Soriya's POV
Nalintikan na! Bigla na lang bumukas ang pinto habang naghahanap ako rito ng pwede kong makuha.
Pinaalam ko kasi kay Psalm na nasa isang children's party ako atsaka niya ako trinack. Nalaman namin ang ang may-ari ng bahay na 'to ay si Benedict Riku Tanaka, isa sa mga miyembro ng Yakuza syndicate.
Pero ayon kay Psalm, hindi ito ganon ka aktibo sa organisasyon ikukumpara sa kapatid niyang si Jester o mas mas kilala sa pangalan na 'Roger'.
Nang malaman kong nakaapak ako ngayon sa territoryo ng aming mga kalaban, hindi ko maiwasang magmasid-masid sa buong paligid.
I am eyeing some random men who looked suspicious while taking good care of Spirit.
Pero nang gusto niyang gamitin ang banyo rito sa loob ng silid na 'to, kinuha ko 'tong pagkakataon para kumuha ng ilang mga impormasyon lalo na't nasa loob kami ng isang opisina.
I just hope that this room contains important information and evidence that I can use, para naman hindi masayang ang araw na 'to.
"Soriya. Where's Spirit?" Bigla akong napaderetso ng tayo nang marinig ko ang boses ni Tac sa aking likuran.
Ni hindi ko man lang napansin ang presensiya niya rito sa loob. I should've expected no less to Tackihiro Uzoma.
"S-Sir Tac! Nasa loob po ng banyo si Spirit, gusto ko po sana siyang samahan pero hindi niya ako pinayagan eh kaya naglilibot-libot na lang po ako rito," wika ko sabay ayos ng aking salamin.
Nabibigatan ako nito sa aking tainga dahil hindi naman ako sanay na magsuot ng ganito. Pero para sa misyon, hindi ako pwedeng magreklamo.
Bigla niya akong nilapitan nang hindi lumilihis sa iba ang kanyang paningin. Dahan-dahan akong napaatras hanggang sa mapasandal ako sa may bintana rito.
His moves are a bit suspicious, lalo na kung paano ito makatingin sa aking mukha.
"S-Sir Tac? A-Ano po ang ginagawa ninyo?" Nauutal kong sambit ngunit ang isa kong kamay ay handa ng hawkan ang isang tropeyo rito sa aking likuran.
If Tackihiro Uzoma will directly attack me, I won't hesitate to fight back.
Magaling ito, at hindi ko siya kayang maliitin. He won't be Spade's substitute is he's not that good.
Ngunit ang sunod niyang ginawa ang nagpapaestatwa sa aking pwesto ng tuluyan. Bigla itong may tinaggal sa aking pisngi gamit ang kanyang panyo.
"You got icing on your face, does Spirit did this?" Napakurap ako bago nilingon ang isang hiwang cake na nasa ibabaw ng center table.
"O-Opo, Sir Tac," tugon ko sa kanya bago ito mahinang itinulak pero ganon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang hindi ko na mabawi ang mga kamay ko.
"You can let go of me, Soriya," aniya.
Napamura ako sa likod ng aking isipan nang maalala kong suot-suot ko nga pala ang guwantes na ibinigay sa akin ni Valine. Its on a 'camouflage' state making it looked like my bare hands.
"Soriya, let go."
"S-Sinusubukan ko po, Sir Tac." Napaatras ito ngunit nadala rin ako sa bawat kilos niya.
Nang dahil sa ginaw aniya sa akin kanina, bigla na lang ako nagkamental block at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Soriya, I am warning you."
"P-Pasensya na po!"
"Soriya, let go of m--"
"S-Sir Tac!"
Nanlaki ang aking mga mata nang masagi ko ang isang vase sa gilid dahilan upang mabasag kaagad ito. Sinubukan pa 'yong saluhin ni Tackihiro ngunit masyado ng huli ang lahat.
At dahil nakadikit ang kamay ko sa kanya, bigla itong nawalan ng balanse atsaka napahiga sa sahig habang ako naman ay nasa ibabaw niya.
Nakita ko kung paano pumula ang dalawa niyang tainga dahil sa aming posisyon kaya hindi ko maiwasang mas mataranta.
"What the f*ck is happening here?" Nanlaki ang aking mga mata nang sabay kaming napalingon ni Tackihiro sa pinto nang bigla yung bumukas.
Ang mukha ni Spade Rogue Yamazaki at ang salubong nitong kilay ang bumungad sa amin.
"Tackihiro, will you care to explain me everything? And you." Napaigtad ako nang iduro niya sa aking ang kanyang hintuturo. "Where the hell is my sister?"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Tackihiro habang ako naman ay hindi maiwasang mapalunok.
"Where. Is. Spirit." Madiin nitong saan.
Bigla kong naalala ang tinuro sa akin ni Valine nang makita ko ang galit sa mukha ni Spade habang nakatingin sa aming dalawa ni Tackihiro.
I pressed my palm against Tackihiro's chest before pushing the roots of my fingers slowly and let go.
Dali-dali akong tumayo sa harap ni Spade atsaka tinuro ang pinto ng banyo.
"N-Nasa loob po siya ng banyo." Awtomatiko kong pinuntahan ang banyo atsaka palihim na tinanggal ang guwantes mula sa aking mga kamay nang pumasok na ako sa loob.
Buti at hindi 'yon nilock ni Spriti.
"Hi, Spirit, tapos ka na ba? Hinahanap ka na ng kuya mo." Kaagad kong binuksan ang trashbin atsaka roon itinapon ang guwantes. Babalikan ko 'to mamaya, yun ay kung makakabalik pa ako rito sa kwartong 'to.
Kaagad niyang itinaas ang dalawa niyang kamay sa akin na tila ba gusto ko siyang kargahin kaya ginawa ko 'yon kaagad.
Nang sabay na kaming lumabas sa banyo, nakita kong sabay na napalingon sa akin sina Spade at Tackihiro.
Ngunit nang tapunan ko ng tingin si Sir Tac, kaagad itong nag-iwas ng tingin sa akin atsaka mas lalong namula ang kanyang dalawang tainga.
Palihim akong napangiwi sa kanyang reaksyon bago muling itinuon ang aking atensyon kay Spade Rogue.
"Give her to me." Seryoso niyong saad habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata.
Sa tuwing seryoso ito, hindi ko talaga maiwasang makaramdam ng panganib mula sa mga mata niya. Mararamdaman ko talaga kung gaano ito kalakas sa mga titig palang nito.
"O-Opo." Sinadya kong mautal bago lumapit sa kanya atsaka ibinigay si Spirit ngunit pareho kaming napatingin sa bata nang higpitan niya ang pagkakayakap niya sa aking leeg.
"Spirit, don't be hardheaded." Umiling ang bata matapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang nakatatandang kapatid sa kanya.
"Spirit." May halong pagbabanta na ang boses nito sanhi upang ibaon ni Spirit ang kanyang ulo sa aking balikat atsaka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.
"Spade, I don't think forcing her would be a good idea." Sa wakas ay nagsalita na rin si Tackihiro sa kanyang tabi. Sa pagkakataong ito ay hindi na namumula ang kanyang tainga pero halatang hindi ito makatingin sa akin ng deretso.
Napapikit ito atsaka nagpalabas ng hangin sa ilong bago niya ako nilingon.
"Keep your eyes on my sister. Do you get me, Soriya?" Madiin kong itinikom ang aking bibig bago tumango sa kanya.
Hindi na ito muling nagsalita pa atsaka na lang tumalikod bago umalis, sumunod naman si Tackihiro sa kanya kaya kami na lang ni Spirit ang naiwan dito sa loob.
Napabuga ako ng hangin bago ko ito inilapag sa sahig.
"Ayos ka lang ba?" I asked, trying to check on her.
Tumango ang bata sa aking atsaka inabot ang isa kong kamay bago itinuro ang nasa labas ng bintana. Nilingon ko 'yon at nakita ko ang malaking inflatable playhouse bago ko siya nilingon.
"Gusto mo bang maglaro don?" Tanong ko. Ngumiti ito sa akin atsaka sunod-sunod na tumango.
"Sige, pwede mo ba akong hintayin dito? Magbabanyo muna si Ate Riya." Tumango ulit ito sa akin.
"Ipangako mong hindi ka aalis dito hangga't hindi pa ako tapos sa loob ha?" Malapad itong ngumiti sa akin dahilan upang magrainbow shape ang kanyang dalawang chinitang mga mata.
Dali-dali akong pumasok sa banyo ulit atsaka kinuha ang guwantes na ginawa ni Valine. Kaagad ko itong niligpit atsaka inilagay ng maayos sa loob ng aking bag na hindi kaagad mapapansin kung sakaling may bubukas man ng bag ko.
"Tara? Maglaro na tayo sa labas." Bungad ko kag Spirit matapos kong lumabas mula sa banyo. Masaya niyang hinawakan ang kamay ko bago kami sabay na lumabas ng silid.
Mukhang hindi ako makakapagtrabaho ngayon ng maige dahil andito si Spirit. Babalikan ko na lang ang bahay na 'to mamayang gabi upang mag-imbestiga pa.
Sa ngayon, kinailangan ko ng maging mas maingat sa aking kinikilos dahil ang magkaron ng hindi magandang hinala sina Tackihiro at Spade sa akin ang pinakahuli kong gustong mangyari.
Papalabas na sana kami ni Spirit nang may makabanggang lalake sa aking balikat na kaagad namang humingi ng despensa. Pilit kong tinignan ang kanyang mukha ngunit nakayuko ito atsaka mabilis na naglakad paalis.
Susundan ko pa sana ito ng tingin nang biglang bumitaw sa akin si Spirit dahilang upang mapatingin ulit ako sa kanya.
"S-Spirit! Teka lang!" Sigaw ko atsaka ito hinabol kaagad para hindi mawala sa aking paningin.