lupa ko. Hinahanap na ng likod ko ang matigas naming higaan. Napangiwi ako sa naisip. Pumara na ako sa jeep. Nang makababa ay huminto rin ang sasakyan ni Lyndon sa tapat kung saan ako ibinaba. Bumaba rin s'ya sa kanyang sasakyan. Hinarap ko s'ya upang kausapin. Ipapaliwanag ko sa kanya na hinding-hindi ko tatanggapin ang offer n'ya sa akin. "Sir Lyndon, ano po ang ginagaw mo dito? Bakit mo po ako sinundan?" sinadya kong tawagin s'yang Sir at mag-po sa kanya. " I told you cut that po and Sir. I'm not your boss and we're here outside of the coffee shop," kunot-noong wika n'ya. "Sinabi ko naman PO kasi sa'yo na hindi ko po tatanggapin ang offer n'yo sa akin, 'Wag na PO kayong makulit," mas lalo ko pang idiniin ang word na 'po' upang asarin s'ya. Naputol naman ang sasabihin n'ya nang lumapit sa akin ang kapitbahay namin na si Aling Rebecca na humahangos. Galing yata ito sa pagtakbo dahil hingal na hingal ito at pagod na pagod. "Richel, buti naman at naka-uwi ka na," kinakapos pa ang paghinga nya habang nagsasalita. Huminga muna s'ya ng malalim bago muling nagsalita. "yung nanay mo Richel," nagtaka naman ako sa sinabi n'ya na tungkol sa nanay ko. Nakaramdam ako ng kaba. Nagmamadali akong naglakad patungo sa bahay namin kahit hindi ko pa alam ang tunay na nangyayari. Pinigilan naman ni ako ni Aling Rebecca sa tangkang paghakbang. Nagtataka kong lumingon sa kanya. "Nasa ospital ang nanay mo Richel, isinugod namin s'ya kanina dahil sumuka s'ya ng dugo," nawindang ako sa sinabi n'ya, muntik pa akong mapasubsob. Buti na lamang ay mabilis ang naging pagkilos ni Lyndon at nahawakan n'ya ako agad. "Puntahan na natin ang Nanay mo Richel. Nandoon na rin ang dalawa mong kapatid," 'di ko na gaanong naintindihan pa ang mga sinabi ni Aling Rebecca. Pakiramdam ko ay huminto ang aking mundo. Nasa ospital si Nanay at sumuka ng dugo? Ito lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Inalalayan nila ako upang makapasok sa loob ng kotse ni Lyndon. Nanatili lamang akong tulala at walang kibo. Ang bilis ng t***k ng puso ko marahil sa pinaghalong takot at kaba. Naramdaman ko na lang ang pagkabit ni Lyndon ng seatbelt sa katawan ko at nang matapos ay sinimulan ng paandarin ang kanyang sasakyan. Nakarating naman kami kaagad sa ospital kung saan dinala si nanay. Kakahinto pa lang ng sasakyan ay nagmamadali kong tinanggal ang seatbelt at diretsong lumabas ng kotse. Hindi ko na sila hinintay pa. Pagdating sa reception ng ospital ay kaagad kong sinabi ang pangalan ni Nanay sa nurse na nakatalaga doon. Sinabi naman agad nito kung saan si Nanay. Nasa ER Ward pa lang pala si Nanay at pang-unang lunas pa lamang ang nagagawa sa kanya. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Aling Rebecca at Lyndon sa aking likuran. Nagmamadali kong tinungo ang Emergency Room. Nang makarating ay kaagad ko namang nakita sina Anna at Kevin. Umiiyak silang pareho habang nakatayo sa harap ni Nanay na ngayon ay tulog. Dahil siguro iyon sa gamot na ibinigay sa kanya. Kaagad akong lumapit sa kanilang dalawa at niyakap ng mahigpit. "Ssshhh' tahan na kayo. Buhay pa naman si Nanay. Bakit kayo umiiyak?" pilit kong tinatagan ang aking boses ngunit hindi ko na napigilan pang tumulo ang aking luha. "Ate! Si Nanay kasi kanina sumuka s'ya ng dugo." Umiiyak na sumbong sa akin ni Kevin. Napapikit ako sa sinabi ni Kevin. Ang bata pa nila upang maranasan ang ganitong mga bagay. Nakisuyo naman ako kay Aling Rebecca na iuwi muna sina Anna at Kevin, dahil ospital ang lugar na 'to. Baka pati sila ay mahawa sa mga sakit na meron dito sa loob ng ospital. Ilang sandali pa ay dumating na ang doktor na tumingin kay Nanay ng dalhin s'ya rito sa ospital. Tumayo ako upang makausap ito. "Doc. Ano po ang sakit ng Nanay ko?" tanong ko sa Doctor. Lalaki ito at sa tingin ko ay nasa edad trenta pa lamang ito. Tumikhim muna ito at nagsalita. "Tatapatin na kita Ms...? "Richel po Doc," pakilala ko sa kanya. "Tatapatin na kita Ms. Richel. Base sa findings namin sa kanyang x-ray at iba pang lab tests ay meron s'yang lung cancer. The good thing is her stage is 0 NSCLC or Non-small Cell Lung Cancer." Muntik pa syang mapatumba nang marinig ang sinabi ng Doctor. May lung cancer ang kanyang Ina. Sunod-sunod na tumulo ang aking luha dahil sa narinig. Nasa likod ko lamang si Lyndon nakaalalay sa akin. Oo, hindi n'ya ako iniwan simula nang dumating kami rito sa ospital. Hinatid n'ya sila Aling Rebecca ngunit bumalik rin ito upang samahan ako. "Doc, ano po ang dapat kong gawin?" nanginginig na tanong ko sa doktor na kaharap ko. "Isasailaim ang Nanay mo sa surgery. Pero kailangan namin i-monitor ang katawan n'ya. Dahil baka hindi rin ito tanggapin ng kanyang katawan. If she is healthy enough, we can start the operation right away." mahabang paliwanag sa akin ng Doktor. Nanlulumo akong napaupo sa upuan na katapat ng higaan ni Nanay. Nakaalis na ang Doktor. Mas lalo akong nanlumo dahil sa presyo ng magiging operasyon ni Nanay. Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halaga? Bukod pa sa operasyon ay kailangan n'ya muna sumailalim sa chemotherapy para raw ito sa first-line treatment. Napahilamos ako sa aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw. Nag-aalala ako para kay Nanay. Sunod-sunod ang problema ang dumating sa aming pamilya. Una ay ang pagpapalayas sa amin ni Tiya Bebang sa sarili naming pamamahay. Pangalawa ay ito na ngang sakit ni Nanay. Napaangat ako ng ulo nang maramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Lyndon sa likod ko. Nakalimutan ko na kasama ko pa rin pala s'ya hanggang ngayon. "P'wede ka ng umuwi Sir Lyndon. Pasensya na sa abala, at salamat kasi sinamahan mo ako." Nakatitig ako sa kanya habang sinasabi ko ito. Awa ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin at napayuko. Muli nanamang tumulo ang mga luha ko. "I don't know how you feel right now. Pero alam ko ang pakiramdam ng mag-isa at walang malalapitan." Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. "You can cry as long as you want. But, be strong Richel. May mga kapatid ka na umaasa sa'yo. Ikaw ang paghuhugutan nila ng lakas at gayon ka rin sa kanila," dagdag na wika n'ya. 'Di ako makapaniwala dahil sa mga sinabi n'ya sa akin. Ang akala ko ay puro kalokohan lamang ang gustong lumabas sa bibig n'ya. "S-salamat," sabi ko sa kanya. "My offer for you is still available Richel. I can provide the money for your mother's operation. Just tell me na pumapayag ka ng maging part time girlfriend. It's just a part time Richel." Heto nanaman s'ya sa offer n'ya. Malalim na pagbuntong-hininga ang pinakawalan ko bago s'ya hinarap. "Wag po muna kayo dumagdag sa problema ko Sir. Makakaalis na po kayo." Tumayo ako at lumabas ng Emergency Room. Tulog pa naman si Nanay. Maglalakad-lakad muna ako para makalanghap ng hangin, 'di man ito sariwa dahil polluted, pero mas gusto ko pa ang hangin dito sa labas kaysa sa loob na puro gamot ang naamoy ko. Gusto ko huminga para makawala ang bigat sa dibdib na nararamdaman ko magmula kanina. Ngunit kahit anung gawin kong paghinga ay nananatiling may nakabara sa aking dibdib. Sumagi naman sa isipan ko ang offer ni Lyndon, ngunit ipiniksi ko ang aking ulo upang mawala ito sa isipan ko. Ano bang palagay n'ya sa akin? Bayarang babae? Pero sabagay part time girlfriend lang naman ang offer nito. Nakaisang ikot pa ako bago nagpasyang bumalik sa loob ng Emergency Room. Ngunit nagulat ako nang madatnan doon si Lyndon. Naka-upo ito at nakapikit ang mga mata. Hindi pa pala s'ya nakakauwi kahit na pinagtabuyan ko na s'ya kanina? Naiiling akong lumabas ng Emergency Room at lumabas upang maghanap nang mabilbilhan ng kape. Talagang pursigido ito sa offer na inaalok n'ya sa akin' Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD