Chapter 3 TCH

2698 Words
ALEXA POV Nagtawanan ang lahat ng mga nasa sala sa himutok na Alli. Kunwari kasi itong naiinis na ako ang niyakap ni Tita Mila at hindi ito. Mukhang nakalimutan na raw ng Mommy nito kung sino ang anak at ang ampon. Habang nakikipagbiruan sa mga ito ay panay ang tingin nila sa akin. Tingin na alam kong may ibig sabihin. Lalo na si Allesa at Allison, kanina pa ngumingiti, sa tuwing mapapatingin sa akin. Maging si Tita Mila at Tita Annika ay gano'n din. Hindi na ako mapakali sa palitan nila ng tingin kaya't nang umalis si Allison sa sala ay sumunod ako rito. "What?" tanong nito nang makitang nakasunod ako. "What what ka riyan. Akala mo ba hindi ko napapansin na kanina pa kayo nagpapalitan ng mga tingin?" Nag-iwas naman ito ng tingin. "Paranoid ka lang Alex." "Hindi ako paranoid, alam kong may hindi kayo sinasabi sa akin. Kapag hindi mo sinabi kakalbuhi--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang lumapit si Tita Mila. Gumitna ito sa amin ni Allison at sabay kaming inakbayan. "Magbi-bake ako ng cookies Alex, gusto mo akong tulungan?" matamis ang ngiting tanong nito habang naglalakad. At pakiramdam ko may kakaiba talaga sa mga ngiti nito. Nakita ko pang kumindat si Allison sa Mommy nito. Kahit naiilang na ako sa mga ngiti nila ay pumayag na lamang ako. Nang makarating kami sa kusina ay nagulat pa ako na naroon na silang lahat. Kinakabahan ako nang makitang naroon din pala ang mga anak ni Tita Annika. Si Kuya Drake at si Dave. Maging ang mga kapatid ni Allesa na sina Abegaila at ang bunsong si Arraine. Akala ko family dinner? Ba't parang reunion ito? anang isip ko. Tumuloy kaming pumasok sa kitchen. Isa-isa nila kaming binati at gano'n rin ako sa kanila. "Hi Ate Alex!" masiglang bati ni Abegaila, lumapit pa ito sa akin ang beneso ako. Sumunod naman si Rraine gano'n din ang ginawa nito sa akin. Lalapit na sana ako sa puwesto ni Allesa nang biglang natigilan ang lahat. Tila ba may anghel na pumasok. Sinundan ko ang mga mata nilang nakatutok sa pintuan. At tila slow motion ang nangyari ng mga oras na iyon. Sobrang lakas nang kalabog ng dibdib ko dahil nasa harapan ko lang naman ang lalaking crush na crush ko kahit noong college pa ako. Walang iba kun'di si David Anthony ang pangalawa sa anak ni Tita Annika at Tito Derek. Sa anim na taong pagkakaibigan namin nila Allesa, ay ngayon lang kami nagkita ni David. Although kilala ko na siya sa pangalan at sa mukha dahil puro larawan ng Montana ang nasa dinning area. At doon ko unang nakita ang lalaking kahit hindi ko pa nakikita ay nagawa nang pabilisin ang t***k ng puso ko. Ngayon ko lang ito nakita sa personal at talagang mapapanganga ka sa sobrang guwapo nito. Mestiso ito at matangkad. Mahihiya ang kulay ko sa kulay ng balat nito. Shit, ito ba ang dahilan kung bakit kakaiba ang mga tingin nila sa akin kanina pa? At may alam sila sa nararamdaman ko para dito? Oh lord, nakakahiya! Bulalas ko sa isip ko. Tila naman ako natauhan nang may humila sa buhok ko. Napalingon ako sa gumawa niyon sa akin at nalingunan ko ang nakangising mukha ni Allison. "Baka gusto mong huminga, Alex," tudyo nito sa akin. "Hah? Bakit hindi ba ako humihinga?" parang tangang sabi ko. Nanginginig ang tuhod ko jusko.Wala akong kaalam-alam na magkikita na kami ni David sa personal. At ngayong araw pa talaga na pakiramdam ko ang haggard ng mukha ko dahil straight ang duty ko kanina. " Ang laway mo, tutulo na," pabirong sabi nito at saka pinunasan ang mga labi ko. Naiiling na kinurot ko naman ang tagiliran nito at inirapan. "Gaga ka! Sabi ko na nga ba may laman iyong mga tinginan n'yo kanina pa eh!" pabulong na sikmat ko pa rito. Ngumisi lang naman ito sa akin. "Surprised?" Sa halip na sumagot ay inirapan ko lamang ito at lumapit na ako kay Tita Mila. "Tita, magbi-bake po tayo ng cookies, hindi ba?" "Yeah, but before that ipapakilala muna kita sa pamangkin ko," may halong panunudyo na sabi nito. At hinila pa nito si David palapit sa amin. Wala namang imik ang binata na nagpahila sa Tita nito. Napatingin ako rito at nakita ko ang amusement sa mga mata nito. "David, si Alexa ang best friend ng mga pinsan mo. Alex, si David ang pamangkin ko," anito at malawak ang ngiti. Maging ang mga kasama namin sa kusina ay animo mga kinikilig. Wala akong nagawa kun'di ang tanggapin ang kamay nitong nakalahad sa harapan ko. "Nice to meet you, Alexa," baritonong saad nito at bahagya pang pinisil ang kamay ko. "Nice to meet you too po," nahihiya kong sagot. Nang magtilian ang mga kasama namin ay tila napapasong binawi ko ang aking kamay ngunit naramdaman kong muli nitong pinisil iyon bago pakawalan ng tuluyan. Shit, may alam ba sila? Piping saad ko. Paano ba naman matagal ko ng crush ang lalaking ito. Kahit ito ang unang pagkakataon na nagkita kami. Hanggang sa mag-bake na nga kami ni Tita Mila ng cookies ay tila ako lutang. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkikita na kami ng lalaking matagal ko nang inaasam na makita. Pero aaminin kong ang saya-saya ng aking pakiramdam. _______________ Gabi na nang matapos ang family dinner ng mga Montana na mukha namang reunion. Paano ba naman ay kumpleto ang buong angkan ng mga ito. Wala kaming ginawa kun'di ang magkuwentuhan ng walang katapusan. Hanggang sa lumalim na ang gabi at isa-isa na silang nagpaalam na matutulog na raw. Lima na lamang kaming natitira. Si Allison na mukhang kaaway ang best friend ni Kuya Drake na si Kuya Mike. Si David at ako at si Allesa. Nang tumayo na si Allesa ay tumayo na rin ako pero tinaasan lang ako nito ng kilay. "Saan ang punta mo?" tanong pa nito. Nangunot naman ang noo ko sa tanong nito. "Sasama sa'yo. Matutulog ka na, hindi ba? Tutulog na rin ako." Inirapan naman ako nito at inginuso ang pinsan nito na tahimik lang sa isang tabi. "Gaga, kaya nga ako aalis para makausap mo siya, tapos sasama ka sa akin?" pabulong sa sikmat nito. Lalo namang nangunot ang noo ko. "Sino bang may sabi sa'yo na gusto ko siyang kausapin?" ganting bulong ko. Ngumisi lang naman ito sa akin at sa halip na sagutin ang tanong ko ay ang pinsan nito ang hinarap nito. "Kuya David, matutulog na ako ha. Ikaw na muna ang bahala sa kaibigan ko, ha," bilin pa nito.Tumango naman ang pinsan nito habang nangingiti. Pero nang humakbang si Allesa ay sumunod pa rin ako, bahagya pa akong nagulat ng hawakan nito ang kamay ko. Mangha akong napalingon dito para lang salubungin ang maitim nitong tingin. "Stay," utos nito at hindi pinakawalan ang kamay ko. Nag-init naman ang mukha ko nang tumawa si Allesa na animo sinusundot ang puwet. "I'll go ahead, enjoy guys," masayang sabi pa nito bago umalis. Naiwan kaming parehong natigilan ni David. "Stay here, don't worry hindi ako nagangain ng tao. Harmless ako." "Wala naman akong sinabi ah." "Stay, then." Bumalik naman ako sa puwesto ko at saka umupo. Medyo naalarma ako nang umusod ito palapit sa akin. Bahagya pa akong napapitlag nang dumikit ang braso nito sa aking braso. Tila may gumapang na kuryente akong naramdaman. Nagkatinginan pa kami at saka nahihiyang ngumiti sa isa't-isa. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging ang boses lang ni Kuya Mike at Allison ang naririnig namin. Nag-aangilan kasi ang dalawa. Aliw na aliw ako sa panunuod ng asaran nila nang biglang magsalita si David. "Best friend ka pala ni Allison at Allesa. How come na ngayon lang kita nakilala," tanong nito na tila kausap ang sarili nito. Parang may disappointment sa boses nito. Nagkibit-balikat lang naman ako sa sinabi nito. Ano bang puwedeng isagot sa tanong nito. "Madalas ka ba rito sa farm?" tanong nito. "Hindi naman, kapag may pagkakataon lang na hindi ako busy. May trabaho rin kasi ako, nag-leave lang ako kaya nakasama ako kay Allison. Saka nahihiya akong tanggihan si Tita Mila," pagkukuwento ko. Tumango-tango naman ito. "Anong trabaho mo?" "Nurse," simpleng sagot ko. "Magaling ka pa lang mag-alaga," pabulong na anas nito. Pero narinig ko naman dahil magkalapit lang kami. "Hah?" kunwari hindi ko narinig. Gusto ko lang na ulitin niya, bakit ba? Baka gusto mong magpa-alaga?" malandi namang singit ng isip ko. "Hmm, ilang taon ka na pala? Kaedad ka lang nila Allison?" pagkuway tanong nito. Hindi na niya inulit iyong sinabi niya. Sayang. "Yeah, 22 na ako," sagot ko. "I see," maikling sabi nito. At para naman humaba ang usapan namin ay naisip kong magtanong din dito. "Ikaw, ilang taon ka na? Saka bakit parang hindi ka madalas umuwi rito sa farm?" "Going 26 na ako. Oh well, about that, lagi kasi akong nasa himpapawid." "Himpapawid? Ano ka ibon?" pagbibiro ko pa. Alam ko kasing piloto ito. Tinanong ko lang talaga para humaba ang usapan namin. Landi eh, ano? Tumawa naman ito dahilan para mapatingin si Allison at Mike sa amin na hanggang ngayon ay nagtatalo pa yata. "Ibon? Nakita mo ba akong may tuka?" natatawa pang sagot nito. "Walang tuka, buntot mayro'n." Muli naman itong tumawa. "You're funny." "Halata nga. Tumatawa ka pa eh," sabi ko naman. "You're cut--" Magsasalita na sana ito nang lumapit sa amin si Allison. Ngiting-ngiti ang bruha. "Mukhang nagkakamabutihan na kayo d'yan ah," sabi nito at dinunggol pa ang balikat ng pinsan nito. "Hinay-hinay lang Kuya David, no boyfriend since birth iyan!" dugtong pa nito dahilan para mag-init ang mukha ko. Buwisit naman kasi ang babaeng ito. Ibuko raw ba ako. "Really? How come? Sa ganda mong iyan?" walang preno nitong sabi. Napaaray naman ito nang batukan ni Allison. "Kakasabi ko lang Kuya, hinay-hinay lang. Mga banat mo eh, ano? Nagmamadali lang ganern?" Napakamot naman sa ulo ang pinsan nito. "Matulog ka na, huwag kang makialam sa diskarte ng pinsan mo, honey," singit naman ni Kuya Mike na nasa likuran na pala nito. Masama ang tingin ni Alli rito. "Huwag mo akong ma-honey honey d'yan! Basagin ko iyang mukha mo eh." "Huwag naman, dito ka na in love tapos babasagin mo lang?" ngising sagot ni Kuya Mike. Naningkit naman ang mga mata ni Alli dito. "Kapal mo! Sinong may sabi sa'yong in love ako sa'yo? Masaya ka!" asik pa ni Alli at saka bumaling na ito sa pinsan. "Ihatid mo sa kuwarto ko si Alex mamaya ha. Huwag mong iiwan iyang mag-isa rito. Maraming pakalat-kalat na impakto!" bilin nito sa pinsan at sabay bira ng alis. Sinundan naman ito ni Kuya Mike. Nang mawala na ang dalawa ay nagkatinginan kami ni David. Sabay pa kaming napangiti. " Parang aso't pusa, ano?" ani David. "Cute nga nila eh." Napalingon ako rito nang hindi na ito magsalita. Na mukhang mali yata dahil nahuli ko itong nakatitig sa akin. Shit naman oh. Huwag kang ganiyan, David. "Bakit?" Medyo nanginginig ang boses na tanong ko. Naiilang kasi ako sa paninitig nito sa akin. Parang gusto nang tumalon ng puso ko sa kilig at kaba eh. "Bakit ganiyan ka makatingin?" muling tanong ko. Seryoso pa rin ang mukha nito. "Sabi ni Allison wala ka pang nagiging boyfriend, totoo ba iyon?" Tila naman ako nabingi sa tanong nito. Bumilis ang t***k ng puso ko. Dahil hindi ako makahapuhap ng sasabihin kaya tumango na lamang ako. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko. Ikaw ba naman ang tanungin ng crush mo kung may boyfriend ka na hindi ka ba kikiligin? Sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito. "So, kung gusto kitang mas makilala pa walang mananapak sa akin?" tila paniniguro nito. "Hmm..wala naman." Napatanga ako rito nang impit itong sumigaw ng yes. Gusto kong matawa dahil pumadyak pa ang dalawang paa nito habang malawak ang pagkakangiti. Tila nahiya naman ito nang makitang nakatingin ako rito, bigla rin itong umayos ng upo at saka tumikhim. "Sorry, medyo na-excite lang ako." Kahit nahihiya ay ngumiti ako rito. May inabot itong baso pero hindi ko tinanggap iyon. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako rito. At ito na naman ang mga titig niyang nakakapanlambot ng tumbong este tuhod pala. "Hindi ako--" "Don't worry, wine lang iyan. Hindi ka malalasing diyan." Napilitan naman akong tanggapin iyon. Medyo nasamid ako nang diretso kong inumin iyon. Takti ang pait. "Here." May inaabot na naman ito. "Ayoko na!" Natawa naman ito. "Tubig iyan. Para mawala ang pait sa lalamunan mo," malambing na anas nito. Medyo kinalabutan ako sa lambing ng boses nito. "Salamat." "Inubos mo kasi eh," sabi nito habang napapangiti. "Hindi ko ba dapat inubos?" "No, I mean dapat dahan-dahan lang. Huwag ka kasing magmadali, wala akong gagawing masama sa'yo. Tulad ng sabi ko harmless ako, Alexa." "Wala naman akong sinasabi ah," depensa ko naman. Pero totoong nagmamadali ako dahil gusto ko nang makalayo rito, habang tumatagal kasi na kasama ko ito ay pakiramdam ko hindi ko na lang siya basta crush. Mukhang in love na ako sa mamang ito. Juskolord. Nagdedelikado ang puso ko. Matapos naming mag-usap ay nagpasya na akong matulog. At tulad nang usapan nila ni Allison ay hinatid nga ako nito sa kuwarto ng pinsan nito kung saan ako matutulog. Matapos makapagpasalamat ay tinalikuran ko na ito. Hindi ko kasi kinakaya ang mga paninitig nito. "Alexa?" Papasok na sana ako sa kuwarto nang tawagin ako nito. Lumingon naman ako rito. Nakita kong seryoso ang mga mata nito habang nakasandal sa pader at nakapamulsa pa. "M-May kailangan ka?" "Nothing, I just want to say good night," baritonong sabi nito. Nang ngumiti ito at tila nahulog ang puso ko, jusko bakit gano'n. Lalong nagwala ang puso ko nang humakbang ito palapit sa akin. "Good night, Alexa," mahinang anas nito. Tumama pa sa mukha ko ang mainit nitong hininga. Hiningang amoy mint at wine. Dumukhang pa ito sa akin habang pilyo ang pagkakangiti. "I said good night," anito. Mukhang hinihintay nito ang sagot ko. Bahagya akong napaatras nang muli itong lumapit sa akin. Naituon ko ang dalawang palad ko sa dibdib nito. "D-David..." "Good night, Alexa." "G-Good night, David--, hmmp." Nanlaki ang mga mata ko nang sakupin nito ang mga labi ko. Mabilis na halik lamang iyon pero tila tinulos ako sa aking kinatatayuan. Ilang sandali akong nakatulala habang nakatingin sa namumungay nitong mga mata. Titig na titig na naman ito sa akin. Lalong nagwala ang sistema ko nang hawakan nito ang kamay ko at dalhin iyon sa bibig nito. Masuyo nitong hinalikan iyon. "D-David..." "Puwede ba kitang ligawan?" pagkuwa'y tanong nito. s**t. Liligawan niya ako?. Ako talaga? Why me? Hindi pa ako nakakapag-isip nang maayos nang lumapit na naman ito. Ilang dangkal na lamang ang layo nito sa katawan ko. Parang hindi naman ako makahinga sa sobrang lapit nito. "D-David kasi--" "Gusto kitang ligawan, Alexa, puwede ba?" muling tanong nito. "Hindi ako nagmamadali sa sagot mo, willing to wait ako, Alexa." "Pero--" "No buts, liligawan kita, pumayag ka man o hindi," buo ang pasya na sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi nito, nagtanong pa siya, hindi ba? Siya rin naman pala ang masusunod. "Bahala ka," tanging naisagot ko. Na mukhang sapat na rito dahil sumilay ang magandang ngiti sa mga labi nito. Inilapit nito ang mukha sa mukha ko. "Good night, my Alexa. Sweet dreams," sabi nito at muling sinakop ang mga labi ko, mabilis lang iyon, at saka ako nito iniwang nakatulala pa rin. Tila may mga paru-parong nagliparan sa tiyan ko dahil sa sobrang kilig. Jusko naman ang puso ko. Bakit naman ang bilis ng lalaking ito? Manliligaw pa lang may paghalik na agad na nalalaman. Parang tangang nakahawak ako sa mga labi ko habang pumapasok sa kuwarto. Jusko natulaley ang Lola niya. Pakiramdam ko nakadikit pa rin sa labi ko ang mga labi nito. Nang makahiga na ako ay impit akong tumili habang nakatakip sa mukha ko ang unan. Baka kasi makita ako ng kaibigan ko. Siguradong makakatikim ako ng sermon dito. Natulog akong maligayang-maligaya ng gabing iyon. Nag-uumapaw ang saya sa puso ko. Ang makita ang lalaking gusto mo ay napakalaking achievement na. Ito pa kayang nakausap ko siya at gusto pa raw akong ligawan. Haist. Mukhang tinamaan ni kupido ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD