Chapter 1 TCH
ALEXA POV
PAPASOK pa lamang ako sa Bar na pagmamay-ari ni Mike Arevalo pero sobrang kinakabahan na ako. Sa dalawang linggo na pang-i-stalk sa ex fiance kong si David ay nagpasya na akong magpakita rito. Natatakot ako sa magiging reaction niya once na makita niya ako ulit after two years. Pero hindi ko na kayang maging stalker lang nito. Gusto ko nang ipaalam sa kaniya na bumalik na ako. At hindi na ako aalis pa.
Pagkatapos kong umalis nang walang paalam, ano pa bang aasahan kong reaction nito. Malamang galit siya sa akin o baka nga kinamumuhian niya ako.
Pero gusto kong subukan, gusto kong bumalik. Gusto kong makasama ang lalaking dahilan kung bakit ako narito ngayon. Kung bakit ako bumalik. At this time, hindi na ako aalis. Hindi ko na siya iiwan ulit. Hinding-hindi na.
Buo ang loob ko na bumalik dito sa Pilipinas at gagawin ko ang lahat para maging akin ulit ang puso ni David.
Miss na miss ko na siya, gustong-gusto ko siyang yakapin. Sa dalawang linggong pagsunod-sunod dito ay palagi itong nasa bar. Kung saan-saan, pero dito talaga siya madalas tumambay sa bar ni Mike ang best friend ni Kuya Drake.
Tulad na lamang ngayon, kasama nito ang mga kaibigan na sina Xander at Zeus. Kasama rin nito ang kapatid na si Dave, maging si Mike ay kasama rin sa VIP table ng magkakaibigan.
Nagkakasiyahan ang mga ito.
Pumuwesto ako sa table na malapit sa kanila. Napangiti ako nang marinig ko ang tawa ni David. Bentang-benta na naman ang mga jokes ni Dave sa mga kasama nito.
May lumapit na waiter sa akin, at para hindi naman nakakahiya ay umorder ako kahit hindi naman ako nagugutom. Saktong pag-alis ng waiter sa harap ko ay siyang tingin naman ni Dave sa gawi ko at mukhang nakita ako nito dahil nanlaki ang mga mata nito.
Ngumiti ako rito para iparating na tama ang nakikita nito ngayon, na totoo ako. At habang nanlalaki ang mga mata nito ay nakita ko itong tumayo. Naglakad ito papunta sa puwesto ko na hindi man lang yata napansin ng mga kasama nito. Mukhang si Mike naman kasi ang bangka sa kuwentuhan nila.
Habang papalapit sa akin si Dave ay sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.
"Ate Alex?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang titig na titig sa akin. Ilang beses pa nitong sinipat-sipat ang mukha ko.
Napanganga ito nang tumango ako rito para kumpirmahin na ako nga ito. Natutop nito ang sariling bibig habang nakatingin pa rin sa akin.
"Oh my God! How are you?" bulalas nito. Nabikig ang lalamunan ko dahil hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon nito. Ang ini-expect ko kasi ay magagalit ito sa akin da ginawa ko sa Kuya nito.
"Ate, kumusta ka na?" muling tanong nito at saka humila ng upuan. Umupo ito sa tapat ko.
"Ayos lang, ikaw kumusta ka na?" nahihiya kong tanong.
"I'm good, but wait, ikaw ang kumusta na? Gosh, Ate ang tagal mong nawala," masayang sabi nito.
Kiming ngumiti naman ako rito, ganito rin kaya ang magiging reaksyon ni David kapag nakita ako.
"Hey, are you crying?" tanong pa nito.
"No," sabi ko at nag-iwas ng tingin dito.
"So, you're back for good or vacation?" ngiting tanong nito sa akin. Nakakahawa ang mga ngiti nito kaya't napangiti na rin ako rito. Medyo nabawasan na rin iyong kabang nararamdaman ko kanina dahil sa mainit na pakikitungo nito sa akin.
"For good, I guessed." Lalo namang lumawak ang ngiti nito.
"Wow, really?"
"Yes," sagot ko. Medyo nailang naman ako nang muli ako nitong sipatin. Nasa mga mata pa rin nito ang gulat sa muli naming pagkikita.
"Mas gumanda ka ngayon, pero parang pumayat ka, Ate," puna pa nito.
"Ikaw rin, mas gumawapo ka yata, for sure nakapila na naman ang mga babae mo niyan," pabiro kong sabi.
Nang tumawa ito ay nakakuha ito ng atensyon ng mga taong nasa Bar na iyon. Kasama na roon ang mga kaibigan nitong nasa kabilang table. Hindi sinasadyang napatingin ako roon at nakita kong nakatingin sa amin ang mga kaibigan nito.
Kagaya ni Dave ay nanlaki rin ang mga mata nila habang nakatingin sa amin, I mean sa akin. Nakita na nila ako maliban kay David at Mike dahil nakatalikod sila sa amin. Mukhang hindi rin makapaniwala ang mga kaibigan ni David.
"Hindi na yata mauubos ang nakapila, Ate, nasanay na rin ako," mayabang na sabi naman nito dahil para mabaling dito ang atensyon ko.
Habang nakikipag-usap kay Dave ay ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Alam kong si Zeus at Xander iyon.
"Mayabang ka pa rin pala hanggang ngayon," sabi ko. Mas lalo namang lumakas ang tawa nito.
"Grabe ka naman, but anyway are you single?" Sa halip na sumagot ay kusang napunta sa gawi ni David ang mga mata ko. Nakatalikod pa rin ito at mukhang hindi sinabi ni Zeus at Xander na narito ako.
Gustong-gusto ko nang lapitan si David pero natatakot ako, nababahag ang buntot ko. Napapitlag pa ako nang tumikhim si Dave para kunin ang atensyon ko. Pilit ang ngiting ngumiti ako rito.
Seryoso na ang mukha nito ngayon. "Ate, do you intend to return to David's life?"
"D-Dave..." Tumingin ito sa akin at may lungkot sa mga mata nito.
"Is he the reason why you are here?" Wala naman akong nagawa kun'di ang tumango bilang sagot sa tanong nito.
Wala na rin namang dahilan para itago ko rito ang tunay na dahilan ng aking pagbabalik. Gusto kong umasa na baka matulungan ako nitong makabalik sa buhay ng Kuya David nito.
"I'm glad to hear that, Ate, but to be honest, I'm not sure if you'll be able to have him again. He's not the same David you knew. He's changed a lot, and I'm not telling you this to discourage you, I'm telling you this to prepare you for whatever may happen." Tumango naman ako. Ramdam ko naman iyong senseridad sa sinasabi nito.
"I know, pero handa ako, Dave. Single pa rin naman siya, hindi ba?" Kasi kung alam kong may iba na ito hindi na ako para maghabol pa rito. Hindi ko rin naman gustong may masagasaan na kapuwa ko babae.
Nang ngumiti ito ay tila nabuhayan ako ng loob. May nasilip akong pag-asa na baka puwede pa kami ni David.
"Single pa rin siya, pero nakapila na rin ang mga babae niya, Ate." Bigla naman akong nalungkot sa sinabi nito.
"Parang wala naman, I followed him for two weeks and---"
"Are you stalking him?" Tumango naman ako dahilan para matawa na naman ito nang malakas. "Really?"
"Y-Yes," pag-amin ko.
"Bakit hindi ka nagpapakita sa kaniya? So, kaya pala lately parang balisa si David, at na-open na rin niya sa amin na pakiramdam niya may palaging sumusunod sa kaniya kahit saan siya pumunta. And it was you," manghang sabi nito.
Maging ako ay namangha rin dahil alam pala ni David na may sumusunod dito sa araw-araw.
"At alam mo bang plano na niyang kumuha ng security para sa kaligtasan niya. Ang hinala niya kalaban niya sa negosyo ang nagmamatyag sa kaniya, nag-aalala rin kami nila Dad kaya palagi akong kasama sa gimmick niya. Nakakatawa lang kasi ikaw lang pala iyong sumusunod sa kaniya." Mangha pa rin nitong sabi. Mababakas ang relieve sa mukha nito matapos malaman na ako lang pala ang stalker ni David.
"Pasensya ka na, Dave. Nakakatakot lang kasi akong magpakita sa kaniya eh. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan." Bahagyang nanginig ang boses ko habang sinasabi iyon dito.
Hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.
"Gusto mo talagang balikan si David?"
"Yes, gustong-gusto ko, Dave," sabi ko. Tila naman ako nabunutan ng tinik nang ngitian ako nito. At marahang pinisil ang kamay kong hawak pa rin nito.
"Good luck to you, then," sabi nito at iginaya ako patayo.
"Saan mo 'ko dadalhin, Dave?" kinakabahan kong tanong rito. Ngumiti lang naman ito sa akin ang hinala ang kamay ko.
"Dave.."
"Gusto mong balikan si David, hindi ba?"
"Yes."
"Then, make a move, Ate." Alanganing ngumiti naman ako rito.
"Ngayon na ba talaga?" tanong ko. Tumango naman ito sa akin. Binitawan nito ang kamay ko at humarap sa akin.
"Kung hindi ka pa magsisimula, kailan pa? I'm telling you Ate, hindi na magiging madali ang gagawin mo. Kung may labis na nasaktan nang umalis ka, si David iyon. Ang kapatid ko ang sobrang nasaktan at kilala mo iyon." Gusto ko namang manghina sa sinabi nito. Aminado akong nasaktan ko si David pero may rason naman ako eh.
"Si David, si Allison at Allesa ang pinaka nasaktan sa ginawa mong pag-alis, Ate."
Nahihiya namang napatungo na lamang ako. Alam ko naman din iyon eh. Nag-init ang mga mata ko nang maalala ko ang aking mga kaibigan. Ang mga best friend ko na sinaktan ko rin dahil sa pag-alis ko nang walang paalam.
"I'm sorry, Dave." Iyon lang ang kaya kong sabihin ng mga sandaling iyon.
Nakakaunawang ngumiti naman ito at muling hinawakan ang kamay ko.
"Hindi ako galit sa'yo, kaya nga willing akong tumulong sa plano mo, hindi ba?"
Napasigok naman ako dahil sa sinabi nito. Kahit naiiyak ay nagawa kong ngumiti kay Dave.
"Maraming salamat, Dave."
"No worries, Ate Alexa. Alam kong ikaw lang din ang makakapagpabalik sa dating David na kilala nating lahat." Kumindat pa ito pagkatapos nitong sabihin iyon. Lalo namang nadagdagan ang aking pag-asa dahil alam kong susuportahan ako nito sa plano ko.
"Hindi ka lang guwapo, mabait ka rin pala talaga."
"Of course, hindi mo ba alam na ako si Cupid love?" Natawa naman ako sa sinabi nito.
"Talaga? So kaya mong panain ang puso ni David papunta sa puso ko?" pabirong tanong ko. Napakamot naman ito sa ulo nito.
"I'll try my best, Ate. Isa lang ang sigurado, suportado kita sa plano mo."
"Salamat, Dave," pasalamat ko rito. Hindi naman na ito sumagot bagkus ay muli nitong hinila ang aking braso.
Nag-aalangan man ay nagpahila na lamang ako rito. Tama naman kasi ito kung hindi pa ngayon, kailan pa ako magkakaroon ng lakas ng loob.
Habang hawak ni Dave ang braso ko ay abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Magkikita na kami ni David, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nito once na makita ako.
Ilang hakbang na lamang ang layo namin sa mga kaibigan nito nang huminto ako. Parang hindi ko pa kayang harapin si David. Dinadaga ang aking dibdib.
"Why?" tanong ni Dave.
"Kinakabahan ako, Dave, baka magalit ang Kuya mo--"
"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. So, let's go. Don't worry I'm here, Ate." Pagbibigay-assurance pa nito. Muli akong nagpatianod nang igaya ako nito palapit sa mesa ng mga ito.
Pumuwesto kami sa harap ng mga ito kaya't kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni David at Mike. Si Xander at Zeus naman ay nakatingin lang sa akin nang mataman dahil kanina pa nila ako nakita.
"Alex!" bulalas ni Mike, tumayo pa ito para tingnan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti naman ako upang iparating na ako nga si Alex.
"How are you, Alex?" tanong naman ni Zeus. Kiming ngumiti ito sa akin kaya't ngumiti rin ako pabalik.
"Mabuti naman ako," sagot ko habang nasa lalaking mahal ko ang aking mga mata. At dahil nakatitig ako kay David nakita ko nang tiim-bagang itong tumingin sa akin. Nakita ko ring nakakuyom ang kamao nito habang nakapatong sa hita nito.
"Kailan ka pa bumalik?" tanong naman ni Xander.
"Two weeks ago," sagot ko rito. Pero nanatiling na kay David ang mga mata ko. Hindi ko siya kayang lubayan ng tingin. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako. Lalo pa't halos manlisik na ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Sinong kasama--, David!" Gulat na gulat na sabi ni Zeus nang marahas na ibagsak ni David ang baso nito sa mesa. Nagtapunan ang laman niyon. Lahat kami ay napatingin dito.
"Bro, are you--" Hindi na natapos ni Xander ang sasabihin dahil mabilis na tumayo si David habang masama ang tingin sa akin. Gusto kong maiyak sa klase ng tingin nito pero tinatagan ko ang loob ko. Inihanda ko na talaga ang sarili ko sa ganitong eksena.
"Where are you going?" tanong ni Dave sa kapatid nito. Hinawakan pa nito ang braso ng Kuya nito.
"Somewhere," malamig na sabi nito.
"Pero nag-iinom pa tayo, David," sabi ni Xander.
Lalo namang nagngalit ang mga ngipin nito at saka tumingin sa akin. "Kung gusto ninyong mag-inuman tayo paalisin ninyo sa harap ko ang babaeng iyan!" Halos mabingi ako sa lakas ng sabi nito sa akin.
Nasaktan ako sa sinabi nito pero karapatan niyang magalit sa akin.
"Bro, huwag ka namang ganiyan--"
"You choose! Paalisin ninyo ang babaeng iyan, o ako ang aalis?" galit na tanong nito sa mga kaibigan particular kay Zeus.
"Gusto ka niyang makita, David," ani Dave sa tabi ko. Masama namang tumingin si David sa kapatid nito.
"So, siya ang mag-stay dito." Iyon lang at tumalikod na ito. Pero nakakailang hakbang pa lamang ito nang pigilan ito ni Dave.
"David, gusto ka niyang makausap," malunanay na sabi ni Dave.
"I don't want to talk to her! Kung kaya ninyong makausap ang babaeng iyan, ako hindi! Hindi ko kayang mag-stay dito kasama ang babaeng iyan!" mariin nitong sabi.
Malungkot na sinalubong ko ang mga mata nitong nagbabaga sa sobrang galit sa akin. Nanginginig ang mga tuhod na naglakad ako palapit dito.
"D-David...." Tinangka kong hawakan ito pero pinalis nito ang kamay ko. Medyo marahas iyon kaya't napaatras ako nang bahagya.
"I'm sorry--"
"Damn you!" Bulyaw nito sa akin at tinulak ako para makadaan ito.
"David!" bulalas ni Dave sa kapatid.
"What?!" sigaw nito sa kapatid. Mukhang nasindak naman si Dave sa pag-alsa ng galit ng Kuya nito. Wala kaming nagawa nang magmartsa si David palabas ng Bar ni Mike.
Nakita ko namang napailing si Dave at mga kaibigan nito habang sinusundan ng tingin ang kaibigan nila.
Nang makita kong aalis din si Mike ay pinigilan ko ito. Kunot-noong tumingin ito sa akin.
"Alex..."
"Ako na, please?" pakiusap ko rito. Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata nito pero sa huli ay tumango rin naman ito.
"But I don't think it's a good idea, Alex," kontra naman ni Zeus.
Umiling naman ako. It's now or never. Hindi na ako puwedeng umatras. Buo na ang loob ko harapin ang galit nito sa akin.
"Alex, baka sakta--"
"Kakausapin ko lang siya, Mike. Alam kong galit siya sa akin, pero naniniwala akong hindi niya ako sasaktan," buo ang kumpinyansa na sabi ko.
Nakita kong nagkatinginan ang mga ito at pagkatapos ay sabay-sabay na tumango maliban kay Dave na bakas ang pagtutol sa mukha.
"Ate, huwag na muna ngayon, sorry ha pero medyo nakainom na si David," pigil ni Dave sa akin. Nginitian ko naman ito at saka hinawakan ang kamay nito.
"Kilala ko siya, huwag kang mag-alala, okay?" Wala naman itong nagawa kun'di ang tumango na lamang.
Ngumiti muna ako sa mga ito bago nagmamadaling sinundan si David. Medyo madilim na sa bahaging iyon ng Bar kaya hindi ko agad nakita kung saan na ito pumunta.
Ilang sandali pa akong nagpalinga-linga habang mabagal na naglalakad bago ko ito nakita. Mabilis ang hakbang na sinundan ko ito. Muntik pa akong bumangga sa likod nito nang bigla itong huminto.
"Stop following me!" Natigil ako sa tangkang pagsunod dito nang sumigaw ito. Nakakapanginig ng laman ang kalamigan nito sa akin pero hindi ako susuko. Ngayon pa ba na nakalapit na ako. Ilalaban ko ang pagmamahal ko para sa kaniya.
Nang magsimula itong maglakad ay sumunod ulit ako. Nakakailang hakbang pa lamang ito nang huminto na naman ito. Muntik na naman akong sumalpok sa dibdib nito.
"Why are you still following me? I said, stop following me, right?!" puno nang galit na bulyaw nito sa akin. Nakakatakot ang klase ng tingin nito sa akin pero nagawa kong salubungin ang mga mata nito.
"L-Love...." mahina kong sabi pero sapat na para marinig nito iyon. Nakita kong umigting ang panga nito habang nakakuyom ang mga kamao na animo gusto akong suntukin.
"Love?" nakakainsultong sabi nito at saka pagak na tumawa.
"D-David.." Naiiyak na bigkas ko sa pangalan nito.
Humakbang ito ng dalawang hakbang palapit sa akin. "Ang kapal naman ng mukha mo para tawagin akong love. Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha, ha Alexa?!"
Pinigilan kong mapahikbi sa harap nito. Nasasaktan ako pero naiintindihan ko siya kung bakit ganito siya magsalita sa akin. Iniwan ko siya. Sinaktan ko siya.
"I'm sorry, D-David," garalgal na sabi ko.
"Damn you!" Malutong na pagmumura nito dahilan para mag-unahang tumulo ang aking mga luha. Tama nga si Dave hindi na ito ang David na minahal ko noon.
"Damn you! Damn you, Alexa!" Marahas nitong hinawakan ang aking braso. Pinigilan kong mapaigik dahil sa higpit ng hawak nito sa akin.
"I'm sorry, please I'm sorry..." Umiiyak na sabi ko rito. Lalo namang nanggigil ang mukha nito. Hindi ko na napigilan ang mapaigik dahil mas dumiin ang hawak nito sa akin.
"D-David, please nasasaktan ako," sabi ko. Lalo namang naging mabalasik ang tingin nito.
"Nasasaktan ka, wow nasasaktan ka?! Putangina, Alexa! Kahit sakalin kita ngayon, kulang pa iyon para sa ginawa mo sa akin! Kulang na kulang pa iyon kumpara sa sakit na ibinigay mo sa akin noon!" Dumagundong ang boses nito sa kabuuan ng parking lot.
"Patawarin mo 'ko, David. Patawarin mo ako kung kinailangan kitang iwanan--, Aray!" daing ko nang pisilin nito ang aking braso. Halos bumaon na ang kuko nito.
"Tangina! Patawarin?!" Tila ito baliw na humalakhak sa harapan ko. Puno nang panunuyang tiningnan ako nito.
"D-David..."
"Umalis ka sa harapan ko, Alexa..umalis ka sa harapan ko dahil baka hindi kita matantiya." Mahina ngunit mariin na utos nito. Ngunit sa halip na umalis ay lumapit pa ako rito. Gusto kong alisin ang galit sa mga mata niya.
"Mag-usap tayo, please? Marami akong sasabihin sa'yo," pagsusumamo ko pa rito.
"No! Umalis ka na sa harap ko, utang na loob! Huwag mo akong pilitin na masaktan kita, dahil hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin sa'yo," nagbabanta nitong sabi. Pero matigas ang ulo ko. Hindi ako nakinig dito kaya't marahas ako nitong itinulak.
Bumagsak ako sa semento pero tumayo ako. Nagawa ko pa ring lumapit dito kahit nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot.
Hinawakan ko ang kamay nitong nakakuyom. "Magpapaliwanag ako sa'yo, David making ka sa akin, please?" luhaang pakiusap ko rito.
Galit na galit nitong hinaklit ang aking braso. "Anong ipapaliwanag mo, ha? Iyong ginawa mong panggagago sa akin, iyon ba ha, Alexa?!" Tigagal naman ako sa sinabi nito. Ginago na ko siya. Iyon ba talaga ang ginawa ko rito?
"No, David hindi kita ginago please makinig ka sa akin, sasabihin ko sa'yo kung bakit kinailangan kitang iwan noo--"
"Shut up..! Shut up...!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil isinalya ako nito sa hood ng kotse nito. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Natatakot ang tingin nito. Nakamamatay, nakakapanlambot.
"Listen! Listen carefully, Alexa! I don't need your explanation! I just want you to leave! Leave me alone, and go back to where you belong!" Napahagulhol na ako sa harap nito. Hindi ako nasasaktan sa pagsigaw niya sa akin, nasasaktan ako sa mga katagang lumalabas sa bibig nito.
Ang sakit. Sobrang sakit na makita siyang ganito. Pero ayaw ko siyang sukuan.. Ayaw ko!
"Mahal kita, David. Mahal kita, please magpapaliwanag ako sa'yo--, Ahhh!" impit na daing ko nang muli ako nitong isalya sa kotse nito. Tumama yata ang spinal ko kaya sobrang nasaktan ako.
Sargo ang luhang tumingin ako rito. Ang lakas nang loob kong haplusin ang mukha nito. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko pero mabilis itong nakabawi.
"Gusto kong umalis ka na! At iyang paliwanag na sinasabi mo, hindi ko kailangan iyan! Isaksak mo iyan sa baga mo!"
"Makinig ka lang sa akin, hindi ako umalis dahil gusto ko---"
"Tangina! Huwag mo ng bigyan ng katwiran ang kalandian mo! Just leave!"
"May saki--, David!" Bulalas ko nang suntukin nito ang kotse malapit sa mukha ko. Tila ako binuhusan ng tubig sa pag-aakalang ako ang susuntukin nito. At aaminin kong sobrang hindi ako makapaniwala na kaya niya akong saktan.
Tama nga si Dave, wala na iyong David na minahal ko noon. Ibang-iba na siya ngayon.
Impit na umiyak ako sa harap nito.
"Sana hindi ka na bumalik, Alexa! Dalawang taon kang nawala, sana hindi ka na lang bumalik!"
"Bumalik ako kasi mahal kita, David..bumalik ako para sa'yo..para makasama ka uli--"
"I don't love you any longer! I don't need you anymore! I want you to leave. I wish you were gone! I wish I couldn't see you anymore! I want you out of my life! I hate you! I hate you...!" Dahil sa sinabi nito ay mas lalong lumakas ang iyak ko.
Sa tindi nang galit nito sa akin ay halos wasakin nito ang kotse nito.
"I hate you..!" Napahagulhol na lamang ako habang pinapanuod ito sa pagwawala nito. Mabuti na lamang walang tao rito sa parking lot.
Sa nanlalabong mga mata ay nakita kong gigil nitong pinunasan ang mga mata nito. At tumingin ito sa akin.
Iyong klase ng tingin na panlalamigan ka. Iyong tingin na puno nang galit at pagkamuhi.
"Leave me alone, Alexa! Please, get out of my life! I'm moved on!" Tila ako tinulos sa pagkakatayo ko dahil sa pahayag nito. Para akong kandilang unti-unting nauupos ng mga oras na iyon.
Hindi ko na nagawang magsalita, nakatingin lang ako rito habang walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha.
Nanlalambot ang mga tuhod na napasalampak na lamang ako ng upo habang pinapanuod itong umalis.
Tanging usok na lamang ng sasakyan nito ang naiwan sa akin. Naiwan akong umiiyak habang nakaupo sa semento.