Spade's POV
"How long we'll be staying here?" I asked Tackihiro on my side as we watched several children playing on an inflatable playground.
Nasa labas parin kami matapos naming sundan ng tingin si Soriya kasama ang kaptid kong si Spirit. As expected and according to Tackihiro's opinion, she will fit the job in accompanying Spirit today.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lang kabilis kung magtiwala ang kapatid ko sa isang babaeng kagaya niya. She seemed harmless based on her profile, plus, it doesn't change the fact that she put her life on line to save my sister.
It was quite impressive and heroic.
“Until the party is over, Rogue.” I felt a little disappointed when he said that.
“Hindi araw-araw nakakasama mo si Spirit. Just give this day to her.” Dagdag pa nito nang mapansin niya ang aking reaksyon.
“I know, and I am trying my best to be a good brother.”
“Well, then, you’re doing great.” Tinapik niya ang aking balikat bago tinuro ang bahay na nasa aming harapan.
“Sundan na natin sila sa loob.”
Tanging pagtango lang ang aking ginawa atsaka kami sabay na pumasok sa loob. A lot of children are running around the house together with their parents or guardian.
Mga kaklase ni Spirit ang lahat ng ‘to at ang iba naman ay kaibigan ng anak ni Benedict, isang yakuza rin katulad ko. But he’s inactive.
Ang nakatatanda niyang kapatid na lalake ang palagi kong nakikita sa tuwing may pagtitipon kami.
“Spade!” Napatingin ako sa kabilang banda nang may tumawag sa akin.
“Benedict.” Isang yakap ang kaagad niyang ibinigay sa akin nang tuluyan na niya akong malapitan.
“Tac!" Niyakap niya rin si Tackihiro. Benedict is always the cheerful one compared to his older brother. Kasing-edad lang kaming dalawa pero masasabi kong mas mapayapa ang buhay na meron siya ngayon ikukumpara sa akin.
My life is complicated and complex. And I am certain that I don't need something what Benedict have right now, a family of my own.
"Buti at sinamahan mo si Spirit ngayon, Spade. Kamusta ka na? Where's Shudo? I didn't notice him with you." Sunod-sunot nitong tanong sa akin.
"I'm fine, Benedict, always had been. Shudo doesn't like children parties, so he just stayed in the villa."
"I see... Ganyan talaga kapag nagbibinata na." Natatawa niyang saad bago ako inaya na pumunta sa isang mas pribadong silid kung saan kami pwedeng mag-usap.
Children are everywhere together with their guardians. Masyadong maingay para sa akin ang lugar na 'to at mukhang hindi ko rin maatim na magtagal pa ng ilang minuto rito sa sala nila.
"Our gift for Samara." Kaagad kong wika ni Benedict nang makapasok na kami sa opisina niya. Tackihiro took a rectangular box from his blazer and handed it to Benedict.
"Geez, Spade. Alam mo namang 7 years old palang si Beverly hindi ba?" Kunot-noo nitong saad bago binuksan ang box na ibinigay ni Tac sa kanya.
"Diamonds are too extravagant." Naiiling nitong saad bago tuluyang sinara ang box. "But still, thank you." Dagdag pa nito bago inilagay sa ibabaw ng mesa niya.
I was about to asked him something when we heard a loud bang in the door.
"Dad! Daddy! Can I come in?" Isang maliit na boses babae ang narinig namin sa labas.
Benedict stood up straight before walking towards the door.
"I'm sorry, let me just talk to her for a minute." He said with a worried face before opening the door. Nakita namin ang isang maliit na batang babae na kasingtangkad lang din ni Spirit. She's wearing a floral dress up until her ankles and a huge ribbon against her medium length hair.
"Bev, daddy is with his friends right now."
"I'm sorry po, but I just want to ask something."
"Go ahead, sweetie, what is it?"
"Have you seen Spirit?" Napatingin sa gawi namin si Benedict nang banggitin ng anak niya ang pangalan ng kapatid ko.
"No, Bev but I'm sure she's just around." Umiling ang anak nito kaya hindi ko maiwasang kumunot ang akin noo.
"I haven't seen her, Dad. She's not in the playground neither."
Nilingon ko kaagad si Tackihiro atsaka tumango sa kanya. Kaagad itong naglakad papunta sa gawi ng mag-ama bago kaagad na umalis sa opisina ni Benedict.
I want him to search for my sister right away. Mapapanatag lang ako kung nalaman ko mismo sa bibig ni Tackihiro na andito lang si Spirit sa bahay nila Benedict.
I don't need to panic yet; besides, Spirit is with that weird looking girl named Soriya. Pero gayunpaman, hindi ko pwedeng ipagkatiwala ng buong-buo ang kapatid ko sa babaeng 'yon kahit na siya pa ang unang taong nagpangiti kay Spirit ng ganon matapos ang ilang taon.
My sister suffered a lot when she was younger. Kaya ganon ko na lang siya pahalagahan dahil hindi naging ganon kaganda ang kanyang nakaraan.
I am Spirit's protector. May mangyari lang masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang kahit na sino pati ang sarili ko.
Nang isara ni Benedict ang pinto, kaagad itong humarap sa akin na may nag-aalalang mukha.
"May kasama naman siguro si Spirit ngayon, hindi ba? Did you bring her nanny with her?"
"She's not really a nanny but, yeah."
"Buti naman kung ganon." Muli itong bumalik sa pwesto niya kanina atsaka ako inayang umupo sa isa sa mga silya niya rito.
Benedict then offered me something to drink but I politely declined it. Hindi na ako nagpapaligoy-ligoy pa, isa sa dahilan kung bakit pinili kong pumunta rito dahil may gusto akong malaman tungkol sa kapatid niya.
"Benedict, where is your brother?" I asked which made him look at me immediately.
"Hindi na nasundan pa ang pag-uusap namin isang buwan na ang nakakaraan. Hindi nga ito nag-abalang tumawag ngayon sa kaarawan ng pamangkin niya."
I stared at him for a few seconds, trying to detect some lies beneath his words but I never saw anything suspicious.
Benedict is telling the truth.
"Alam mo namang mapagkakatiwalaan mo ako, Spade. Kahit na hindi ako aktibo, hinding-hindi ko magagawang traydorin ang organisasyon," aniya bago nagsalin ulti ng panibagong inumin sa kanyang baso.
"I really have no idea what happened to my brother. Hindi ko maiwasang mag-aalala rin sa kanya bilang kapatid, pero kung totoo man ang hinala na tuluyan na itong tinalikuran ang pagiging yakuza niya. Tama lang siguro na--"
"Benedict." I cut him off before slowly shaking my head on him.
"You don't want to say those things to Roger." Napahinga ito ng malalim bago dahan-dahan na napatango.
"Yeah, you're right." Kaagad itong nag-iwas ng tingin habang nakakuyom ang isa niyang kamao.
Jester Sota Tanaka, or also known as Roger, is Benedict's oldedr biological brother. Dalawa lang silang anak ng yumaon nilang ama na si Mr. Ren Tanaka.
He was my father's closest friend way back then. Mr. Tanaka died in an ambush more than a decade ago, dalawang taon matapos itong mamatay ay 'yon din ang panahon kung kailan nawala ang aking ama dahil sa isang malubhang sakit.
"I'm not losing any hope for Roger, and I hope you also do the same thing to him, Benedict." Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan atsaka tinapik ang isa niyang balikat.
"He's missing now but it doesn't mean he's selling us to the enemies. Roger can do better than that."
Ilang beses itong napatango sa sinabi ko. I know he's trying so hard to convince himself that nothing bad happened to his brother, despite the risk of getting involved in this organization.
"I should go find my sister, Benedict. I'll leave you here in the office." Tumango ito sa sinabi ko kaya tuluyan na akong umalis.
Kaagad kong inilibot ang aking mga mata sa buong lugar bago ako lumiko sa kanan. Napansin kong maraming mata ang napapatingin sa aking direksyon ngunit pinagsawalang-bahala ko lang sila.
I am in the middle of looking for Tackihiro and Spirit when I heard something that broke inside a room I just passed by.
Kaagad akong napatingin doon at pinagmasdan ang buong lugar kung ako lang ba ang nakakarinig non o hindi.
"P-Pasensya na po!"
"Soriya, let go of m--"
"S-Sir Tac!"
Kaagad kong binuksan ang pinto at isang hindi makapaniwalang sitwasyon ang nasaksihan ko rito sa loob. Kumunot ang akin noo nang makita ko ang dalawang taong nakahiga sa sahig.
Tackihiro is lying against the floor while Soriya was on top of him.
May basag na vase sa may di kalayuan habang nakahawak ang kamay ni Tac sa bewang nong babae. This is the first time I saw Tackihiro in this awkward situation, yet I don't know if I should feel impressed or worried.
"What the f*ck is happening here?" Andon parin ang pagiging seryoso sa aking boses nang sabihin ko 'yon sa dalawa.
Kaagad na tumayo ang babae mula sa pagkakadagan ni Tac atsaka nahihiyang napayuko sa gilid.
"Tackihiro, will you care to explain me everything?"
Salubong ang kilay kong tanong sa kanya habang taimtim na nakatingin kay Soriya.
"And you." Napaigtad ito habang nakatingin sa aking mukha. "Where the hell is my sister?"
Nagkatinginan silang dalawa bago sabay na napalingon sa aking direksyon.
"Where. Is. Spirit." Madiin kong saad at hindi maiwasang maikuyom ang aking kamao.