Chapter Four
August, 2015. Ashton University…
“WHAT? Are you f*****g kidding us, Ana? Why the hell would you do that? Nababaliw ka na ba talagang babae ka? Alam mo ba kung anong sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ‘yang ginawa mo? You’d be condemned by association, you fool!”
Napairap ako sa panenermon ni Mada. This is after I told them I’m dating Xanderone Navarro, Ashton University’s public enemy number one. And while I understand the concern, I on the other hand can’t really feel any remorse or any doubts about this.
I need Xander right now.
“This isn’t a joke, unfortunately. He’s the only person that can help me right now,” katwiran ko. Doon palang nakita ko na ang pag-iling ni Mada. “Isa pa, tatapusin ko rin ‘to sa tamang panahon. Kapag tinigilan na ako ni Mamu sa arranged marriage na ‘yan, sasabihin ko kay Xander ang totoo.”
“God,” Mada groaned. “You even call him by first name now.”
“Ate, hindi naman gano’n kasama si Xander,” Cris said nang makabalik siya mula sa kusina ng apartment nila. She handed me the glass of juice na kinuha nila ni Aiko.
Aiko sat down beside Mada and joined the conversation. “Tama si Cris. Nami-misinterpret lang siya ng mga tao at hindi lang talaga naiiwasang mapa-encounter siya. Hindi naman niya kasalanan ‘yon. Most of those are purely self-defense.”
Oh thanks, Aiko. Kahit hindi ako nag-a-agree sa rason na ‘yan, salamat sa pagpapabango ng pangalan ni Xander kay Mada.
“He’s the president of a f*****g fraternity!” Mada screamed na ikinapitlag naming lahat. “How is he a good guy?!”
Nagkatinginan kami ng katabi kong si Nera. Nakangiwi na rin siya at parang natatakot na kay Mada. Hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako’y nag-aalangang makipag-usap sa kanya ngayon. Parang anytime ay lilipad sa gawi ko ang hawak niyang baso ng juice.
Man. What a mess.
“Kumalma ka, Mada,” awat ni Jam sa katabi niya habang may ka-text sa phone. “Matanda na ‘yang si Ana. Alam niya ang ginagawa niya. At hindi lahat ng nasa frat ay masasamang tao. Grabe ka.”
Matalim ang titig na bumaling si Mada kay Jam. “Lubayan mo na ‘yang si Jelo Cielle. Napo-pollute na niya ‘yang utak mo. Matalino ka dati, Jamby. Pumupurol na ‘yang utak mo kakasama ro’n sa lalaking ‘yon.”
Nangiwi ako. Maski si Jam ay napaangat ng tingin mula sa ginagawa at sumimangot. “Ang harsh mo naman.”
Harsh nga. Iba talaga magalit ‘tong si baklang Mada, matalim ang dila.
“Kumalma nga tayong lahat,” inis na sabad ni Aiko. That earned a glare from Mada. Pero bilang magkasing-edad silang dalawa, Aiko merely tilted her head and raised her eyebrow in retalliation. “Would you rather that Ana gets married to an old, fat, amoy-lupang matandang mayaman, Mada?”
“Tita Eve would never let that happen to her, Aiko!”
“Well, it turns out she would! Fixed marriages shouldn’t be a thing. Masama ‘yon. Maraming batas na nilalabag ‘yon lalo na at adult si Ana.”
“But I can’t understand how dating Xanderone Navarro would help!”
Lahat sila ay tumingin sa akin, marahil ay naghihintay ng paliwanag ko. I sighed at nagkibit ng balikat.
“Simple lang siya sa isip ko. I date a guy na hindi magugustuhan ng parents ko, I make them believe that’s true love, I make them give up the idea of fixing my marriage for me, and then I break up with Xander after. Kapani-paniwala naman, eh. I see this in movies everytime, guys. Nerd, proper girl falls in love with troublemaker guy. I mean… that’s how it usually goes, right?”
“Hindi ‘to pelikula, Ana,” Nera stated at saka umirap.
Nagkibit ulit ako ng balikat. So what? Pareho lang ‘yon.
“Okay,” bumuga ng marahas na hininga si Mada. “So how did it happen? Paano nagkainteres sa ‘yo si Navarro?”
“Nera and I showed up a few times outside his classroom. I sent love letters as well, just for good measure. Then I told him I like him no’ng naabutan ko siya sa rooftop no’ng isang araw.”
Maang na napanganga si Mada. “At iyon na ‘yon? Gusto ka na rin niya agad?”
Again, I shrugged. Truthfully, hindi ko rin alam ang sagot d’yan. Guess I was just that smug about it na hindi ko na rin inalam kung pumayag siyang maging boyfriend ko dahil gusto niya rin ako o baka nakulitan na lang.
“I don’t believe this.”
“Seriously, Mada, you’re painting Xander as a heartless villain,” Aiko said, still on Xander’s defense. I wonder why. “Hindi siya kagaya ng mga naririnig n’yo. He’s a tough cookie on the outside, yes. He gets into fights and he’s rude sometimes but he’s nice when you get to know him.”
Nice, my ass. He’s a mannerless dickhead. But I wouldn’t say that or I risk enraging my cousins further. It’s enough that they think I’m a fool for doing this. Which I might be since you know, the jury’s not out on that one but whatever.
“Even I can see that Ana doesn’t believe that, Aiko.”
I raised my eyebrow but didn’t say anything. Sa halip ay kinuha ko na lang ang baso ng juice ko at ininom iyon.
Hindi ko alam kung paano natapos ang usapan. One thing led to another and then Mada forgot about it eventually.
Sinundo ako ni Kuya Jose—my personal driver—sa apartment nina Mada at Cris. Tinanong ko kung sasabay si Nera pero magkikita raw pala sila ni Kuya Ace. “Edi kaya nga sumabay ka na sa akin. Saan ba kayo magkikita?”
“Hindi na, Ana. Sa Sapori D’ Italia kami magkikita eh out of the way na ‘yon sa ‘yo. Magta-taxi na lang ako.”
Hindi ako nakasagot nang lumabas mula sa apartment si Aiko. She was supposed to stay there until tomorrow. Uuwi na rin ba siya?
“Ana, tumawag sa akin si Kent,” salubong niya sa akin na tinutukoy iyong boyfriend niyang suma-sideline yata na sidekick ni Xander. Charot. “Hinihingi nila ‘yong number mo. Hindi ba alam ni Xander ang phone number mo?”
Kumunot ang noo ko. “Alam. Everyday kaya akong nagse-send ng quotes sa kanya ‘tapos ‘di niya makakabisado number ko? O ise-save man lang?” Kupal naman no’n kung hindi nga niya sinave.
Before Aiko can answer, nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng aking uniform. When I fished it out, I just saw a random number on the screen. Mukhang hindi si Xander ang tumatawag. Well, in any case, bakit nga naman siya tatawag eh ni hindi nga masipag mag-reply ‘yon.
Sabagay. Ano nga namang ire-reply mo sa mga baduy na quotes?
Looking suspiciously at Aiko na naghihintay ding sagutin ko ang telepono, I swiped the screen to answer and placed it on my right ear. “Hello?”
“Ana?” untag ng pamilyar na tinig na tila medyo nahahapo. Sino ‘to? “Si Finn ‘to. Step-brother ni Xander. You remember?”
No. But hell, why would I tell him that? “Uh… yes. Of course. Hi, Finn. How can I help?”
“Xander needs you. Alam mo kung saan ang apartment niya ‘di ba? Can you go here? Like… right now. Or as soon as you can. Please, Ana, this is very urgent.”
Tumingin ako kina Aiko at Nera na nakaantabay lang at gustong malaman ang napag-uusapan.
“S-sure. I’ll be there in ten minutes. Pero pwede ko bang malaman kung anong nangyayari?”
“Ikukwento ko kapag nandito ka na. Basta kung pwede, get here as fast as you possibly can.”
Mamamatay na ako sa curiosity but whatever. “Okay, I’ll see you in ten then.” And the call ended. Bumaling ako sa dalawa na naghihintay na matapos ang tawag. Mga tsismosang froglet. “Si Finn ‘yon, step-brother ni Xander. Pinapapunta ako sa apartment pero hindi sinabi kung bakit.”
“Sasama ako,” prisinta ni Aiko kaagad-agad. “Baka mamaya eh kung mapaano ka ro’n.”
I rolled my eyes heavenwards. “Anong tingin mo sa ‘kin, hindi kayang ipagtanggol ang sarili ko? May baril sa loob ng kotse si Kuya Jose, kaya na niya ‘yong mga bagitong ‘yon.”
Nginiwian nila ako ni Nera while Kuya Jose merely smiled. Hindi naman kasi joke ‘yon. At alam nila pare-pareho na hindi iyon joke.
Kuya Jose drove me to Xander’s apartment at Sixth Avenue. Medyo may kalaliman na rin ang gabi kung kaya’t maluwag na ang daan na tinahak namin. Umuulan din ng malakas noong gabing iyon. Iyong sampung minutong ipinangako ko ay naging pitong minuto na lamang dahil doon.
Ihihimpil pa lamang ni Kuya Jose ang sasakyan sa sidewalk ngunit namataan ko na si Finn na naghihintay sa labas ng apartment ni Xander.
“Kuya, dito ka na po muna. Kapag po hindi ako nakalabas sa loob ng isang oras, saka na lang po kayo pumasok.”
Kuya Jose smiled and nodded through the rearview mirror. Umibis ako mula sa sasakyan. Agad namang dinaluhan ako ni Finn para mapayungan. I know him by his face kasi may mga pagkakataong nakikita ko siya sa klase ni Xander o kaya’y sa mga lugar na tinatambayan ng kapatid niya. But I didn’t know he was Xander’s stepbrother.
Nagtuloy kami papasok ng apartment. Pagkasaradong-pagkasarado ni Finn ng pintuan ay narinig ko kaagad ang mga kalabog mula sa naka-lock na pintuan ng kwarto ni Xander.
Namimilog ang mga mata at maang akong napalingon kay Finn. “What was that?”
“Si Sarah at si Xander nasa loob. I think you don’t know Sarah pero minsan mo na siyang naabutan sa frat club no’n.”
Kumunot ang noo ko at sinubukang alalahanin ang pangalan na iyon. Nothing came to mind. And perhaps Finn sensed that.
“Anak siya ng third wife ng Dad ni Xander. Iyong pinakasalan ni Leon after my Mom. This is not my story to tell pero kailangan mong malaman ‘to, Ana. Dahil hindi ko alam kung paano mapapaalis si Sarah ng wala ang tulong mo.”
I said nothing. Kasi sa totoo lang, iyong panic sa boses ni Finn ay hindi ko maipagsawalang-bahala. I think he’s genuinely feeling frantic about the situation.
“Sarah and his Mom hates Xander. I don’t know why pero gagawin ni Sarah ang lahat para lang masira ang buhay niya. She’d always swore that. Even now, hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon d’yan.”
Eh bakit kasi pumayag ‘tong impaktong si Xander na papasukin sa kwarto niya ‘yong kung sinumang babae ‘to?
Hindi ako nagsalita tinungo na lamang ang kwarto ni Xander. I knocked a few times and called his name. “Si Ana ‘to, Xander. Are you there?”
May footsteps akong narinig. Mga kalampag. Pagkatapos ay tinig ng babae. “Sinabi kong ‘wag!”
Kumatok ulit ako, sigurado na naririnig nga nila iyon. Moments later, the door swung open and a half naked Xander with only a faded ripped jeans present as clothing greeted me. Ang katawan niya’y nakahamabalang sa pintuan at tinatakpan ang view mula sa loob.
His jet black hair is a mess. Para bang kung ilang beses na ginulo-gulo iyon. His eyes were stormy. Halu-halong emosyon ang nakita ko roon; may galit, may takot, may lungkot. I’ve never seen such a thing like it. It was both beautiful and tragic.
“What the hell are you doing here?” pasigaw niyang tanong.
Ni hindi ako nagulat sa bungad niyang iyon. Mas magugulat pa nga yata ako kung hindi niya ako sisigawan.
Hindi ako sumagot. I placed my hands on his shoulder and then gently, hinawi ko siya mula sa pintuan. Surprisingly, sumunod siya kaya’t nakapasok ako. I don’t know why; perhaps it’s the feeling of my hands on his bare skin that surprised him and made him compliant.
“Ana…”
I blinked when I saw the woman. She’s naked. Stark naked at nagmamadali siyang isuot ang dress niya. Ang buhok niya’y gulo-gulo rin. If it’s anyone else, they’d probably think they just had s*x. But the room didn’t smell anything like that. I wouldn’t know the scent of after-s*x but I just know it isn’t like this.
“You… who the hell are you?” duro niya sa akin habang ang dress niya’y naiwang nakabukas pa ang zipper sa gitna.
Kilala ko nga siya sa mukha. Tinandaan ko ‘yong tsinita niyang mga mata at ang tattoo niya sa leeg. She was the one who’s fond to call me Xander’s ‘anino’. She didn’t know me and my name. In fact, I doubt that she ever would.
She’s my kind of girl. Only that she probably has a few loose crews in the head.
Not my kind of crazy.