Isang buwan.
Ganyan na din katagal ang lumipas mula nang mangyari ang aksidente.
At ito ang huling araw na mananatili ako dito sa hospital.
Ayon sa doktor, nang madala ako dito ay agad nila akong isinalang sa operasyon dahil sa dami ng organs na na-damage ng mga buto kong nagkabali-bali dahil sa aksidente.
Makailang beses din daw akong nag-flat line habang inooperahan at muntik na talagang mamatay kung nagkataon na tumigil agad ang isa pang doktor na i-revive ako.
Matapos naman nila akong operahan ay nanatili pa akong comatoes ng dalawang linggo. At nang magising naman ako ay makailang beses akong tinurukan sedatives para lang matigil ako sa pagwawala ko.
At tinigilan lang nila ang pagturok nito sa akin nang lumipas ang isang linggo dahil tinigilan ko na din ang pagwawala ko lalo pa’t iniisip nilang nababaliw ako.
Maayos na naman ang lagay ko ngayon kaya pinayagan na akong ma-discharge pero hindi pa ganoon kagaling ang mga bali ko sa katawan kaya naka-cast pa ang dalawang binti ko at ang kanang kamay ko. May neck brace pa din ako at kailangan pang maupo sa wheelchair ng mga ilang linggo.
Kailangan kong magpabalik-balik sa ospital para sa mga check up ko at kapag tuluyan nang maalis ang mga cast ay doon naman magsisimula ang physical theraphy upang hindi mabigla ang mga buto ko.
Bumuntong hininga ako habang nakatitig sa labas ng bintana.
Sa kabila ng mga nangyari sa akin ay nanatili akong buhay. Isa iyong magandang balita kaya naman dapat ay maging masaya ako dahil nangangahulugan lang nito na hindi ko pa oras pero hindi iyon ang nararamdaman ko.
Mas pipiliin ko pa ngang mamatay kaysa maranasan ang lahat ng ito.
At sa totoo lang ngayon ko pinagsisisihan ang pagliligtas sa batang iyon.
Oo, natulungan ko siya at maipagpapatuloy pa niya ang buhay nya pero kailangan bang magdusa pa ako kapalit ng maayos na buhay para sa batang iyon?
Makailang beses ko pang sinisi ang mga doktor dahil pilit pa nila akong iniligtas hanggang sa wala na akong choice kundi tanggapin ang tadhana ko. At habang nabubuhay ako ay hindi mawawala ang mga bagay na aking nakikita sa paligid ko.
“Nanami,” tawag sa akin ng aking ina na nag-aayos ng mga gamit namin.
Hindi ako nag-abalang tumingin sa kanya at nanatili lamang na nakatitig sa labas ng bintana.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. “Alam kong hindi madali ang mga pangyayaring ito sa buhay mo. Muntik ka nang mamatay at may posibilidad ka pang hindi makalakad pero sana naman ay hindi ka mawalan ng pag-asa.”
“What do you know?” walang gana kong sabi tsaka bumaling sa kanya. “Hindi ba’t ikaw ang nagpipilit at nagsasabi sa mga doctor na nababaliw ako?” At ikaw din ang nagsabi sa kanila na takutin akong dadalhin sa mental kung hindi ako kakalma at titigil sa mga sinasabi ko?”
“Pero--”
“At hanggang ngayon ay iniisip mong nababaliw ako!” sigaw ko. “Wala kang alam! Wala kayong alam!”
Namuo ang kanyang mga luha kaya agad kong ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.
“Ikaw ang nagluwal sa akin at kilala mo ako.” madiin kong sabi. “Kaya dapat ay alam mong wala akong dahilan para magsinungaling at wala sa ugali ko ang gumawa ng kwento.”
“Anak, hindi naman sa hindi ako naniniwala.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Pero nalagay ka sa bingit ng kamatayan. Maaaring pinaglalaruan ka lamang ng utak mo dahil masyado din iyang na-apektuhan ng pagkakabangga mo.”
Marahas akong tumingin sa kanya at agad binawi ang kamay ko. “Sana nga! Sana ganoon na lang talaga ang sitwasyon pero hindi!”
Nanlaki ang mata ko nang may mapansin akong itim na aura sa bandang balikat niya.
Agad akong nakaramdam ng takot kaya mabilis kong ipiniti ang aking mga mata at itinulak ang aking ina.
“L-lumayo ka sa’kin!” sigaw ko. “Lumayo ka sa akin!”
Muli akong humiga sa kamay at nagtalukbong ng kumot.
Hindi imahinasyon ang mga nakikita ko. Hindi ito isang halusinasyon lamang. Totoo sila. Totoo ang lahat ng ito.
Ahhh!
__________
I stopped talking to anyone the moment I got out of the hospital.
I also stopped accepting visitors and told my family to stop sending them to my room. Maging sila ay sinasabihan kong huwag papasok sa loob ng kwarto ko kung wala naman silang kailangang gawin.
I know I am being rude lalo na’t sa kabila ng mga ipinapakita kong ugali sa kanila ay patuloy pa din nila akong inaalagaan at inaalalayan sa mga daily routine ko. Kahit ang pagbalik ko sa ospital para sa regular check up ko, maging sa physical therapy ko.
But what can I do?
I am scared of everything around me. Scared of those black aura that I kept seeing around, clinging to every last person I know.
“I can’t take it anymore.”
Marahas akong bumangon nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at bumungad ang galit na mukha ni Mitsubi. “W-what are you doing here.”
“Nandito ako matigil ka na sa kabaliwan mo!” galit niyang sabi. “I don’t know why you are acting that way. I don’t care why you are scared whenever someone is trying to approach you and I don’t care at all but this has to stop.”
“You don’t know what I am experiencing.”
“Yes, I don’t.” aniya “But you don’t also know what I am feeling the moment I saw you getting hit by that car. I witnessed how you almost died, Nanami.”
“And I wish I just stayed de--” Napatigil ako sa pagsasalita nang umigkas ang kanyang kamay sa pisngi ko.
She slapped me real hard. At ramdam ko pa ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sakit.
“They are really right.” Narinig ko ang pagpiyok ng boses niya na nangangahulugang pinipigilan niyang maiyak. “Nagbago ka na nga. Dahil sa aksidenteng iyon, nawala ang kaibigan ko.”
Yumuko ako dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kakayaning makita ang pagluha ng pinakamatalik kong kaibigan.
“I wish you didn’t do that, Nanami.” mahina niyang sabi. “Call me heartless or what pero hinihiling ko talaga na hindi mo nalang sana iniligtas ang batang iyon. Nandito ka nga sa tabi namin pero hindi iyon ang pinaparamdam mo.”
Itinapon niya sa harap ko ang bracelet na binigay ko sa kanya noong mga bata pa kami.
Mayroon din ako ng bracelet na iyon at tanda iyon ng aming pagkakaibigan. And now that she’s giving it back to me.
“I am tired of being your best friend.”