Chapter 28

1119 Words
Nanami Yoshino (Katana) As much as possible, pinapanatili ko ang distansya ko kay Louie dahil hindi ko naman alam kung paano i-handle ang isang parasite. Kapag kasi nakakakita ako ng mga ganito ay agad na akong tumatakbo palayo pero hindi ko iyon maaaring gawin dito dahil ang lalaking ito lang naman ang maaari kong asahan para malibot ang buong school at makahanap agad ako ng club na masasalihan. At wala din naman akong plano na pag-aralan kung paano i-handle ang sitwasyon kung saan mayroong involve na mga parasite. Nandyan si Lychee at ang sinasabi niyang grupo na kinabibilangan niya na siyang humaharap at lumalaban sa mga ganitong klaseng nilalang. Kaya ipapaubaya ko na ito sa kanya. Sigurado naman na nakita din niya ito bago kami umalis ni Louie sa office ng Student Council. But for now, kailangan ko nang matapos ang tour namin kaya agad na akong maghahanap ng club na maaari kong salihan. “We are here,” ani Louie nang marating namin ang silid na siyang ginagamit ng club na itinayo daw mismo ni Lychee. “Wala dito si President kaya tingin ko ay ang susubok sayo ay ang vice president nila.” Medyo nakakaramdam na ako ng hindi maganda habang inililibot ang tingin sa paligid kung nasaan itong club room na siyang binibisita namin. Nasa bandang dulo na kasi ito ng campus. Halos nasa paanan na ng bundok na nasa likod nitong school. Malayo sa dinadaanan ng mga students at tingin ko ay wala pang naglalakas ng loob na pumunta dito dahil talaga namang nagbibigay ito ng nakakatakot na pakiramdam sa sinumang mapadpad dito. “Okay,” sabi ko. Pero sa totoo lang ay gusto ko nang umatras na lang. Parang hindi ko yata magugustuhan kung ano ba talaga ang purpose ng club na ito. Nakakapanghinala lalo na’t wala silang ginagawang activity para sa club pero patuloy ang kanilang operation. Idagdag pa ang recruitment process nila. At higit sa nagpapasama sa akin ng imahe ng club na ito ay ang pagiging miyembro mismo ni Lychee na siya pa ngang nagtatag ng club na ito. Ngumiti siya pagkuwa’y kumatok na sa pintuan ng silid. At hindi nagtagal ay bumukas ito. Isang magandang babae ang bumungad sa amin. Malaman ang kanyang pangangatawan pero hindi iyon pangit tingnan sa kanya dahil sa tangkad na mayroon siya. May korte din ang kanyang katawan at maputi siya kaya maganda pa din siya. Lalo na’t natural din ang kanyang ganda. Wala kasi akong nakikita na kahit anong trace ng make up sa kanyang mukha. Natural din ang pagkapula ng kanyang labi at pisngi. Maganda din ang pagkaarko ng kanyang kilay at ang mga mata niya ay mayroong mahahabang pilik mata. Ah, kaya nga hindi na ako nagtaka pa nang makita kong halos matulala si Louie nang ito ang bumungad sa amin. “Anong ginagawa mo dito, Louie?” tanong ng babaeng iyon pagkuwa’y bumaling sa akin. “New face. Are you a transfer student?” Tumango ako. Mukhang hindi din naman magagawang sumagot ni Louie dahil hanggang ngayon ay nakatulala pa din siya sa babae. “Oh,” aniya. “Then, you must be here because you are looking for a club. And I am sure that you want to join a club where you will not do any activities that is why Louie brought you here.” Muli akong tumango. “Then, you can go in.” Nilakihan niya ang awang ng pintuan. “Starting today, you are officially a member of this club.” Nanlaki ang mga mata ko. “What?” Tinaasan niya ako ng kila. “Ayaw mo?” Umiling ako. “It is not that I don’t want it,” sabi ko. “I was just shocked. Ang sabi kasi nitong si Louie ay mayroon kayong ginagawa na proseso para masala ng mabuti ang mga maisasali sa club na ito.” “Well, mayroon naman talaga,” aniya. “But I will explain it to you later.” Inabot niya sa akin ang isang papel. “Fill this form up inside. After that, I will explain everything about this club.” Ang totoo niyan, nagdadalawang-isip akong kunin ang papel na inaabot niya sa akin. Kasi alam kong kapag sinulatan ko iyon at pinirmahan ay magiging opisyal na talaga akong miyembro ng club na ito at hindi na ako makakaalis pa. “Hindi ka pa din ba nakakapag-decide?” tanong niya sa akin. “You can just come back tomorrow. Maybe you can find some other club where you really want to join.” Tiningnan ko siya. Dahil sa mga pumapasok sa utak ko at kay Lychee ay naisip ko na gagawin ng babaeng ito ang lahat para mapasali ako sa club na ito. Pero hindi iyon ang nakikita ko. Bakas kasi ang sinseridad niya nang sabihin na maaari naman akong bumalik bukas o makahanap pa muli ng ibang club na masasalihan. Bumuntong hininga ako at hinablot ang form tsaka pumasok sa silid. Bahala na kung ano ba itong mapasukan ko. Ang mahalaga ay magkaroon na ako ng club na hindi masyadong uubusin ang oras ko. Nang tuluyan akong makapasok sa loob ng silid ay bumungad sa akin ang dalawa pang tao na nandito. Nakaupo lang sila sa isang gildi habang nagbabasa ng mga hawak nilang libro. Saglit lang silang bumaling sa akin at tumango bilang pagbati tsaka ibinalik ang atensyon sa mga libro nila. “Have a seat,” sambit ng babaeng kausap ko kanina at iginiya ako sa mahabang mesa na nasa gitna ng silid. “I am Ichika, the vice president of this club.” Tinuro niya ang dalawa sa gilid. “That is Hiroe, the secretary. And Bye, the treasurer. May dalawa pang member ang club na ito pero bukas pa sila makakapunta dito dahil sa academic classes nila.” “I am Na–” Bahagya kong naitikom ang bibig ko dahil mababanggit ko sana ang tunay kong pangalan. “Katana Light.” “Nice to meet you.” Nginitian pa niya ako. “Anyway, please fill that form up. Para maipaliwanag ko na ang lahat ng impormasyon tungkol sa club na ito.” “Hindi ba pwedeng ipaliwanag mo muna bago ako tuluyang maging miyembro ng club niyo?” Umiling siya. “This is our procedure,” aniya. “Since you already passed our criteria to be part of this club, we can’t just let you go so fill that up if you want to know the activity that this club is doing.” Tinitigan ko siya at hindi naman siya nagpatalo hanggang sa ako na lang mismo ang sumuko pagkuwa’y bumuntong hininga. “Fine.” Mukha kasing wala na din talaga akong ibang pagpipilian. Tsaka ko na haharapin ang consequence nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD