Sorrys, Pretentious f**k-Ups and Munchkins Who Cares

2341 Words
    Chapter Six   THE bell rang, signalling my last class had ended. Nginitian ko ang mga nagpapaalam sa akin habang sinisinop ang binder, ballpen at textbook ko mula sa mesa. I’m not sure how pero halos lahat ng mga kaklase ko ay nakalabas na agad. Maski iyong professor ko’y nauna pang makapagligpit sa akin.             Nakatayo na ako noon at kukunin sana ang phone ko sa bulsa para mag-check ng mga message nang marinig kong magsarado ang pintuan ng classroom. Nag-angat ako ng tingin para lang makita si Xander na nakasandal doon.             Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko dahil sa gulat. And because I was aware that that gesture could arouse suspicion, umakto na akong yumuko at ibinalik ang phone ko sa bulsa. I schooled my reaction before turning to look at Xander again.             “X-Xander…”             “May pupuntahan ka ba o kailangan mong umuwi?             Hindi ako sigurado kung trick question iyon. O baka naman legit na gusto niyang malaman kung free ako today?             Oh, whatever. “Wala naman. Bakit? May pupuntahan ba tayo?”             “Meron sana. Pero baka gabihin tayo.”             Nagkibit ako ng balikat at ngumiti sa kanya. “Okay lang. Tatawagan ko na lang si Kuya Jose.”             Tumango siya ngunit nanatiling nakatayo roon ng ilang segundo at nakatingin sa akin. I stared at him too, waiting for something that I feel like he wanted to say. Pero ilang segundo na ang lumilipas ay wala siyang sinabi. Sa halip ay binuksan niya ang pintuan ng classroom at iminuwestra sa aking mauna na akong lumabas. I didn’t want any more arguments so I followed.             Walang sasakyan si Xander. What he has is a big motorcycle which doesn’t look safe to me at all. I’ve rode one like this before, iyong pag-aari ng isa pang best friend kong si Bryce. But that had been a long time ago in New York. And compared to the streets in Manila, it’s much safer to ride a thing like this in Big Apple.             Thankfully though, nag-exert ng kakapiranggot na effort itong si Xanderone na patakbuhin ang big bike niya ng mabagal. Mabuti na lang din at hindi ko naisipang mag-dress o mag-skirt ng araw na iyon. God, I couldn’t imagine riding this thing if ever. Baka nga kanina ko pa nailantad ang ugali ko kung nagkataon.             Humimpil ang sasakyan ni Xander sa tabi ng tulay na tinatawag ng mga taga-rito na Water Bridge. The structure was like a mini Venice canal thing with a slope full of green grasses underneath it na madalas kong nakikitaang inuupuan ng mga tao.             Bumaba ako ng motor at inialis ang helmet saka ibinigay iyon kay Xander. Hinintay ko siyang matapos na isalansan ang mga helmet at iparada ang motor niya sa tabi.             Tumalikod ako para sana tumanghod sa ilog sa ibaba pero ang gulat ko nang bigla na lang akong pangkuin ni Xander at iupo sa railing ng tulay. I was that close to screaming profanities at him kung hindi ko lamang natakpan ang bibig ko!             “Hawak kita, ‘wag kang matakot.”             Eh gago mas lalo ngang nakakatakot ‘yon, eh!             I closed my eyes to calm myself down dahil sa pagkabigla ko. Kung hindi’y mukhang malamang sa malamang ay mabibisto na ako. Dammit, Ana Rayven, get a hold of yourself, you reactive being!             Huminga ako ng malalim at itinuon ang atensyon ko sa kanya. Noon ko na-realize na ang isa niyang kamay ay nakapaikot sa likuran ko at nakasuporta para siguruhing hindi ako mahuhulog sa tubig. When I turned to him, he was looking straight at nothing.             Ano na namang problema nitong miserableng nilalang na ito?             “What happened yesterday…” Nakita ko siyang lumunok bago bumaling ng tingin sa akin. “I’m sorry.”             Oy shet!             Feeling ko’y lahat ng wire sa utak ko ay nag-short circuit nang humingi siya ng sorry. I’ve never heard him say sorry. Luh anong sasabihin ko? Shuta.             “O-okay lang. Naiintindihan ko naman,” sagot ko, which to my surprise may have been the truth. I definitely understood his logic. Thanks to Finn, by the way.             “I did hope you would initially. Ayokong pumupunta ka ro’n dahil wala akong tiwala sa mga nando’n. They are all pretentious f**k ups. May pera lang kasi silang lahat kaya hindi nalalantad ang mga kagaguhan nila.”             Tongue-in-cheek, I wondered why he seemed to sound angry at that. Siya nga ‘yong namamahala sa fraternity na iyon, eh. Edi kasama rin siya sa mga ‘pretentious f**k ups’ na ‘yon?             Kunsabagay. Hindi naman siya nagpapanggap. Alam naman iyon ng buong Ashton.             “You hate them.” That wasn’t a question and I didn’t told him that as such. Obserbasyon iyon. Base sa sinasabi niya at sa akto niya kapag nandoon siya sa frat house.             He seemed tense there. Guarded. Kapag kasama niya ako at si Finn o kaya’y si Kent, hindi siya ganoon. Iyon ang napapansin ko. Noong una, akala ko hallucination ko lang ‘yon. O kaya’y dala lang ng presensya ni Finn o ni Kent dahil ang una’y stepbrother niya at ang huli’y matalik niyang kaibigan. But now that I’m thinking about it, baka nga dahil iyon sa tiwala siyang walang mananakit sa kanya kapag kami ang kasama niya.             I don’t know. But I felt something tug at my insides at that thought.             “Do I?” balik-tanong niya sa akin.             Hindi ko sure kung totoong tinatanong niya ang opinyon ko. “Ayokong i-psychoanalyze ka, Xander, kung iyon ang gusto mong gawin ko.”             His lips curled up. “That’ll be you by profession years from now. A psychologist.”             Kung alam lang siguro niya ang totoo. But then again, hindi naman niya talaga ako kilala. And I’m afraid, hindi niya talaga ako makikilalala.             “Pero interesado akong marinig,” dugtong niya sa kaninang sinasabi; apparently taking my silence as his cue. “Interesado akong malaman kung bakit tingin mo ay galit ako sa kanila.’             “Mali ba ako?”             Pinakatitigan niya ako ng ilang sandali. And as I expected, he said: “Hindi. Hindi ka nagkakamali.”             See? Now the only question is why… well, aside from the obvious reason that those pompous neophytes are annoying as hell. He seem to get along very well with his other fraternity ‘brothers’.             “Why do you think?” Aba, malay ko. “I see my father in them. Sa harap ng marami, parang santo. May pa-charity works pang nalalaman.” He scoffed and shook his head. “Pero kapag sila-sila na lang, para silang mga demonyong hayok na hayok na magkasala. They’re all depraved bastards that shouldn’t have existed in this earth.”             Wow. And look who speaks!             Sabagay, tama naman si Xander. Minsan nga, iniisip ko kung bakit hindi naisip ng mga tatay nila noon na iputok na lang sila sa kumot, eh. Would’ve saved lots of us from the headache of existing with them.             Charot.             “Kung gano’n… bakit ka nando’n? Kung ayaw mo sa kanila, edi bakit kasama mo sila?”             For me, it’s so simple. You want them gone, you see to it that they go. Hindi ko man alam kung anong Daddy issues ni Xander, hindi ba dapat mas pa na gumagawa siya ng paraan para ma-expose ‘yong mga miyembro niyang may hindi magandang ginagawa kaysa idle siyang nanonood d’yan at tino-tolerate ang mga ‘yon?             To my surprise, he chuckled. May kislap ang mga mata niya nang muli akong pangkuin at ibaba sa gutter. Pagkuwa’y ikinulong niya ang mga pisngi ko sa kanyang palad at itinukod ang kanyang noo sa aking noo.             “You’re so innocent, Ana. And how I wish you’ll stay that way.”             There it goes again. The strange feeling of something tugging at me from within.             What the hell was that?   “MUNCHKIN, hindi ka ba papasok? Male-late ka na sa next class mo,” pangungulit ni Bryce sa akin habang panay pa rin ang scroll ko sa aking phone.             We’re inside the university cafeteria, sabay kaming nag-lunch. Hindi ko nga rin alam kung bakit walang klase ‘tong kumag na ito eh usually naman ay hindi talaga kami nagkakatagpo tuwing Thursday dahil sunod-sunod daw ang klase niya.             “Hindi raw papasok si Ma’am Belle kaya keri lang tumambay muna. Isa pa, nagba-browse ako ng bibilhin kong shoes for the recognition ceremony next week.”             Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko na ibinaba niya ang iniinom na rootbeer at tinaasan ako ng kilay. “Oh. Invited ka?”             I nodded and put my phone down for a while to look at him. “Yes. Apparently, I still get invites despite my association with Xander.”             Bumuntong hininga si Bryce nang mabanggit ko ang pangalan ni Xander. Hindi naman na rin ako magtataka kung bakit at sa pagkakarinig ko ay tila may hidwaan silang dalawa na hindi ko alam kung saan nag-ugat.             “You know I doubt this pretending thing will be highly successful, Ana. Kinakaawaan ka lang ng mga tao rito at tingin nila eh kagaya ka ng mga ordinaryong babae rito.”             “What does that even mean?”             “Oh you know. Women here likes Xander, whether they admit to it or not. They like the attraction of men with a chip on their shoulder.”             I rolled my eyes heavenwards. “Bryce, I don’t care about what they say. I only care about what my parents will say.”             “Oh eh paano sila mag-re-react eh nasa Brazil sila? Aba eh mag-i-isang taon na ‘tong paandar mo kay Xander, ah. May kinahantungan ba ‘to?”             “Oh, relax, will you? Malalaman din nila. Ako nang bahala rito, manahimik ka na lang d’yan.”             “What exactly is it that you’re trying to coax out of your parents, Munchkin? Aside from of course, convincing them that you’re in love with the last guy they’d think you’ll hook up with. What’s ultimately the goal?”             Nagkibit ako ng balikat. “The goal is to call them out on being an absentee parent. And to prove a point na hindi ako basta-basta lang susunod sa mga gusto nila.”             “Well how about this program that you’re taking? Kung talagang gusto mong patunayan sa kanila na hindi ka nila hawak sa leeg by default, edi sana itinuloy mo ang pag-a-artista. O kaya kahit ‘yong offer na lang sa Juilliards ay tinanggap mo. Hindi ba mas makabuluhang rebelyon ang gano’n?”             Aaminin kong may punto si Bryce. Naisip ko naman na talaga iyon, eh. Baka kako pwedeng iyong pangarap ko na lang sa pagkanta at pagpe-perform ang ipagrebelde ko. But then again, I love my parents. And taking the scholarship offer at Juilliards is a step too far for that. Ang gusto ko lang naman ay maihinto ang kalokohan nilang gamitin ako ng gamitin sa mga business transactions nila.             It just so happens that Xander is the best thing to use. Alam ko kasing hindi siya magkakaroon ng pakialam sa akin—ever.             Nakaligtas ako sa pagsagot kay Bryce nang makita kong papunta si Xander sa mesa namin. He was looking at me intently kaya’t alam kong ako ang sadya niya.             “Ana.”             Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Hinintay ko siyang makarating sa kinaroroonan namin. Si Bryce naman ay nilingon na ang tinitignan ko kaya’t pabuntong hininga na lamang niyang iniangat ang can ng rootbeer sa kanyang bibig.             “May lakad ba kayo ni Soriano?” tanong niyang ang tinutukoy ay si Bryce.             Umiling ako at ngumiti. “Hindi, wala naman. May pupuntahan tayo?”             Hindi siya sumagot ng oo o hindi. Basta na lamang niyang kinuha ang kamay ko at hinatak ako palabas ng cafeteria. And here’s me wondering kung kailan matututo ng manners ‘tong si Xanderone.             For the first time ay sa maayos na kotse ako isinakay ni Xander. To my astonishment, siya pa nga ang nagbukas ng pintuan ng passanger seat at hinintay na makasakay ako bago siya pumasok sa kabilang side. This is weird.             “Xander, saan tayo pupunta?”             Tumingin siya sa akin habang binubuhay ang makina ng kotse. “Basta. I-text mo na lang ang sundo mo. Ako na ang maghahatid sa ‘yo mamaya.”             Sinunod ko ang sinabi niya. Pinadalhan ko ng text message si Luisa—ang personal assistant ko—at Kuya Jose para ipaalam na ihahatid ako ni Xander at baka gabihin din ako ng uwi.             Hindi ko kabisado ang lugar na pinagdalhan sa akin ni Xander. All I know is that we’re already outside District Three. Hindi ko nga lang alam kung eksaktong saan kami naroon.             Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang two-storey house sa loob ng isang village. It doesn’t look like the Navarros would actually live in there. For a family who owns a hefty number of five-star hotels around Asia, hindi naman mukhang ibabahay ni Leon Navarro ang pamilya niya r’yan.             But oh well. What do I know anyway?             Umibis kaming dalawa ni Xander mula sa sasakyan. Umikot ako para puntahan siya. Eksaktong pagtabi ko sa kanya ay lumabas mula sa spring na pintuan ang isang babae. And strangely, she looked familiar to me.             “Anak… hindi ka nagpasabing pupunta ka. Sana naipagluto kita.”             Hindi ko napigilan ang pamimilog ng mga mata ko nang marinig ang itinawag ng babae kay Xander. Anak. Holy s**t, Xanderone!             Meet the parents agad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD