Meet The Dead Parent

2474 Words
    Chapter Seven   LEA Navarro looks so much like her son. Her shoulder-length jet black hair illuminates under the moonlight. Ang mahaba niyang pilik-mata at ang matangos na ilong ay katulad na katulad ng kay Xander. Even her high cheekbone and well-defined jaw is definitely like her son’s.              “Alam mo ba na ang pangalan ng anak ng bestfriend ko ay Ana rin? That is such a beautiful name. And you’re also beautiful.”             She has a warm smile that is so achingly familiar to me. At sa palagay ko, hindi ako nagkakamali. Kilala ko siya. At imposibleng maitanggi niya ang bagay na iyon sa akin.             Pinanood ko siyang maghain ng mga pinggan sa hapagkainan. Nang bumaling ako kay Xander ay nakatingin din siya sa akin na tila nagtataka. He must have been wondering why I stood at the other side of the dining table like a statue.             “Pasensya ka na, hija. Ito na lang muna ang maihahain ko eh hindi naman kasi nagpasabi itong si Xander na pupunta pala siya at isasama niya pa ang girlfriend niya.”             Tinignan ko ang pagkaing inilalagay niya sa hapag. Bacon and hotdog. Probably the only things in the refrigerator na madali niyang nailuto o naipainit.             “Alam mo bang matagal ka nang ikinukwento sa akin nitong si Xander?”             “Ma…” Xander trailed, as if warning his mother to stop talking. Only it was done in a gentle manner. Taliwas sa Xander na laging nakasinghal at nag-aamok.             “Ay ano namang masama kung ikuwento ko kay Ana? Eh totoo namang matagal ka nang may gusto r’yan bago mo pa naging nobya ‘yan. Maigi nga na malaman niya para hindi siya palaging natatakot sa ‘yo.”             There are so many things that are horribly wrong there. First, hindi ako takot kay Xander. Tumatahimik lang ako kapag nag-aamok siya’t naninigaw dahil ayokong masigawan siya pabalik at masipa sa mukha.             Second…             Tumingin ako sa kanya. His jaw tightened when he noticed I looked shocked. Mayamaya’y humila na siya ng upuan at naupo sa pinuwestuhan niya. “Tama na ‘to. Kumain na tayo.”             Bumuntong hininga ako, still reeling a bit with that shocking revelation. And yet there’s another one that is more pressing that I think I need to address.             “Tita…” Napahinto siya sa akmang paglalagay ng plato sa gawi ni Xander. Tumingin siya sa akin at ngumiti, hinihintay na magsalita ako. “Tita, ‘yong pangalan ho ng bestfriend n’yo… Eve po ba ang pangalan niya? Eve Rayven?”             Xander’s mother has visibly stopped moving. Maski ang paghinga yata’y hindi na nito ginagawa. The effect of my mother’s name says it all. Hindi ko na nga yata kailangan ng sagot.             I’ve never seen Mamu with friends even when I was just a little kid. Noon ay hindi ko gets kung bakit gano’n pero later in life, na-realize kong dahil iyon sa ugali niya na sa palagay ko ay hindi nagugustuhan ng marami. But there’s one beautiful lady who used to visit the mansion thrice a week. Her name is Lea Urduja. I used to call her Tita Lele. She was very close to my mother to the point that they call themselves sisters.             However, months before I was shipped to California with Bryce Soriano and his family, Lea Urduja died in a plane crash. Naalala ko pa iyon dahil iyon ‘yong time na hindi naka-attend ng Elementary graduation ceremony ko si Mamu dahil sa paghahanap sa bangkay ng bestfriend niya.             And if Lea Navarro who stood motionless in front of me is the same Lea Urduja… what on God’s name happened on this motherfucking earth then?             “Ma,” untag ni Xander sa kanyang ina na may pag-aalala sa tinig. “Ma, okay ka lang?”             His mother blinked at pagkuwa’y pinakawalan ang pinipiit na hininga saka inilapag ang plato gamit ang nanginginig na mga kamay. When she looked at me again, I saw recognition. “You’re that kid… aren’t you? Ikaw si Ana. Ana Rayven, ang unica hija ni Eve at ni Dan?”             I tried to smile and nodded to confirm that. “Ako nga po, Tita Lele.”   THEY say that white lies are often ushers to black ones. And I’m not one to judge but this thing right here might potentially be that—a white lie that can escalate to an ugly black lie.             “Sana sa susunod na pupunta ka kasama si Ana, magpasabi ka naman,” bilin ni Tita nang ihatid kami sa labas ng pintuan. Ngiti siyang bumaling sa akin at hinaplos ng may lambing ang kanang pisngi ko. “Salamat, Ana, sa pag-aalaga mo sa anak ko. At sana rin ‘wag kang magsasawang unawain si Xandy.”             Maang na napatingin ako kay Xander. I saw him close his eyes and groan. I chuckled. “Xandy?”             Natawa rin ang ina ni Xander. “I call him Xandy when he was young. Guess I had never really outgrew that pet name.”             “Mom. Hindi naman itinatanong ni Ana. Please stop giving her ideas.”             Wala sa sariling nangiti ako nang dahil sa nadiskubreng palayaw ni Xanderone. “Why not? Xandy sounds good to me.”             And he groaned once again saka nagmamaktol na pumasok sa kotse. Tita Lea and I both shared a good laugh.             Pero mayamaya lang din ay kinuha niya ang mga kamay ko at pinisil. Nang bumaling ako sa kanya’y nakangiti na siya. Ngunit ngiti iyon na wala ang ningning sa mga mata.             “Alam ko namang baka imposible ang hihilingin ko sa ‘yo, Ana… pero kung maaari sana, ‘wag mo na lamang muna ipagsabi ang nadiskubre mo tungkol sa akin ngayong gabi.”             I had expected that. Iyong pamumutla niya pa lamang kanina, alam ko namang hihilingin niya ang bagay na iyon.             “Pati ho ba kay Mamu, hindi ko pwedeng sabihin?”             Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at saka umiling. “Maski kay Eve, Ana. Magpapakita ako sa kanya sa tamang panahon. Magpapaliwanag ako. Pero hindi pa ngayon.”             And who am I to oppose that? Baka naman kasi may mabigat na dahilan kaya’t pinaniwala niya ang mga tao na matagal na siyang patay. Mamu will be devastated by the lie but then, she’ll probably understand. After all, matalik silang magkaibigan ni Tita Lele.             “Sige po, Tita. Makakaasa po kayo na mananatili po itong sekreto sa pagitan namin ni Xanderone.”             Ngumiti siya. Pagkatapos, sa pagkamaang ko ay humalik siya sa pisngi ko. “Maraming salamat, Ana. Mag-iingat ka palagi.”             Ibinalik ko ang ngiti at pumasok na sa sasakyan para umalis na roon.             Inasahan kong dadalhin ako ni Xander deretso sa bahay pero nang lumihis siya ng daan at magtungo sa Water Bridge ay napagtanto kong may gusto pa siyang sabihin sa akin.             Mag-e-explain kaya siya tungkol sa nanay niyang nabuhay mula sa hukay? O pagbabantaan lang niya akong huwag siyang tawaging Xandy sa harap ng maraming tao?             If that would be the latter, I’d probably go ahead and deck the living s**t out of him.             Hindi siya umalis ng sasakyan. Nag-park lang siya sa tabi at tinitigan ako. Ngayon tuloy hindi ko maiwasang hindi balikan iyong sinabi ng nanay niya kanina. Na matagal na siyang may gusto sa akin at palagi niya akong kinukwento kay Tita Lea.             Damn. Mali ba ako ng pagkalkula kay Xander?             “Hindi ko akalaing kilala mo si Mama,” he said finally, breaking the awkward silence between us.             Tinanggal ko ang seatbelt ko upang malaya akong humarap sa kanya. “Xandy, what I found out just now… hindi ko naiintindihan.”             I was definitely talking about the fact that he could possibly has a crush on me during my freshmen days or maybe later than that but I didn’t expect he’d take what I said as something else.             “Navarro Asia was never my Dad’s properties. It was my Mom’s.”             Gustong umigkas ng kilay ko sa gulat. Now I’m curious. I’ve always known Navarro Asia as Navarro Asia and nothing else. And that’s what I told Xander.             Umiling siya. “Urduja Hotels and Travels ang Navarro Asia noon bago pa magpakasal si Mama kay Leon Navarro. Mom owns all those properties. Noong maikasal sila, it became conjugal and Mom agreed to re-brand the company as Navarro Asia. But Mom would still remain CEO and Dad as mere President.”             I’ll guess what happened. Leon Navarro doesn’t seem to look like he’d take that position lying down. So he did something nasty to Lea Urduja.             “He had my Mom killed,” Xander revealed, which in a way, I expected. “Siya ang may pakana ng plane crash. The private chopper my Mom flew with was arranged to crash and get her killed para mapunta sa kanya ang lahat ng kompanya. And because I was still very young at the time, it isn’t possible for me to take over.”             I gritted my teeth, imagining what losing one parent did to Xander as a child. Hindi ko man gusto ang ugali nitong lalaking ‘to, alam ko at aware ako na kung sino siya ngayon ay may malaking kinalaman sa kung anong pinagdaanan niya noong bata siya.             “Dad enlisted Mila’s help then,” pagpapatuloy ni Xander nang mapagtanto niyang hindi ako makapagsalita at makapag-react. “Si Mila ang abogado ni Mama noon. Lucrative accounts were entrusted to her so Dad was able to acquire all of them without a fuss. May relasyon na sila noon pa. But when Dad found out that Mila has a daughter—which will turn out to be Sarah—nagpakasal siya sa iba.”             “I’m guessing that’s Finn’s mother?”             Tumango siya sa akin at matipid na ngumiti. “Tita Jean. She had been a mother to me so in a way, blessing in disguise ang pagpapakasal niya kay Leon. He’s abusive. And manipulative to some degree. I felt bad when he started showing that side of him to Tita Jean six months down the line afrer they got married.”             Kinagat ko ang ibabang bibig ko, pinipiit na lumabas ang mga murang nakadirekta kay Leon Navarro. God but the man sounded like an asshole. Not Xander-level of asshole though. He’s more like Beelzebub’s ilk.             “Eventually, hiniwalayan siya ni Tita Jean at nag-asawa ulit. She and Coach Cesar Miller had Finn. Shortly after, pinakasalan ni Leon si Mila.”             “Ilang taon ka no’n, Xandy?”             Huminga siya ng malalim. Akala ko hindi niya ako sasagutin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagtuunan iyon ng pansin. He was looking intently on my polished nails, caressing them as if there was something interesting there.             “Thirteen years old.”             Hindi ko napigilang mahigit ang hininga ko. Too young. He was so young when that happened. And as a person who took psychology as an undergraduate program, I knew how that kind of stress will affect a child’s psyche especially if he has zero support system at home.             “I was a troublesome teen,” wika niyang nakatuon pa rin ang atensyon sa kamay kong sinusuri’t hinahaplos niya. “An angry kid out of control. No’ng… no’ng lumipat sina Sarah sa bahay, sa kanya ko naibuhos ang lahat ng frustration ko. I made her as a distraction. And in a way, my object of rebellion against Dad. No’ng mga panahong ‘yon, hindi ko pa alam ang ginawa nila kay Mama.”             “Kaya ba gano’n ka na lang kung habulin ni Sarah?”             Nag-angat siya ng tingin sa akin, ang mga labi niya’y nag-isa na at tila ba may hesitasyon siyang sagutin ang tanong ko. It surprised me but at the moment, I felt something ache inside me. And I just knew in my heart that was for Xander and what he went through.             “Hindi ko alam kung paano ipagsisino ang pagmamahal sa pagnanasa, Ana. Higit pa ro’n, hindi ko rin alam kung anong pagkakaiba ng galit sa sakit. Sarah was a mistake I should have not committed. Alam kong inosente siya sa ginawa ng nanay niya at ng tatay ko. And I was a fool and a horrible monster to hurt her the way I did.             “But to me, Sarah was just simply collateral damage. A stroke in my hurting ego. Ginamit ko siya—that was the ugly truth—ginamit ko siya para sa sarili ko at kalaunan, para gumanti sa nanay niya. But believe me when I say that you’re different from Sarah, Ana.”             Napalunok ako. Ramdam ko ang pagsisikip ng lalamunan at dibdib ko. Ang hirap huminga ng mga oras na iyon at pakiramdam ko’y may kung anong tambol na dumadagundong sa loob ng tainga ko.             Xander wasn’t making any sense to me but in a way, I understood what he’s trying to say.             And panic set in.             “Xandy, please—”             “Hindi kita dapat lalapitan hanggang sa hindi ko nabibigyan ng hustisya ang nangyari kay Mama. Ipinangako ko sa sarili ko noon na hindi kita gagalawin hanggang sa mabawi ko ang kompanya at maging karapat-dapat ako para sa ‘yo. I was gluing my pieces back together in the hopes that you’d notice me someday. Someday, when I’m whole and I’m able to give everything to you.”             Nanlaki ang mga mata ko sa sinasabi niya. At habang nauunawaan ko ang mga nangyayari, mas lalong nadaragdagan ang panic sa sistema ko. And a little voice inside my head was pushing me to tell him the truth.             Pero paano ko gagawin iyon?             How do I tell someone like Xander that I’m a fraud without shattering what’s left of his faith on humanity?             “This will be too much to ask of you, Ana… Pero hintayin mo ako, please? Kailangan ko lang ng oras para gawin ang lahat ng dapat kong gawin. And I just need you to be with me while doing that. Can you do that for me?”             Sweet Jesus. Now I know what all the fuss is about.             He’s in love with me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD