PAGPAALAM

2115 Words
Maaga pa lang ay sobrang abala na ako sa mga kailangan kong tapusin. Gaya ng aking plano ay kailangan kong matapos lahat sa mas madaling panahon. Hindi na ako makapaghintay na makabalik sa Adira.  Isa akong event planner kaya naman marami akong mga bagay na kailangan ayusin. Isa pa ay maraming bookings ngayon sa aming office dahil ngayong buwan ang maraming may libreng oras para sa mga event. Mas mabenta ang kasal kaya mas marami akong mga ginagawa lalo na ang pagpunta sa mga location na gusto ng mga clients.  Dahil mahilig ako sa arts kaya naman ito din ang trabaho na aking napili. Lumalabas ang aking creativity dahil sa mga hinihingi ng aming mga clients. Madalas ay ako ang may pinakamaraming assigned events dahil isa ako sa pinakamagaling na event planner sa aming opisina.  Naalala ko na kailangan ko pa nga pala magpaalam sa aking boss para sa aking resignation. Hiling ko na sana ay hindi ako mahirapan na makipag-usap sa aking boss dahil tiyak na pipigilan nila ako sa pag-alis sa kompanya. Napabuntunghininga na lang ako sa isipin na iyon.  Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo sa aking swivel chair. Dinampot ko na ang aking bag at nagpaalam sa ilang kasama sa opisina upang mapuntahan ko ang isang location na kailangan kong tignan. May assistant naman ako pero madalas ay ako lang mag-isa ang lumalabas dahil hindi ako sanay na may kasama pag nagpupunta sa mga location. Sumakay na din agad ako ng aking kotse at mabilis ng umalis para makatapos agad ako sa iba ko pa na kailangan gawin.  “Ohh mahal dito ka pala uuwi ngayon.” Salubong sa akin ni Mom.  “Yes mom, dinala ko na din dito ang iba pang gamit na dadalhin sa Adira.” Pumasok na ako sa loob ng bahay dala ang dalawang malate na puno ng mga gamit ko sa apartment na aking tinutuluyan malapit sa opisina.  “Tinawagan mo sana ako para natulungan kita magbuhat ng iyong mga gamit.” Lumabas si daddy mula sa kusina upang tulungan ako buhatin ang mga gamit.  “Naku daddy mahihirapan lang kayo sa byahe papunta sa apartment.” Umupo muna ako sa sofa at nag-unat ng braso dahil sa mahabang oras ng pagmamaneho.  “Kumain ka na ba?” Tanong ni Mom habang naghahanda ng mga kailangan sa lamesa. Hindi pa din siguro kumakain ang aking mga magulang.  “Sakto pala ang dating ko dahil hindi pa ako kumakain.” Masiglang tumayo na ako mula sa pagkakaupo at dumiretso sa hapagkainan upang sabayan sila sa pagkain.  Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan kahit pinipigilan ako ni daddy dahil pagod daw ako sa byahe. Nagpahinga lang ako saglit saka dumiretso sa aking kwarto upang magpahinga. Maaga pa akong aalis bukas upang hindi ako maipit sa traffic pabalik sa opisina.  --------------------------------------------------------------------------------------------------------- “Good morning Ms. Thalessa.” Agad akong tumayo mula sa aking pagkakaupo sa sofa na nasa loob ng opisina ni Ms. Reyes. Ngayon ang araw kung saan magpapasa ako ng aking resignation letter sa kanya upang makapunta na ako sa Adira.  “Good morning too Ms. Reyes.” Buong tamis akong ngumiti sa kanya. Mabuting boss si Ms. Reyes dahil maalaga ang babae sa kanyang mga empleyado.  Matandang dalaga ang babae pero taliwas ang ugali nito ilang matandang dalaga na aking nakilala. Laging nakangiti ang babae at hindi mainitin ang ulo bagay na nagustuhan ko. Ito din marahil ang isa sa dahilan kung bakit ako nagtagal sa kanyang kompanya.  “Ano nga pala ang kailangan mo sa akin at maaga ka ngayon dito sa aking opisina?” Tanong niya sa akin nang makaupo na ito sa kanyang office chair at nagsisimula ng tignan ang ilang papers sa kanyang lamesa. “Ibibigay ko po sana ito sa inyo.” Tuluyan na akong tumayo upang lumapit sa kanya at iabot ang sobre na naglalaman ng aking resignation letter. “Balita ko nga ay magreretiro ka na.” Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong at agad naman nitong kinuha ang sobre at binasa ang aking resignation letter.  Mabilis talaga akumalat ang balita kahit pa malaki ang aming opisina. Sabagay ay ayos lang din iyon atleast hindi na magugulat si Ms. Reyes sa plano kong pag-alis.  “Ipinamana po sa akin ng aking lola ang craft store sa Adira District kaya kailangan ko lumipat doon upang maasikaso ang tindahan.” Umupo na kami parehas sa sofa upang makapag-usap kami ng maayos.  Limang taon na din ako sa kumpanya kaya masasabi kong malalim na din ang aming relasyon ni Ms. Reyes bilang magkasama sa trabaho. Kung hindi lang ipinamana sa akin ni Lola ang craft store malamang ay hindi ako aalis sa kompanya.  “Kung ganun ay magandang balita iyon. Masaya ako na sa wakas ay hindi na iikot ang buhay mo dito sa ating opisna.” Nagbibiro na wika nito dahilan para mapangiti ako.  Workaholic ako kaya madalas akong inaasar sa opisina na baka matulad daw ako kay Ms, Reyes na tumandang dalaga na lang dahil hindi nagawang asikasuhin ang buhay pag-ibig. Tinatawanan ko na lang ang kanilang mga biro dahil ang totoo ay wala din talaga akong plano na magkaroon pa ng karelasyon. Nasa tamang edad na ako pero hindi ko pa din talaga magawang magnobyo. Siguro nga ay tatanda na akong tulad ni Ms. Reyes. “Gaya nga po ng sabi nila ay plano ko talaga na sumunod sa yapak mo Ms. Reyes.” Ang babae naman ang bahagyang tumawa dahil sa aking naging biro. Sobrang bait ng aking boss na maging ang kanyang pagiging matandang dalaga ay hinahayaan niyang maging biro na lang.  “Alam kong natapos mo na ang lahat ng mga assigned events sayo pero gusto ko sana manatili ka dito kahit hanggang katapusan ng buwan.”  “Ahm kasi po mag---.”  “Naiintindihan ko ang rason mo kaya lang may business trip kasi ako ngayong linggo at sa katapusan pa ang balik ko.” Pagputol ni Ms. Reyes sa aking sasabihin.  “Ahh sige po walang problema.” Alam ko na ako ang higit na inaasahan ni Ms. Reyes sa kumpanya lalo kapag wala s’ya kaya naiintindihan ko ang hiling nito. Hindi naman nagmamadali ang craft store kaya pwede kong pagbigyan si Ms. Reyes.  “Maraming salamat Thalessa. Kung pwede nga lang na hindi kita payagan umalis gagawin ko kaso alam kong mahalaga sayo ang craft store kaya hindi kita pipigilan.” Mapagkumbaba nitong wika.  “Ayos lang po Ms. Reyes.” Nginitian ko ang babae.  “Huwag kang mag-alala dahil hindi na kita bibigyan ng events, gusto ko lang na bantayan mo muna ang ating kumpanya habang wala ako.”  “Noted boss.” Mas lumapad ang ngiti ko dahil sa kanyang sinabi. Kung ganun ay tila magiging pahinga ko na ang pananatili dito sa opisina hanggang sa katapusan bago ako magsimulang asikasuhin ang craft store.  Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-anong bagay na tila magkaibigan at hindi magkasama sa trabaho. Isa din ito sa hindi ko makakalimutan kapag nasa Adira na ako.  “Naku may trabaho pa nga pala ako.” Natatawa na pagputol ni Ms. Reyes sa aming pag-uusap. Doon ko lang din naalala na s’ya nga pala ang boss kaya marami siyang mga gawain na nakapila.  “Babalik na din ako sa aking pwesto.” Paalam ko sa kanya.  “Sige, maraming salamat ulit Thalessa.” Tumango lang ako bilang sagot at lumabas na ng kanyang opisina.  Mabuti na lang at hindi ako nahirapan na magpaalam sa kanya. Akala ko pa naman ay kailangan kong maglahad sa kanya ng maraming salita bago ako nito payagan. Abot hanggang tainga ang aking ngiti nang makabalik sa aking pwesto. Tapos na lahat ng mga kailangan kong gawin kaya wala na akong dapat alalahanin. Tiyak na makakapag-relaks na ako ngayon hanggang sa katapusan ng buwan. “Aalis ka na ba talaga?” Napalingon ako kay Wei nang marinig ang tanong niya. Siya ang katabi at tinuturing kong kaibigan sa opisina kaya nais nitong malaman ang aking pasya.  “Oo. Ako na kasi ang mag-aasikaso sa craft store ni Lola kaya kailangan kong umuwi sa Adira.”  Magkaibigan kami pero hindi gaya ng bestfriend na laging magkasama. Hindi kasi ako lumalabas ng bahay kapag wala akong trabaho kaya hindi ako kasama kapag may mga lakad sila. May pagka-introvert kasi ako at mas madalas na gusto kong mag-isa lang gaya ng ginagawa ko kapag nagpupunta sa mga location na aking tinitignan.  “Mababawasan na pala ng magaling na event planner dito sa opisina.” Bakas sa kanyang boses ang lungkot ng sabihin iyon.  “Siguradong madadagdagan din kayo pagdating ng panahon.” Iyon na lang ang sinabi ko sa kanya para hindi malungkot ang babae.  “Imbitahan mo ako kapag nandoon ka na. Gusto ko din makarating sa Adira at matikman ang mga sariwang isda doon.”  “Oo naman.” Kinindatan ko pa si Wei bago namin ibinalik ang atensyon sa mga papeles na kailangan tignan.  “Good.” Malungkot siyang ngumiti sa akin na ginantihan ko din.  Tinawagan ko agad si Mommy tungkol sa aking resignation bago ako umuwi sa apartment. Siguradong malulungkot si Mom pero tiyak na maiintindihan nito ang aking dahilan.  “Oh kumusta iha?” Iyon agad ang tanong niya sa akin ng sagutin ang tawag.  “Mom hanggang katapusan pa ako dito sa opisina.”  “Bakit? Akala ko ba ay urgent ang resignation mo?” Si daddy ang nagtanong sa akin. Malamang ay naka-speaker mode si Mommy kaya narinig ni Dad ang aking sinabi. “May business trip si Ms.Reyes at sa katapusan pa ng buwan siya makakabalik.”  “May iba pa naman empleyado diyan ah.” Halata sa aking mga magulang na hindi sila sang-ayon sa kinalabasan ng aking resignation.  “Mom, Dad alam n’yo naman na ako ang pinagkakatiwalaan ni Ms. Reyes.”  “Kahit na.” Matigas na sabi ni Daddy.  “Huwag kayong mag-alala kasi magiging pahinga ko naman iyon kaya ako pumayag.” “Paano naman naging pahinga iyon kung mananatili ka pa sa opisina?”  “Hindi na ako bibigyan ni Ms. Reyes ng events kaya wala na akong ibang gagawin sa opisina kundi ang magpalamig.” Natawa ako sa sariling balita.  “Bakit hindi mo agad sinabi?” Masaya na ang boses ni Daddy nang sabihin iyon.  “Gusto ko kasi magalit ka muna.” Kantyaw ko sa kanya dahilan para tuluyan ng tumawa ang mag-asawa.  “Pilya ka talagang bata ka.” Nakikinita ko na napapakamot sa ulo ngayon si Mommy. “Sige magpahinga ka na. Ako na ang magsasabi sa iyong Lola para alam niya na sa sunod na buwan ka pa makakauwi doon.” Boluntaryong wika ni Daddy. “Thanks, Mom and Dad.”   “Mag-ingat ka diyan. Ako na ang bahala sa mga gamit na dinala mo dito.”  “Kayo din po. Sige po uuwi na ako sa apartment.” Paalam ko sa mag-asawa at pinatay ko na ang tawag.  Mabilis akong nakarating sa apartment at agad na nagbihis ng damit na pambahay. Hindi ako pagod ngayong araw kaya naman tinuloy ko na ang pag-aayos sa ilang gamit na dadalhin ko sa Adira at sa ilang gamit na iiwan ko sa bahay.  Mabuti na lang din at hindi ko pa nakakausap ang may-ari ng apartment kung hindi ay maaga akong makakauwi sa bahay. Bukas ko na lang siguro siya kakausapin na hanggang katapusan na lamang ako mananatili dito. Gayunpaman ay bahagya din akong nalungkot na hindi pa pala ako makakauwi agad sa Adira. Sobrang miss ko na ang lugar na iyon kaya naman excited akong makabalik. Sa kabilang banda ay napangiti ako ng maalala na makakapagpahinga pa ako bago sumabak sa panibagong yugto ng aking buhay. Nang lumalim ang gabi ay nagpasya na akong kumain ay maglinis ng katawan upang makapagpahinga. Kanina pa ako nakahiga pero hindi din agad ako nakatulog. Aktibo pa din ang aking utak sa pag-iisip ng kung anu-ano.  Ano na kaya ang itsura ngayon ng Adira. Nandoon pa din kaya ang mga dati kong kaibigan. Kumusta naman ang pamumuhay nila doon sa paglipas ng ilang taon. May mga bagong establisyemento na kaya sa distrito. Anong interior design kaya ang maaari kong gawin sa craft store upang dayuhin ulit iyon ng mga turista. Kilala kasi ang Adira District dahil sa maganda at malinis na karagatan nito. Madaming turista ang nagpupunta doon upang pagmasdan ang ganda ng lugar. Iyon ang dahilan kaya maraming tindahan doon sa distrito na para sa mga turista.  Dahil sa daming tanong sa aking isipan ay nakaramdam din ako ng antok. Bumigat ang aking mga talukap bilang hudyat na kailangan ko ng pumikit. Umayos na ako ng higa at tuluyan ng nilamon ng antok. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD