Chapter 2 (Saving Spirit)

2335 Words
Soriya’s POV Pabalik-balik ang aking paglalakad dito sa loob uli ng banyo ng mall habang kausap sina Valine at Psalm sa kabilang linya. “May kapatid siya?! Teka lang, nakakasiguro ka bang kapatid n’ya talaga ‘yon?” Napairap ako sa sinabi ni Psalm. “Tinawag nga s’yang ‘Kuya’ nong Shudo sa lenggwahe nila,” wika ko. Nang dahil sa insidente kanina, mukhang magiging malabo na na maging sekretarya ako ni Spade gaya ng napagplanohan. Pagkatapos akong makita nong lalakeng nagngangalang Tac na kaaway ang bunso ng amo n’ya ay mukhang magiging malabo na na papasa ako sa final interview. “Tuloy pa rin ang plano.” Nangunot ang aking noo nang marinig ko si Charlie sa kabilang linya. “It’s better to give your shot first before proceeding to plan B,” pagpapatuloy pa niya. Huminga ako ng malalim bago sumangayon sa kanya. Wala naman din akong ibang magagawa kung siya na mismo ang mag utos. Tinapos ko na ang lahat sa loob ng ladies comfort room bago tuluyang lumabas sa mall atsaka dumiretso sa tapat na building. Binati ko ang guard atsaka naglakad patungo sa elevator. Pinindot ko ang 6th floor dahil doon daw ang final interview namin. Habang naghihintay sa aking turno, narinig ko na naman ang ilang bulong-bulongan ng mga empleyado rito sa loob. “Ba’t pa siya nag-apply dito? Mukhang hindi naman s’ya nababagay sa posisyon.” “Ilang taon nako rito nagtatrabaho pero hindi ko pa napapansin na tumanggap si Sir Yamazaki ng babaeng sekretarya.” ‘Yan ang mga usap-usapan nila rito. Pero halos magsalubong ang dalawa kong kilay ng marinig ang tungkol sa hindi pagtanggap ni Spade ng mga babaeng sekretarya. Kaya ba halos mga lalake ang nagaaply ngayon dito? Ano ba naman ‘to! Ba’t ang daming kulang sa document files tungkol kay Spade? Isa na ‘yong may kapatid pala siya. Dumaan ang ilang mga minuto hanggang sa naging isang oras na pero hindi parin ako tinatawag sa loob. Natapos na rin ang huling lalake sa linya. Nang may lumabas na babaeng empleyado mula sa silid ay kaagad ko siyang hinarang. “Uhm, t-tapos na po ba ang interview?” Tanong ko sa kanya habang inaayos ang makapal kong suot na salamin sa mata. Tinignan n’ya muna ako mula ulo hanggang paa atsaka napangiwi. Talaga lang ate ha? Harap-harapan talaga eh noh? “Oo bakit? Anong pakay mo?” Masungit niyang sambit sakin habang nakataas ang isang kilay. “A-Ano po kasi, isa ako sa nakapasok para sa final interview pero hindi po ako tinawag sa loob,” wika ko atsaka ngumiti sa kanya upang makita ang braces ko. “Ganon? Umuwi ka nalang, tapos na ang interview eh. Humanap ka nalang ng bagong pag-aapplyan.” “Po? Pero kailangan ko ang trabahong ito. Baka naman pwede pa akong maisingit, magaling naman po akong sumago—.” “Bingi ka ba? Tapos na nga kami.” Biglang nagpintig ang ugat ko sa sentido. Napaka-attitude naman ng babaeng ‘to, pasalamat siya at mahaba ang pasensya ko sa mga taong kagaya niya. “Mawalang galang na po, pero siguro may karapatan din ako rito. Naipasa ko po ang mga interview kanina at ngayon ay final interview na lang. Dapat po ay tinawag n’yo ako kanina tulad ng sa ib—.” “At sino ka para pagsabihan ako, ha? Wala kang modo!” Nakatingin na sa amin ang mga empleyadong napapadaan sa direksyon naming dalawa. Biglang bumukas ang pinto ng interview room atsaka roon iniluwa ang lalakeng tumanggap ng application papers ko. “Sir Tac! M-May nagrereklamo po rito. Nagagalit po s’ya dahil hindi natin s’ya tinawag kanina sa interview. Tinaasan niya po ako ng boses, Sir,” sambit nong babae atsaka nagdrama sa lalakeng nasa harap namin ngayon. Aba’t! Napakasinungaling naman ng babaeng to. Kailan ko siya tinaasan ng boses? “Hindi ko po kayo tinaasan ng boses. May respeto po ako sa nakatatanda.” Napasinghap ang babae sa sinabi ko atsaka napahawak sa kanyang mukha. “I’m sorry about that Ms. Guzman, but may I talk to you privately?” Sambit sakin nong Tac. Iniba ko nga pala ang apelyido ko dahil baka magduda sila kung ang tunay kong apelyido ang mabasa nila sa application. Kilala kasi ang apelyido namin sa ibang mga organisayon. My grandfather was a legendary assassin way back then at sinundan pa ito ng aking ama, at ngayon naman ay ako. Using my real surname will bring chaos. Tumango ako sa kanya atsaka kami sabay na naglakad patungo sa loob ng kwarto kung saan siya lumabas. Sinundan pa ako ng masamang tingin nong babae. “About the incident earlier, I don’t think he’ll consider you to work here after that. I’m sorry Ms. Guzma—“ “Magpapakabait na po ako! P-Pasensya po talaga kanina Sir, instinct ko na po kasi na tulungan ang taong naagrabyado kaya ko nagawa ‘yon. H-Hindi ko naman po inaasahan na magkukrus po ang landas natin kanina. S-Sorry for giving you a bad impression Sir,” wika ko astaka yumuko. Hindi pwedeng dito na lang matatapos ang lahat! Kailangan ko makapasok dito sa kompanya ni Spade, at gagawin ko ang lahat upang magawa ‘yon. Bumuga siya ng hangin na tila wala na talagang magagawa upang mabigyan ako ng pagkakataon. “Honestly, you have a great potential for the position. Based on your previous interviews, you did very well compare to all other applicants. Gusto kitang bigyan ng pagkakataon pero hindi ako pwedeng magpadalos-dalos dahil na rin sa nangyari kanina. Attitude is better in this workplace.” Yumuko siya sa akin na medyo ikinagulat ko . “Thank you for your time, Ms. Guzman,” aniya atsaka tuluyang ng tumalikod sa’kin at lumabas ng silid. Napamura ako ng mawala na siya sa aking paningin. “SO, what’s the plan?” Nasa loob kami ng HQ ngayon dahil palpak ang unang plano. Nakaupo kaming apat sa isang mahabang mesa habang nakatayo naman si Charlie sa aming harapan. “I tried digging up more personal infos about Yamazaki. And so far, ito ang nakita ko,” wika ni Psalm atsaka niya sa’min ibinigay isa-isa ang ilang pahina na dokumento. He isn’t responsible for the files about Yamazaki before, iba ang may gawa non na ngayon ay isinesante na ni Charlie sa organisasyon dahil ang daming kulang. Psalm should’ve did it in the first place since he’s good in digging up informations. Binasa ko ang mga nakalagay doon ng maige upang may magawa na akong tama sa susunod na plano. “Yamazaki values his family the same way how he values their organization,” panimula ni Psalm. Nakatuon lang ang aking atensyon sa papel na nasa aking kamay. “What are you trying to point out here, Psalm?” Sambit ni Commander Claude sa gilid ko. “We’ll use it to bait him.” “What do you mean?” Tanong ko sa kanya. “Kung hindi natin siya direktang malalapitan, idadaan natin sa pamilya niya.” Nagkatinginan kaming lahat dito sa loob ng dahil sa sinabi niya. “Paano? Malabo na ‘yang sinasabi mo dahil hindi na ako makakalapit sa kapatid niya. It will be a miracle to get his younger brother’s trust,” sambit ko atsaka inaalala ang pangyayari kanina sa mall. Ngumisi si Psalm atsaka nilapitan ako. He leaned closer to me as he flipped some pages of the document that he handed me earlier. Nilapag niya ‘yon sa mesa atsaka kami sabay na tinignan iyon ng maige. “Who told you Spade only got 1 sibling?” Nagkatingin na naman kaming apat bago itinuon muli ang buong atensyon sa isang litratong nasa papel. “Her name’s Spirit Riley Yamazaki, Spade Rouge’s youngest sibling. She’s 6 years old and currently living here in the Philippines under Spade’s care. Tuwing lunes, miyerkules, at biyernes ay pumapasok siya sa paaralan. She’s an advanced student so we might as well expect that this kid is hella smart,” pagpapaliwanag sa’min ni Psalm. Nakikinig lang kami sa sinasabi niya. “At paano ko siya malalapitan o di kaya ay makuha ang tiwala niya?” Tanong ko sa kanya. “Spirit was longing for a mother figure, give that to her.” PINAG-ISIPAN ko ng mabuti ang sinabi ni Psalm noong nasa HQ ako kasama sila. Hindi ko gusto ang gumamit ng bata sa misyon pero wala akong mapagpipilian. Kaya ngayon ay nasa mismong labas ng eskwelahan niya ako. Mahihirapan ako ne’to dahil paniguradong may mga bantay siya. Hindi nagtagal ay nakita ko na si Spirit na lumabas ng eskwelahan. Bitbit ang kanyang maliit na backpack, ay tahimik itong naglakad papunta sa isang lalake na may kausap sa cellphone, bantay niya siguro ‘yon. Tsk! Paano ko ‘to malalapitan kung andiyan yung bantay? Tumingin-tingin si Spirit sa paligid niya, may mga pagkakataon din na mapapalingon siya sa direksyon ko. Nakita kong huminto ang kanyang paningin sa lalakeng nagbebenta ng sorbetes. Napangisi ako ng may planong sumagi sa aking isipan. “Manong pabili nga po isa,” wika ko sa nagbebenta. Nagtama ang tingin namin nong bata atsaka ko siya ningitian. Nahihiya siyang umiwas ng tingin atsaka napayuko habang nilalaro ng kanyang maliliit na kamay ang laylayan ng palda ng kanyang suot na uniporme. Pilit niyang kinukuha ang atensyon ng kanyang bantay para magpabili ng sorbetes pero mukhang hindi ata siya ne’to napapansin. “Padagdag po ng isa,” ani ko atsaka inilahad ang isang sorbetes sa bata. Pabalik-balik ang tingin niya sa sorbetes at sa’kin. “Diba gusto mo ng sorbetes? Sa’yo nato,” ani ko atsaka ngumiti sa kanya. Kahit nahihiya, nagawa niya parin akong lapitan atsaka kunin ang sorbetes mula sa akin. Napangiti ako ng makita siyang nageenjoy na kumakain. “Masarap ba?” Tumango siya sa’kin atsaka ngumiti. Sobrang cute niya! “Gusto mo pa?” Tanong ko ng malapit na niya itong maubos. Masaya siyang tumango-tango sa akin, hindi ko tuloy maiwasang matuwa. I heard some screeching noises of a car and some shouts of civilians. May isang sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo at halatang walang preno. Nanlaki ang aking mga mata ng papunta ang direksyon ng kotse sa amin. Bigla akong naalarma sa sobrang bilis ng pangyayari. Kaagad kong kinarga si Spirit atsaka kami sabay na umiwas sa kotse. Napadaing ako sa sakit ng tumama ang aking katawan sa ilang mga bato. Napagulong ako sa gilid habang nakayakap sa batang muntikan ng mahagip ng sasakyan. “Diyos ko ‘yong bata!” “Tulong! Tumawag kayo ng ambulansya!” Napakapit ako sa aking ulo ng bigla ‘yong sumakit. Nilibot ko ang aking paningin sa gilid at may ilang dugo akong nakita sa daan. Nawasak din ‘yong cart ng sorbetes na binilhan namin kanina. May narinig akong pag-iyak ng bata na nasa ibabaw ko. Pilit ko siyang pinapatahan pero lalo lang akong nanghina. “Miss, wag kang gumalaw. May sugat ka sa katawan at ulo.” Hindi ako nakinig sa sinabi ng isang aleh sa gilid ko. Mas lalong umiyak ang bata ng kunin ito mula sa akin. “Wag, anong ginagawa ninyo? Nasasaktan niyo siya,” mahina kong sambit habang pilit na inaabot ‘yong bata pero hindi ko ito magawa ng tuluyan na akong lamunin ng kadiliman. DAHAN-dahan kong inimulat ang aking mga mata. Nasa isang hindi pamilyar na lugar ako. Kaagd akong napabalikwas ng maalala ang nangyari. Nagulat ang isang nars sa biglang pagbangon ko, mukha tuloy siyang tinakasan ng dugo. “M-Miss, gising ka na pala. Tatawagin ko muna si dok.” “Yung bata, nasan ‘yong bata? Ayos lang ba siya?” Tanong ko kaagad sa kanya. Biglang bumukas ang pinto ng hospital room ko atsaka doon iniluwa ang isang bata at matangkad na lalake. Nang magtama ang tingin naming dalawa, kaagad na nangilid ang mga luha ne’to atsaka tumakbo papunta sa akin. Sumampa lang siya sa gilid ng kama dahil hindi niya ito maabot. Umiyak siya ng umiyak kaya kaagad ko siyang pinatahan atsaka kinarga upang magkatabi kami rito sa higaan. Napangiwi pa ako dahil mukhang nabinat ang sugat ko sa likod. “Shhh tahan na, ayos lang ako,” sambit ko sa kanya. Mas lalo lang niyang isiniksik ang kanyang sarili sa’kin. Bumukas muli ang pinto at sa pagkakataong ito, hindi ko inaasahan ang bibisita sa’kin. Sa pangalawang pagkakataon, nagkita na naman kami. “Spirit, come here,” tawag niya sa kanyang kapatid. Pero hindi siya pinakinggan ne’to at nanatili lang sa tabi ko. Bumuga siya ng hangin bago muling magsalita. “I would like to personally thank you for saving Spirit. Tell me the price of putting your life in line,” he said and gestured the man to write something on a cheque. Ano ‘to? Babayaran niya ang pagligtas ko sa kapatid niya? “Ayokong magkaroon ng utang na loob sa isang tao. Go on, tell me your price.” Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Anong tingin niya sakin? Mukhang pera? “Hindi ko po kailangan ng pera ninyo,” wika ko sa kanya. What I need is your organization’s ‘secret’ data, Spade Rouge Yamazaki. Tumaas ang isang kilay niya sa’kin. “That’s new,” he said as he tilt his head to the side. “If you don’t need money, then perhaps there’s something else you wanted?” Gusto kong mapangisi sa sinabi niya. Tama nga ang inaasahan ko sa lalakeng ‘to, matalino at talagang ginagamit ang common sense. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago magsalita. “Gusto ko pong magtrabaho sa kompanya ninyo. Matagal ko ng pangarap ang makapasok doon. Please consider my application for the secretary position.” Tumahimik ang buong kwarto ng ilang segundo. Taimtim lang niya akong tinignan na tila nag-iisip sa gusto kong mangyari. “Consider it done,” aniya atsaka tumalikod at lumabas ng hospital room. Isang ngiti ang sumilay sa aking labi at wala sa huwisyong napayakap kay Spirit. This is it Soriya, you’re one step ahead of your mission.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD