Prologue
Hindi ganoon kalaki ang bayan namin. Hindi din naman ganoon kadami ang nakatira dito kaya halos lahat ay magkakakilala. At isa ako sa mga nakakakilala sa kanilang lahat dahil sa tuwing pumupunta ako sa market o kahit sa aking pagpasok sa eskwelahan ay magiliw kong binabati ang aking mga nakakasalubong.
Mababait din naman kasi silang lahat sa akin. Magiliw din nila akong binabati pabalik at minsan nga ay inaalok pa ng makakain.
Tahimik ang bayan namin kaya masasabi kong hindi ko nanaising umalis dito.
Ngunit nagbago ang lahat dahil sa isang aksidente.
Aksidenteng nagmulat sa akin sa isang katotohanang bumabalot sa mundong aking tinitirhan.
_________
“Nanami!” malakas na tawag sa akin ni Mitsubi, ang aking matalik na kaibigan. “Ano ka ba naman! Kanina pa kita tinatawag ah.” Inis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa palapulsuhan. “Ano bang nangyayari sayo?”
“Ah.” Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Dahil hindi ko din naman alam kung bakit nga ba ako huminto sa aking paglalakad at tumitig sa kabilang dako ng kalsada.
Pauwi na kami galing sa eskwelahan at si Mitsubi ang lagi kong kasabay umuwi dahil hindi din naman nagkakalayo ang tinitirhan namin.
“Nanami!” muli niyang tawag sa akin.
Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa kanya.
Bumuntong hininga siya at ginulo ang buhok. “Nagiging weird ka nitong mga nakaraang araw ah.”
“Ang weird din kasi ng nararamdaman ko this past few days,” sabi ko. “And I can’t even explain it.”
Tinitigan niya ako pagkuwa’y ngumiti. “Sa tingin ko, gutom lang iyan.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Halika, ililibre nalang muna kita para naman mawala ang pagiging weird mo.”
Hindi na ako umangal pa nang hilahin niya ako. Nakaramdam din kasi ako ng gutom at libre pa niya.
“Alam mo ba, may bagong recipe si Mommy at syempre, gusto niyang pumunta ka sa bahay para ipatikim iyon sayo,” kwento niya habang naglalakad kami. “Alam mo namang ikaw ang taste tester noon dahil sa galing ng panlasa mo.”
“Sana sinabi mo sa kanya ang plano nating sleepover sa bahay nyo sa darating na weekends.”
“Plano ko naman talaga sabihin kaso siguradong matataranta iyon at lalong walang magagawa,” aniya. “Alam mong kapag ikaw ang bibisita sa bahay ay gusto niyang laging perfect ang lahat.” Bumaling siya sa akin. “Minsan, iniisip ko na ikaw ang anak niya at hindi ako.”
“Baliw!” Pipitikin ko sana ang noo niya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko. “You are just thinking too much.”
Umiling-iling siya. “Sigurado akong mas mahal ka niya kaysa sa akin.” Binitiwan niya ang kamay ko pagkuwa’y bumaling sa dinadaanan namin. “Lagi ka nga niyang bukambibig.”
Napangiti ako. “At alam mo bang lagi ka din niyang bukam-bibig kapag kami naman ang magkasama?”
Tumigil siya sa paglalakad at bumaling sa akin. “Seryoso?”
Tumangu-tango ako. “And she is actually worried about you all the time kaya naman lagi niyang hinihiling sa akin na alagaan ka because you are her treasure. She doesn't know what to do if something will happen to you lalo na’t ang ligalig mo at karamihan sa mga ginagawa mo ay posible mong ikapahamak.”
“Bakit hindi niya ako binabawalan?”
“Ayaw ka niyang pigilan sa mga bagay na alam niyang gustong-gusto mong gawin,” sagot ko. “She wants you to experience everything dahil ayaw niyang matulad ka sa kanya na hindi na-enjoy ang pagkadalaga.”
Maaga kasing nabuntis si Tita Mitsuha sa kuya nitong si Mistubi kaya naman aaga din itong namulat sa responsibilidad. Hindi nakapag-college dahil kinailangang magtrabaho agad hanggang sa makilala niya ang tatay ni Mitsubi.
“So don’t be too harsh on your mom.” Ginulo ko ang buhok niya. “Let’s go. Siguradong hinihintay ka na noon.”
Ipagpapatuloy na sana namin ang palalakad nang muli akong makaramdam ng kakaiba sa paligid.
Agad kong iginala ang aking mga mata ngunit hindi ko alam kung ano ang dahilan noon. Pwede ko naman sanang balewalain na lamang ito dahil wala naman akong nakikitang problema sa paligid ngunit masyado akong naba-bother dito.
Na para bang may mapapahamak kapag ipinagsawalang bahala ko ito.
“Nanami?” tawag sa akin ni Mitsubi ngunit hindi ko siya pinansin.
Hanggang sa makita ko ang isang batang babae na patawid sa kalsada.
Wala itong kasamang matanda at mag-isa lang din itong naglalakad.
Wala namang kakaiba doon ngunit nanlaki ang aking mga mata nang makitang biglang naging pula ang stop light kasunod nito ang pagsulpot ng humaharurot na sasakyan.
Hindi na ako nakapag-isip ng maayos. Agad ko na lamang binitiwan ang aking mga gamit at mabilis na tumakbo upang iligtas ang bata.
Ngunit masyadong mabilis ang sasakyan at hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon nito upang makaalis sa dadaanan nito.
Kaya ang tangi ko na lamang nagawa ay yakaping mahigpit ang bata. Kasunod nito ang malakas na pagbangga sa akin ng sasakyan.
To be honest, sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari sa akin. Ni hindi ako nakaramdam ng sakit na para bang namanhid ang buong katawan ko.
At ang tanging nasa isip ko lamang ng mga oras na iyon ay ang batang babae na siyang yakap ko at pilit pino-protektahan.
Tingin ko ay nagpagulong-gulong kami sa kalsada hanggang sa tumama ang likod ko sa matigas na bagay.
Doon ko naramdaman ang matinding sakit. Mula ulo hanggang paa, na para bang maging ang mga buto ko ay nagkabali-bali dahil sa nangyari.
Nagsisimula na ding lumabo ang paningin ko pero pilit ko itong nilalabanan dahil gusto kong malaman kung ano ang lagay ng bata.
“A-ate?” Dahan-dahan itong gumalaw sa pagkakayakap ko at iniangat ang kanyang ulo upang tingnan ako. “O-okay ka lang po ba?”
Hindi ko alam kung paano ba sasagot. Hindi ko din naman magawa dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Pero nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala siyang tinamo na kahit anong seryosong pinsala.
Dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay tsaka pinahid ang kanyang pisngi na siyang nababasa ng luha.
“A-ate!” Kumalas siya sa pagkakayakap ko at bumangon tsaka hinawakan ang kamay ko. “Tulong! Tul--”
Hindi ko na marinig kung ano ang nangyayari sa paligid. May isinisigaw ang bata pero hindi ko iyon marinig.
Bahagya ko na lamang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay hanggang sa tuluyan akong lamunin ng dilim.