Chapter 4 (Spade Need a Woman)

2252 Words
Soriya’s POV "Ano ba Psalm! Akin na nga yang medyas ko!" "Kay babae mong tao ang kalat-kalat mo, kung saan-saan mo na lang kasi nilalagay 'tong mga gamit mo. Kulang na lang pati panty mo makita ko dito sa sala." Biglang namula si Valine dahil sa sinabi ni Psalm atsaka pahablot na kinuha ang medyas mula sa binata. Heto na naman silang dalawa, parang aso't pusa kung umasta. "E-Ewan ko sa'yo! Bakit ba naman kasi pabigla-bigla kayong sumisipot dito sa apartment ko?" Salubong ang dalawang kilay ni Valine nang sabihin niya 'yon atsaka nagmarcha papasok sa kanyang silid. Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at ang kalat nga dito. Parang hindi babae ang tumitira. Hinawi ni Psalm ang tuwalyang nakabuyangyang lang sa sofa atsaka doon umupo. Naglakad ako papunta sa kanyang likuran kung saan may mga malaking shelf dito si Valine. Napatingin ako sa mga iba't-ibang klaseng libro na narito. Isang techie si Valine kaya halos lahat ng mga libro niya na narito ay tungkol sa mga teknolohiya. Mahilig din siyang mag-imbento ng mga bagay-bagay. "Wag mong hawakan 'yan!" Kaagad akong napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko si Valine na sumigaw. Nakita ko si Psalm na naestatwa sa kanyang kinatatayuan habang nasa ere ang kanyang isang kamay na mukhang gusto sanang hawakan ang isang rubik's cube. "B-Bakit? Gusto ko lang naman sanang maglaro," wika niya sa babae. "Engot ka ba?! Hindi lahat ng mga bagay na nakikita mo rito sa bahay ko ay normal. Baka nakalimutan mong imbentor ako, Psalm?" Naglakad si Valine papalapit sa mesa niya atsaka sinuot ang isang guwantes bago dahan-dahan na kinuha ang rubik's cube bago ito inilagay sa isang box. "This is a self-destruct thing. Isang maling paghawak mo lang dito at madetect ang fingerprint mo ay kusa itong sasabog ng ilang segundo." Payak na wika ni Valine bago niya hinarap sa Psalm na ngayon ay napalunok at namutla na lang bigla. "Kaboom!" Napaigtad si Psalm sa sinabi ng kaibigan naming babae na ikinatawa naman nong isa. Tinulak ni Valine si Psalm papalayo sa mesa niyang puno ng kung ano-anong mga bagay na hindi ko kilala. "Just stay away from this area okay? And please, stop roaming around my place without my consent, kung ayaw niyong bigla na lang tayong sasabog rito." Kaagad kaming tumango sa sinabi niya kaya naisipan ko na lang na umupo sa kanyang sofa at ganon na rin ang ginawa ni Psalm. Nilibot ko na lang ang aking buong paningin sa kanyang apartment. Valine came from a wealthy family, yet she chooses to live on her own. Ganon din ang sitwasyon ni Psalm. Wala ni isa sa miyembro ng kanilang pamilya ang alam tungkol sa organisasyon na kinabibilangan naming tatlo. Valine's parents thought that she worked as a dentist, while Psalm's family on other hand are expecting that he's an architect. Totoo naman talaga ang tungkol sa trabaho nila na 'yon, ngunit mas may oras pa sila sa organisasyon kesa sa mga normal nilang trabaho. "So, anong rason kung bakit bigla na lang kayong pumunta rito sa apartment ko? May problema ba sa misyon?" Tanong ni Valine sa amin kasabay ng pagbukas niya sa kanyang soda can. Binigyan niya rin kaming dalawa ni Psalm na kaagad naman naming sinalo. "Nope, not at all. Actually we're here to test your newest invention. Sinabi rin sa amin ni Charlie kahapon na okay na raw 'yon at pwede ng gamitin ni Riya bukas." sabi ni Psalm. "Ah, yun? Oo tapos na, teka kukunin ko muna saglit sa kwarto." Bukas na bukas ay may pupuntahan si Spade Rogue, hindi ko alam kung ano ang pupuntahan niya dahil bigla na lang akong kinontak ni Tac na sasama raw ako sa kanila bukas. I don't have any idea what will it be, pero dahil wala 'yon sa schedule niya, paniguradong bigla-bigla ito at importante dahilan upang isingiti sa sobrang busy niyang schedule. I wonder what will it be and as an assassin, it's jsut normal for me to be prepared. Mahirap na, baka may bigla na lang susugod sa akin doon. I also told Charlie about this right away which made her took some actions as well in preparations. "Ito na 'yon." Sabay kaming napalingon ni Psalm sa kakadating lang na si Valine. Awtomatiko akong napatingin sa hawak-hawak niyang gloves na kulay berde. Binigay niya 'yon sa akin at sinabihan akong suotin 'yon. "Try it." Medyo malaki iyon sa akin. Kung titignan, parang normal na guwantes lang talaga ito, ngunit may isa pang bagay na binigay sa akin si Valine. Isinuot niya ang isang metallic bracelet sa isa kong palapulsohan atsaka may pinindot doon dahilan upang maging mahapit sa akin ang gloves. Nagulat si Psalm sa aking harapan atsaka tinignan ng malapitan ang guwantes. "N-Nasan na 'yon? Bat biglang nawala?" naguguluhan ne'tong tanong. Napangisi si Valine atsaka umupo sa harap ko bago siya sinagot. "Hindi 'yon nawala, that's the gloves itself." "Ha? Eh kamay lang naman 'yan ni Riya. Ano yun? Naging invisible?" "Parang ganon na nga, but the exact term for it is 'camouflage'. Galing ko hindi ba?" Tinignan ko ng maige ang guwantes na parang wala akong suot dahil tanging kamay ko lang ang nakikita ko. Mula sa kuko, maliit at manipis na balahibo ko sa mga daliri, at ilang ugat na nakikita sa kamay ko. This is not just a simple gloves. "Activate it, Riya. Mas exciting ang magagawa niyan." "Paano?" tanong ko sa kanya. Ininguso niya ang bracelet na suot ko kaya may pinindot ako doon. Nangunot ang noo ni Psalm nang parang wala namang nangyayari. "Hawakan mo si Psalm," utos ni Valine sa akin na ikinatingin ko ng deretso sa isa ko pang kaibigan. Nakita ko kung paano umalon ang kanyang Adam's apple na tila natatakot sa kung ano man ang mangyayari. "Oh teka, bat ako?" Kaagad akong nakalapit sa kanyang direkyson atsaka ito hinawakan. Hindi naman maipinta ang mukha ne'to, ngunit natigilan ako dahil parang wala namang nangyari. Sabay kaming napalingon ni Psalm sa direksyon ni Valine na tila naguguluhan. "Bakit hindi sumabog si Psalm?" Tanong ko sa kanya. Napaderetso namang ng tingin si Psalm sa akin na tila hindi makapaniwalang nasabi ko 'yon. "Y-You're expecting me to blow up?! Anong klaseng kaibigan ka?!" Napailing si Valine sa aming dalawa. Kaagad itong lumapit sa amin atsaka hinawakan ang isa kong braso. Babawiin ko na sana ang aking kamay ngunit nagulat ako dahil hindi ko 'yon matanggal mula sa pagkakahawak ko kay Psalm. Para itong super glue na nakadikit sa kanya. Iniangat ni Valine ang aking isang kamay na hawak-hawak si Psalm at sa hindi inaasahan pagkakataon ay umangat din ito sa ere. "That's it's purpose. Madali mo lang maiangat ang isang bagay na hindi ka nag-eexcert ng effort dahil tila may magnetic field ito na hindi basta-bastang maitatanggal ang isang tao o bagay na hawak mo." Valine explained. Kaagad na sumilay ang isang ngisi sa aking labi nang marinig ko 'yon. "500 kg ang limit ng gloves na 'yan. Hindi na maiaangat ang isang bagay na mas mabigat pa sa 500 kilograms." Dagdag pa neto. "Okay, okay... Can you put me down now?" Sambit ni Psalm. Ibinaba ko na siya sa sofa ngunit hindi ko parin maitanggal ang aking kamay mula sa kanya. "How can I get rid of him?" Tanong ko sa kaibigan ko. "Press your palm against the subject before pushing the roots of your fingers to release." Ginawa ko ang sinabi niya kaya hindi ko na hawak si Psalm. Napatingin ako sa guwantes na tila kamay ko lang atsaka ito pinagmasdan. This thing is cooler that I expected. Pero mas cool siguro kung sasabog ang mahahawakan ko... EIGHT o' clock na ng umaga at nasa bungad na ako ng mismong kompanya ni Spade Rogue. Nasa bungad ako ng mismong entrance atsaka hinihintay na dumating si Tac dahil ito ang utos niya sa akin kahapon. Inayos ko ang aking makapal na salaman at ang baduy kong suot na parang pinaglumaan ng panahon. "Soriya." Napalingon ako sa gilid nang marinig ko ang boses ni Tackihiro Uzoma. "Magandang umaga po Sir Tac," pagbati ko sa kanya nang tuluyan na itong makalapit sa akin. Kasabay ng pagdating niya ay ang paglabas ni Spade Rogue sa labas ng kanyang building. Teka lang, nasa loob pala siya? Pumarada ang isang magarang sasakyan sa kanyang mismong harap atsaka binuksan ni Tac ang backseat bago pumasok si Spade. Ni hindi man lang siya nag-aksaya na tignan ako sa kanyang gilid. Heavy tinted ang sasakyan kaya hindi ko siya makita sa loob. Napatitig ako doon bago napatingin kay Tackihiro nang tawagin niya ulit ako. Sumakay kaming dalawa sa nakasunod na sasakyan bago kami tuluyang umalis. Hanggang ngayon ay wala parin akong alam kung saan kami pupunta. I tried checking some personal informations regarding this day pero wala talaga. Mukhang urgent nga lang talaga ito. Pero ang nakapagtataka lang... Bakit kailangan kong sumama? Sa anong dahilan? "You seemed nervous, Soriya." Kaagad akong napalingon kay Tac nang bigla itong magsalita sa gitna ng biyahe. I'm not nervous, I'm just being cautious. There's a huge difference between those words. "Ah k-kasi po hindi ko alam kung saan tayo pupunta. K-Kailangan po ba ako don Sir Tac?" Sabi ko sa kanya atsaka napakamot sa aking batok. I'm making sure I'm playing my character well. "Yes, unfortunately we need a woman." Natigilan ako sa kanyang sinabi. They need a woman? For what? "P-Para saan naman po?" Tuluyan na akong nilingon ni Tackihiro na ikinaalarma ko. His straight face is looking intently at my direction as if he is examining my whole existence. "Are you this talkative, Miss Guzman?" Napalunok ako sa sinabi niya. Nakita niya siguro ang reaksyon ko kaya kaagad siyang napabuga ng hangin. "I'm sorry, I didn't mean to startle you. Please be patient for a while, dadating din tayo roon. Makikita mo rin kung bakit sinadya ni Sir Yamazaki na isama ka," aniy atsaka umiwas ng tingin bago nilaan ang buong atensyon sa labas ng bintana ng kotse. Tama ba ang dinig ko? Sinadya? Sinadya akong isama ni Spade sa lakad na 'to? Nang dahil sa sinabi ni Tac, mas nagiging magulo ang isip ko ngayon. May kinalaman kaya ito sa organisasyon nila? Tsaka bakit ako? Kung kailangan nila ng babae sa lakad na 'to, pwede naman nilang isama yung ibang babae sa kompanya na mas matagal pang naninilbihan sa kanila. Why would a man like Spade Rogue Yamazaki will intentionally bring me with his whereabouts? Nasesense na kaya niya? Hindi kaya patibong ito? Napahawak ako ng mahigpit sa aking bag kung saan andon ang gloves na binigay ni Valine sa akin kahapon. I don't believe in God but I'm silently praying that my mission won't end right here... "Here we are." Napatingin ako kay Tac nang buksan niya ang pinto ng sasakyan atsaka lumabas. Sumunod din kaagad ako sa kanya nang tignan niya ang aking direksyon na tila naghihintay ito sa akin. Nilibot ko kaagad ang aking paningin sa buong lugar at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ko ang direksyon ni Spade Rogue na ngayon ay nakatingin na rin pala sa akin. Tackihiro started to walk towards his direction which made me follow his steps as well. Spade removed his black coat before handing it to Tac. Inayos niya ang kanyang suot na kulay itim na polo bago pinagmasdan ang paligid na tila may hinahanap. Teka nga lang... Anong ginagawa namin sa isang children's party? Ngayon ko lang napansin ang ilang makukulay na lobo sa labas ng magarang bungalow sa harap namin. May inflatable slides din sa gilid na nakatayo sa isang malawak na lupain. May tumatakbong mga bata doon at may kanya-kanyang yaya na nagbabantay sa kanila. What the hell is this? I'm expecting a deadly ground but here I am standing in front of a playhouse. May nakita akong isang batang babae na may suot-suot na kulay rosas na bestida atsaka nakatali ang maganda't mahabang buhok ne'to. Nang makita niya si Spade ay kaagad itong tumakbo papunta sa direksyon niya na nakalahad ang dalawang maliliit na braso. Spade kneeled one of his knees before embracing the little girl as he greet her. Napatigalgal ako sa aking nasaksihan nang makitang ngumiti ang lalakeng kinikilalang brutal na mamamatay tao. "Hi, Spirit." Pagbati ni Tac sa bata nang lingunin siya ne'to. Ngumiti ang nakababatang kapatid ni Spade sa kanya bago napalingon sa aking direksyon. Nang magtama ang tingin namin ay kaagad na bumilog ang kanyang singkit at maliit na mga mata. Kaagad itong tumakbo sa aking direksyon atsaka sumampa sa aking binti. Nagulat ako ng bahagya pero kaagad din akong lumuhod upang magtama ang tingin namin ni Spirit. "Hello, nagkita ulit tayo," pagbati ko sa kanya atsaka ngumiti. "Ayos ka na ba?" Sunod kong tanong sa kanya na ikinatango lang ne'to habang nakangiti. Pinagmasdan ko ng maige ang inosenteng bata sa aking harapan. Based on Psalm's report, Spirit Riley can't talk but she can hear. Hindi naman daw in born ang pagiging pipi niya, ngunit hindi rin nalaman ni Psalm ang dahilan kung bakit nagkaganito ang bata. According to him, Spirit Riley didn't talk for almost 3 years now. I wonder what happened to this little girl... Kaagad niyang kinuha ang aking kamay atsaka ako hinila papasok sa isang magarang bahay kung saan siya lumabas kanina. Napatingin ako sa aking likuran at doon ko nakita sina Spade at Tackihiro na pinagmasdan lang ako habang hila-hila ako ni Spirit. Seems like this is the reason why they needed a woman. They need someone who can accompany Spirit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD