Chapter 7 (Why is he here?!)

2007 Words
Soriya's POV Kaagad kong inilapag sa ibabaw ng mesa ng ang mga dokumentong nakalap ko kagabi nang pasukin ko ang mansyon ng mga Tanaka. At tulad ng aking inaasahan, wala akong masyadong nakuhang impormasyon mula kay Benedict. "What's this?" Charlie asked with a crease on her forehead. "Some documents and a personal letter Benedict received from his brother before he went missing." Saad ko bago umupo sa harap niya atsaka itinaas ang dalawang paa sa mesa. "These are just trash." Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. "Oh really? Think again." Isang masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Charlie bago ako muling tumayo atsaka kinuha ang mensahe mula sa kanya. "Benedict is an English teacher in an international school in Japan, right?" Panimula ko dahilan upang mapatingin ang lahat sa akin. All of their eyes and ears are on me. "That letter isn't just a simple letter. May mensahe sa likod ng mga mensahe niya." Padabog kong inilapag ang sulat sa mesa habang nakatingin kay Charlie. "I decipher the codes." "What? Paano?" Tanong ni Psalm atsaka ako nilapitan para kunin ang sulat mula sa akin. Kunot noo niyang sinuri ang sulat. Habang sinusuri niya ang papel na hawak niya, nagtungo ako sa laptop ni Psalm atsaka binuksan ang isang digital map sa isang website. I encoded the coordinates and voila! The exact location is already in the screen. Taas noo kong tinignan si Charlie na ngayon ay nakahalukipkip ng nakatingin sa akin bago ningisihan. "A trash you say?" Wika ko dahilan upang mas kumunot ang kanyang noo. "Ano ang nasa lokasyon na 'yan, Riya? Posible bang diyan nagtatago si Jester Sota Tanaka, o mas kilala sa palayaw na Roger?" Napatingin ako kay Valine nang magsalita ito habang nakatitig sa screen ng laptop ni Psalm. Lahat sila ay nakatingin sa akin, halatang naghihintay sa isasagot ko. "Posible, posible ring hindi. Pero dahil ibinigay niya ang sulat na ito sa kanyang kapatid, sigurado akong hindi ito patibong." Sa pagkakaalam ko, pinahahalagahan si Roger ang kanyang pamilya kaya hindi siya gagawa ng bagay na pwedeng ikapahamak ng natitira niyang pamilya. Jester and Benedict are the only children or Mr. Ren Tanaka-- isa rin sa pinakamatanyag na Yakuza member. After his death, the title of being the group's oyabun was passed to his older son which is Jester. Pero heto nga at bigla na lang itong nawala at hindi na muling nagpakita o nagparamdam man lang sa kapatid niya. May mga sabi-sabi na umalis daw ito at piniling magtago dahil isa itong traydor. May mga impormasyon din kaming nakuha na may nakilala itong babae kaya mas pinili na lang at magpakalayo-layo. All of them are just theories. At kapag walang ebidensya, hindi ako maniniwala. "So, what's the plan?" Napatingin kami kay Commander Claude nang sa wakas ay nagsalita na ito ngayon. Umupo ako sa aking upuan atsaka itinaas ang dalawa kong paa sa mesa bago ginawang unan ang magkabila kong braso. "I'm gonna search the area." Mabilis nila akong tinignan na tila ba sinisigurong nagbibiro ba ako o hindi. "On your own?" Psalm asked with concern on his voice. "Of course, having a partner is not my thing. Nakalimutan mo na bang mag-isa akong nagtatrabaho?" Napairap ako pagkatapos. Ang ibig kong sabihin tungkol don ay ako lang mag-isang pumupunta sa mga lokasyon at ginagawa ang misyon. Psalm and Valine will just help me in planning and preparing, while I'm the executor. "Kailan mo gustong puntahan ang lugar?" Tanong ni Charlie sa akin dahilan upang tignan ko ito ng deretso sa mukha. I smiled before saying the words. "Tomorrow night." NAKATAYO ako ngayon sa ibabaw ng rooftop ng isang abandonadong building sa tabi ng eksaktong lokasyon kung saan tumama ang mga coordinates sa mensahe na ibinigay ni Jester sa kapatid niya. [Wala ka bang ibang nakikita diyan?] Napahawak ako sa earpiece na suot ko nang marinig ko ang boses ni Psalm. "Nope. Not even a single thing that caught my interest," wika ko habang patuloy parin na nakatingin sa binoculars na hawak ko. Nakatingin ako sa isang malaking warehouse cement ngayon. Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ko ngayon, isa na don ang dahilan kung ano ang nasa lugar na 'to. Hindi kaya ito ang sikretong tagpuan nina Benedict at Jester? Ano ba talaga ang meron sa lugar na 'to? This is just a mere warehouse of cement and nothing else. Bigla akong napayuko atsaka mabilis na nagtago sa isang water drum dito sa rooftop nang may makita akong tatlong sasakyan na magkasunod na dumating. "May biglang dumating." [Ha? Sino?] "Hindi ko pa alam." Masusi kong tinignan ang mga sunod na pangyayari bago kinuha ang isang maliit na camera na inimbento ni Valine atsaka kinuhaan ng litrato ang mga taong lumabas sa sasakyan. Natigilan ako sa aking pwesto nang makita ko ang dalawang pamilyar na lalakeng lumabas sa pangalawang sasakyan. "Anong ginagawa nila rito?" Bulong ko sa aking sarili habang nakakunot ang aking noo. [Sino-sino sila, Soriya? Sino ang mga dumating?] "I'll call you back, Psalm." [H-Ha?! Teka Soriy--] Tinanggal ko ang earpice atsaka ito binulsa bago kinuha ang isang sniper sa gilid. I looked over the scope and followed the man whose wearing his signature black coat and leather gloves. What took you here tonight, Mr. Yamazaki? Any interesting business, hmm? May tatlong tauhang pumasok sa loob ng warehouse atsaka nila ito sinundan. Hindi nagtagal ay nagkailaw ang isang parte ng warehouse. Makalipas ang ilang sandali, may panibagong tatlong sasakyan na naman ang biglang dumating. Naningkit ang aking mga mata nang sunod-sunod na lumabas ang ilang mga lalakeng hindi ko namumukhaan. Mukhang masasaksihan ko pa ang isa sa mga transaksyon mo, Spade Rogue. Isinakbit ko ang sniper sa aking balikat atsaka bumaba sa building na 'to upang mapuntahan ko ang mismong warehouse. Pumasok ako sa loob nang hindi nila napapansin. I am doing my very best to keep my steps steady and firm yet quiet. Nagtago ako sa isang madilim na parte para hindi nila ako mapansin, at mula rito sa taas, kitang-kita ko ang mga pangyayari sa baba ng warehouse. Good thing this black suit gives me comfort to move well and hide myself in the dark. "Mr. Yamazaki, mabuti naman at tuluyan ka nang lumabas sa lungga mo." Rinig kong wika ng isang lalakeng medyo may edad na. "You've been less active after your father's death." Dagdag pa nito bago nilingon ang lalakeng palaging kasama ni Spade na si Tackihiro. "At itong tuta mo ang palagi ko lang nakakaharap." Nakangisi nitong saad kay Tac ngunit isang walang kaemo-emosyong mukha lang ang itinugon nito. "You're wasting my time. Why won't you hand me Roger immediately and resolve this issue right away." Rinig kong wika ni Spade. Natigilan ako nang mabanggit ni Spade ang pangalan ni Roger. Tumawa ang lalake bago ikinumpas ang kanyang kamay sa ere dahilan upang kumilos kaagad ang ilan niyang mga tauhan. Nanlaki ang aking mga mata matapos kong makita ang lalakeng napaluhod matapos itong itinulak ng isang lalake. He's beat up. May sugat ito sa braso at ilang pasa sa mukha habang nakagapos ang dalawang kamay sa kanyang likuran. Nang mapatingala ito sa gawi ni Spade, don ko lang nakita ng mas klaro ang mukha niya. "Rogue..." Wika nito na halatang nanghihina na. "Wala sa usapan na daldalhin mo siya sa amin ng ganito, Mr. Fushiguro." Nagsalita na ngayon si Tackihiro. "I know, but then I can't help but to beat this traitor who sold us to the ene--" "You don't have the evidence to prove that lie." Spade cut him off which made his eyes twitch. Naningkit ang mga mata nitong humakbang papalapit kay Spade bago tuluyang huminto ng ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't-isa. "Are you protecting this traitor, Mr. Yamazaki?" Tanong nito bago bahagyang tinabingi ang kanyang ulo. "Oh baka naman isa ka rin sa mga traydor?" Napahawak ako ng mahigpit sa aking armas nang biglang sumugod si Tackihiro papalapit sa lalakeng tinawag niya na Mr. Fushiguro. Sa sobrang bilis non, ni halos hindi ko kaagad masundan ang kanyang kilos. "Tackihiro." Pagpipigil ni Spade sa kasama niya. Ngayon lang nakareact ang lalake kaya mabilis itong lumayo kay Spade at halatang hindi makapaniwala sa binabalak na gawin ni Tackihiro. "Y-You dog! Are you trying to hit me with your weapon?!" "Mr. Fushiguro, my subordinate won't do something like that if only you didn't disrespect me and my name." "At kinukunsinti mo pa talaga 'yang aso mo, Mr. Yamaza--" "Stop calling my subordinate that name, Mr. Fushiguro." "I can do whatever I want, Mr. Yamazaki. If I wished to beat that traitor, I will do it... If I want to kill your dog, I will do---" Biglang bumunot ng baril si Spade atsaka ito itinutukoy sa lalakeng nagsasalita dahilan upang matigilan ito. Sunod-sunod namang humugot ng armas ang mga tauhan ng lalake at ganon na rin ang mga tauhan ni Spade. The atmosphere is getting heavier, and the tension suddenly rose up. Napatahimik pa ang buong lugar hanggang sa tuluyang may nagpaputok sa isa sa mga tauhan ni Mr. Fushiguro. Natamaan ang isang tauhan ni Spade kaya mabilis na umusbong kaagad ang gulo. "Sh*t." Singhal ko sa aking sarili nang sunod-sunod na pagputok ng baril. "Tackihiro! Bring Roger away from here." Rinig kong utos ni Spade kay Tac na kaagad nitong sinunod. I saw how Spade took his two handguns in his vest and shot someone who's trying to protect the rude old man. Dahil sa gulo, nakita ko kung paano tumakbo paalis nag matandang lalake at halatang gusto ng tumakas. Spade's face darkened when he saw some of his men getting shot. Nang sundan ko ng tingin si Mr. Fushiguro nakita kong ikinumpas na naman niya angkanyang kamay sa ere bago tuluyang lumabas sa warehouse sa tulong ng mga tauhan niya. As I was about to take my leave, I detect something lighting up like a laser outside the warehouse. Napatingin ako sa gawi ni Spade na papunta sa mismong direksyon kung saan ko huling nakitang lumabas ang matanda. "Sh*t." I cursed under my breathe before switching to another place where I can see the sniper. I was about to prepare my gun when I saw how Spade approached the position where a deadly weapon is waiting for him. "Lintik!" Mabilis akong tumalon mula sa pangalawang palapag atsaka iniwan ang sniper ko sa taas upang mabilis na takbuhin ang direksyon ni Spade. Nakita ko kaagad ang lalakeng nasa loob ng isang sasakyan at ginamit ang sunroof nito para mailabas ang kanyang katawan habang may hawak na sniper. I run as fast as I can before throwing myself towards Spade who is obviously have no f*cking idea that death is patiently waiting for him. Sa sobrang lakas ng impact ay tumilapon kami sa gilid na ikinagulat nito. Mabilis kong hinugot mula sa kanya ang isang baril atsaka pinutukan ang sniper dahilan upang mapatumba ito. But then the sniper took someone instead of Spade which made him looked at the dead man's body lying against the ground. Kung wala pa ako, baka siya na ang nakabulagta ngayon. Nang tignan niya ako, nakita ko kung paano ito natigilan sa kanyang pwesto lalo na't nakadagan ako sa kanya. I saw how Spade Rogue Yamazaki blinked his eyes and stared deeply against my face. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago ko maalala na wala nga pala akong suot na maskara. Mabilis kong naikapa ang aking pisngi at gulat itong tinignan. I stood immediately like a flash and left his ammo with him. Tumalikod ako atsaka kinuha ang pagkakataon na may nagbabaliran pa sa gilid upang makatakas. "Wait!" Rinig kong sigaw ni Spade habang tumatakbo na ako paalis ng warehouse. I can hear his footsteps running towards me kaya mas binilisan ko ang aking pagtakbo hanggang sa tuluyan na itong sumuko. I never looked back again and left the place with my heart beating so damn fast as if I did something horrible which is true. Bobo! Tanga! Inutil! Istupida! Nakita na ni Spade ang totoo mong mukha Soriya, ano na ang gagawin mo ngayon?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD