With Something That Looks Like A Turtle's Shell
Chapter One
OF COURSE, I freakin’ know what a tricycle is! Ginoogle ko ‘yon bago ako bumaba ng van! It’s a motorcycle scooter with something that looks like a turtle’s shell attached beside it. Hindi ako ignorante, noh. Ito lang kasing si Manong, ang OA kung makapag-inarte!
“Miss, hindi nga para sa mga bagahe mo ‘yang sa loob! Kung hindi ka magbabayad ng special, aba eh pasakayin mo naman ‘yong ibang mga pasahero!”
Umakto akong nagpalinga-linga para hanapin iyong mga pasaherong ini-imagine yata ni Manong. “Wala naman hong pasahero. Napaka-ambisyoso mo naman, Manong, feeling mo naman in-demand ka today.”
“Hoy, Miss, terminal ‘to. Maghihintay ka ng iba mong mga kasabay dito! T’saka ‘wag ka ngang nag-iinarte r’yan. Hindi ka maganda, ineng, ha!”
I gasped in reaction to that. Hindi raw ako maganda? Sira ulo ‘to, ah! Kilala mo ba ang kausap mo, Manong? Ana Rayven! Ana friggin’ Rayven!
Charot. ‘Di naman mesheket.
“Magbabayad ako, Manong! Hindi man ako maganda for now pero marami akong pera. Magkano ba ‘yang special-special na ‘yan? Kaarte eh, ‘kala mo may eroplano na may pa-VIP class pa!”
Sinimangutan ako ni Manong. “Isandaan papuntang Villa Fontana! Sumakay ka na at baka hindi ako makagpagpigil, masagasaan kita r’yan!”
Inirapan ko muna siya bago pumasok sa loob kasama ang mga suitcase ko na buong ingat kong ini-load kanina roon.
Three weeks ago, if anyone would tell me I’d be going inside a thing like this, I’d probably laugh at them and volunteer to admit them to a mental institution. I mean, who would dare think na makaka-encounter ako ng ganito—much less, sasakay ng ganito?
Feeling ko talaga minsan, ‘yong abilidad kong maglagay ng eyeliner eh parang ‘yong abilidad kong diskartehan ang mga bagay-bagay sa buhay: muntik nang umayos pero hindi talaga maayos. I tried though. Every damned day. While the gods probably appreciate the effort, they’re just so fond to say no to me. Para silang mga babae, mahirap mapasagot ng ‘Oo’ pero ‘pag sinukuan mo sa panliligaw, ikaw pa ang lalabas na mali.
Like, really, Aphrodite? Reallyyyy?
Sometimes, in the nether part of my brain, I envision myself giving a hilarious speech to all people involved. I wonder how that would go…
Thank you so much for the wonderful misery you guys have granted me. I’d like to blame this current dilemma to all of you, guys. First and foremost, to my parents and half brother who I owe my ignorance to for wrapping me in cotton wool all my life. To my fake asshole boyfriend, Xanderone Navarro, who was not simply a hole but the whole ass… and to Rey Ashton, the one who was responsible for the total fuckification of my academic life. Thank you all. This misery of mine is all because of you.
Ah, well. Kaya siguro talaga inimbento ‘yong prefrontal cortex. Sabi siguro ni Lord, kailangan ng mga tao ng filter sa utak para sa mga ganitong scenario. Would have been fun though if I could throw a huge gala just for the heck of that speech going out.
Hookay. So what now, Ana? No speech. No blaming anyone now. It’s just you and… shoot, what do you call this horrible ride again?—tricycle. That’s right. Tricycle.
Napabuntong hininga ako. Niyakap ko ang handle ng suitcase ko at tinignan ang sarili sa maliit na parihabang salamin na nakakabit sa harapan ng turtle shell.
Kung nakikita siguro nila ako, baka lahat sila naniwala nang may himala. My face was so far from those that people in the Metro were fond to look at in the magazines. Hindi na straight at shiny ang buhok ko. Pinakulot ko na ‘tapos mga apat na araw yata akong hindi nag-shampoo para mag-mukha siyang oily, ma-achieve ko lang ‘tong basurang look na ‘to.
Ugh, ew.
Of course, my whole face was bare of any make up. I wear large specs that is oddly reminiscent of that hideous thing Betty La Fea wore on TV. Hindi ko naman pwedeng pekein at piliting palabasin ang mga pimples sa mukha ko kaya pinagawa ko na lang ‘tong fake retainer ko para kahit papaano, sa ngipin na lang tayo babawi. And to prepare for this, me and my best friend Nera went to the salon and had faux freckles tattoo procedure. Kind of like a microblading procedure but instead of tattooing an eyebrow, it gives you natural-looking freckles in your face.
It was really amusing how that simple effortless transformation makes people look at you in a different way. Now I understand kung bakit hindi makita ng mga tao si Superman sa katauhan ni Clark Kent. You tweak a little details from your face and you become someone else entirely. Kanina nga lang eh, tinawag ako nito ni Manong na panget. Mga tao talaga, ‘di marunong mag-distinguish ng panget sa ordinary-looking.
But do I really care? Nah.
Bata palang kasi ako, tinuruan na ako na ang pamantayan sa pagiging babae ay ang ganda at ang yaman. With those two comes the breeding and the pedigree you need to build a powerful empire. Something that strangely sounds like… Emerald Empire. Yeah. The Emerald Empire of the Rayven clan. Sa tunog palang, napatunayan ko nang korni ang mga magulang ko.
Not that I doubted that one bit.
Lahat sila, ang feeling, perpekto ang mga Rayven. We’ve got one hell of a tight-knit clan. We have money and prestige attached to the name. I mean, fifty malls in the country and counting… small thing! At ang Emerald Empire—corny as it may sound—that conglomerate are actually joined by many wealthy and elitists family in the country. Hindi na siguro masamang sabihin na sinasamba nila ang pangalang Rayven. And being the only legitimate child makes me the equivalent of Queen Victoria—the heir apparent.
But this heir apparent doesn’t want to be heir apparent. Got my drift y’all?
Kasi ganito ‘yan… My mother was one hell of a feminist s**t. She thinks that the female race rules over and above the rest of the gender that currently exists. At dahil unica hija niya ako, gusto niyang maging kagaya niya ako. The upbringing, the education, the lifestyle, even the beauty… all of those I need to take after her. Never minding of course that natural beauty, in her standards, takes at least four hours in front of her vanity mirror.
Even now, nae-envision ko ‘yong samu’t-saring skincare products niya na halos sinakop na ang kabuuan ng vanity table.
God of all skincare products, bless my Mamu.
And so I eventually got tired of the whole Rayven shebang. Because being a Rayven entailed a lot of consequences riding your ass. Like for example, when you get caught punching your boyfriend’s nose on camera in the middle of a school ceremony, it goes viral like herpes. I mean, who would’ve thought na pati sa evening news eh mapi-feature pa ang byuti ng baklang ‘to? And all I did was to punch Xander square in the nose. That didn’t even got me in jail for chrissakes!
But it did got me suspended though.
Hindi ko rin sure kung bakit biglang naging kakampi ng board si Xander sa pagkakataong ito. May na-contribute ba siya sa school na ‘yon? Like duh? Wala naman siyang bilang do’n, eh! And yet they sided with him and suspended me anyway. So ngayon, may possible threat na hindi ko maipapasa ang dissertation ko at hindi maisa-submit ang grades ko sa registrar in time for the next semester.
Unless I get my two hundred hours worth of clinical training in time.
The sole reason that I’m even here in the first place.
“Ineng, ito na yata ‘yong hinahanap mo,” wika ni Manong habang bumabagal ng bumabagal ang takbo ng motor. “Porti-eyt ‘yong nakalagay sa numero ng gate, eh.”
Sumilip ako para tignan ang sinasabi niya. Humimpil siya sa tapat ng pagkatayog na gate na gawa sa kahoy. Pero ang mga gilid nito ay tila bakal na pininturahan ng pula. Feeling ko nga, maski hangin eh hindi makakapasok d’yan. ‘Kakatakot naman ‘to, friend.
“Teka muna, Manong, itatanong ko muna para sure. Wait ka r’yan.”
Bumaba ako sa tricycle kahit struggle is real ang peg dahil sa mga suitcases na nakaharang. Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses at hinintay na may lumabas. Mayamaya lang ay bumukas iyong maliit na pintuan sa may kanang bahagi ng gate at lumabas ang isang babaeng nakauniporme ng kulay ubeng damit na may puting kwelyo. May hawak-hawak siyang itim na plastic bag ng basura.
“Ay may tao! May tao…” Tumawa siya at napakamot sa ulo.
I tilted my head in confusion at napasimangot. Pero pinilit kong ngumiti para hindi naman niya maramdamang feeling ko mukha siyang tanga sa part na ‘yon. “Hi, Ate. Ito ho ba ‘yong bahay ni Keith Nixon?”
“Ay oo, Miss. Ikaw ba ‘yong bisita ni Dok Kaye?”
“Yes po, Ate. Ako po ‘yon.”
Kumunot ang noo niya at tinignan ako mula taas pababa at balik pataas muli. I was vividly aware that I’m being weighed. And unfortunately, I was found lacking.
“Luh. Ba’t sabi ni Doktora maganda raw? ‘Di naman.”
Napairap ako internally. Buti pala wala akong pake. I live by Tina Fey’s wisdom when it comes to these scenarios. Sabi nga niya, if you retain nothing else, remember that the most important rule of beauty is… who the hell cares?
T’saka ‘kala mo naman ang ganda rin ni Ate, eh. Hindi nga pantay ‘yong kilay, eh. Pa’no ‘ko pagkakatiwalaan ‘tong baklang ‘to eh hindi marunong mag-kilay ng maayos? ‘Kakaloka.
“Ate, kung anumang sabi ni doktora, deadma na tayo ro’n. Papasukin mo na ‘ko, baka lang pwede. Keri lang ba sa ‘yo ‘yon, ‘te? Kung hindi man ako nakakaabala sa pagko-contemplate mo kung maganda ako o hindi.”
“Ay,” natawa siyang muli saka nagkamot ng ulo. “Pasensya na. Sige, pasok ka na. He-he.”
Namilog ang mga mata ko at tinignan siya. Did she just really said he-he?
“Ako na rito sa mga bagahe mo, Ma’am.” Prisinta niya nang mailagay ang mga basura sa tabi para siguro ipa-pickup sa mga basurerong dadaan. “Pasok ka na po.”
Binalikan ko si Manong at binayaran ko siya ng two hundred. Just for the heck of it. Kasi nga ‘di ba, sabi ko naman, hindi man ako maganda for now pero marami naman akong pera.
“Oh ano ‘to? Laki naman ng tip nito, ineng.”
“Para sa pagtawag mo sa ‘kin ng ‘di kagandahan, Manong. ‘Di mo lang alam pero malaking bagay po ‘yong pagkumpirma mo no’n.”
Kumunot ang noo niya at tinignan niya ako na para bang hindi niya nauunawaan ang sinabi ko. I simply grinned at tinulungan na si Ate na bitbitin ang mga suitcases palabas ng tricycle at papasok ng gate ng villa.
“Grabe naman ang bigat nito, Ma’am! Dinala n’yo na ho ba ‘yong buong bahay n’yo?”
Itong maid ni Nixon namumuro na sa ‘kin, eh. Daming reklamo sa buhay, ‘kala mo pantay ‘yong kilay.
“Hindi ko ‘yan buong bahay, ‘te. Sa tangkad kong ‘to mukha ba akong magkakasya sa bahay na maipapasok mo sa ganyang suitcase?”
“Ay s’yempre biro lang naman, Ma’am. Masyado ka namang seryoso.”
Hindi ko na napigilang umirap ng totoo. Kagigil si bakla, eh.
Malawak ang loob ng bahay. It looked like a modern Victorian house na may nakaka-relax na ambiance dahil sa mga nakatanim na halaman sa green house na natatanaw dahil sa transparent na floor-to-ceiling windows sa sala. The furnitures were also very relaxing, especially iyong mga painting ng beaches and trees na nakapaskil sa bawat dingding.
Iyong mukha lang yata ni Ate ‘yong hindi relaxing.
Charot.
“Tawagin ko muna si Dok Kaye ‘tapos saka ko na lang iaakyat itong mga suitcase sa kwarto mo, Ma’am, ha? Sandali lang.” Paalis na siya no’n nang mapahinto siya sa gitna at lumingon ulit sa akin na tila may nalimutang sabihin. “Ay oo nga pala, Ma’am, may gusto ka bang inumin? Juice? Tubig? Kape? O baka beer, Ma’am, gusto mo?”
Tumaas ang kilay ko at sumilip sa wristwatch ko. Alas nwebe palang ng umaga, beer ang inaalok? Aba’y sira ulo.
“Juice na lang, ‘te. ‘Di naman ako lasinggera, umaga palang tumotoma na.”
“Ah he-he.” Oo nga, nag-hehe nga siya. Hehe-mon! Ugh! “Sige, Ma’am. Coming right up!”
Naupo ako sa sofa na available roon habang hinihintay siya na bumalik. Wala pa sigurong isang minuto nang may bumabang babae sa hagdanan. Ang agad na nakatawag sa pansin ko ay ang malaki niyang umbok sa tiyan. Oh em. Buntis ang ate girl. Kaya ba siya nangangailangan ng assistant kasi buntis siya? Baka nga.
Ngumiti siya nang lumapit siya sa akin. She has soft blonde hair stopping short of her shoulder and she was about the same height as me. Maamo rin ang kanyang mukha at dark brown ang kulay ng mga mata sa malapitan na nagiging light kapag nasisinagan ng araw.
Feeling ko foreigner ‘to. Kung hindi man, biracial.
“Hi, Dok,” ngiting naglahad ako ng kamay sa kanya. “Nice to meet you po.”
“Hi.” Nakangiti niya ring kinuha ang kamay ko at nakipagdaupang-palad pagkuwa’y nagpalinga-linga. She leaned in close to me to whisper, “I won’t call you Ana Rayven so no one would hear me. But I’m ecstatic to meet you. I’ve heard so many things about you.”
Hindi niya sinabing ‘great’ things. Just things. I sighed internally. May tainga nga talaga ang balita. Damn it.