Chapter 03

2642 Words
Her Pov "Miss!" Mabilis akong dumilat at bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Nakatunghay ito sa akin at para bang pinagmamasdan ako. Agad kong iginala ang tingin sa paligid at doon lang ako nakampante nang makitang wala namang kahina-hinala sa paligid. "Nagising din sya sa wakas." mahina nyang sabi. "Anong ginagawa mo?" malamig kong tanong sa kanya tsaka bumangon. "Yosh. Marunong pala ng language namin. Hindi ako mano-nosebleed." muli nyang bulong tsaka tumingin sa akin. "Well, I'm just a concern citizen na nag-abalang gisingin ka dahil para kang binabangungot kanina." aniya. "At hindi ko naman nagawang lumayo sayo kasi hawak mo ang kamay ko." Doon ko lang napansin ang pagkakahawak ko sa kamay nya kaya mabilis ko iyong binitiwan. "Hmm. Mukhang okay ka na kaya mauuna na ako sayo." Tumayo na sya. "Anyway, nakita ko sa ticket mo kanina na sa Expo Line ka din at aalis na iyon in less than 5 minutes." At tuluyan na syang tumakbo palayo sa akin. Sinundan ko nalang sya ng tingin. Nakita ko syang lumapit sa isang nakasimangot na lalaki at isang babae na tila pinapagalitan sya. Saglit lang syang nagpaliwanag pagkuwa'y hinila na nya papasok ang mga kasama. Bumuntong hininga ako at ibinaling ang tingin sa kamay ko. Kakaiba kasi ang naramdaman ko habang hawak ang kamay ng lalaking iyon. Liwanag. Init. Buhay. Tatlong salitang matagal nang nawala sa pagkatao ko. Tatlong bagay na imposible nang bumalik sa akin. Muli akong bumuntong hininga tsaka tumayo bitbit ang mga gamit ko. Mas makakabuti kung lalayo muna ako sa lugar na iyon. Hindi na maganda ang nangyayari sa akin eh. ********** Vierra Ryougi's Pov Sinabihan kitang agahan ang dating para makahanap agad tayo ng mapaglalagyan ng gamit." panay ang reklamo ni Xhylem habang inaayos ang mga gamit namin. "Ikaw pa naman ang may pinakamaraming dala." "Lem, huwag ka nang magreklamo dyan. Alam ko naman na hindi mo din ako matitiis." Binigyan sya ng matamis na ngiti ni Ashen nang samaan nya ito ng tingin. Tinawanan ko lang sila. Hindi ba bago sa magkapatid na ito ang magbangayan sa kahit na anong lugar kaya pinabayaan ko nalang sila. "Oo, alam nyong hindi ko kayo matitiis kaya inaabuso nyo ako." Naupo na sya sa tabi ko matapos nyang ayusin ang mga gamit namin tsaka bumaling sa akin. "Kung makapagdala ka naman ng mga gamit mo, kulang nalang ay maglayas ka na ng tuluyan sa bahay nyo." Muli akong natawa. Ako naman ang pinagdiskitahan ng lalaking ito. "Kung pwede nga lang noh. Tapos dito na tayo sa Canada titira." "Huwag mo akong isama." sabat ni Ashen na nakaupo sa kaharap kong upuan. "Mas gusto ko pa din sa Japan kaya iyang si Lem nalang ang isama mo." "Nah. Mas gusto ko din sa Japan." sabi ni Xhylem na ikinasimangot ko. Mabilis kong ipinulupot ang braso sa leeg nya at bahagya syang sinakal. "Ano? Pababayaan mo akong mag-isang tumira dito sa Canada?" "f**k! Get off me, Vier!" Pilit nyang inaalis ang braso ko sa leeg nya pero syempre, hindi ako papatalo sa kanya kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kanya. "s**t! Hindi na ako makahinga." "At mas lalo kang hindi makakahinga kapag hindi mo tinigilan iyang pagmumura mo." banta ko sa kanya. "Bitiwan mo na kasi ako." inis nyang sabi. "Nah. Hindi mo pa nga sinasabi ang magic word eh." Inilapit ko pa ang bibig ko sa tenga nya at kinagat ito. "Bilis. Magsalita ka na." "Aray! Bitaw na kasi!" "Magic word nga kasi." Pabebe talaga ang isang ito kahit kailan. Gusto pang pinipilit eh. "Oo na nga, Hindi kita iiwan kahit na iwan ka pa ng buong mundo." "Really?" "Promise. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari." This time, binitiwan ko na sya. Hindi ko kasi kinaya iyong kaseryosohan ng boses nya. "Oo na. Alam ko naman iyon." Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana. Anyway, I am Vierra Maxine Ryougi, 19 years old at isang haponesang tagapagmana ng isang Yakuza Clan sa Japan. Well, only child kasi kaya automatic na ako ang magmamana sa pinaghirapan ng buong angkan ko. Sa totoo lang, ayoko talagang sundan ang yapak ng mga magulang ko pero hindi ko din sila kayang biguin sa bagay na gusto nilang mangyari sa buhay ko kaya pikit mata kong tinanggap ang posisyong iyon. Pero bago ko ikulong ang sarili ko sa madilim na kapalaran ng yakuza boss, sinusulit ko na ang kalayaan ko. Hiningi ko sa kanila na maglilibot ako sa buong mundo kasama ang aking dalawang kaibigan na sina Xhylem Aozaki, Lem for short and Ash Erien Aozaki, Ashen for short. Bata palang nang iwan sila ng mga magulang nila sa tapat ng bahay namin. Kinupkop sila ng mga magulang ko pero si Xhylem lang ang lumaki sa main residence namin sa Tokyo. Habang si Ashen ay dinala sa Nagazaki para doon i-training. Pero madalas kaming bumisita kaya hindi nawala ang closeness nila. Si Xhylem ay naging close ko din dahil sa lahat ng kinupkop ng pamilya ko, sya lang ang hindi takot na magalit sa'kin kapag nagkakamali ako. Sinisigawan nya ako kapag may kasalanan ako sa kanya at sinasabayan ako sa kalokohan kapag wala kaming magawa. He treat me like how he treat the others kaya naman talagang napalapit ako sa kanya Pero hindi simpleng paglilibot sa buong mundo ang ginagawa namin. Naatasan din kaming hanapin ang isang mahalagang bagay na ninakaw sa angkan namin 20 years ago. Masyadong mailap ang mga nagnakaw nito kaya hanggang ngayon ay wala pa ding clue kung saan ito makikita. "Ashen. Sino iyong babaeng kausap mo kanina?" tanong ko kay Ashen. Nagkibit balikat sya. "I don't actually know her. Ginising ko lang kasi para syang binabangungot." aniya. "Kaso ang weird." "Paano naging weird?" tanong ni Xhylem. "Hindi naman sya iyong weird kundi iyong naramdaman ko nang makit asya. Para kasing may kung anong pwesa ang nagtulak sa akin na lapitan ang babaeng iyon nang makita ko syang natutulog at hanggang ngayon ay hindi ko pa din maiwasang hindi isipin ang itsura nya." "Then, why did she hold your hand?" Hindi sya sumagot at bumaling sa kamay nyang hinawakan ng babaeng iyon. "Kakaiba sa pakiramdam." aniya. "Sobramng kakaib at aaminin kong kinilabutan ako. Ito kasi ang unang beses na nakaramdam ako ng ganoon ng dahil lang sa pagkakadikit ng mga palad namin." "Anong naramdaman mo?" "Kadiliman, lamig, kamatayan." Tumingin sya sa'min. "Tatlong bagay na nakita at naramdaman ko nang mahawakan sya. Tatlong bahay na tingin ko ay matagal ng iniikutan ng kasalukuyan nyang buhay." "Weird nga." sabi ko. "Baka soulmate mo kaya bigla kang nakaramdam ng ganyan. Or kilala mo sya sa previous life kaya mo nasasabi iyan." Nagkibit balikat nalang sya uli at bumaling sa bintana. "Hindi ko din alam. Just don't mind what I said." Hindi na ako nangulit pa at tumingin nalang din sa labas ng bintana. Mukhang nakasakay na ang lahat ng pasahero dahil gwardiya nalang ang nakikita ko sa labas nitong tren. At ilang sandali lang, naramdaman ko na ang pagbuhay sa makina ng sinasakyan namin hanggang sa tuluyan itong umandar paalis sa estasyong ito. "Vier, wala ka pa din bang planong simulan ang paghahanap sa bagay na ipinapahanap ng mga matatanda?" tanong sa akin ni Xhylem. "You know that we only have 1 year for that or else, iyong 3 years na hinihingi mong bakasyon, mawawala." Now that he mention that thing, napabuntong hininga nalang ako. "Sa totoo lang, wala akong planong hanapin ang isang bahay na may dalang panganib sa'tin. Pinag-aagawan ng iba't-ibang grupo ang sandatang iyon at nasisiguro kong kapag nakuha natin iyon at hindi sila magdadalawang isip na muli iyong bawiin. Baka maubos na ang buong angkan kapag umabot tayo sa ganoon." "Pero alam naman natig inaasanhan nila ang pagbabalik noon sa angkan nyo. Anong sasabihin mo sa kanila kapag bumalik na tayo?" Umiling ako tsaka muling bumuntong hininga. "I don't really know. Pero sa ngayon, hayaan muna natin." "Mas lalo mo lang binibigyan ng problema ang sarili mo." Bumaling ako sa kanya. "Alam mo ba ang plano ko kapag ako na ang naging boss ng grupo?" Kumunot ang noo nya. "May pinaplano kang hindi maganda." Ngumiti ako. "Hindi talaga maganda iyon para sa matatanda pero para sa akin at sa mga susunod na generation, isang magandang plano iyon." Naging seryoso ang mata nyang diretsong nakatingin sa akin. "Huwag mong sabihing plano mong wasakin ang pinaghirapan ng magulang mo?" Mabilis akong tumango. "Iyon lan ang nakikita kong paraan para maging malaya ako at ang mga susunod sa atin." "Ipapahamak mo lang ang sarili mo. Kapag nalaman nila iyan, kahit ikaw pa ang tagapagmana ay hindi sila magdadalawang isip na ipapatay ka." "Yeah. Kaya nga sayo ko lang sinasabi ito sayo dahil malaki ang tiwala ko sayo." Inihilig ko ang ulo sa balikat nya. "Ayokong makulong sa isang buhay na hindi ko pinangarap kahit kailan. Gusto kong maging malaya kasama ka." Hindi sya sumagot pero hinawakan nya ang kamay ko. Mahal ko si Xhylem at alam kong ganoon din ang nararamdaman nya para sa akin pero dahil sa batas ng angkan namin, hindi ami pwedeng dalawa. Itong pagkakaibigan na meron kami ay posible ding matapos kapag ako na ang naging boss. At iyon ang ayokong mangyari. Lalabanan ko ang sarili kong angkan nang sa gayon ay maging malaya akong ipaalam kay Xhylem ang nararamdamna ko. Nang sa gayon ay maging malaya kaming dalawa na magsama sa hinaharap. ********** Her Pov Nagising ako nang makarinig ng sigawan hindi kalayuan sa inuupuan ko. s**t lang huh! Wala pa akong tulog mula kagabi. Parati nalang bang maiistorbo ang tulog ko? Inis kong ginulo ang buhok ko tsaka tumayo para silipin ang pinang-gagalingan ng ingay. Oo na, ako na ang tsismosa. Eh nakakabwiset na. Halos lahat din ng kasama ko sa bagon ng train na ito at nakikiuusyuso din sa nangyayari. Nandoon kasi sa tapat ng comport room nagkakagulo. Hindi ko masyadong matanaw ang eksaktong nangyayari dahil sa dami ng taong nasa unahan ko kaya naisipan ko nang lumapit. Sumingit talaga ako sa kanila hanggang sa makarating ako sa unahan. Doon ko nakita ang dalawa sa crew ng train na ito na pilit pinipigilan ang isang lalaking nagwawala. Nakadapa na ito at sumisigaw na para bang nasasaktan. "What happen?" tanong ko sa katabi ko. Pareho kasi sila ng suot na uniform so I assumed na magkakilala sila. Umiling-iling sya. Bakas ang pag-aalala habang nakatingin dun sa lalaki. "We don't know. Maayos naman sya kanina nang dumating kami dito." "Nangungulit pa nga sya kanina at napagtripang kunin ang isang can soda na iniinom ng isang babae bago sumakay dito." dagdag nng isa pa yata nilang kaibigan. Kung maayos naman pala sya kanina, baka nag-iinarte lang iyan. Tsk. Wala naman palang kwenta. Napailing nalang ako at akma na sanang babalik sa inuupuan ko nang biglang tumigil sa pagwawala ang lalaki. Para itong anwalan ng malay. Mabilis naman itong inasikaso ng mga crew pero pare-pareho kaming nagulat at napaatras nang bigla itong dumilat at kagatin sa leeg ang babaeng crew na tumutulong dito. Muli na namang nagkagulo dahil kahit ang mga kabigan ng lalaking iyon ay umawat na. Nakita ko kung paano sumama ang balat ng crew sa ngipin ng lalaking iyon at kung paano sumirit ang dugo mula sa leeg nito. Masama na ang kutob ko dito at nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ang kabuuan ng mukha ng nagwawalang lalaki. Lalo na ang mga mata nya. Shit! This can't be happening! Mabilis akong tumakbo pabalik sa kinauupuan ko kanina pero hindi iyon naging madali dahil sa mga taong nananatiling nakikiusyoso. Damn it! Kailangan kong makalapit agad sa gamit ko bago pa lumala ang sitwasyon! "Aaaaahhh!" Shit! Huli na ako! Ash Erien Aozaki's Pov Nagising ako sa malakas na sigaw mula sa kabilang bagon nitong tren na sinasakyan namin. "Anong nangyayari?" "Nagkakagulo sa kabila." ani Xhylem habang tinatanaw ang nangyayari sa kabila. "Parang may nag-aaway yata." May dalawang sliding door kasi na nanghihiwalay sa bawat bagon pero transparent iyon kaya nakikita ang nangyayari sa kabila. "Nasaan ba ang mga crew ng train na ito? Bakit hindi nila ayusin ang problema sa kabila?" inis na sabi ng matandang nakaupo sa tabi ko. Pare-pareho kaming napatayo nang humahangos na pumasok sa bagon namin ang mga pasaherong nasa kabilang bagon. Ang ilan sa kabila ay may dugo sa mga damit pero halata namang hindi kanila iyon. Lumapit ako sa isa sa kanila. "Anong nangyari?" "Z-zombies. Naging zombies ang mga tao sa kabila." nanginginig nitong sabi habang bakas ang matinding takot sa mga mata. "What? Zombies?" Bumaling ako kay Xhylem nang hawakan nya ang kamay ko. Katabi din nya si Vierra. "Zombie does not exist in reality." "Stop it, Lem." pigil ko sa kanya. Kumunot ang noo nya at tumingin sa'kin. "Don't tell me, naniniwala ka?" Umiling ako. "I know, sa movies or books lang iyan pero siguradong may hindi magandang nangyari sa kabilang bagon. Don't talk to him like that." Hindi ko alam kung nagsasabi ba ito ng totoo pero bakit sya magsisinungaling gayong nanginginig pa din ang buong katawan nya? "Yeah. Kaya hindi kayo aalis sa tabi ko." aniya tsaka ako iniupo. "Hindi natin sila obligasyon." Hindi na ako sumagot. Alam kong gusto nyang tumulong pero kailangan nyang unahin ang kaligtasan ni Vierra. Sya kasi ang nagsisilbi nitong bodyguard habang wala ito sa Japan habang ako naman ay sumama lang sa kanila dahil matagal na din kaming hindi nagkakasamang magkapatid. "Isara nyo ang pintuan!" Isara nyo!" sigaw ng isang pasaherong galing sa kabilang bagon. Nagmadali ang ilan para makalapit sa pintuan pero pare-pareho ding natigilan nang makapasok ang isang lalaki. Mapula ang mga mata nito, may sariwang dugo ang lumalabas sa bibig nito. May malaking sugat din ito sa leeg at nangingitim ang mga kuko. Hindi steady ang pagkakatayo at parang bali pa yata ang kanang braso. Geez! Ganito ang itsura ng zombies sa napapanood kong movies! Pero tulad ng sinabi ni Xhylem, hindi sila nag-eexist. Napahawak ako sa braso ni Xhylem habang dahan-dahang inaabot ang bag ko. Hindi na maganda ang pakiramdam ko dito at nagsisimula ko na ding isipin na talaga nga namang zombie itong nasa harap namin. At kung talagang zombie ito, siguradong nasa panganib ang buhay namin. Walang kumilos. Nakikiramdam sa susunod na mangyayari. "Aaaahhh!" sigaw ng isang babae mula sa likod ng zombie pagkuwa'y isa pang babae sa likod nito ang biglang sumulpot at kinagat ito sa ulo. Nanlaki ang mata ko nang masaksihan kung paano matanggal ang balat nito sa ulo kasabay ng pagsirit ng dugo. Damn! Zombie nga ang mga ito! Iyon din ang naging cue para magsimulang magkagulo sa bagon namin at ang unang naisip ng lahat ay tumakbo papunta kabilang bagon. Mabilis kong hinawakan sina Xhylem at Vierra para makatakbo pero dahil sa pagkakagulo ng mga kasama namin dito ay nabitiwan ko sila at naitulak pa pahiga sa inuupuan namin. Hindi agad ako nakakilos dahil sa pagtama ng ulo ko sa bintana. Nanatili lang akong nakahiga habang pilit iniinda ang sakit. Hindi ko na din alam kung ano nang nangyayari sa paligid ko dahil sa sobrang pagkakagulo sinabayan pa ng pagkahilo at panlalabo ng paningin ko. Shit! Hindi ako pwedeng mawalan ng malay dito! Pinipilit ko ang sarili kong manatiling gising at tumayo para makatakbo papunta sa kabilang bagon pero sarili ko nang katawan ang bumibigo sa akin. At bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko ang zombie. Palapit ito sa'kin at anumang oras ay siguradong kakagatin na ako. Ito na ba ang katapusan ko? Hindi ko man lang ba magagawa ang mga bagay na gusto kong gawin? Hindi ko ba magagawang makapagpaalam kina Xhylem? Ipinikit ko nalang ang mata ko. Wala na yata akong magagawa kundi tanggapin ang kapalaran ko. Sa ganitong paraan talaga ako mamamatay. "Magpapaalam ka agad sa susunod para walang ibang naoobligang iligtas ka." Iyon ang huling salitang narinig ko bago tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD