Chapter 3 (Secretary on Duty)

1939 Words
Soriya’s POV Ngayong araw ang simula ng aking trabaho bilang sekretarya ni Spade. Natapos ko ang final interview kahapon at hired on the spot ako. Hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa mga sagot ko o di kaya’y tinanggap nila ako dahil niligtas ko ang nakababatang kapatid ni Spade na si Spirit. “Akalain mo ‘yon? Natanggap s’ya rito bilang sekretarya ni Sir Yamazaki?” “Hindi nga ako makapaniwala sa nangyari. Akala ko hindi tumatanggap si Sir ng babaeng secretary.” “Nako! Kahit maging kanang kamay pa ‘yan ni Sir, hinding-hindi niya maaakit ang boss na’tin dahil sa hitsura niya.” “Grabe naman ‘to! Na-iinggit ka lang eh dahil may babaeng makakalapit na kay Sir bukod sa’yo.” “Ako? Maiinggit sa babaeng ‘yon? Ni wala nga siya sa kalingkinitan ng kagandahan ko.” Sinundan ng ilang pagtawa ang sinabi ng babae. Napataas ang aking kilay sa mga katagang naririnig ko ngayon sa loob ng banyo. Nasa isang cubicle ako rito habang sila naman ay nasa labas. Kaagad akong tumayo atsaka finlush ang toilet bago tuluyang lumabas. Gulat na gulat ang tatlong babae na animo’y nakakita ng multo ng sabay silang mapatingin sa repleksyon ko sa harap ng salamin. Naglakad ako papalapit sa lababo atsaka naghugas ng aking kamay. “Naku! Sobrang saya ko talaga dahil naging sekretarya ako ni Sir Yamazaki, siya pa MISMO ang pumili sa’kin. Ano kaya ang gagawin niya kapag malaman niyang may mga empleyado siyang tutol sa kanyang desisyon,” ani ko atsaka umaktong tila nalulungkot. “Parang may hiring na naman ang magaganap sa kompanya dahil may ilang sisibakin sa pwesto,” pagtatapos ko atsaka ngumuso. Tuluyan ko na silang tinignan ng deretso atsaka umakto na naman na tila nagulat. “Ay! Andiyan pala kayo? Pasensya na, hindi ko kayo napansin.” Halos lumabas na ang ugat sa sentido nila dahil sa inis. Kanina lang, mukhang tinakasan sila ng dugo ng makita ako pero ngayon? Mukhang mangangalmot na. “Goodmorning sa inyo! Have a nice day ahead!” Ngumiti ako ng pagkalaki-laki para mas lalo silang asarin bago tuluyang lumabas sa ladies comfort room. Adahil unang araw ko ngayon sa trabaho, maraming bulong-bulongan akong naririnig sa tuwing mapapadaan ako ng ilang grupong empleyado. Hinayaan ko lang 'yon dahil wala akong pakialam sa kanila, andito ako para sa misyon ko. Wala rin naman akong planong magtagal sa kompanyang 'to, lalong-lalo na't lungga ito ng kalaban. Sa oras na makuha ko na ang totoo kong pakay ay ako na mismo ang aalis at kailan man hindi na magpapakita. Dumeretso kaagad ako sa aking pwesto rito sa labas ng opisina ni Spade. Tulad ng napagplanohan, kailangan kong galingan sa trabaho upang makuha ko ang tiwala niya. "Ms. Guzman, may I have you for a minute?" Napatingala ako ng tawagin ang aking pangalan. "Magandang umaga po Sir Tac, pwede naman po," ani ko atsaka siya sinundan papunta sa loob ng isang opisina rito. Nakatingin lang ako sa likod niya at pinagmamasdan ang kanyang bawat pagkilos. Kailangan ko ring maging alerto sa tuwing andiyan siya. Hindi siya basta-bastang empleyado rito, kundi isa rin siyang miyembro sa organisasyon ni Spade. Tackihiro Uzoma o mas kilala bilang sa pangalang 'Tac' ay ang kanang kamay ni Spade. Kasa-kasama niya ito sa kahit anong klaseng transaksyon at talaga nga namang pinagkakatiwalaan ni Yamazaki. Ayon sa database na ibinigay ni Psalm at Valine sa'kin kahapon, isa si Tac sa mga mahirap kalabanin lalong-lalo na't sa close combat. It's close to a miracle to win on a one on one fight with him. Ayokong umabot ako sa ganong klaseng sitwasyon kaya mas mabuti na't maging alerto at mapagmatiyag ako sa aking paligid, lalong-lalo na't sa aking kinikilos habang andiyan siya. Tac is also a keen observer. Isang maling kilos ko lang, pwedeng-pwede niya akong putulan ng hininga. "Ms. Guzman, I'm afraid I can't train you in a longer span of time so I decided to give you this." May kinuha siyang isang dokumento sa loob ng kanyang bag dito sa opisina niya. Inilapag niya iyon sa mesa na kaagad ko namang kinuha. "Ano po 'to, Sir?" "Diyan nakalagay ang mga dapat mong gawin kapag nasa opisina ka o di kaya'y nasa mga business meeting kasama si Sir Yamazaki. I am expecting you to read what I made until the very last page of it. Sir Yamazaki doesn't want any complications and failures coming from you. Maaasahan ka ba sa bagay na 'yon Ms. Guzman?" Tumango kaagad ako sa kanya atsaka ngumiti habang nakayakap sa dokumentong ibinigay niya sa'kin. "Makakaasa po kayo, Sir. Hinding-hindi ko kayo bibiguin ni Sir Yamazaki." Masayang sambit ko sa kanya. Tumango naman siya sa'kin gamit ang maaliwalas niyang mukha. Kahit saang anggulong tignan, hindi mo talaga aakalain na gagawa siya ng mga masasamang bagay. Well, what can I say? Looks could really be deceiving. "I'll excuse myself, Sir Tac," wika ko sa kanya. "Go on, goodluck on your first day Ms. Guzman," sambit niya sa'kin. Ngumiti na naman ako atsaka inayos ang aking suot na makapal na salamin. "Salamat po," ani ko bago tuluyang umalis. I scanned the documents that he gave me as I take my leave outside his office. And as I expected, he really did a great job in making things done so clean and organized. Sa paglalagay ng mga detelyadong bagay, masasabi kong lamang si Tac ng kaunti ikukumpara kay Psalm sa bagay na'to. DAPIT-HAPON na at mas nagiging relaxing na ang trabaho rito. Ang ilan ay halos wala ng ginagawa sa mesa nila habang yung iba naman ay pinipiling tapusin ang ilang nakatambak nilang trabaho para bukas. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo atsaka nag-unat. Tinatapos ko ang pag-aayos ng ilang mga scheduled meeting ni Spade para maipasa ko kaagad ito sa kanya mamaya. Para narin dere-deretso na ang mga lakad niya kinabukasan. Biglang tumunog ang cellphone ko at kaagad na nagsalubong ang aking kilay ng makita ko ang caller. Inilagay ko sa aking tainga ang isang bluetooth earphone bago ito sinagot. "Any updates?" Bungad sa'kin ni Charlie. "No, not yet. It's still my first day here, Charlie. Ginagawa ko pa ang dapat kong gawin upang magtiwala sa'kin si Spade," mahina kong sambit habang may tinatype sa harap ng isang computer dito sa mesa ko. Hindi ako nagpapahalata na may kausap ako rito. I roamed the entire environment using my eyes in order to avoid some sudden interruptions of the call. At kung magkataon man na may lalapit sa'kin, madali kong maibababa ang tawag. "We're all counting on you, Seiko." "I know." Pagkatapos non ay kaagad ng naputol ang linya. Kinuha ko ang isang usb flash drive mula sa aking bag atsaka ito ipinasok sa isang usb hub. I copied all Spade's schedule for the entire week. Magagmit ko 'to para malaman ko kung kelan ako dapat gumawa ng hakbang. May biglang nag pop-up na message sa aking cellphone. Dali-dali akong bumaba sa building atsaka tinahak ang ground floor. Lumabas ako ng kompanya atsaka lumapit sa isang mamang nagbebenta ng ilang kendi, basahan, at sigarilyo sa gilid ng kalsada. “Manong isang kendi nga,” sambit ko sa kanya atsaka nagbayad. Binigyan niya ako ng sukli atsaka na umalis. I hurriedly get back into my office table outside Spade’s office and ate my candy. Habang ningunguya ko ang kendi, kumuha ako ng isang karayom sa loob ng aking bag atsaka tinanggal ang takip ng barya. Isa itong lalagyan at hindi lehitimong barya. Kinuha ko ang isang napakaliit na bagay sa loob atsaka ito binalutan ng isang tissue na kinuha ko kanina sa ladies comfort room. It’s nano chip that will automatically activate when put in the target. May maliit itong camera atsaka mic. Ito ang gagamitin ko para makakuha ng impormasyon mula kay Spade. Ang lalakeng binilhan ko ng kendi kanina ay si Commander Claude, tulad ko ay nakadisguised rin siya. Nang mag-aalas siete na ng gabi, bumalik ako sa banyo upang ayusin ang disguise ko bago pumasok sa opisina ni Spade. Kailangan ko ng magpaalam atsaka ibigay sa kanya ang lista ng kanyang mga schedule meetings para bukas. Nasa bungad na ako ng pinto ng opisina niya. Kaagad akong kumatok atsaka dahan-dahan na ipinihit ang doorknob. “Goodevening po Sir Yamazaki, ibibigay ko na po ang—“ Napatigil ako sa pagsasalita ng hindi ko siya makitang nakaupo sa kanyang swivel chair. Nangunot ang aking noo habang nililibot ko ang aking paningin sa napakalaki niyang opisina. Madilim na ang buong kwarto at tanging ilaw na lang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw dito sa loob. Mukhang nagkasalisihan ata kami kanina nong pumunta ako ng banyo. Baka tuluyan na ‘yong umuwi. Lalabas na sana ako ng may marinig akong kaluskos. Kaagad akong naalarma atsaka pinapakiramdaman ang paligid. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa isang parte ng kanyang opisina atsaka idinikit ang aking sarili sa pader. There’s an arch shaped opening on the wall that could lead you to another room. Wala itong pinto kaya kahit sino ay magagawa itong pasukin. May narinig akong impit na sigaw na parang nahihirapan at nagpipigil. Hinahabol neto ang kanyang paghinga. “S-Sir masyado ng s-sagad— Aaaahhh!” Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Anak ng! “Aahhh Sir Spade!” Ungol ng isang babae. Napalunok ng marinig ang bawat pag-ulos nilang dalawa. Parang nabato ako sa aking kinatatayuan dahil hindi ko na magawang igalaw ang aking mga paa papalabas ng kanyang opisina. Hindi ko alam na ginagawang motel na rin pala ni Spade ang kanyang sariling opisina. Napasinghap ako ng masagi ko ang isang malaking vase sa gilid. Kaagad ko naman 'yong nasalo na ikinaginhawa ng aking loob. Lalabas na lang ako dahil mukhang nag-eenjoy pa sila sa ginagawa nilang dalawa. Pero sa pagtayo ko ng maayos, aksidente kong natamaan ang isang pen holder sa gilid gamit ang dala-dala kong papel. Kaagad 'yong lumikha ng ingay na ikinamura ko. Dali-dali ko 'yong niligpit dahil gumulong ang ilang mga ballpen at lapis sa sahig. "Soriya." Napahinto ako sa aking ginagawa bago siya dahan-dahan na nilingon. "What are you doing here?" Napalunok ako atsaka nahihiyang ngumiti sa kanya bago tuluyang tumayo mula sa pagkakaluhod. Nakasuot na siya ng kulay itim na roba habang seryoso akong tinignan sa mata. Only God knows what's beneath that robe. Magulo ang kanyang buhok at maga ang kanyang mga labi. His chiseled face brighten up as the moonlight shines. "A-Ano po kasi, ibibigay ko na sana 'yong mga scheduled meetings n'yo para sa buong linggo. T-Tapos ko na po kasi silang gawin," sambit ko atsaka yumuko. Naramdaman kong lumapit siya sa'kin atsaka kinuha ang dala-dala kong papel. "Ito na ba ang lahat?" "Opo, Sir Yamazaki. 'Yan na nga po ang lahat." He scanned the papers before putting them above his desk. Napalingon naman ako sa lugar kung saan siya nanggaling at doon ko nakita ang isang babaeng nagbibihis habang naglalakad. Siya 'yong babaeng maingay sa loob ng comfort room kanina. Nagtama ang tingin naming dalawa na ikinagulat niya, pero kaagad 'yon napalitan ng isang nang-aasar na ngiti. She flipped her hair to the side and raised one of her brows at me. Lumapit siya kay Spade atsaka niya hinawakan ang perpektong mukha ne'to. Hahalikan niya sana ito pero kaagad na iniwas ni Spade ang kanyang mukha mula sa babae. "I don't do kisses after s*x," sambit ne'to sa kanya. Her eyes twitched before turning her back against us and storming out of the office. "Soriya." Kaagad akong napalingon sa kanyang ng tawagin niya ako. "Po?" "You may now leave my office as well." Kaagad akong tumango sa kanya atsaka yumuko bago naglakad paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD