Warning Bells, Warning Bells, Warning All The Way

1889 Words
    Chapter Nine IT WAS three weeks away from D-Day. After ng semester na ito, dalawang academic year na lang—maximum—ay makukuha ko na ang PhD ko. After this, I’ll be doing my practicum and my dissertation. Which was why it’s imperative I end all these mess right now before it comes and bite me in the ass.             “Rayven.”             Napahinto ako sa akmang pagsasarado ng locker nang tawagin ako ni Kent Torres, ang boyfriend ng pinsan kong si Aiko at ang matalik na kaibigan ni Xandy. I immediately noticed that he came with no one, which is very unusual since kapag nakikita ko siya, it’s either kasama niya si Aiko o si Xandy.             “Kent. Hi. May problema ba?”             Ngumiti siya sa akin at nagpamulsa. Kapansin-pansin ang paglinga-linga niya sa paligid na parang tsinetsek kung may nakatingin o may nakikinig. Pagkatapos ay lumapit pa siya ng kaunti sa akin at sumandal sa katabing locker ng locker ko.             “Nakausap mo na ba si Xander, Ana?”             I wondered if that was a prelude to yet another of Xander’s misadventures.             “Today? Hindi pa, bakit?”             “Eh the last few days? May nabanggit ba siya sa ‘yo?”             Kumunot ang noo ko. “Nag-uusap naman kami pero ano bang tinutukoy mo? Marami naman kaming pinag-usapan.” Like for example, his desire to annihilate his father’s company once he finish his Masters in Business.             “How about anything that has to do with his grades? May nababanggit ba siya sa ‘yo?”             Yet again, gusto na namang tumaas ng kilay ko. We never talk about grades. I just assumed he’s doing well with his study since Ashton seems to refuse to suspend him kahit na ang dami-dami niyang kabulastugan sa school. That should be given na magaling siya sa program niya kaya ayaw siyang alisin, ‘di ba?             “Wala naman. May problema ba?” ulit ko sa una kong tanong.             Bumuntong hininga si Kent at nagbaba ng tingin. Parang nagtatalo ang isip niya kung sasabihin ba niya sa akin o mananatili siyang loyal kay Xanderone. But what would make him doubt his instinct to cover for his friend?             Unless, if this is something that endangers Xandy, that is.             Now that’s interesting.             “Ayoko sanang sabihin dahil baka magalit si Xander,” panimula ni Kent. Kinutuban akong seryosong bagay nga itong isusumbong niya sa akin. “Pero kasi…” Muli’y bumuntong hininga siya. “Ana, bumabagsak si Xander sa Strategic Management. Baka hindi siya maka-graduate in time.”             That didn’t ring any warning bells in my brain. I mean, kung isang program lang naman na may tatlong unit ang maibabagsak niya, pwede pa naman niya i-retake iyon sa susunod na semester. Kasama ng electives niya.             Paano ko ba ipapaliwanag kay Kent eh mukhang balisang-balisa ‘to si loko sa ibinabalita niya.             “Well… if ever man na gano’n ang mangyari, pwede naman niya ulit kunin ‘yon next semester ‘di ba?”             Umiling-iling si Kent. “You don’t understand. May stipulation ang Daddy ni Xander. Hindi siya pwedeng mag-trabahao sa Navarro Asia kapag may failing grade siya, Ana. At kapag hindi siya nakapasok ng Navarro Asia, hindi niya mababawi ang kompanya ng namatay niyang Mama.”             I bit my lips in dismay. I wondered how that happened samantalang may will si Tita Lele na kay Xandy mapupunta ang kompanya once he’s capable.             “Ang sabi niya sa akin may last will and testament ang Mama niya na kapag nasa hustong gulang na siya, pwede na niyang bawiin ang Navarro Asia.”             “Oo nga pero may amendment ‘yon. Hindi ko alam kung dinaya nila ‘yong will, ang sabi kasi ni Xander eh wala raw ‘yon sa orihinal na reading pero ‘yong will na prinisenta nila sa board members ay may stipulation na kailangang may Masters siya at outstanding ang grades niya from uni. Kapag tuluyan siyang bumagsak dito, wala na ang Navarro Asia.”             Not sure why I felt concerned but I was. I am in fact feeling a little angry at Leon Navarro. Hindi ko pa man din nakikita ang pagmumukha niya pero may urge na kaagad akong tadyakan siya ng malala sa mukha kapag nagkita kami.             Binasa ko ang labi ko at tuluyang isinarado ang pintuan ng locker. “That’s it then. He needs to study with me.”             Habang sinusukbit ko ang bag ko’y nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kent. “Pero Clinical Psychology ang PhD program mo ‘di ba?”             I shrugged. “May units ako sa Business Management.” Which was something I’m not really proud of bilang pinasak lang naman ng sapilitan sa lalamunan ko iyan dahil kailangang matutunan at may conglomerate akong mamanahin.             The program wasn’t fun at all but I had to ace it. And I managed to ace it… miraculously.             Maglalakad na sana ako para hanapin si Xandy nang pigilan ako ni Kent gamit ang kanyang kamay sa aking braso. “Ana, gets ko ‘yong logic mo, eh. Pero sa tingin ko hindi magwo-work ‘yan.”             There goes my internal eyebrow again. God, when will I get any control over these eyes?             “I’m sorry?”             “Ang ibig kong sabihin… may hinala si Finn na dinadaya ang exams ni Xander.”             “Well, hindi ‘yon pwedeng mangyari. Xandy must have had the documentations needed to dispute any scores given to him during exams. Isa pa, what about his projects and paperworks? The seminars?”             Umiling-iling si Kent. “Iyon na nga ang problema. Xander’s portfolio was stolen. No’ng tinignan naman namin ni Finn sa file ng school, failing lahat ng grade niya sa course code na ‘yon. Hindi niya ma-dispute dahil nawawala ‘yong mga papel niya, Ana.”             Anong katangahan naman ‘yong walain mo ‘yong portfolio mo? Ugh! Burara! “Saan niya ba naiwala?”             Kent sighed. He looked hopeless at that moment. May wari akong bago siya lumapit ay nasubukan na nila lahat ng kaya nila ni Finn para solusyunan ang problema ni Xander.             “We think it was intentionally stolen. Pakiramdam namin sinasabotahe si Xander. Isang taon na lang ga-graduate na siya. Makakapasok na siya sa kompanya. Malakas ang kutob namin na kagagawan ‘to ni Leon dahil nararamdaman niyang magtatagumpay si Xander.”             Oh, hell. Well, this doesn’t look too appealing of a situation, does it?             “Kent.”             Napamaang ako nang tumalon sa gulat si Kent dahil sa tinig na iyon. Parang napapaso siyang lumayo sa akin at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.             Luh siya.             Lumingon ako para tignan kung sino iyong nasa likuran ko. Gaya ng inaasahan ko, si Xandy iyon na kabuntot si Finn at tila pinanlilisikan ng mata si Kent. Hah. The guy had overshared an information that isn’t supposed to be shared at all.             Xander’s arms went around my waist. To my amusement, he kissed the top of my head before looking at Kent na gumagawa na ng butas sa semento dahil sa kakatitig niya ro’n.             “I wish for your own sake that you did not let your tongue get the best of you this time.”             Scary.             Nag-angat ng ulo si Kent at alangang ngumiti kay Xandy. “Uy wala akong sinabi, ah. Na… nahulaan lang ni Ana. Nakita niya lang sa Ashton portal,” tukoy niya sa website kung saan downloadable ang mga grade slips ng estudyante sa Ashton.             Ah, Kent, you dimwit.             Naramdaman ko ang higpit ng hawak ni Xandy sa baywang ko nang magsalita si Kent. Eventually, dinedma na lang niya ang kaibigan niya at walang paalam na iginiya ako paalis sa hallway.             Tahimik ako habang tila kinakaladkad na niya ako palabas ng building. Humantong kami sa parking lot at pinasakay niya ako sa silver niyang kotse na napapansin kong mas madalas na niyang dala ngayon kaysa sa big bike niya.             Pinanood ko siyang lumigid at mag-settle sa driver’s seat mayamaya. Hindi niya binuhay ang makina at pinaandar ang sasakyan. Sa halip ay ini-lock lamang niya ang pintuan ng kotse.              “Gaano karami ang naidaldal sa ‘yo ng kumag na ‘yon?” direkta niyang tanong na parang siguradong-sigurado na may alam nga ako sa nangyayari.             “Uhm… wala naman, Xandy. Sinabi nga lang niya na bumabagsak ka raw sa Strategic Management so I said I’ll offer help. Gusto mo ba? I can give you pointers.”             Gumuhit ang inis sa mukha niya nang sabihin ko iyon. “Hindi ko kailangan ng pointers at ng tulong mo. So stay out of this, Ana, I’m telling you. This is none of your business.”             Well, duh? None of my business talaga. Pake ko ba sa ‘yo?             Tumahimik ako at nagngitngit sa galit sa passanger’s seat. Pinanood ko lang na maglakad ang mga estudyante roon at hindi na binalingan pa si Xander. Because, really, what would be the point of this discussion?             Mayamaya’y narinig ko siyang bumuntong hininga. I resisted the urge to roll my eyes at him. But the next thing I knew, kinakabig na niya ako papunta sa kanya para yakapin.             Nanlaki ang mga mata ko nang maramdamang isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg at saka muling nagpakawala ng malalim na hininga.             “My princess… I’m so tired,” he whispered. And in those five words alone, narinig ko ang frustration sa kanyang tinig. Add to that those frequent sighs he elicits na para bang ang bigat-bigat ng kalooban niya. “Gusto ko nang kalimutan ang lahat nang ito, Ana. Napapagod na ako…”             Alangan kong iniangat ang mga kamay ko. Sa huli, natagpuan ko na lang ang sariling hinahagod ang kanyang likuran at sinusuklian ang mahigpit niyang pagkakayakap.             “Xandy…”             Muli siyang bumuntong hininga. “I’m sorry I yelled at you. Let me just… hold you like this. Hm? Saglit na saglit lang, Ana.”             “W-why though?”             Naramdaman ko siyang gumalaw. He tilted his head as if in wonder. Nagulat ako nang magkintil siya ng halik sa pisngi ko bago lumayo ng kaunti para matignan ako. “What do you mean why?”             Hindi ako nakasagot. Napalabi ako at nablangko. Hindi ko rin kasi naunawaan kung anong gusto kong itanong sa puntong iyon. Basta’t nawi-weirduhan ako sa nararamdaman ko at sa ginagawa ni Xandy.             Pakiwari ko’y naramdaman niya ang internal turmoil ko. Because he smiled and caressed my hair as if in reverence.             “Kasi ikaw ang pahinga ko, Ana. Mapapagod ako sa lahat… pero habang nand’yan ka, alam kong makakabawi ako. So if you go…” Ngumiti siya, nagbaba ng tingin pagkatapos ay matabang na tumawa. “Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin.”             Hindi ko namalayang nasapo ko ang puso ko. I can feel that familiar tugging. Parang mas lalo siyang lumakas.             Can I take that as my warning bell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD