ALEXA POV
"What happened?" tarantang tanong ni David sa akin habang sinusuri ang aking namamagang paa. Hindi sinasadyang natapilok ako noong isang araw dahil sa pagmamadali kong pumasok ng araw na iyon.
Nasa ibang bansa kasi no'n si David kaya hindi nito alam ang nangyari sa akin. Kakauwi lang nito ngayon at agad akong pinuntahan.
"Love, ano ba ang pinaggagawa mo? Bakit namamaga ito?" tanong nitong muli habang panay suri sa paa ko.
Napangiti naman ako at saka ito hinila paupo sa tabi ko, nakaluhod kasi ito sa paanan ko.
"Love..." Parang naiirita na sabi nito nang makitang ngiting-ngiti ako. Nakakakilig naman kasi ang pagiging sweet nito, kaunting pamamaga lang parang ikakamatay ko na talaga.
"Huwag mo akong ngitian ng ganiyan. I'm worried, tapos ngingiti ka pa ng ganiyan..."
Kinikilig na pinisil ko ang matangos nitong ilong. "You're so sweet, Love. Maliit na aksidente lang iyan, kaya huwag ka ng mag-alala ha."
"May maliit na aksidente bang ganiyan?" tila inis na sabi nito.
"Okay na iyan, ginagamot naman na eh. Saka hindi na siya kasing sakit noong first day. Naiituon ko na nga eh, hindi lang ako pumasok kasi baka mapuwersa."
"Still sana nag-iingat ka pa rin, alam mo namang wala ako sa tabi mo eh, kaya dapat ikaw mismo iniingatan ang sarili mo para sa akin." Parang sinipa ang dibdib ko dahil sa pahayag nitong iyon.
Kilig na kilig na niyakap ko ito ng mahigpit at saka nagsumiksik sa dibdib nito. Naramdaman ko namang gumanti ito ng yakap sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"I love you, my David," malambing na sabi ko.
Inilayo naman ako nito sa katawan nito at pinakatitigan, sinapo rin nito ang mukha ko. Pagmamahal, iyon ang mababasa sa mga mata nito at mas'yado akong nalulunod sa pagmamahal na iyon.
"Mas mahal kita, Alexa. And I can't wait to see you walk down the aisle..."
"D-David." Nabikig ang lalamunan ko nang umalis ito sa tabi ko at saka bumalik sa pagkakaluhod sa paanan ko. Wala pa man siyang sinasabi pero alam ko na kung ano ang gagawin nito.
Titig na titig ito sa akin habang may kinukuha sa bulsa ng pantalon nito. Bumulaga sa akin ang isang pulang kaheta. Dahan-dahan nitong binuksan iyon at tumambad sa akin ang isang kumikinang na singsing.
Nag-uunahan sa pagdaloy ang aking mga luha.
"D-David..."
"Will you be my wife?" tanong nito at saka iniumang ang singsing sa akin.
"D-David..."
"I want you to be my Mrs. David Anthony Montana. Would you let me?"
Wala na akong sinayang na sandali dahil mabilis akong yumakap dito at saka impit na umiyak sa dibdib nito.
"Is that a yes?" bulong nito habang yakap-yakap ako.
Sunod-sunod na tango naman ang ginawa ko at saka humiwalay ng yakap dito. Sinapo ko ang mukha nito habang patuloy na umiiyak.
"Let me hear it, love," hiling nito.
"Yes! Of course, I will marry you!" Matapos nitong marinig iyon ay mabilis nitong isinuot sa akin ang singsing at pagkatapos ay mariin akong siniil ng halik.
Buong puso ko namang tinugon ang mainit at marubdob nitong mga halik. Pinagsaluhan namin ang tamis ng aming pagmamahalan sa isa't-isa.
Puno ng galak ang puso ko dahil ilang panahon na lang magiging Mrs. David Anthony Montana na ako. At ngayon pa lang ay sobrang excited na ako sa araw na iyon.
Matapos kong alalahanin ang mga masasayang sandali sa buhay namin noon ni David ay sargo ang aking mga luha. Gustong-gusto kong yakapin si David kanina pero hindi ako nagtagumpay na mangyari iyon.
Nang mga sandaling iyon ay wala akong ginawa kun'di ang umiyak lang nang umiyak. Ang sarap lang alalahanin ng mga pinagsamahan namin noon ni David. Pinagsamahang sinayang ko.
________
MULA nang magpakita ako kay David ay hindi na ako tumigil sa kakasunod dito. Ginawa ko rin ang lahat para makalipat ako ng condo sa katabing unit nito. At ito nga, kakalipat ko lang kahapon. Magkatabi lang ang unit namin kaya mababantayan ko ang bawat kilos nito. Masusundan ko siya kung saan man siya pupunta. Pero kahapon pa ako rito, pero hindi ko pa nakikita kahit ang anino nito.
Mula nang magpakita ako rito noong nakaraang linggo ay wala itong ginawa kun'di sigawan at angilan ako. At hindi ko siya puwedeng sisihin dahil doon.
May kasalanan ko. Alam ko.
Sa halip na sumuko ay lalo akong naging persistent na suyuin ito. Gustong-gusto kong ibalik ang David na kilala ko. Ang David na minahal ko noon.
Palabas na sana ako ng unit ko nang tila kami magkagulatan ni David. Palabas kasi ako habang ito naman ay papasok sa unit nito. Mukhang kararating lang nito galing flight dahil nakapang-piloto pa ito.
Masamang tingin ang ipinukol nito sa akin, naglabasan din ang mga ugat nito sa panga. Nakakatakot ang tingin nito pero ayaw kong magpasindak dito.
"D-David." Humakbang ito palapit sa akin habang masama pa rin ang tingin.
"Hanggang dito ba talaga, Alexa? Wala ka na ba talagang hiya sa sarili mo, at maging dito sinundan mo ako?!"
"Gusto lang kitang makita at makausap, David, I'm sorry."
Umigting ang panga nito. "Utang na loob, patahimikin mo na ako!" Halos sumigaw na ito.
"David, gusto kitang makausap. Gusto kong bumalik sa buhay mo, please?"
Nanlilisik ang matang tumingin ito sa akin. "Wow! Gusto mong bumalik? Pagkatapos mo akong iwanan noon, gusto mong bumalik?! Tanga ka ba?! Wala na iyong David na iniwan mo noon, patay na siya, Alexa! Pinatay mo na siya!" Galit na galit ito habang sinasabi iyon, parang gusto na ako nitong duruin.
Pinigilan kong huwag maiyak sa harap nito. Hindi ako puwedeng magpatalo. Hindi puwede.
"David, please mag-usap tayo. Pakinggan mo lang ako, please, gusto kong ayusin natin 'to, kasi mahal na mahal kita...mahal na mahal kita.." Lumapit ako rito para sana ito yakapin, pero tinulak ako nito dahilan para mapa-atras ako.
Nagulat pa ako nang marahas nitong haklitin ang braso ko at hinila ako papasok sa kuwarto nito at walang awang ibalya sa malamig na pader.
Puno ng poot na tumingin ito sa akin.
"D-David.."
"I hate you damn much, Alexa! I hate you to the point na ayaw ko ng makita iyang pagmumukha mo!" gigil na sabi nito.
Doon na tuluyang humulagpos ang mga luhang pinipigilan ko. Nag-uunahan sa pagtulo ang luha ko dahil sa nakikitang pagkamuhi sa mga mata nito para sa akin. Mga matang dati ay puno ng pagmamahal sa tuwing tumitingin sa akin. Pero ngayon wala na, nabura na talaga ako sa puso niya.
"Anong iniiyak-iyak mo?! Nasasaktan ka, nahihirapan ka?!
" I'm sorry, David. I'm sorry...I'm sorry.."
"I don't need your sorry! Ang gusto ko umalis ka na rito, umalis ka na sa buhay ko!" Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw nito.
"Ayo'ko! David, ayo'ko! Minsan ko ng ginawa iyon, at halos ikamatay ko iyong sakit nang umalis ako. Mahal na mahal kit--, Ahh!" Daing ko nang hawakan nito ang baba ko at mariing pinisil iyon.
"Hindi na kita mahal! Hindi.na.kita.mahal! Total umalis ka naman na noon, hindi ba? Sana pinanindigan mo na lang!"
Sargo ang mga luha ko habang pinapakinggan ang mga salitang sinasambit nito. Tila iyon isang matalas na patalim na tumatarak sa dibdib ko.
"Get out of my life, Alexa! I don't love you anymore." Umiyak lang ako nang umiyak sa harap nito. Masakit sobrang msakit.
Sa nanlalabong mga mata ay nakita kong namumula na ang mga mata nito habang masama ang tingin sa akin.
Binalot ng takot ang puso ko nang ang kamay nitong nakahawak sa baba ko ay napunta sa leeg ko.
"D-David....anong gagawin mo--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sakalin ako nito. Mariin akong napapikit dahil sa sakit ng pagkakahawak nito.
Halos hindi na ako makahinga sa higpit niyon.
Lalong tumulo ang masaganang luha ko.
Hindi ako makapaniwala na kaya n'ya akong saktan ng ganito dahil sa sobrang galit. Mas humigpit pa ang hawak nito na halos tumigil na ang paghinga ko.
Hinawakan ko ang mga kamay nitong nakahawak sa akin at pilit inaalis iyon, pero sadyang malakas ito.
"D-David, h-hindi a-ako m-makahinga."
Habang masaganang tumutulo ang luha ko ay napapikit na ako. Nabitawan ko na rin ang mga kamay nitong nakasakal sa leeg ko.
"D-David, p-please, h-hindi ako m-makahinga," muling sabi ko. Tila doon ito natauhan dahil nabitawan ako nito.
Hawak-hawak ang leeg na napadausdos ako ng upo sa sahig. Umubo-ubo pa ako dahil halos maubos ang hangin sa katawan ko.
Sargo ang luha na tumingin ako rito habang habol pa rin ang paghinga ko. Pakiramdam ko, nanlambot ang mga tuhod ko sa ginawa nito. Ganito ba talaga ito kagalit sa akin na halos mapatay na ako nito?
"Damn it!" Malakas na pagmumura nito at kasabay niyon ang paulit-ulit nitong pagsipa sa pintuan ng unit nito.
Takot na takot na napasiksik ang sa pader sa takot na baka ako ang sipain nito. Habang tahimik na lumuluha ay pinapanuod ko lang ito sa pagwawala nito.
"s**t! s**t! s**t! Damn!" Malutong na mura nito.
Nanginginig na ako sa takot dahil sa nakikita kong galit nito. Para akong sinasakal dahil sa nakikitang paghihirap sa mukha nito. At alam kong kagagawan ko ang lahat ng ito.
"Damn it! This is not me! This is not me!" Kasabay niyon ang pagsuntok nito nang paulit-ulit sa pader.
Mariin akong napakagat-labi nang makita kong dumudugo na ang mga kamao nito, pero hindi pa rin ito tumigil.
Sinabunutan pa nito ang sarili nito.
Sa nanginginig na mga tuhod ay nagawa kong tumayo at lumapit dito. Kahit natatakot ako ay sinunod ko ang utos ng damdamin ko. Niyakap ko ito nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Gustong-gusto kong iparamdam dito na bumalik na ako, na hindi na ako aalis pang muli. Hinding-hindi na.
"Tama na, please? Huwag mong saktan ang sarili mo." Wala naman akong nakuhang sagot mula rito, pero sapat na sa akin na hinayaan ako nitong yakapin ko siya ng ganito.
Humagulhol lang ako nang humagulhol habang yakap pa rin ito. Narinig kong humikbi ito kaya lalong lumakas ang iyak ko. Nagsisisi akong sinaktan ko siya ng ganito. Sana sinabi ko na lang ang totoo.
Sana sinabi ko na lang.
________
Matapos ang mainit na tagpong iyon ay lumabas na ako ng kuwarto nito. Iniwanan ko itong umiiyak habang nakaupo sa baba ng kama nito. Wala akong narinig na salita mula rito. Ilang sandali lang kaming parehong umiiyak.
Pagbukas ko ng pinto ng unit ni David ay nagulat pa ako nang mabungaran si Dave. Mukhang nagulat din ito nang makita ako palabas ng unit ng Kuya nito.
"Anong nangyari, bakit ganiyan ang hitsura mo?" Nakita kong umigting ang panga nito habang nakatingin sa akin.
Napapitlag ako ng hawakan nito ang balikat ko at malakas na nagmura.
"What happened?! Who did this to you?" Galit na tanong nito habang nakatutok ang mga mata sa leeg ko. Nang hindi pa ito nakuntento ay hinawi pa nito ang buhok kong humarang sa leeg ko.
"Si Kuya ba?! Nanginig ang katawan ko sa pagsigaw nitong iyon. Nakakatakot pa lang magalit ang magkakapatid na ito.
"Si Kuya ba?!"
"D-Dave, please I'm oka--"
"Okay?! You're not okay, Ate Alex!"
"Please, Dave, okay lang ako." Natatakot ako sa nakikitang galit sa mukha nito.
"Tangina!" Malutong na pagmumura nito. Bigla akong nataranta nang akma itong papasok sa unit ni David.
Mabilis kong pinigilan ang kamay nitong nakahawak sa doorknob. "Dave, please huwag na..."
"Huwag mong ipagtanggol si David sa akin, Ate Alex!"
"Hindi niya sinasadya iyon, please nadala lang siya sa gal---"
"Hindi sinasadya?! Nakikita mo ba ang sarili mo?" sigaw nito.
"Dave, please, nakikiusap ako sa'yo. Huwag ka ng makialam, please parang awa mo na!" pakiusap ko rito. "Mahal na mahal ko ang kapatid mo, at lahat titiisin ko basta bumalik lang siya sa 'kin! Kaya please, huwag na...mahal ko siya.." Pagmamakaawa ko pa rito habang pigil ang kamay nito.
"Pero mali iyong ginawa niya sa'yo, Ate Alex."
"Okay lang, Dave, okay lang. Please huwag mo na siyang puntahan."
"Fine! Saan ang unit mo?" pagkuwa'y tanong nito. Tila naman ako nakahinga ng maluwag dahil doon.
Itinuro ko naman dito ang unit ko at saka ako nito inalalayang maglakad. Nanginginig na kasi talaga ang katawan ko sa takot sa magkapatid na ito.
Nang makapasok sa unit ko ay inalalayan ako nitong makaupo. Nagkusa rin itong ikuha ako ng tubig sa aking kusina. Matapos kong inumin iyon ay pareho kaming natahimik.
Natatakot pa rin akong kausapin ito pero naglakas-loob akong magsalita.
"Dave, huwag na sanang makakalabas sa ating tatlo ang nangyari, please?"
Iiling-iling naman ito na wari'y hindi makapaniwala.
"Please, Dave.."
"Alam mong suportado kita sa plano mo, pero kung ganito naman ang mangyayari, mas mabuti pang tumigil ka na lang."
Umiling naman ako sa sinabi nito dahilan para mapabuntong-hininga ito.
"Hindi mo alam kung ano ang sinusuong mo, Ate Alex."
"Alam ko, Dave, mahal ko ang kapatid mo at handa ako sa lahat ng mga puwede pang mangyari. Hindi ako bumalik dito para lang muling umalis," buo ang loob na sabi ko.
Iiling-iling na lamang naman itong tumango. "Bahala ka kung iyon ang gusto mo, Ate. Wala naman akong magagawa kung buo na ang pasya mo. Sana lang wala ng kasunod itong ginawa niya sa'yo."
"Salamat, Dave. Maraming salamat sa'yo," sabi ko at hinawakan ang kamay nito.
Ngumiti naman ito sa akin at bahagyang pinisil ang kamay kong nakahawak dito.
"Walang ano man, Ate. Basta kapag kailangan mo ng tulong o kausap, just give me a call, okay? Darating ako."
Malawak naman akong napangiti dahil sa sinabi nito.
"Thank you, Dave."
"Hmm."
"Gusto mong magmeryenda?" pagkuwa'y tanong ko. Umiling lang naman ito at saka tumayo na rin
"Next time na lang, Ate. And by the way, susunduin kita bukas, nangako ako sa mga kaibigan mo na magkikita kayo bukas. So, be ready, okay?" Iyon lang at umalis na ito.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa sinabi nito. Dahil kung totoo na isasama niya ako sa Batangas ay makikita ko ulit ang buong angkan nila. At hindi ko alam kung paano ko sila pakikiharapan.
Nahihiya ako, pero para sa lalaking pinakamamahal ko ay lalakasan ko ang loob ko.
Bahala na bukas.
________
KINABUKASAN ay sinundo na nga ako ni Dave. Nasa biyahe na kami ng magsalita ito.
"Nasa farm ang lahat, Ate Alex, at excited silang lahat na makita ka," sabi nito.
Pinagpawisan naman ako ng malapot sa sinabi nito. Lahat? Pati si David?
"Nervous?" tanong nito.
"Yes, sobra," pag-amin ko naman.
Lumingon naman ito sa akin at nginitian ako. "Don't, kung nag-aalala ka na baka galit sila sa'yo, no. Actually tuwang-tuwa sila nang malaman na bumalik ka na," anito. At siyempre kahit paano nawala ang kabog ng dibdib ko.
Posible ba iyon? Na hindi sila galit sa akin?
"Dave..."
"Si Mommy, hindi siya galit sa'yo, pero alam kong malaki ang tampo niya sa'yo, Ate Alex. At sana maintindihan mo, bilang Nanay namin ay nasaktan din siya nang iniwan mo si David."
Medyo nalulungkot naman ako, pero ayos lang dahil handa kong suyuin si Tita Annika para makuha ko ulit ang loob niya.
"Naiintindihan ko, Dave. At handa akong suyuin din si Tita Annika para mawala ang tampo niya sa akin." Buo ang loob na sabi ko.
Ngumiti naman ito at saka ibinalik ang atensyon sa daan.
Habang papalapit nang papalapit sa Farm ng mga ito ay lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib ko. Natatakot ako at the same time ay nasasabik akong makita silang lahat.
Ilang sandali pa at nakarating na kami sa Farm. Sa nangangatog na mga tuhod ay nagawa kong maglakad ng diretso. Papasok pa lamang kami sa pintuan nang sunod-sunod na magsilabasan ang mga Montana.
Nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sa akin. Kiming ngumiti naman ako bilang pagbati sa kanilang lahat. Nag-uunahan sa pagtulo ang luha ko nang patakbong sumugod si Allison at Allesa sa akin.
Mahigpit nila akong niyakap at bahagya pa akong niyugyog ng dalawa. Hindi ko inaasahan na ganito nila ako iwi-welcome sa mga buhay nila. Bigla akong nalungkot nang maalala ko si David. Sana ganito rin siya kasabik na makita ako ulit.
Matapos akong pakawalan ng mga best friend ko ay sumunod naman si Gaila at Rraine. Sumunod si Tita Mila at si Tita Lea ang Mommy ni Allesa.
Nang matapos nila akong yakapin ay nakita ko si Tita Annika. Umiiyak ito sa isang tabi pero hindi ito lumapit sa akin. Nakatingin lamang ito. Luhaang naglakad ako palapit dito.
"Tita Annika, I'm sorry. I'm so sorry po," umiiyak na sabi ko saka ako lumuhod sa harap nito. Sabay-sabay na singhap naman ang narinig ko mula sa pamilya nila.
"Alex! Oh God tumayo ka, anak. Tumayo ka," bulalas nito habang umiiyak.
Sa halip na tumayo ay lalo akong napahagulhol sa paanan nito. Lalo na nang marinig ko na tinawag ako nitong anak.
"Alex, anak..."
"Patawarin n'yo po ako, Tita. I'm sorry po. I'm sorry, I'm sorry po," paulit-ulit na sabi ko.
"Oo anak, oo sige na. Tumayo ka, Alexa!"
"I'm sorry po! I'm sorry po!" hagulgol na sabi ko.
"Alexa! Tumayo ka na, anak. Hindi mo kailangang lumuhod. Jusko anak tumayo ka," sabi ni Tita Annika habang luhaan na rin.
Wala akong nagawa nang may mga kamay na umalalay sa akin para makatayo ako. Luhaang lumingon ako at nakita ko si Kuya Drake.
"Alex." Iyon lang ang sinabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Parang nakahanap ako ng kakampi sa piling nilang lahat.
Kahit luhaan ay nakita ko ang isang babae sa tabi ni Kuya Drake. Napakaganda ng babaeng kasama nito. At nginitian niya ako.
Nahihiya na gumanti ako ng ngiti.
"Welcome back, Alex." Naluha akong lalo sa sinabi nito. "Finally, you're back," medyo nanginginig ang boses na sabi nito. At tinapik-tapik ang braso ko.
Sobrang nakakataba ng puso na ganito nila ako muling tinanggap sa buhay nila. Sana lang ganito rin kainit ang pagtanggap ni David sa akin.
But unfortunately, hindi. Dahil kabaliktaran ang nangyari. Kinamumuhian niya ako.
Sana makuha niya pa akong pakinggan. Sana magawa ko pang ibalik ang lalaking mahal na mahal na mahal ako noon.