Kaarawan ni Thala

2037 Words
The year 2021 “Happy birthday, Thala!” Bahagya akong napaatras ng pintuan dahil sa gulat. Akala ko pa naman ay may nakapasok ng magnanakaw sa aming bahay. Nakapatay ang mga ilaw at tahimik ang buong kabahayan dahil sa aking pagkakaalam ay ako lamang ang matutulog dito ngayon. Nagpaalam kasi sila Mom at Dad sa akin kanina na magbabakasyon sila.  Sinundo pala nila si Lola dahil may surpresa silang inihanda para sa akin. Napakabilis talaga ng panahon. Hindi ko akalain na muli na naman madadagdagan ang aking edad. Ilang taon na lang at mawawala na sa kalendaryo ang aking edad. Pakiramdam ko ay hindi pa din ako handa sa panahon na iyon dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa natutupad ang aking mga pangarap. Kung tutuusin ay nagsisimula pa lang ako sa pagbuo ng mga bagay na yun.  Humalik ako sa aking mga magulang nang maibaba ang dala kong gamit. Muli nila akong binati ng “happy birthday” at nginitian ko lamang iyon. Pagkatapos ay lumapit naman ako kay Lola upang magmano sa kanya. Malapad ang aking ngit dahil miss ko na ang matanda. Akala ko nga ay sa bakasyon pa kami muling magkikita dahil hindi na siya madalas bumyahe. Laking pasalamat ko at nandito siya ngayon sa aking kaarawan.  Nag-iisang anak lamang ako kaya medy spoiled ako kay Lola lalo at sa kanya din ako halos lumaki. Abala kasi ang aking mga maggulang sa paghahnap-buhay kaya madalas na si Lola ang nag-aalaga sa akin.  “Mabuti naman at nakaratin ka sa aking kaarawan.” Bahagya kong siniko ang masayahin kong Lola. Tumawa lamang siya bilang sagot sa akin.  “Naku ayaw pa nga sana niya sumama mabuti na lang at napilit ng daddy mo.” Pagkuwento ni mommy dahilan para panliitan ko ng mata si Lola.  “Apo matanda na ako kaya hangga’t maaari ay ayokong umalis na ng bahay.” Maabakas sa kanyang boses ang bahagyang panghihina senyales na matanda na nga ang babae. “Grabe naman kahit kaarawan ko ang dahilan ng iyong pag-alis.” Kunyari ay nagtatampo kong sagot sa kanya. “Alam kong sasabihin mo yan kaya nga inihanda ko na ang magiging regalo sayo.” Marunong pa din naman siyang sakyan ang aking biro. Umaliwalas naman ang aking mukha nang marinig na may regalo pala siya sa akin.  “Ano iyon Lola?” Exited na tanong ko sa nakangiting matanda.  “Oops kumain muna tayo bago ang regalo ni nanay.” Sumingit si daddy sa aming usapan at magkasabay pa sila ni mommy na umupo upang magsalo kami sa hapagkainan.  “Daddy naman eh.” Ngumuso ako kahit alam kong matanda na ako para gawin ang bagay na iyon.  “Makinig ka sa daddy mo.” Pagsaway sa akin ni Lola na madalas niyang gawin kapag magkakasama kami.  “Huwag kang mag-alala dahil tiyak na magugustuhan mo ang regalo ni nanay.” Ito ang gusto ko kay daday dahil alam niya kung paano ako aluin. Hanggang ngayon ay baby pa din ang turing nila sa akin kaya naman hindi pa ako handa na lumampas sa kalendaryo ang aking magiging edad. Sabagay ay matagal pa naman ang ilan taon kaya susulitin ko na ang pagiging baby sa aking mga magulang.  Nagdasal muna kami ago nagsimulang kumain. Napangiti ako nang mapagtanto na puro paborito ko ang niluto ni mommy. Madalas ay sa labas ako kumakain kapag nasa trabaho kaya naman natakam ako sa mga pagkain na nakahain. Tiyak na mapaparami na naman ang aking kain ngayong gabi.  “Iha magdahan-dahan ka nga sa iyong pagkain at tila hinahabol kad’yan.” Nag-aalalang pansin sa akin ni Lola. “Naku nay ganyan taaga ang batang yan kapag nakakakita ng lutong bahay na pagkain.” Si mommy ang sumagot kay Lola. “Paano ba naman hindi magkakaganyan yan eh madalasna hindi umuuwi dahil sa kanyang trabaho kaya puro fast foods din ang kinakain.” Hindi ko tiyak kung galit si daddy o nagsasabi lang ng totoo. Nagkibit balikat na lang ako dahil totoo naman ang kanilang sinasabi. “Hay naku Thala baka mauna ka pa sa akin.”  Muntik sumabog sa hapagkainan ang pagkain sa aking bibig. Nasamid kasi ako sa sinabi ni Lola. Hindi mo iisipin na nagbibiro ang matanda dahil seryoso ang kanyang mukha sa pagkakasabi nun.  “Grabe ka naman sa akin Lola.” Kasalukuyan akong nagpapahid ng tissue upang punasan ang aking bibig. “May punto naman kasi ang Lola mo lalo at hindi ka pa namin madalas na kasama dito. Hindi namin alam kung anong nangyayari sa iyo kapag doon ka natutulog.” Makikita ang pag-aalala sa mukha ni daddy. “Oo nga naman anak. Tignan mo nga at tila pumayat ka na naman.” Sang-ayon ni mommy pero mababakas din ang pag-aalala sa kanyang mukha. Hindi na ako nakatiis kaya tumayo na ako upang yakapin silang tatlo.  Ang swerte ko dahil sila ang aking pamilya. Paano ako tatanda nito kung ganito sila lagi saakin. Gayunpaman ay ipinapagpasalamat ko iyon dahil batid kong bihira ang may kagaya ko ng magulang at Lola. “Pangako ko sa inyo na madalas na akong uuwi dito sa bahay.” Muli akong umupo pagkatapos sabihin iyon.   “Ang sabihin mo ay lalong hindi ka na makakauwi sa bahay ngayon.” Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Lola. Ipinagwalang bahala ko na lang muna ang narinig dahil hindi pa ako tapos tikman ang lahat ng niluto ni mommy. Pakiramdam ko ay sasabog ang aking tiyan dahil sa dami ng aking kinain. Ngayon na lang ulit ako nabusog ng ganito kaya naman para akong buntis na umupo sa sofa. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Lola saka siya tumabi sa akin.  “Bakit ba ang bilis ng panahon.” Hindi siya nakatingin sa akin nang sabihin iyon.  “Oo nga po.” Niyakap ko si Lola mula sa kanyang likod. Nginitian naman ako nito at itinuon ang paningin sa telebisyon.  “Hintayin lang natin ang mommy at daddy mo saka ko sasabihin sayo kung ano ang iyong regalo.” Tumango lang ako bilang sagot. Bahagya akong napaisip kung bakit sasabihin ang ginamit na salita ni Lola. Hindi ba at kapag regalo ay dapat ibibigay. Hindi ko tuloy tiyak kung talagang may regalo nga sila sa akin. Sa tingin ko ay mayroon naman dahil kahit kailan ay hindi nila iyon nakalimutan.  Maya-maya lang ay sabay pa na tumabi sa amin sina mommy at daddy. Pareho silang walang bitbit na regalo kaya hindi ko alam kung mayroon talaga akong matatanggap ngayong araw.  “Sinabi mo na ba sa kanya, Nay?” Agad na tanong ni mommy kay Lola at umiling naman ang matanda bilang sagot sa kanya.  “Seryoso may regalo ba talaga kayo sa akin?” Pabiro na tanong ko sa tatlong kasama sa bahay.  “Oo nga kailan ba kami nawalan ng regalo sa’yo.” Si Daddy ang sumagot sa akin.  “Eh bakit wala naman kayong mga dala?”  “Ahh iba kasi ang regalo namin sa’yo ngayon.” Sinenyasan pa ni mommy si Lola na tila sinasabing ipaalam na sa akin kung ano ang kanilang regalo.  “Talaga?” Hindi ko mahulaan kung ano ang posibleng regalo nila sa akin.  “Gusto mo na ba malaman?” Napaupo ako ng tuwid. Excited na akong malaman kung ano ang kanilang sasabihin dahil ngayong taon lang ito mangyayari.  “Naku nay sabihin mo na at tila hindi na s’ya makagalaw.” Napansin ni daddy ang ginawa kong pagkilos kanina. Natawa naman si Lola dahil doon at hinawakan ang dalawa kong kamay.  “Matanda na ako at gusto ko ng manatili lagi sa bahay. Hindi na ako gaya ng dati na nais magliwaliw at tumambay sa kung saan kaya naman ipinapamana ko na sayo ang aking craft store sa -----” “Waaaah! Lola seryoso totoo ba?” Hindi ko na pinatapos si Lola sa kanyang nais sabihin dahil alam ko kung anong craft store ang kanyang tinutukoy.  “Sabi sayo at magugustuhan niya iyon.” Tila nangingiyak pa na wika ni mommy. Niyakap ko silang tatlo para iparamdam na sobrang mahal ko sila at masaya ako sa kanilang regalo sa kaarawan ko ngayon.  “Grabe kayo alam n’yo talaga kung anong gusto ko.” Nangingilid ang luha na wika ko sa tatlo. Hindi ko akalain na ibibigay na iyon sa akin ni Lola.  Bata pa lang ako ay madalas na nila akong isama sa Adira district upang pasyalan si Lola habang binabantayan nito ang kanyang craft store. Dalaga pa lang si Lola ay ipinamana na din iyon sa kanya kaya siguro ganun din ang ginawa nila ngayon sa akin.  “Excited na akong umuwi doon.” Pakiramdam ko ay kumikinang ang aking mata dahil sa sobrang saya. Abot hanggang tainga na din ang aking ngiti pero nakapagtataka na hindi iyon masakit sa aking panga. Sobrang saya ko talaga ngayong araw at hindi ko makakalimutan ang kaarawan kong ito. “Ikaw na ang bahala sa ating craft store Thala.” Tinapik pa ni Lola ang aking balikat nang sabihin iyon.  “Mamimiss kita lalo anak.” Madamdamin na wika ni mommy. Hindi kasi sila sanay na madalas akong wala sa bahay. Perp dahil ipinamana nila ang craft store sa akin kaya kailangan kong mamalagi sa Adira.  “Huwag kang mag-alala mommy dahil madalas naman na pupunta si Thala dito sa atin dahil kilala ko ang anak mo.” Pang-aalo naman ni daddy sa kanyang asawa.  Madalas akong wala sa bahay pero madalas din naman akong umuwi lalo kapag miss ko na silang dalawa. Batid ko na walang ibang mag-aalalaga sa kanila dahil nag-iisang anak lang ako.  “Ang drama n’yo.” Malungkot na biro ko sa kanila at hindi na napigilan ang luha na kanina ko pa pinipigilan.    Ang masayang kaarawan ko kanina ay naging iyakan na ngayon. Nang matapos ang aming drama ay halos magkakasabay pa kaming nagtawanan. Ito ang isa sa siguradong mamimiss ko kapag nanatili ako sa Adira. Muli ay niyakap ko sila ng mahigpit.  "Thank you Lola." Nagpasalamat na din ako kay Lola dahil sa akin niya ipinamana ang craft store at hindi kay daddy. Tanging sa babae lang daw kasi dapat ipamana ang tindahan na iyon. May ibang apo pa naman si Lola pero dahil ako ang paborito kaya sa akin niya iyon binigay.  Ipinapangako ko na aalagaan ang tindahan na iyon gaya ng pag-aalaga na ginawa niya. Likas na mahilig din kasi ako sa arts kaya naman natutuwa ako sa tuwing pumupunta doon.  Naaalala ko pa na kapag umuuwi kami ay halos may isang bag akong dala na puno ng mga art materials na ginagamt ko sa aking mga project.  "Walang anuman mahal kong apo." Ginulo ni Lola ang aking buhok at sumandal naman ako sa kanya na tila bata.  "Ang cute n'yo tignan." Hindi mapigilan na wika ni daddy at sumandal din kay Lola.  "Sandali at nagutom ulit ako sa ginawa nating iyakan." Tumayo na si mommy at bumalik sa kusina upang kumuha ng pagkain na muli namin pagsasaluhan habang nanonood ng movie. Muli ay napuno ng tawanan ang buong bahay.  Pagkatapos ng isang palabas ay nagpaalam na si Lola upang makapagpahinga. Pagod pa ang matanda sa byahe kaya hindi ko na siya pinigilan. Hindi nagtagal ay nagpaalam na din sa akin si mommy at daddy kaya pinatay ko na ang telebisyon upang makapagpahinga na din.  Nakahiga na ako pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Mataman akong nakatitig sa kisame ng aking silid kung saan makikita ang mga stars at moon na nagmumula sa aking light projector. Matagal na noong huling punta ko sa Adira kaya nagdesisyon akong ayusin lahat ng mga kaialangan kong tapusin sa opisina. Pagkatapos ay magpapaalam na ako sa kumpanya upang maasikaso ko ng mabuti ang craft store.  Tiyak na magugustuhan ko ang manatili sa lugar na iyon. Isa pa sa dahilan kung bakit gusto ko lagi ang magpunta sa Adira ay dahil nasa tabi lamang iyon ng dagat kung saan maraming sariwang isda ang maaaring kainin. Tahimik din ang lugar na iyon at hindi gaya dito sa syudad na halos lahat ay makabago na ang klase ng pamumuhay.  "Adira district, I'm coming for you." Pumikit na ako at hindi nagtagal ay tuluyan na akong nilamon ng aking antok at pagod. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD