THE BEGINNING OF EVERYTHING
Soriya's POV
"Ugh! Damn," rinig kong ungol ng isang lalake sa likod ng pinto na aking sinasandalan. Nasa isang panibagong misyon na naman ako ngayon, and just like all of my other missions, I came alone.
"Ahh! Faster baby," boses na naman ng isang babae ang aking narinig. Napapikit ako habang hinihintay ang tamang tiyempo na pugutan ng ulo ang lalakeng nasasarapan ngayon.
Tinignan ko ang aking relong pambisig atsaka nagbilang ng sampung segundo. Bago pa ako matapos sa pagbibilang, iniayos ko ang aking suot na maskara bago sinipa ang pinto ng pagkalakas.
"Kyaaahh!" Napasigaw ang babae sa gulat at tulad ng aking inaasahan, mabilis na kinuha ng lalake ang kanyang baril na nasa ilalim lang ng kama.
5... 4... 3...
Pero bago pa n'ya itinuon ang baril sa akin, isang tranquilizer ang dumapi sa kanyang leeg sanhi upang maparalisa s'ya kaagad at bumagsak sa sahig.
"2... 1," sambit ko at isang pagsabog ang biglang umusbong sa labas ng kwartong ito. Alam ko na sa oras na itinapak ko ang aking paa sa loob ng silid na 'to, ay biglang tutunog ang alarm ng headquarters ng mga tauhan n'ya. Sanhi upang makaresponde kaagad sila at maisagip ang kutong lupa na 'to.
Ngunit hindi na nila 'yon magagawa dahil sa pagpapasabog ko sa mga daan na magkakaroon ng access papunta sa silid na ito.
"S-Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin!" Sigaw ng lalakeng nakahubad ngayon sa malamig niyang sahig. Hindi niya ako magawang lingunin dahil paralisado s'ya ng mahigit kumulang tatlumpung minuto.
"You don't have to know me," wika ko atsaka siya pinatid ng malakas upang gumulong siya ng isang beses at magawa akong tignan.
"I-Ikaw?!" Isang ngisi ang gumuhit sa aking labi ng makita ko ang takot sa kanyang mga mata. Ngunit kaagad 'yon nawala ng mapadako ang aking tingin sa ibabang parte ng kanyang hubad na katawan.
Napangiwi ako.
"How cute," wika ko atsaka kinasa ang baril na aking hawak-hawak. I kneeled down and traced the tip of my gun from his chest down to his lower abdomen.
"Wag mong ilalapat ang baril mo d'yan!" Sigaw pa n'ya. Nilingon ko ang babaeng nagtatago sa gilid atsaka kinuha ang kanyang atensyon.
"Nasasarapan ka rito, miss? Eh mukha nga 'tong longganisa sa liit," wika ko atsaka napabungisngis.
"Seiko, finish that mission right away." Isang boses ang kumuha sa aking atensyon ng tawagin n'ya ako sa aking codename. Napahawak ako sa suot kong earpiece bago tinignan ng deretso ang lalakeng inutusan ako upang patayin. Nagkibit-balikat ako atsaka kinuha ang aking swiss knife.
"Eenie, Mini, Minnie, Moo," wika ko. Tumapat ang dulo ng aking kutsilyo sa kanyang ari na ikinangisi ko.
"W-Wag! Teka lang! Anong gagawin mo?!" Naghihysterical na sambit ng lalake. Hindi ko siya pinakinggan atsaka deretsong pinutol ang kanyang ari. Halos mababaliw na s'ya sa sakit kaya sunod ko s'yang pinutulan ng buhay.
That’s for rap*ng young girls, you sh*tty pedo!
Tinignan ko ang lalakeng nakahubad na ngayon ay naliligo sa sarili n'yang mga dugo bago tinuonan ng pansin ang babae na ngayon ay halatang nanginginig sa takot.
Hindi ko na lang s'ya inabala pang kausapin at kaagad na lumabas sa mismong bintana ng silid na ito. Kaagad kong naramdaman ang malamig na ihip ng hangin ng gabi. Nag-ala-acrobat ako sa ibabaw ng bubong upang hindi ako makagawa ng ingay.
I jumped on a high firewall to finally end my escape. Ngunit hindi ko inaasahan na may limang tauhan pala ang nakaposte sa lugar kung saan ko ipinarada ang aking motor kanina.
Nalintikan na!
"Ayon s'ya! Habulin n'yo!" Nakita pa ako ng isa kaya sabay-sabay silang lima na sumugod sa akin. Bigla ko hinugot ang dalawang kunai mula sa aking suot atsaka inasinta ang dalawang lalakeng nauuna sa pagtakbo. Sapol sa dibdib ang tama ng dalawa na kaagad nilang ikinatumba.
Nagpaulan ng ilang suntok ang pangtlong lalake na kaagad ko namang nailagan bago ko ito hinuli atsaka tinuhod siya sa sikmura.
"Get out of there. Now!"
"How could I when I'm still dealing with these bastards?" Tugon ko sa babaeng nagsalita mula sa suot kong earpiece. Isang malutong na suntok sa panga ang ibinigay ko sa pang-apat na kaagad niyang ikinatulog ng mahimbing.
Nakita kong bumunot ng baril ang panghuli kaya kaagad ko siyang sinugod atsaka sinipa ang kanyang kamay sanhi upang mabitawan n'ya ang baril. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras atsaka s'ya muling sinipa sa ulo.
Napatingin ako sa likuran ng may marinig akong mga sigaw at ilang yabag ng mga paang tumatakbo papalapit sa aking direksyon. Hindi na ako muling lumingon sa likuran at kaagad na tumakbo sa likod ng isang lumang kubo kung saan ko itinago ang aking motor. May mga baril ng ipinutok sa aking direksyon ngunit ni isa ay hindi ako magawang tamaan.
Kaagad kong binuhay ang makina pagkatapos kong suotin ang helmet atsaka pinaharurot ito paalis ng lugar. Nakahinga naman ako ng maluwag habang tinatanaw ang paghampas ng alon sa ibaba ng bangin. I am riding my bike beside this dark cliff.
"Mission accomplished," sambit ko.
"Well done, Seiko. Proceed to the headquarters for your new upcoming mission." Napairap ako sa aking narinig. Kailan pa ba ako makakalasap ng totoong pahinga sa trabahong 'to?
"I told you to team up with other assassins to lessen your workloads. Pero ang tigas talaga ng ulo mo,"sambit n'ya na animo'y alam ang iniisip ko ngayon.
"Nah, mas gugustohin ko pang mamatay sa isang misyon kesa ang gawin 'yan," tugon ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga n'ya sa kabilang linya. Pinutol ko na ang linya atsaka itinuon ang buong atensyon sa kalsada.
PADABOG akong sumalampak sa mahabang sofa rito sa loob ng HQ atsaka tinanggal ang aking suot na maskara. Isinandal ko ang aking likod atsaka ipinikit ang aking mga mata.
Kapagod ang araw na 'to.
"Look who arrived," rinig kong sambit ng isang lalake sa gilid. Sinundan naman ito ng ilang yabag ng paa papunta sa aking direksyon.
"And just like any other missions, she's still complete! Yey!" Masiglang sambit ng isang babae atsaka ko naramdaman ang kanyang presensya sa gilid ko. Kahit nakapikit ako ngayon, nagawa ko pa rin silang irapan.
"Psalm, Valine, let her rest." Isang baritonong boses ang biglang umapaw sa kwarto. 'Yon na ang hudyat upang ibukas ko ang aking talukap mata para batiin s'ya.
"Commander Claude," bati ko sa kanya. Isang tipid na ngiti at tango ang ibinigay n'ya sa akin. "Well done, Soriya," ani niya. Sabay kaming napalingon sa babaeng medyo may edad na na kakapasok lang ng mismong silid namin. May hawak-hawak s'yang maliit na touchpad sa kanyang kamay atsaka ito kaagad na itinuon sa isang malaking TV sa aming harapan.
Her name's Charlie, our head commander. Siya ang nagpapatakbo sa buong organisasyon, in short, she's the founder of Gripsen Alliance; the organization where I belong. Siya rin ang babaeng kausap ko kanina sa communication earpiece.
"I need the full cooperation of the team, especially you," wika niya atsaka ako deretsong nilingon. "Soriya," pagpapatuloy pa niya.
"Alam kong kakatapos pa lang ng nauna mong misyon ngayon, pero hindi natin ito pwedeng ipagsawalang bahala." Nakikinig lang kami sa lahat ng sinasabi niya.
"Kumikilos na naman ba sila?" tanong ni Psalm sa kanya.
"Oo, at kapag hindi tayo umaksyon kaagad. Magiging katapusan na ng Gripsen." Tinignan namin ang ilang litratong nakaflash sa TV. Pamilyar ang ilang mukha roon, lalong-lalo na't ang mga tattoo nila sa katawan na may iisa lang na simbolo. May mga matatanda pero may mga kasing-edad lang din naming tatlo nina Valine at Psalm.
"The Yakuza syndicate." Rinig kong bulong ni Valine sa aking gilid. Tama s'ya, ang karibal naming kaaway ngayon ay ang mga Yakuza. Hindi sila basta-bastang grupo mula sa Japan. Lahat sila ay may mga kakayahan at talagang hindi mo sila gugustohing kalabanin na mag-isa ka lang.
Pwera na lang sa akin...
"Your next target in line will be him." Isang litrato ng lalake ang ipinakita sa malaking TV. Narinig ko ang munting pagsinghap ni Valine sa aking gilid.
"Oh shoot, not him," sambit n'ya na ikinataas ng aking isang kilay. Why not him?
"Wag mong pairalin ang pagiging malandi mo, Valine," wika ni Psalm atsaka pinagkrus ang kanyang braso. Kita ko naman ang pag-irap ni Valine sa kanya.
"Bilang na nga lang ang gwapo rito sa bansa natin, tas kakaltasan pa." Rinig kong pagmamaktol ni Valine. Napailing na lang ako sa sinabi n'ya.
"That man is more dangerous than you've thought. He's the youngest Oyabun, so all of us might as well expect that this will be Soriya's hardest mission," Charlie said which made me narrow my eyes into slits as I take a clearer look at the man in the picture.
Oyabun refers to 'the family boss'. The Yakuza syndicate doesn't consist of only 1 group. Maraming mga makapangyarihang organisasyon ang kumakatawan sa Yakuza, at isa na rito ang organisasyon na kinabibilangan ng lalakeng haharapin ko.
"He will be our key in finding their 'secret' data. Kailangan natin makuha 'yon upang maisigurado natin ang pagkasalba ng ating organisasyon." Tumango-tango kami sa sinabi ni Charlie.
"That man is none other than Spade Rogue Yamazaki, the Oyabun in Yamazaki Clan."
Spade Rouge... Tinitigan ko ang kanyang litrato ng maige atsaka nimemorya ang kanyang hitsura. Hindi mo nga maitatanggi ang kakisigang taglay ne'to. Halata rin ang kanyang pagiging dugong hapones dahil sa kanyang mga mata at manipis na medyo mapupulang mga labi.
If I were Valine, it would be really hard for me to kill this gorgeous man but unfortunately, I'm not her.
"Magsisimula ang misyon mo sa susunod na linggo. I will send you all the deatils of Yamazaki and I'm expecting you to read all of it." May diin na sambit ni Charlie sa akin. Isang tango lang ang itinugon ko sa kanya bago niya patayin ang TV sa harap namin at lumabas ng silid. Sumunod naman si Commander Claude sa kanya.
Kinuha ni Valine ang isang litrato ni Spade na nasa ibabaw lang ng mesa atsaka ngumuso habang pinagmamasdan ito.
"Kailangan mo ba talaga siyang patayin?" Tanong n'ya pa sa'kin.
"Obviously," I said. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya habang bumagsak naman ang balikat n'ya dahil sa sagot ko. Kinuha ko ang isang litrato mula kay Valine atsaka ito pinagmasdan muli.
I can't wait to meet you, Spade Rogue Yamazaki...