Chapter 29

1045 Words
Nanami Yoshino (Katana) "Now what?" tanong ko kay Ichika matapos kong fill up-an ang form para maging opisyal na miyembro ng club na ito. At dahil ayaw din talaga niyang magsalita hangga't hindi kumpleto ang mga impormasyon na kailangan sa form ay wala na akong nagawa kundi pirmahan ito. "Well…" Hinablot niya ang form at matapos i-check ito ay agad siyang ngumiti pagkuwa'y itinabi ang ang form tsaka tumingin sa akin. "Once again, I am welcoming you as the newest member of this club." "Let's stop with that bullshit," sabi ko. "Tell me everything I need to know." "This club doesn't really have activities in particular," sabi niya. "We do what we want. But we have something in common and I know that you also have it. That is why I immediately accepted you without doing any traditional process." Kumunot ang noo ko. "And what is that?" Itinuro niya ang kanyang mata. "You have the sight." Lalo akong naguluhan. "Sight?" "Parasites…" "Oh my!" Marahas akong tumayo. "Parasites…" Tumangu-tango siya. "Yes," aniya. "You know, the black aura that is attached to humans." "Alam ko kung ano ang parasite!" singhal ko sa kanya. Marahas kong ginulo ang buhok ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaya pala malakas ang kutob ko na may hindi magandang bagay na mayroon sa club na ito. Kaya masama ang pakiramdam ko tungkol sa pagsali ko dito. Ahay! Ngayon ay hindi na ako maaaring umalis dito dahil opisyal na ang pagsali ko. Inis kong ginulo ang buhok ko. Damn it! Dapat talaga ay inalam ko muna ang mga bagay tungkol sa club na ito at hindi ako nagpadalos-dalos porket nagmamadali akong makahanap ng club. "Hey," tawag sa akin ni Ichika. "You don't have to react that way. Sinabi ko naman kanina na ang bawat member nito ay walang ginagawa. We do what we want to do." "But it still involves the parasites." "Yes," aniya. "But we don't deal with them." Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" "Parasites are everywhere. They are strong especially when they are against people who have a lot of issues in their lives and people like us don't have the ability to fight them," sabi niya. "And this club is founded to make use of our ability without getting us too involved." "Are you saying that I don't have to deal with it, face to face?" Tumango siya. "You just have to inform us when you see a parasite." Inilabas niya ang isang phone at inilapag ito sa mesa. "Call us when you spot a parasite. Give the exact location or the name of the person where it is attached. Then you can go." "Iyon lang?" Tumango siyang muli. "That is the only thing you will do." Well, kung iyon lang naman pala ang gagawin ay masasabi kong hindi ako tuluyang mai-involved sa kanila. I can just leave them a message or call when I spot a parasite. "Fine." Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone na iyon. "But don't expect me to hangout here." "You don't really have," aniya. "Just go here after your academic class and sign up for your attendance then you can go." "Okay." Kinuha ko ang ballpen na nasa gilid at isinulat ang pangalan ko para sa attendance tsaka lumabas ng room. Ngunit agad akong natigilan nang mabugaran si Louie na hanggang ngayon ay hindi pa din pala nakakaalis. "Louie?" Nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin ngunit parang lagpas naman ang tingin niya kaya bumaling ako sa likuran ko. "May problema pa ba?" tanong sa akin ni Ichika tsaka lumapit sa akin. At bigla na lang napaseryoso ang kanyang mukha nang makita si Louie. "Damn it!" madiin niyang bulong. "Should I go?" "Don't even try to move," aniya. "Okay na din ito para maging lesson sa iyo. But when you encounter a person who has parasites attached to his body, they will reach this certain state." "And?" "That is when they are dangerous," paliwanag niya. "It is either they will hurt you when you try to move or they will hurt themselves." "And both of those will trigger with a movement from the person standing in front of them?" Tumango siya. "Small movement is fine. Like your head or arms. But you can never move your feet no matter what happens." Hindi naman ako nakakaramdam ng takot para sa sarili ko dahil alam kong kaya kong protektahan ang sarili ko. Pero kung kikilos ako ay posibleng masaktan ang mga tao sa paligid ko. And worst, baka mamatay pa itong si Louie. "Lassy, inform the X about the situation," sabi ni Ichika. "Okay." sagot naman ni Lassy na nananatili sa loob. "So, ibig bang sabihin nito ay mananatili tayong nakatayo dito hanggang sa dumating iyong pinapatawagan mo sa kanila?" "Yeah," sagot niya. "You need to get used to this. Sigurado naman na alam mong higit na maraming parasite sa bansang ito." She is right. Halos nalibot ko na ang lahat ng lugar sa buong mundo at wala namang lugar ang hindi ko nakitaan ng parasite maliban sa isla na siyang pinagtaguan ko nang makatakas ako sa laboratory na kumuha sa akin. At sa lahat ng lugar na napuntahan ko, ang Valier Kingdom ang nakikitaan ko ng maraming bilang ng parasite. At walo sa bawat sampung tao dito ay mayroong parasite na nakasunod o nakadikit sa kanila. "Do you know the reason?" "I am not really sure but parasites are attacking people's hearts," sabi niya. "At dahil sa dami ng pinagdaanan ng bansang ito ay hindi stable ang emotion ng mga naninirahan dito. Idagdag pa na sobrang dami ng mga turista na bigla na lamang ginusto na magbakasyon dito. And most of them have broken hearts." "Then, the more broken people, the more parasites we might encounter?" "Yeah." Bumuntong hininga siya. "Kaya nga mas mahirap ang sitwasyon sa bansang ito kaysa sa ibang lugar." Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Hindi na din pala masama ang pagkakasali ko sa club na ito. Maliban sa hindi naman pala ako masyadong mai-involve sa mga nilalang na ito, madadagdagan din ang nalalaman ko tungkol sa mga ito. And it will give me an advantage for my future plan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD