Meet The Not-So-Dead Parents

2239 Words
    Chapter Eight   “WHAT are you doing, you worthless piece of s**t? Tumayo ka r’yan, Zone, nakakahiya ka! Hindi ka lampa! Tumayo ka r’yan, bilisan mo!”             Hanson Ashton—whom I prefer to call Zone—stood up and sighed. Itinaas niya ang mga kamao niyang nababalutan ng tape gaya ng akin pero ang mga mata niya’y naghuhumiyaw ng kapaguran at pagkayamot.             “Ana, hindi ka pa ba napapagod? Ubos na ang energy ko sa sparring na ‘to. Kung may problema ka, sa punching bag mo na lang ibunton.”             Ibinaba ko ang mga nakataas kong kamao at nagpameywang. “You said you’re game!”             Jelo Cielle Delta—JC for short—who was watching from outside of the ring laughed. “Oo, Ana, ang sabi ni Zone game pero hindi naman niya alam na bugbugan pala ang gusto mo at hindi thirty-minute sparring.”             Kumunot ang noo ko. Muli’y bumuntong hininga si Zone at this time, naupo na lang siya ng pa-indian sit sa mat. “Ano ba kasing problema? The last time na nag-amok ka ng ganito, nalaman mong ipapakasal ka ng parents mo ro’n sa may-ari ng franchise ng mga private hospitals.”             Ngumiwi ako at umirap. “Ew.”             “Oh so ano ngang problema?” panegunda ni JC na patalong inakyat ang ring pagkatapos ay humalukipkip at sumandal sa ropes. “Bukod sa gusto mong patunayang black belter ka sa MMA, anong gusto mong ma-achieve sa bugbugan session mo kay Zone?”             Napaka-OA. Akala mo naman mamamatay sa sparring, eh.             “Wala, okay? Gusto ko lang paganahin ‘yong utak ko kasi nga feeling ko hindi na siya gumagana! God, I feel stupid these days!”             Nakita ko sa gilid ng mga mata kong nagkatinginan ang dalawa. That made me frown. I’ll never understood men. Para silang mga werewolf na may silent communication kapag may outburst ang mga babae. Ugh!             “I’m afraid to ask,” JC moved and went to sit beside Zone. “Is this about Xanderone Navarro?”             See? Even they can guess what a stupid decision Xander was!             “Why do I feel like there’s a whole host of narrative going inside that head of yours?” hirit ni Zone. And damn the man, he’s right.             Inis na naupo ako sa mat at nagbuntong hininga. Ramdam pa rin ng sistema ko ang adrenaline rush mula sa sparring na nabitin kanina. Gigil pa rin akong makipagsapakan kay Zone. Ang kaso nga’y alam ko namang may punto sila. My problem will not be fixed by punching and kicking my sparring partner.             “I think the guy is in love with me.”             Gaya ng inaasahan ko, nanlaki ang mga mata nilang dalawa. It would be comical if this wasn’t f*****g problematic.             “Oh no,” JC murmured. Strangely, that summed up all this mess.             “Ana… you fool!”             “Well, who the hell thought that the biggest asshole in Ashton University would have a f*****g crush on me?” I instantly leapt to defend my decision. “Ang tagal ko nga siyang hinabol ‘di ba? Ni sa ilang buwan na ‘yon, hindi naman siya nagpakita ng interes sa akin, Zone. Paano ko naman malalaman na mali pala ako ng pagkakakilala sa kanya?”             Nasapo ni JC ang noo niya. Hah, look at that. I’ve been wanting to do that since Thursday.             “Iyan kasi ang hirap sa ‘yo, Ana, eh. Pakiramdam mo, lahat ng tao pwedeng maging kagaya mo.”             Umigkas ang kilay ko sa sinabi niya. “Anong kagaya ko? What the hell does that mean?”             “That means you’re wrong if you think there’s someone out there who doesn’t feel anything towards other people. We know that you don’t care about what would happen to Xander after this plan of yours succeeds, pero inisip mo ba kung anong mangyayari kung sakaling magkagusto nga sa ‘yo si Xander in the long run?”             Natahimik ako at hindi nakasagot. Kasi anong isasagot ko? Eh wala naman kasi sa isip ko na mangyayari iyon.             “No backup plan, I suppose,” sansala ni Zone na inilingan ni JC.             “Binalaan ka na nina Mada tungkol d’yan. Hindi rin naman kami nagkulang sa pagpapayo sa ‘yo. You’re bound to hurt someone with this crazy stunt you pulled, Ana.”             Paano nakakatulong iyong ipagdiinan pa nilang mali nga ako? Paano, sige nga? Alam ko na nga, eh. Kaya nga nag-iisip ng solusyon. Wala pa nga lang akong naiisip pero aayusin ko naman talaga, eh!             Because contrary to popular belief, I do care about what would happen to Xander. I just thought he’d be the one to grow tired of me first before I do.             Now, everything just seems so confusing!             “Ano nang balak mo ngayon n’yan?” tanong ni Zone na ipinagkibit ko ng balikat. “Kailangan mong magkaroon ng plano. ‘Di ba alam na ng mga magulang mo ‘yang tungkol sa relationship n’yo ni Xander? Aren’t they flying home today?”             They’re already on their way home. Hindi ko alam kung paano nakarating kina Mamu ang picture namin ni Xander na magkasama but it did and they were rightfully shocked I’d been dating someone behind their back. Kahit pa ba anak siya ng matalik niyang kaibigan, hindi pa rin iyon makakalampas sa kanya. All because I did it without informing them first.             What a nice set of parents.             “Hindi ko pa alam. Hindi ko na pwedeng ipakilala si Xander sa kanila gaya ng nauna kong plinano. That will complicate things. Baka mas lalo lang umasa ‘tong si Xandy na may feelings talaga ako sa kanya.”             Parehong umarko ang kilay nilang dalawa sa pagkamaang. Then Zone parroted, “Xandy?”             Eesh! Dammit, I even let that pet name slip! “Oh, don’t ask!”   I WENT back to the mansion after a while of staying in the gym. Nakita kong abalang-abala ang mga kawaksi sa bahay, maski ang Butler nina Papu ay hindi na magkanda-ugaga sa ginagawa. Anong oras daw ba darating ang mga paimportante kong magulang?             Hindi pa ako tuluyang nakakaakyat sa kwarto ko nang marinig ko ang tunog ng chopper at ang nakakapanyanig na paglapag nito sa ‘di kalayuan. Napabuntong hininga ako. They indeed aren’t normal. May airport naman, bakit kailangang dito sila lumanding!             Napipilitan akong tumakbo palabas. Fountain sa tabi, tall pine trees all over, bushes of roses sa garden. I know it’s a big big house at pwedeng pag-landingan ng chopper, but seriously?             “Ana!”             Umarko ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Nang lumingon ako, nakita kong tumatakbo ang dalawa kong baliw na magulang papalapit sa akin na kunwari’y pa-slow motion pa. Seesh. Bakit ba sila ganito?             They both hugged me. Nangiwi ako at napilitan na lamang na yakapin din sila. Briefly, I wondered why Kuya Ace wasn’t here. Mukhang natunugan na niyang may ganitong welcoming committee ang Mamu at Papu kaya iniwanan na lang ako ng basta.             What kindness, brother!             “Kumusta ka na, my precious?” tanong ni Mamu na pinaulanan ako ng halik sa mukha. Amoy na amoy ko ang matapang niyang pabango na malamang ay doon pa niya sa Brazil binili. Eve Rayven never really missess to purchase vanity stuff like this.             “Na-miss ka namin, anak kong napakaganda!” panegunda naman ng cry baby kong Papu na daig pa ang tatay ni Jimmy Neutron.             Patayin n’yo na lang po ako.             “Is there something wrong, sweetie pie? Are you sick?”             “Sick? Bob, tumawag ka ng doktor! Ng ambulansya! Dali at baka mapaano ang anak—”             Oh my God! This is so… tragic!             “Papu, I’m okay! Hindi kailangan ng doktor!” pagkatapos ay lumingon ako para ilingan ang butler nila, silently telling him it’s okay and he doesn’t need to call any doctors.             Sumimangot si Papu’t tila batang ngumuso. “Ang Mamu mo kasi.”             “Ano ka ba?” pagtataas ng kilay ni Mamu. “Tinatanong ko nga kung may sakit, eh.”             Pwede na po bang bumuka ang lupa at lamunin ako?             “Ang aga-aga, nag-aaway kayo,” bungad ng tinig ni Kuya Ace mula sa likuran ko.             When I turned to look at him, he’s wearing a baby blue polo shirt and a black slacks. Wala siyang dalang briefcase kaya sa tingin ko’y hindi siya papasok sa trabaho.             Well, won’t you look at that? Pati naman pala si Kuya Ace ay nag-leave pa sa trabaho para rito sa mga magulang naming sa loob ng three hundred sixty five days ay sixty five days lang present.             Lucky them.             They ordered to have breakfast at the terrace. Nangiwi ako nang makita kung anong inilagay ni Mamu sa plato ko. Kiwi fruit. Parang bigla akong nangilo. ‘Di na ako sanay na kumakain ng ganito sa umaga kaya nagpakuha ako ng yogurt.             “Ang sabi nina Granny Mom at Granny Pops, sa lunch na lang daw sila sasabay,” Kuya Ace informed us whilst slicing his bacon in half. “Pero puntahan mo raw po si Granny Pops sa library mamaya, Papu.”             Tumango ang Papu. “Will do. Thanks, Ace.”             Lihim akong napabuntong hininga. Kakarating palang nila pero negosyo kaagad ang aatupagin.             “Kamusta sa Ashton, baby princess?” mayamaya’y usisa ni Mamu.             Small talks, I suppose. Gustong-gusto niya iyong mga theatrics na ganito, eh. Iyong tipong sisimulan niya sa maliit na bagay hanggang sa huli’y iginigisa na pala niya ako sa sarili kong mantika.             “Ashton’s fine. I’ll do my internship this year.”             “When will you have your licence? Twenty seventeen?”             Tumango ako bilang kumpirmasyon. “If everything goes well, that is.”             “May rason ba kung bakit everything will not go well?”             I pursed my lips and looked at her. Now, that’s a trick question, I’m sure.             Again, hindi ko na pwedeng sundan ang nauna kong plano na sabihin sa kanilang may boyfriend ako at si Xander iyon. It will complicate things. Una, dahil alam ko nang kilala niya si Xander. It slipped my mind before that she had a bestfriend with a son named Xanderone Navarro. Pangalawa, hindi pwede dahil may feelings nang involved at balak ko nang tapusin ang pagkukunwari ko kay Xander. So it doesn’t make sense kung gagamitin ko pa siya.             So anong sasabihin ko sa nanay ko?             “I heard may boyfriend ka. Totoo ba ‘yon?”             Napalunok ako. There’s only two ways to go with this; I tell them the raw truth of what I’d done or I deny all this altogether.             “Ana?”             Tumikhim ako. I changed tact. “Sinong nagsabi?”             Nakita kong tumingin si Mamu sa direksyon ni Kuya Ace na katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ibig sabihin niyon.             Oh this traitor!             Inis kong pinalo ang braso niya na naging dahilan kung bakit tumapon ang kape sa asul niyang polo. “Kuya!”             Agad niyang ibinaba ang tasa ng kape sa mesa at bumaling sa akin. “They need to know what you’re doing! At isa pa, hindi mo naman itinatago ang mga ginagawa ninyo ni Xander, ah! Kahit hindi ko sabihin, sooner or later, Mamu and Papu will know! May CCTV sa labas ng gate, tanga ka ba?”             “I know that! Pero sana hinintay mo na lang na maghalungkat sila o kaya naman sinabi mo man lang sa akin na tinatraydor mo ako para hindi na ako nag-iisip kung sinong naglaglag sa akin!”             He laughed without humor. “Quit this theatrics, Ana. You know what you’re getting into when you signed up to have a relationship with Navarro.”             Sasagot pa sana ako nang hawakan ni Mamu ang kamay ko. When I turned to her, she was smiling warmly. “Baby princess, it’s okay.”             Kumunot ang noo ko sa pagtataka. “Huh?”             “I said it’s okay,” she shrugged and then eventually, tumawa na siya. “Well, I’m glad you have the capability to be romantically involved. Isa pa, alam ko namang mabait si Xanderone. Anak siya ng Tita Lele mo, naalala mo?”             I heard Kuya Ace snorted at the word ‘mabait’. Nagtagis ang mga bagang ko sa inis. This is not going well.             “Hindi kayo galit, Mamu?”             Kumunot ang noo ni Mamu at umiling. “Bakit naman ako magagalit? What makes you happy, makes me happy, too. At isa pa… Navarro Asia will also be a good investment.” Bumaling siya kay Papu at kumindat. “Hindi ba, Honeybear?”             Huiminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. So it all came down to that, eh? Iyong private hospitals, okay lang na mawala dahil mapapalitan naman iyon ng mga hotel.             Wow. Just… wow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD