Soriya's POV Nakatayo ako ngayon sa labas ng isang paaralan bago inayos ang aking makapal na salamin sa mata. What a deja vu. "Soriya, let's go." Mabilis kong sinunod si Tac na ngayon ay nasa likuran ni Spade. Kaming tatlo lang ang pumasok sa loob dahil nakakakuha ng ibang atensyon kung sasama pa ang tauhan ni Spade sa loob. Pero gayunpaman, kahit na siguro si Spade lang ang pumasok, makakuha at makakuha talaga siya ng atensyon ng iba. With that annoyingly good-looking face, I'll be lying if I'll say no one will dare look at him. At tulad nga ng inaasahan ko, maraming mga matang napapatingin sa dalawang lalakeng sinusundan ko ngayon. Tila pinagpipiyestahan sila ng mga kababaihan dito sa loob ng paaralan. "Hello, Mr. Yamazaki, buti at nakadalo po kayo ngayon. Please follow me fo