Soriya's POV Hindi nila pwedeng malaman ni Charlie na nakita ni Spade Rogue Yamazaki ang totoo kong mukha. Alam kong hindi ito ang pinakamabisang paraan, pero sa oras na malaman nila ang tungkol don, kukuha sila ng bagong tao na gagawa nito. And never in my entire life I haven't accomplished a single mission. Ayokong mapunta sa wala ang ginawa ko at lalong-lalo na ang mga ginawa nina Valine at Psalm. All the time and efforts of this team would put into waste if they figured out that Spade saw my true identity. "So ano na nga ang nangyari?" Napatingin ako kay Valine nang magsalita ito sa aking tapat. Nasa isang coffee shop kami ngayong tatlo ngayon. Nakadisguised ulit ako habang kausap sila dahil galing pa akong trabaho. Hindi nakatiis sina Valine at Psalm na hindi ako kitain n