Chapter 4 TCH

4103 Words
ALEXA POV Kinabukasan ay parang nagising ako sa isang napakagandang panaginip. Paano ba namang hindi ko masasabing panaginip lang ang lahat ng nangyari eh paggising ko wala na pala si David. Nakalipad na este nakaalis na pala. Oh 'di ba ang galing lang, may pasabi-sabi pang liligawan daw ako tapos umalis naman agad. Jusko hindi man lang ako hinintay na gumising bago lumipad. Pero siyempre kahit medyo bad mood ako hindi ko pinahalata sa mga kasama ko. Mahirap na baka mabuko na naman ako. Pinaka-iingatan ko pa naman ang sekreto kong pagsinta sa binata nila tapos malalaman ko na alam naman pala. Nakakahiya. Siyempre, life must go on 'ika nga. Hanggang sa natapos ang tatlong araw na leave ko. Kahit gusto ko pang mag-stay sa farm dahil masarap tumira sa ganito katahimik na lugar, ay walang choice kun'di umalis na. May trabaho akong naghihintay sa akin. Sabay pa rin kami ni Allison na bumalik ng Manila. Hinatid lang ako nito sa apartment ko at umalis na rin ito. Dahil marami na raw pasyente na naghihintay dito. Si Allesa naman ay nauna ng umalis kahapon dahil tinawagan ito ng agency nito. Modelo kasi ang isang iyon kaya madalas nagmamadali. At tulad ng dati balik na naman ako sa dating gawi. Bahay, trabaho, trabaho, bahay. Minsan na lang kaming magkita-kita ng mga kaibigan ko dahil busy sa kaniya-kaniyang trabaho. At isa pa mukhang busy din si Allison sa manliligaw nitong si Kuya Mike. Si Allesa naman ay ginawa ng jowa ang pagmomodelo. At ako siyempre, bokya pa rin ang buhay pag-ibig. ___ Nag-aayos na ako ng mga gamit ko nang bumukas ang pinto ng quarter naming mga Nurse. Pauwi na kasi ako, tapos na ang 12 hours kong duty. Panggabi kasi ako kaya ngayong umaga lang ako makakauwi. "Farah, may nakalimutan ka?" tanong ko sa kasamahan kong Nurse. Kaibigan ko na rin itong maituturing. Kasabay ko itong dumuty kagabi. Ngiting umiling naman ito. "Ba't bumalik ka?" takang tanong ko. "May naghahanap kasi sa'yo sa labas. Akala ko matatagalan ka pa kaya susunduin na sana kita," anito. Kumunot naman ang noo ko. "Naghahanap sa akin?" "Oo, kaya bilisan mo na at labasin mo na Alex, baka ma-rape na sa labas ang sundo mo," tudyo pa nitong sabi. Parang kinikilig pa ito. "Ma-rape talaga?" "Hmmm, kanina pa nga siya pinagpipiyestahan sa labas ng mga haliparot eh." Lalo namang nangunot ang noo ko. At para malaman kung sino ang tinutukoy nito at nagdesisyon na akong lumabas. Sumunod naman si Farah sa akin. Nasa may lobby na kami nang mapansin ko na ang daming mga babaeng Nurse at kapamilya ng pasyente ang tila kilig na kilig habang nanghahaba ang mga leeg. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sino bang pinagkakaguluhan nila? "Alex, iyon ang sundo mo oh," ani Farah at itinuro ang lalaking nakasandal sa kotse nito. Nakakrus pa ang mga braso nito sa tapat ng dibdib nito. At animo walang pakialam sa paligid nito. Tila naman ako naestatwa nang umangat ang ulo nito dahilan para makita ko ang mukha nito. David? Piping usal ko. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Mukhang nakita na ako nito, may kinuha ito sa kotse at saka mabilis itong lumapit sa akin. May dala itong bulaklak? Kung kanina ay sobrang bilis nang kabog ng dibdib ko, ngayon ay triple na iyon sa bilis. Napako ang mga mata ko rito habang naglalakad palapit sa akin. "Ikaw ha, hindi ko alam na may itinatago ka pa lang lalaki. At ubod ng guwapo, jusko ang kutis mala-porselana," tila kinikilig na saad ni Farah sa tabi ko. Hindi naman ako makakibo sa sinabi nito, tanging kay David lang nakatuon ang pansin ko. Hindi ko maipaliwanag iyong kabog ng dibdib ko. "Hi!" baritonong saad nito nang makalapit sa akin. "David, anong ginagawa mo rito?" Ngumiti lamang ito at saka inabot sa akin ang tangan nitong bulaklak. Nag-iinit ang mukhang tinanggap ko naman iyon. Rinig na rinig ko pa ang impit na tilian ng mga kasamahan ko sa hospital. Maging ang mga kapamilya ng pasyente ay hindi rin napigilang hindi kiligin. Takaw atensyon naman kasi talaga ang kapogian nitong mamang nasa harap ko. "Salamat dito," pasalamat ko sa mga bulaklak. "You're welcome," ngiting tugon naman nito. "Ano pala ang ginagawa mo rito? May binibisita ka bang pasyente?" pabebe kong tanong. Kahit alam ko naman wala itong kaanak na pasyente. Echos ko lang iyon para mawala ang kaba ko hehe. Sa halip na sumagot ay kumamot naman ito sa ulo nito, na animo nahihiya. "May bibisitahin k--" "No! I mean wala akong bibisitahing pasyente, ikaw ang sadya ko," diretsang sabi nito. Nang ngumiti ito ay tila lalong nahulog ang puso ko. "Susunduin sana kita, kung okay lang sa'yo?" "Ha, eh ano kas--" "Tapos na ba ang duty mo?" putol nito sa sasabihin ko. "Oo tapos na ang duty ko. Pauwi na ako nang sabihin ni Farah na may naghahanap sa akin, hindi ko naman naisip na ikaw pala iyon." "Yes, susunduin kasi kita," sabi nito at saka ngumiti. "O-Okay, k-kanina ka pa?" kinakabahang tanong ko. Nakakapanginig naman kasi ng tumbong ang mga titig nito. "Yes, at kanina pa ako kinakabahan sa mga tao rito." "At bakit naman? Nakatingin lang naman sila sa'yo ah," nangingiti kong sabi. Mababakas kasi ang uneasiness sa mukha nito. "Nakatingin sila sa akin na parang gusto nila akong kainin ng buhay." Natawa naman ako sa sinabi nito, napangiwi na kasi ito. "Ang lakas ng hangin ha," tudyo ko. Napangiti naman ito. "Look at them." Sumunod naman ako sa sinabi nito at nakita ko ang mga tao na titig na titig dito kaya siguro kunot na ang noo nito. "Hayaan mo na bihira silang makakita ng kasing cute mo." "I'm more than cute." "Aw, conceited naman," biro ko rito na ikinangiti lang naman nito. "Shall we go?" Hindi naman na ako nito hinintay na makasagot dahil hinawakan na nito ang kamay ko at hinila ako papunta sa kotse nito. Wala akong nagawa kun'di ang magpatianod sa paghila nito. Nang makasakay na ako sa kotse nito ay ibinaba pa nito ang bintana ng kotse nito sa gawi nito. Kumaway pa ito sa mga kasamahan ko at nagpaalam. Para naman itong artista na tinilian ng mga babaeng iyon. Ilang minuto na kami sa daan nang magsalita ito. "Kumusta ka na, Alexa?" Basag nito sa katahimikan. "Mabuti naman, ikaw ba? Mukhang galing ka pa sa paglipad ah," ani ko. Tumawa naman ito. Paano ba naman naka-uniporme pa ito ng pang-piloto. At bagay na bagay dito ang suot nito kaya naman maraming humahanga rito kanina. "Actually yes, pagkagaling ko sa airport dito na ako dumiretso, namiss kasi kita eh." Banat nito na ikinapula ng mukha ko. Kinilig naman ako sa sinabi nito pero hindi ko ipinahalata, siyempre. "Sorry nga pala last time ha, hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. Tumawag kasi iyong isang kasamahan ko na hindi siya makakalipad kasi may sakit ang asawa niya and ayon ako ang pumilit sa kaniya," paliwanag nito sa akin. Sa wakas, nasagot din ang tanong sa utak ko kung bakit bigla ito umalis sa Batangas noon. "Okay lang, hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa akin eh." "Yes, but I want to." Wala naman akong mahapuhap na sasabihin kaya't hindi na lang ako nagsalita. Mabilis akong napalingon dito nang hawakan nito ang kamay ko at bahagyang pisilin. "D-David...." "I missed you, Alexa." Nanuot sa kaibuturan ng puso ko ang sinabi nitong iyon. Dagli akong nagbawi ng tingin nang magtama ang aming mga mata. "I missed you, Alexa." Muli nitong pinisil ang kamay kong hawak pa rin nito. Tila may paru-parong nagliparan sa paligid ko nang basta nitong dinala sa mga labi nito ang kamay ko at halikan iyon. Tila may kuryente akong naramdaman dahil sa halik na iyon. Hihilahin ko na sana ang kamay ko mula sa kamay nito pero mas hinigpitan nito ang hawak. "D-David..." "I missed you." "Kanina mo pa sinasabi," sabi ko. Natawa naman ito at sinulyapan ako. " Hinihintay ko kasing sabihin mo na namiss mo rin ako eh." Pinamulahan naman ako ng mukha sa sinabi nito. Aaminin ko ba? "Do you missed me?" pangungulit nito. "Oh sige na, namiss din kita," kunwari ay napipilitan kong sabi. "Bakit parang napipilitan ka lang?" nakasimangot na sabi nito. Natawa naman ako dahil nanghahaba ang nguso nito. "Arte mo." "Hindi kaya, namiss lang talaga kita." "Oo na lang po, Captain." Ito naman ang natawa. Hindi na ito nagsalita kaya hindi na rin ako nagsalita. Hanggang sa makarating kami sa apartment ko. Itatanong ko pa lang sana kung bababa ito pero mas nauna pa itong bumaba sa akin. Pinagbuksan ako nito ng pinto at inalalayang makababa. Kinikilig naman ako. Gentleman ang loko, jusko. Heart kalma lang ha. Hindi puwedeng ma-in love agad. Hinay-hinay lang heart. Kausap ko sa sarili ko. "Salamat sa paghahatid--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil mataman itong nakatingin sa akin na parang may hinihintay. "Gusto mo bang tumuloy muna?" Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha nito habang malawak ang pagkakangiti. "Can I?" Sa halip na sumagot ay nagpatiuna na akong pumasok sa apartment ko. Naramdaman ko naman sumunod ito sa akin. "Pasok ka," sabi ko matapos lakihan ang bukas ng pinto. Hindi muna ito pumasok titig na titig lang ito sa akin. "David." "Don't worry, harmless ako, Alexa." "May sinabi ba akong hindi ka harmless?" "Wala naman, but I saw that you were not comportable with me," prangkang sabi nito. Sandali akong hindi nakahuma. Kaya ba niyang basahin ang nasa isip ko? "Hindi naman sa ganon--" "It's okay. I understand kasi hindi mo pa ako mas'yadong kilala. But I promise na na safe ka sa akin." "Marunong ako ng self defense kaya hindi ako natatakot sa'yo. Isang maling galaw mo lang, sure akong basag ang lahat ng puwedeng mabasag sa'yo," sabi ko. Narinig ko naman ang halakhak nito. Halakhak na parang nakakapagpabingi sa puso ko. Kalma lang heart. Piping usal ko. Tumingin ito sa akin na puno ng amusement ang mga mata. "Bakit?" kabadong tanong ko. "Anong bakit?" "Bakit ganiyan kang makatingin?" "Wala lang, natutuwa lang ako at same time ay nanghihinayang," medyo humina ang boses nito. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito. "Nanghihinayang saan? " tanong ko habang nililigpit ang ilang nagkalat na libro sa sala ng bahay ko. "Sa ilang taon na lumipas, nasa paligid lang kita pero hindi ako nagkaroon ng chance na makilala ka agad," anito. Eh 'di sana girlfriend na kita ngayon," dugtong pa nito. Pabulong lang iyon pero sapat na para marinig ko. Siyempre kinilig na naman ako. Landi eh, ano? "Ha?" maang-maangan ko. Sumilay naman ang isang simpatikong ngiti sa mga labi nito. "Sabi ko sayang iyong panahon na hindi kita nakilala." "Ah okay. Busy ka kasi sa paglipad kaya hindi tayo nagkita dati pa." "Yeah, pangarap ko kasing makalipad ng mataas kaya hindi ko napansin na nasa baba lang pala iyong dapat kong pangarapin," sabi nito sabay kindat sa akin. Ako namang si gaga pulang-pula na sa mga banat nito. Ang bilis 'di ba? "Mukhang naiuwi mo ang hangin," pagbibiro ko rito. Natawa naman ito sa sinabi ko. "Kaibigan ka nga ni Allison at Alle, walang duda." Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nito. "Magkakasing-ugali kasi kayo, magaling mangbasag ng diskarte," sabi pa nito. Ako naman ang natawa sa sinabi nito. Natigil lamang ako sa pagtawa nang mapansin kong titig na titig na naman ito sa akin habang namumungay ang mga mata. Mukhang magaling mang-akit ang mga mata nito. Tingin pa lang parang hinuhubuan ka na. Chosss lang. "Bakit na naman?" Naiilang ako. "Huwag kang mas'yadong tumawa," seryoso na sabi nito. "Bawal ba?" kunot-noong tanong ko. "Hindi naman pero lalo akong na-i-in love sa'yo eh." Batid kong namula ang mukha ko sa sinabi nitong iyon. Sa sobrang kilig ay inirapan ko na lamang ito. Hinay-hinay heart. Mas'yadong matamis at mabulaklak ang dila ng irog mo. Paalala ko sa puso ko. "I'm serious--" "Maupo ka muna may kukunin lang ako," putol ko sa sasabihin nito. Iniwanan ko ito sa sala at pumunta ako sa kusina. Ikukuha ko ito ng maiinom at mukhang may jetlag pa ito eh. Masiyadong mabilis. Matapos kumuha ay bumalik ako sa sala, naabutan ko itong nakatayo habang nakatingin sa mga pictures kong nakasabit sa pader. Naantig ang puso ko nang makita kong haplusin nito ang larawan ko noong gumraduate ako ng college. Solo picture ko iyon. Sinunod nitong tingnan ang picture namin ng mga pinsan nito. Wacky kasi iyon kaya narinig kong tumawa ito. Nakatirik kasi ang mga mata ko doon habang nakalabas ang dila. Hanggang sa dumako ang mga mata nito sa picture ko kasama ang mga pinsan nito. Kuha iyon noong birthday ng lolo nito. Habang isa-isa nitong tinitingnan ang pictures ay titig na titig ako rito. Tila may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko nang kunin nito ang solo picture ko at masuyo nitong hinaplos iyon. "Sana matagal na kitang nakilala, Alexa. Sana noon ko pa nakita ang mga ngiti mo." Rinig kong sabi nito habang hawak pa rin ang picture ko. Hindi ko na kinakaya iyong kilig kaya't tumikhim ako para kunin ang atensyon nito. Gusto kong matawa nang makita kong namula ang mukha nito at pasimpleng itinago ang picture ko. "Huwag mo ng itago, nakita ko na." "Sorry, ang ganda mo kasi eh," ngiwing sabi nito at ibinalik sa lalagyan ang picture ko. Matapos nitong ibalik iyon ay tumingin ito sa akin na parang nahihiya. "Tubig oh." Tinanggap naman naman iyon. "Thank you, Alexa." "Bayad ko iyan sa pagsundo mo," pagbibiro ko naman. "Ohh, hindi kita sinisingil ha." "Alam ko, pero gusto kong magbayad." Kinuha ko ang basong ininuman nito at saka umupo. Umupo rin ito ilang pulgada ang layo mula sa akin. "Pero next time kapag sinundo kita, hindi ko na tatanggaping kabayaran ang tubig ha," anito. Napakunot naman ang noo ko. So may next time pa pala. Oh jusko Lord. Hallelujah. "Anong bayad ang gusto mo?" "Iyong mas masarap pa kaysa sa tubig mo." "Juice? Sige, maghahanda na ako ng juice sa susunod," sagot ko naman. Titig na titig na naman ito. "Ayaw ko ng juice, Alexa." "Tea?" Nang umiling ito ay napaisip ako kung ano ba ang gusto nito. "Ano pala ang gusto mo?" "Iyong oo mo, Alexa." Tila naman ako teenager na kinikilig nang kindatan ako nito. Napatakip na lamang ako ng kamay sa bibig ko para pigilan ang pagngiti ko. Mga linyahan naman kasi nito. Jusko. Iiling-iling akong tumingin dito. "Alam mo, mabuti pa umuwi ka na, mukhang kailangan mo ng matulog eh," pagtataboy ko rito. Tumayo na rin ako at saka binuksan ang pintuan. Tumayo rin naman ito at lumapit sa akin, iyon nga lang sa halip na sa pintuan lumapit ay sa akin ito lumapit. Napaatras naman ako, pero bawat atras ko siya naman nitong hakbang palapit. Hanggang sa bumangga na sa pader ang likod ko. Itinukod nito ang dalawang braso sa tagkabilang gilid ko. "D-David...." Nalalanghap ko na ang mainit at mabango nitong hininga. "Natatakot ka ba sa akin?" Umiling naman ako bilang sagot. "Then, bakit mo ako tinataboy?" "Pagod ka--" "Hindi ka ba masaya na kasama ako?" malamyos ang boses na tanong nito. Sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha ko. Halos mahalikan na ako nito sa sobrang lapit. "D-David, alis na..." Kulang sa diin na sabi ko rito. "What if I won't?" "Please..umalis ka na muna," pakiusap ko. Pakiramdam ko kasi lalagnatin na ako sa sobrang pagkakadikit nito sa akin. "Okay, I'll leave, but before that I want to do something." "Anong--" Magtatanong pa lang sana ako nang sakupin nito ang mga labi ko. Nanlaki naman ang mga mata ko habang tikom ang bibig. Nag-init ang buong katawan ko nang maramdaman kong tinutudyo-tudyo ng dila nito ang labi ko. Ilang sandali nitong ginawa iyon bago ako pinakawalan. Nanlalaki pa rin ang matang nakatingin lang ako rito, habang ito naman ay simpatiko ang pagkakangiti. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin dito, pero bago ko pa nagawa iyon ay iniangat na nito ang baba ko. Nagtama ang mga mata namin. At hindi ko alam kung anong klaseng emosyon ang nasa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Habang nakatitig ito sa akin ay kinuha nito ang kamay ko at marahang pinisil-pisil iyon. Kakaibang init na naman ang naramdaman ko dahil sa hawak nito. "D-David.." "Alexa, seryoso ako na gusto kitang ligawan. At hindi ako hihingi ng sorry sa ginawa kong paghalik sa'yo dahil ilang araw na akong binabagabag ng isip ko kung anong pakiramdam ang mahalikan ang mga labing ito," sabi nito at pinaglandas ang daliri nito sa aking mga labi. "Simula ng matikman ko ito noon sa Batangas, hinahanap-hanap ko iyong init na naramdaman ko nang halikan kita." Nakatingin lamang ako rito. Hindi ko naman kasi alam kong paano sasagot sa sinabi nito. "I think I'm falling in love with you, Alexa," pahayag nito. "From now on, masanay ka na sa presensya ko, okay? Kasi liligawan kita at magiging girlfriend kita, soon." Hindi ko alam kong paano magri-react sa sinabi nito. Para akong tangang nakatulala lamang, ni hindi pa rin ako nakakibo nang muli nitong halikan ang mga labi ko bago nagmamadali nang lumabas. Tila naman ako natauhan nang makarinig ako nang sunod-sunod na busina mula sa labas ng bahay ko. Tila wala pa rin sa sarili na sinundan ko ito ng tingin at nakita ko na ngiting-ngiti ito habang lulan ng kotse. "Bye, Love!" Malakas na sabi nito at nag-iwan pa ng flying kiss bago tuluyang umalis. Nang tuluyan na itong mawala sa paningin ko ay kinikilig na napahawak ako sa mga labi kong inangkin ni David. __________ Lumipas ang mga araw at tinutoo nga ni David ang sinabi nitong manliligaw ito sa akin. Marami itong mga pakulo sa panliligaw at aaminin kong hindi ko na lang ito basta crush lang. Mahal ko na ito. Sa loob ng apat na buwan nitong panliligaw ay masasabi ko na parang kilalang-kilala ko na siya. Mabait ito sa tunay na kahulugan niyon. Iyon nga lang hindi ko pa magawang ibigay dito ang matamis kong oo. ___ December 24, bisperas ng pasko. At dahil solo na ako sa buhay ay isinasama ako ni Allison sa Batangas. Doon kasi magpapasko ang pamilya nito. May reunion daw kasi ang mga Montana at dahil best friend nila ako kaya invited ako. Pumayag naman ako sa imbitasyon nila dahil wala rin naman akong duty. Pero sinabi ko kay Alli na baka sumunod na lang ako dahil kakatapos lang ng duty ko ngayong araw. Palabas na ako ng hospital nang may biglang humawak sa kamay ko. Nakatungo kasi akong naglalakad kaya hindi ko agad napansin iyon. "David?" gulat na anas ko. Isang linggo na kasi itong walang paramdam sa akin kaya medyo inis ako rito. Lalagpasan ko na sana ito nang muli nitong hulihin ang kamay ko. Iwinaksi ko naman iyon dahil medyo may mga nakikiusyuso sa amin. "David, let me go." "Love, galit ka ba?" malamyos na tanong nito. Napaismid na lamang ako rito. Mula kasi ng manligaw ito sa akin four months ago ay laging love ang tawag nito sa akin. "Galit ka ba sa akin?" muling tanong nito. "Hindi," malamig na sabi ko. Lalagpasan ko na naman sana ito nang pinagsiklop nito ang mga palad namin. May narinig pa akong hagikhikan na tila kinikilig. "Sorry na kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo. Biglaan kasi iyong alis namin eh," hingi nito ng paumanhin. "Okay lang, I'm used to it." "Love naman, huwag ka ng magalit, please?" Masama ko naman itong tiningnan at pagkatapos ay hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito. Hindi ko na ito inilingon kahit nang tawagin ako nito. Nagmamadali naman itong sumunod sa akin. Hindi naman talaga ako galit, sinadya ko lang na iwanan ito sa may lobby ng hospital dahil pinagtitinginan na kami. Medyo hindi pa naman ako sanay na pinag-uusapan. Idagdag pang super clingy nito, na animo sawa na laging nakapulupot ang braso sa katawan ko. Wala itong pinipiling lugar basta gusto kang halikan at yakapin. Naramdaman kong nakasunod lang ito sa akin, nang lalagpas na ako sa kotse nito ay doon na ako nito pinigilan. Hinawakan nito ang mga balikat ko at pinihit ako nito paharap dito. "Love, sorry na please? Huwag ka ng magalit, magpapaliwanag naman ako eh," anito at talagang nag-puppy eyes pa. Nanggigigil namang pinitik ko ang noo nito dahilan para mapa-aray ito. "Huwag kang magpa-cute, buwisit ka! Hindi ko kailangan ang manliligaw na parang kabute," inis na sabi ko. "Kabute? Me?" manghang tanong nito. "Ay hindi, ako! Ako ang kabute, buwisit!" Paano ba naman isang linggo na wala itong ni hi ni ho. At sobrang nag-alala ako. Wala naman akong magawa dahil hindi ko naman ito nobyo. Wala akong karapatang mag-demand ng tawag o text mula rito dahil wala namang kami. Sagutin mo na kasi para puwede ka ng mag-demand. Sulsol naman ng utak ko. "I can explain, Love," ungot nito. "Kahit huwag na." Mabilis ang kilos na isinandal ako nito sa hood ng kotse nito. "Makikinig ka o hahalikan kita?" "David..." Tila may mga dagang naghahabulan sa dibdib ko. "I'm so--" Hindi ko na ito pinatapos magsalita. Tinakpan ko ang bibig nito gamit ang kamay ko. Nakapagdesisyon na ako. "Sa susunod kung mawawala ka, magpaalam ka, hindi iyong para kang kabute na biglang mawawala at susulpot! Para hindi ako nag-aalala sa'yo kung buhay ka pa ba o patay ka na," sermon ko rito. "Kapag inulit mo pa iyan, hihiwalayan kita agad," dugtong ko pa. Ngiting-ngiti lang naman ang loko. Sinapo pa nito ang mukha ko bago nagsalita. "Yes, love. Promise magpapaalam na ako sa'yo para hindi mo ako hiwalay--, what did you say?" manghang tanong nito. Nanlalaki rin ang mata nito habang nakatingin sa akin. "You mean--," "Yes! Kung anong narinig mo tama iyon. Simula ngayon magpapaalam ka na sa akin dahil girlfriend mo na ako," mahina kong sabi. Medyo nahihiya kasi ako rito. Ilang sandali lamang itong nakatulala habang nakanganga pa ang bibig. Nakakatuwa ang hitsura nitong iyon. Pabiro kong tinakpan ang bibig nito. "Baka pasukan ng langaw iyang bibig mo.." Ilang beses itong kumarap-kurap bago tumikhim para tanggalin ang bara sa lalamunan nito. At pagkuwa'y hinawakan ang mga balikat ko. "Girlfriend na kita? Tama ba iyong narinig ko?" Napangiti naman ako rito. Nakakaaliw kasi ang hitsura nito. "Yes!" "Seryoso?" "Oo nga! Kung ayaw mo eh 'di huwag na lan--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang siniil nito ng halik ang aking mga labi. Sandali lang akong nagulat at nakabawi rin agad. Natatawa ko itong itinulak ng bahagya palayo sa akin. Sobrang clingy naman kasi nito. "Wait lang! Bilis mo.." ingos ko rito. Patingin pa ako sa paligid at nakita ko ang mga taong tila kinikilig sa amin ni David. Nahihiyang sumubsob ako sa dibdib nito. Natatawa naman itong ikinulong ako sa mga bisig nito. "Don't mind them, love. Gusto kitang halikan." Natatawang kinurot ko ang tiyan nito dahilan para matawa ito at hinawakan ang kamay ko. "Ang sakit mong mangurot, love." "Huwag ka kasing maharot!" "Sorry, I can't help it. Sobrang masaya lang ako, love," nagniningning ang matang sabi pa nito. Kinikilig na pinisil ko naman ang ilong nito at pabirong hinila papasok ng kotse nito. Nang makasakay na kami ay hindi pa nito pina-start ang sasakyan. Titig na titig lang ito sa akin. " Tara na, love," sabi ko. Lalo namang nanlaki ang mata nito. Ngiting-ngiti nitong pinaghahampas ang manibela. "s**t. Is it for real?" pagkuwa'y tanong nito. "Parang ayaw mo yata?" "No! Of course not! Hindi lang ako makapaniwala. Tapos tinawag mo pa akong love? s**t love, sobrang kinikilig ako," parang tanga na sabi pa nito."Girlfriend na talaga kita? Wala ng bawian?" "Oo nga. Boyfriend na kita kaya bawal ka ng tumingin sa iba. Dudukitin ko iyang mata mo," pagbabanta ko pa rito. Sa halip na sumagot ay lumapit ito sa akin at mahigpit akong niyakap. Ilang ulit nitong hinalikan ang ulo ko habang yakap-yakap pa rin nito. " Thank you, Lord, and thank you, love," anas nito habang yakap ako. Gumanti naman ako ng yakap dito at masarap pa lang mayakap ang taong mahal na mahal mo. " I love you, love. Thank you for this wonderful gift for Christmas. I love you so much, love," bulong pa nito. Kumalas ito sa pagkakayakap at sinapo ang mukha ko. Tumingin ito diretso sa mga mata ko. "I love you, my Alexa.." Puno ng pagsuyo na anas nito. Tumama pa sa mukha ko ang hininga nito. "I love you too, David." Tila naman hudyat iyon at mabilis na sinakop ang mga labi ko. Ilang sandali nitong inangkin ang mga labi ko at pinakatitigan ako. Titig na punong-puno ng pagsuyo at pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD