Soriya's POV "WHAT?! Are you trying to step into an enemy's trap?!" Hindi makapaniwalang wika ni Valine nang magbigay na ako ng report dito sa headquarters mismo. "Commander Claude, hindi niyo ba papagalitan si Soriya?" Dagdag nito matapos niyang lingunin ang lalakeng may edad na na nakatayo sa tabi ni Psalm. "What she did is quite impressive." "Impressive?" Hindi makapaniwalang saad ni Valine. "Paano kung patibong lang 'to ni Spade Yamazaki?" Bakas ang pag-aalala sa boses at mukha ni Valine ngayon matapos kong sabihin sa kanila ng buong detalye ang nangyari nong mga nakaraang araw. "Stop whining Valine, you're not the one who's in the battlefield. Hindi nga nagreklamo si Soriya sa pinanggagawa niya ng hindi man lang tayo pinaalam, ikaw pa kaya?" Suplada at striktang wika ni Charl