Chapter 02

1059 Words
One year has passed.   I already got back on my feet. Maayos na akong nakakalakad, wala nang nakitang problema ang mga doktor sa katawan ko. I already finished all of my therapy sessions and the doctor already declared that I am already fit to do everything I want.   Even playing physical activities.   But even if I want to go back to the life that I have before, I know for sure that I can’t. Not after what I have done for the whole year.   Not after I push away everyone who is dear to me.   And I choose to live alone. Different from what I used to be.   Pero alam kong mas makakabuti ito.   Manatiling malayo at mailap sa lahat kaysa muli ko na naman silang masaktan dahil sa takot na aking nararamdaman.   And because of that choice of mine, I am now the most hated person in our town.   Iniiwasan at kinatatakutan na ako ng mga taong noon ay kaibigan ko. And I am fine with that.   Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lamang sa bahay namin. At ang may gawa noon ay ang aking ama.   “Iniintindi kita dahil sa aksidenteng nangyari sayo na muntik mo nang ikamatay pero hindi na tama ang mga ginagawa mo.” Muli niya akong sinampal ngunit hindi ako nag-abalang tumingin sa kanya. “Pero masyado mo nang inaabuso ang pag-unawa na ginagawa namin sayo.”   “Anak.” Hinawakan ng aking ina ang mga kamay ko “Please, huwag naman sanang umabot pa sa ganito ang lahat. Mag-sorry ka nalang sa daddy mo.”   Hindi ako sumagot at agad hinila ang kamay kong hawak niya.   They can do whatever they want. Kahit ano naman kasi ang mangyari ay hindi na muling maibabalik ang nakilala nilang anak noon. At kung hindi nila kayang tanggapin ang pagbabagong nangyari sa akin ngayon, wala din akong magagawa.   It’s not like I wanted it. But even if I told them everything, they will never believe me. Hindi nila maiintindihan ang pinagdadaanan ko kahit pa sabihin ko ito sa kanila.   “Anak.”   “Do what you want.” malamig kong sabi. At sa ikalawang pagkakataon ay muli akong nakatanggap ng sampal mula sa aking ama.   “Hindi ko alam kung ano ang pagkakamaling nagawa namin para maging ganyan ka.” Narinig ko ang pagpiyok ng kanyang boses at kaya ipinikit ko ang aking mga mata.   Alam kong ako lang din ang masasaktan kapag nakita ko ang malungkot niyang mga mata dahil sa akin.   Huminga ako ng malalim. “You already said before, nagbago na ako at hindi niyo iyon kayan tanggapin. Hindi ko na din naman kayo pinipilit pang intindihin ako kaya pwede bang pabayaan nyo na lang ako?” Dumilat ako at dahan-dahang iniangat ang ulo ko pagkuwa’y binigyan sila ng malamig na tingin.   Ayokong makita nila kung ano ang talagang nararamdaman ko dahil siguradong mas lalo lang silang masasaktan. Mas lalo lang gugulo ang pamilyang ito na noon ay napakasaya.   “Ah.” Tumangu-tango siya. “Gusto mong hayaan ka namin? Well, ibibigay ko ang gusto mo.”   “Hon,” Hinawakan ng aking ina ang braso ni Daddy na para bang pinipigilan ito.   Pero alam kong desidido na si Daddy sa kung ano man ang kanyang sasabihin.   “Mas mabuti pang humiwalay ka na sa amin.” madiin niyang sabi. “Ipapadala kita sa kapatid kong nasa Valier Kingdom. Doon, hindi ka namin pakikialaman at lalong hindi ka pakikialaman ng tita mo basta’t siguruhin mo lang na gagawin mo ang mga gawaing ibibigay niya sayo.”   “Okay.” walang gana kong sabi at agad silang hinawi para makadaan ako. “I will start packing my things.”   “Hindi ka man lang tututol?!” sigaw ng kapatid ko.   “Nagdesisyon na si Dad,” sabi ko. “Tumutol man ako o hindi, alam kong nakahanda na ang lahat sa pag-alis ko.” Tuluyan ko na silang iniwan doon at pumasok sa kwarto ko.   Nang maisara ko ang aking pinto ay sumandal ako dito. Pinadulas ko ang aking likod hanggang sa tuluyan akong mapaupo sa sahig habang nakatakip ang bibig at pinipilit na hindi makagawa ng kahit anong ingay habang umiiyak.   Ito ang unang pagkakataon na mapapalayo ako sa pamilya ko. Pero wala akong magagawa kundi panindigan ito.   Mahal ko sila pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon para lumakas ang loob ko na harapin nang walang takot ang mga kakaibang bagay na aking nakikita sa paligid.   Magiging madali sana ang lahat eh. Kung kahit isa man lang sa kanila ay sasabihing naniniwala sila sa akin. Kahit pagpapanggap lang at handang makinig sa lahat ng takot na aking nararamdaman sa bawat araw na kailangan kong lumabas sa bahay na ito at harapin ang mga nilalang na iyon.   Pero wala. Wala ni isa sa kanila ang handang dumamay sa akin.   Kaya mas makakabuti na din ito.   Huminga ako ng malalim tsaka pinunasan ang aking luha.   Sa lugar na lilipatan ko, wala na akong mapeperwisyo.   Hindi ko kailangang makisama at walang makikialam sa akin.   Mas makakabuti ito para sa lahat.   __________   Hindi na ako inabot pa ng isang linggo sa bahay namin dahil makalipas lang ng dalawang araw matapos sabihin sa akin ni Daddy na ipapadala niya ako sa kapatid niya ay agad niyang ibinigay sa akin ang plane ticket na nakatakdang umalis ng bansa kinabukasan.   Kaya naman heto ako ngayon, naghihintay sa tuluyang paglipad ng eroplanong sinasakyan ko paalis sa bansang ito. Palayo sa pamilya ko.   Hindi na sila nag-abala pang ihatid ako papunta dito sa airport. Ni hindi na din nag-abala si Daddy na magpaalam sa akin at naiintindihan ko naman iyon.   Tanging si Mommy lang at ang bunso kong kapatid ang naluluhang nagpaalam sa akin ngunit tulad ng lagi kong ginagawa ay hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon hanggang sa makasakay ako ng taxi.   Pero palihim ko silang tinatanaw mula sa rearview mirror at mag-isang umiiyak. At the same time ay nakahinga ng maluwag dahil nakita kong sa pag-alis ko ay siya ding pagkawala ng mga kakaibang bagay na nakapalibot sa kanila.   Ako lang talaga ang may problema. Kaya dapat lang talaga na umalis ako dito.   Nang sa gayon ay maging matiwasay muli ang kanilang buhay at maging malayo sa mga kakaibang bagay na siyang pumapalibot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD