The "Anino" For The Win

1975 Words
    Chapter Five   “KILALA kita! Nandito ka na naman? Hindi ka ba talaga lulubay kay Xander? Anino ka bang talaga niya?” The woman, not content with her verbal lashing, picked up a photo frame from the bedside table and threw it at me.             Hindi tumama ang frame sa akin. Mas mabilis na nakakilos si Xander at hinawi niya ang binatong bagay na iyon ng babae bago pa man lumapit iyon sa paa ko.             “Tumigil ka na!” Xander roared na maski ako ay namilog ang mga mata sa gulat. “Tigilan mo na ‘to, Sarah. Umalis ka na!”             Ang mga tsinitang mata ni Sarah ay nanlalaki sa magkahalong galit at gulat. She stared at me as if I was a puzzle that she’s trying to figure out.             “Sino siya? Bakit lagi ko siyang nakikitang nakasunod sa ‘yo? Bakit lagi ko siyang nakikitang nakabuntot sa kung nasaan ka?”             She was almost hysterical, I just knew that. Hindi ko nga lang maituro ng eksakto kung anong dahilan. Although, may namumuong ideya sa likod ng utak ko. But I just couldn’t believe it. Like seriously? Ew.             “Wala kang pakialam,” Xander answered and to my surprise, ang malamig niyang kamay ay humawak sa pulso ko. “Kung sinuman siya, wala ka na ro’n.”             “May pakialam ako dahil ako ang mahal mo, Xander. Alam ko namang ginagamit mo lang ang mga babaeng ‘yan para kalimutan ako. So let’s stop this bullshit now and f*****g come back to me!”             I was tempted to raise my eyebrows at that because why not, ang juicy ng mga pasabog ni ate girl. Sabi na nga ba at may history ang mga ‘to, eh. The s****l tension everytime is very present when they’re around each other. At kapag kumikilos ‘tong sina Sarah at Xander, evident na may familiarity sila sa isa’t-isa. Turns out, the familiarity goes deep.             “Umalis ka na,” Xander gritted and his hold on my wrist tightening. “Kung hindi ka aalis, ako ang kakaladkad sa ‘yo palabas.”             Oy. I’d love to see that.             “Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasasabi kung sino siya. Who the hell is she in your life?” she screamed, the panic evident in her tone.             Internally ay napairap ako. The woman sounded like a banshee to my ears.             “Sinabi nang wala kang—”             “Ana Rayven,” I cut Xander off. Inulit ko iyon sa mahinahong tinig. “Ako si Ana. Ano…” Tumingin ako kay Xander para kunwari hesitant. And then back to Sarah who was still seething in rage. “Girlfriend ako ni Xander.”             Hindi ko alam na posible pa palang mas manlaki ang mga mata niya. At partida, tsinita pa siya n’yan ha.             Binitawan ni Xander ang kamay ko at lumapit kay Sarah. Hinablot niya ang braso nito at kinaladkad nga ang babae patungo sa direksyon ng pintuan kaya’t umiwas ako roon. Just for safety measure in case na mapagdesisyunan ng baliw na ito na saktan ako.             “Nasasaktan ako! Xander!”             Masasaktan ka talagang baliw ka kapag hindi mo itinikom ‘yang bibig mo. Dama kong mas naiirita itong si Xander dahil sa kasisigaw mong buang ka.             Parang rag doll na inihagis ni Xander si Sarah palabas. Pinanood kong mangiyak-ngiyak siyang lumingon sa lalaki. “Xander, no… You love me…”             “Umalis ka na. At sa susunod na makikita kong sasaktan mo si Ana, believe me, Sarah, you’ll regret it.”             Sarah’s eyes went back and forth to me and to Xander. Wala siyang masabi sa puntong iyon. Hanggang sa bagsakan na lang siya ng pintuan ni Xander dahil sa inis nito. He even locked the door with me inside.             Well now that’s a development. Parang dati eh atat na atat siyang makaalis sa presensya ko. Never thought I’d see the day.             Lumingon si Xander sa akin just in time to see my schooled reaction. Tinitigan niya ako na para bang may nais siyang sabihin. I took that time to look at him closely. May mga welts siya sa braso at sa dibdib na ikinagulat ko. It looked like scratches and something else na hindi ko mai-pinpoint.             “May mga kalmot ka…” I told him. Nagpalinga-linga ako para maghanap ng first aid kit pero wala akong makita. “Xander, may alcohol ka ba? Gamutin natin.”             As if na papayag siya. Pero s’yempre I had to try or else hindi ako magmumukhang caring, hindi ba?             “Bathroom.”             I turned around to go to the en-suite. And to also kind of hide my surprise. Hindi ko kinakaya si Xander today. May kung anong sapi yata ito at iba umakto sa akin.             Hinanap ko sa cabinet ang bulak at alcohol. Madali ko lang namang nakita iyon at nakuha. Mas mabilis pa nga kaysa sa pag-proseso ng utak ko sa mga kaganapan.             Bumalik ako sa kwarto at nadatnan ko siyang nakaupo sa dulo ng kama. Sapo niya ang mukha niya at mayamaya lang ay inihilamos na ang kamay doon kasabay ng mabigat na pagbuntong hininga.             For a moment there, I thought he looked somber. He wasn’t the jerk at that point with all the angry red welts all over his body. Never thought I’d see Xander the asshole in a different light.             Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, not failing to notice the shredded shirt beside the small table. I ignored it but nevetheless, may teorya ako kung anong nangyari sa kawawang t-shirt na iyon, seeing of course Sarah’s long pink-painted nails.             Quietly, I sat beside him. Alam kong naramdaman niya ako dahil nakita kong mas lalong naging tensyonado ang kanyang mga balikat. Pero sa kabila niyon ay hindi siya gumalaw.             “Xander… Gagamutin ko lang ang mga kalmot mo ha?” paalam ko sa kanya habang nilalagyan ng alcohol ang piraso ng bulak na kinuha ko sa bilog na lalagyan. Mahirap na’t baka sapakin ako bigla nito kapag hindi ko sinabing hahawakan ko siya.             Sinimulan kong dampian ang mga kalmot niya. Halfway through ay ibinaba na niya ang kamay niyang nakatakip sa kanyang mukha at tumingin sa kawalan. Hindi kami nag-imikan—which was our default setting kapag magkasama. It wasn’t really an awkward silence. Just… silence.             “Bakit mo sinabi sa kanya kung sino ka?”             Napahinto ako sa ginagawa nang bigla siyang magtanong. Hindi siya galit. Hindi rin siya nagtataka. Para bang nagtatanong lang talaga.             Tumikhim ako, nag-iisip kung tama ba ang isasagot ko. Oh well, whatever. In a way ay totoo naman iyon. “Iyon lang kasi ang nakikita kong paraan para umalis na siya. If we satisfy her curiosity and tell her the truth, I thought she’d stop asking and walk away.”             Gano’n naman ang mga babae ‘di ba? Kapag napapahiya na, umaalis na. Sa kaso lang ni Sarah, medyo makapal yata ang mukha ng ate mo.             I saw Xander’s lips thinned when he tilted his head to look at me. Mukhang masisigawan na naman ako, ah.             “I don’t agree. But thank you, Ana. For coming.”             I blinked. Like plenty of times. I blinked and blinked, waiting for the other shoe to drop. Naghihintay na bigla siyang magwala r’yan na parang buang at sigaw-sigawan ako dahil pumunta ako sa apartment niya nang walang pahintulot niya. But he didn’t do that.             Woah. What the hell?   THERE are days like that. Na maayos siyang kausap. Na may gentleness sa pagsasalita niya at hindi palaging pasigaw. But there are also bad days. Bad bad days that I chose to weather because I simply needed to.             “I’m so sorry, Xander. Hindi ko naman kasi alam na nando’n pala—”             He turned around and to my surprise, hinablot niya ang balikat ko at bumungad sa akin ang mga nanlilisik niyang mga mata. “Kapag sinabi kong ‘wag kang pupunta sa frat house, ‘wag kang pupunta! Tanga ka ba o matigas lang talaga ang ulo mo? Sa lahat ng ayoko eh ‘yong tatanga-tanga!”             I bit the inside of my cheek to stop myself from shouting back. Ang hawak niya sa braso ko ay humihigpit na. Paniguradong mamaya lang ay magkakaroon na ng pasa ang bahaging iyon.              “Kung hindi ka marunong makinig sa akin, lubayan mo ako. Naiintindihan mo, Ana? Hindi ko kailangan ng mga kagaya mong hindi marunong sumunod!”             “Xander!” Finn’s voice rang from behind.             Para akong nakahinga ng maluwag nang paglingon ko ay kasama niya si Mada na lumalapit. Hindi ko man alam kung bakit sila magkasama, I felt relief that at least, mapipigilan ko ang sarili kong sigawan at tadyakan si Xander sa inis.             “Xander, bitawan mo si Ana. Nasasaktan na ‘yan,” Finn said while I felt Mada’s hand on my shoulder.             One last angry look from Xander at binitawan na niya ako. Pagkatapos ay tinignan niya si Finn, they exchanged a strange look that I can’t figure out pagkatapos ay saka siya tumalikod para bagtasin ang hallway palayo.             Bumuntong hininga ako tinignan si Mada. She knew that exasperated look I wore. I was really that close to kicking Xander in the shin.             “Ana, I’m so sorry,” wika ni Finn na binalingan ko. Nakita ko ang sincerity niya sa mga mata niya. I believed he really felt sorry for me. “Alam mo namang ayaw ka ni Xander sa frat house dahil maraming mga lalaki ro’n. Gusto lang niyang safe ka.”             Kumunot ang noo ko. That seemed simple enough of a reason pero hindi ko naisip iyon. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ayaw niyang pumupunta ako roon. I first thought that he houses women there kaya niya ako pinagbabawalang pumunta.             “Sinaktan niya si Ana. Nakita mo naman ‘di ba?” sagot ni Mada kay Finn at lahat kami’y napatingin sa braso kong hinawakan ni Xander kanina.             Medyo namumula nga. Damn that guy.             “He spends most of his time there, Finn. Gusto ko lang namang makita siya bago ako umuwi,” paliwanag ko in a way that kind of made sense to me earlier.             But really, if I’ll consider Finn’s view of what Xander was thinking, may sense nga naman ang pagbabawal niya sa akin.             “Alam ko naman ‘yon, Ana. But he’s overprotective of you. Isa pa, hindi ka naman sanay sa mga gano’ng tanawin. Ayaw lang ni Xander na makakita ka ng mga gano’ng klaseng tao at ayaw din niyang makita ka ng mga ‘yon. While they do seem like decent College students, they don’t have squeaky clean records. Baka mamaya kung ano pang gawin sa ‘yo ng mga ‘yon.”             I’ve heard lots of tragic stories from and involving fraternities. And while I’m sure I can handle some macho threats from those kind of filthy people, hindi naman nila alam iyon. They all seem to be under the impression that I’m a proper woman with a golden spoon in her mouth since birth.             Pabuntong hininga akong tumango kay Finn. “Thanks for that, Finn. I’m okay. Ite-text ko na lang si Xander mamaya. But uh…” I looked at Mada na nagtaas naman ng kilay sa akin. Then back to Finn na naghihintay ng sasabihin ko. “Why are you guys together?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD