Chapter 44

1261 Words
Nanami Yoshino (Katana) Isang malawak na field ang bumungad sa akin nang marating ko ang gitna ng simenteryo. Sa gitna ng field na ito ay mayroong nag-iisang libingan na napalilibutan ng dilaw na bato. At kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang citrine stone na kailangan kong kunin at dalhin pabalik para ibigay kay Lychee. Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko naman inaasahan na ganito pala kadami ang kailangan kong kunin. Mabuti na lamang at may dala akong bag at tingin ko ay kakasya naman ang lahat ng iyon dito. Iginala ko ang tingin sa paligid at may nakita din akong piko na siyang magagamit ko para pagpira-pirasuhin ang mga bato dahil malalaking bitak lamang ang mayroon dito. Ngayon ay alam ko na kung bakit hanggang pagsikat ng araw ang time limit sa pagkuha sa mga batong ito.Kakailanganin ko pang minahin ito. Bumuntong hininga ako tsaka inilapag sa isang gilid ang bag na dala ko at kinuha ang piko. Mas mabuti nang simulan ang trabaho nang sa gayon ay makabalik na ako doon at matapos na ang lahat ng ito. Bumaling ako sa libingan na pinalilibutan ng mga batong ito. “Hope.” Iyan ang nakasulat na pangalan sa lapida ng libingan. Iyan lang at wala nang kahit na ano kaya hindi ko sigurado kung iyan ba ang pangalan ng nakalibing dito o isa lamang iyang markings, “Well, whoever you are,” sabi ko. “Ngayon pa lang ay hihingi na ako ng sorry dahil magiging maingay ako sa gabing ito. Kailangan ko kasi ang mga ito kaya sana ay huwag mo akong multuhin, okay?” At hindi naman ako nag-e-expect na may sasagot sa akin kaya matapos iyon ay sinimulan ko na ang pagpipiko sa mga bato. At natutuwa ako dahil hindi naman ganoon katigas ang mga ito. Isang bagsak lang kasi ng piko na gamit ko ay agad na itong nabibitak. Ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sa bawat batong ito. Medyo mainit ito kapag hinahawakan ko at lalo pang tumataas ang temperatura nito habang tumatagal sa kamay ko kaya naisipan ko nang masuot ng gloves para safe sa akin. Mabilis kong natapos ang unang batch at nilagay ko na agad iyon sa bag ko. At nang muli akong bumaling sa mga citrine stone ay bahagya akong natigilan dahil nakita kong marami-rami pa ang aking miminahin. Kaya napabuntong hininga ako pagkuwa’y nag-inat. “Sana lang ay matapos ko ito bago pa ako abutin ng liwanag.” ___________ Ash Eiren Aozaki’s Pov “It was you, right?” biglang sabi ni Lychee nang makaalis si Katana kaya bumaling ako sa kanya. “Ikaw talaga ang may kailangan sa impormasyon tungkol sa Kuchizuke Sword. Ikaw talaga ang tunay na tauhan ng mga Ryougi at hindi si Katana, hindi ba?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Magbabago ba ang ipinangako mo kay Katana kung sasabihin kong tama ka?” Tinitigan niya ako at hindi naman ako nagpatalo sa kanya. Sinalubong ko ang kanyang tingin hanggang sa siya na mismo ang sumuko at bumuntong hininga na lamang. “Si Katana ang nakipag-usap sa akin kaya hindi magbabago ang napagkasunduan kahit pa may involvement ka dito.” “Good to hear that.” Ibinalik ko ang tingin kay Katana na nag desisyon na sa ibabaw na lamang ng mga nitso dumaan siya sa mismong daanan. Mas magiging madali nga iyon dahil hindi na niya kakailanganin pang magpaikot-ikot para lang marating ang kanyang destinasyon. Isang diretso na lang dahil matatanaw niya agad ang gitna ng simenteryo kung doon siya sa itaas dadaan. “But I am curious,” aniya. “Bakit kailangan nyo pang idamay si Katana sa trabaho nyo?” Bumuntong hininga ako tsaka bumaling sa kanya. “Because I can see that you are interested in her.” “Oh.” Tumangu-tango siya. “You use her because you clearly see that I need something from her.” Nagkibit balikat ako. Ayaw kong i-deny at ayaw ko ding kumpirmahin kung ano ang hinala niya. Besides, hindi ko gusto ang salitang ginamit niya. I didn’t use Katana. I asked for her help and it is not like I didn’t give her a chance to choose for what she wants. Hindi ko naman siya pinilit na gawin ito. At sa totoo lang ay nag-aalangan ako dito dahil nga alam kong may gustong makuha itong si Lychee sa kanya. Pero siya pa din naman ang nagdesisyon na tanggapin ang tulong na hinihingi namin sa kanya. “Fine,” aniya. “I won’t ask about that. Sigurado kasing hindi ka din magbabanggit sa akin ng kahit ano tungkol sa koneksyon nyo ni Katana.” “Mabuti at alam mo.” Inirapan ko siya. Well, I don’t have anything personal against him. Sadyang mainit lang ang dugo ko sa kanya dahil sa pagiging clingy niya kay Katana nitong nakaraan. Lalo na iyong pakikipag-usap niya dito sa tuwing nagkakasalubong sila na para bang tuwang-tuwa pa siya. “But I do have one thing to confirm from you.” Kumunot ang noo ko at muling bumaling sa kanya matapos niyang sabihin iyon. “What do you want from me?” “Well, I have a deal with you,” sabi niya at bahagyang lumapit sa akin. “The information that you want from me is the location where the Kuchizuke Sword was brought after it was displayed in First Kei University, right?” Tumango ako. “I can give you that, as part of my deal with Katana,” aniya. “But I can also give you extra information , as part of my deal with you. In exchange, you have to answer one question from me truthfully.” “What kind of extra information?” “What about the name of the current holder of that sword?” Nanlaki ang mga mata ko. “Y-you know who holds that sword?” Tumango siya. “I always update what I know so I can assure you that I am a legit source.” Isang malaking bagay ang ino-offer niya sa akin. At alam kong malaking bagay ito para sa Ryougi clan kaya naman nate-tempt akong tanggapin lalo na’t isang tanong lang ang kailangan kong sagutin mula sa kanya. “So?” tanong niya. “Do you want to have a deal with me?” Inilahad niya ang kamay sa harap ko at napatitig ako doon. Kapag tinanggap ko ito ay nangangahulugan na pumapayag ako sa kanyang offer. Kapag naman hindi ay siguradong hindi ko na muling mababalikan ang pagkakataon na ito. Kaya huminga na lang ako ng malalim at tinanggap ito na ikinangiti niya. “I am glad that you accepted my offer.” Binitiwan niya ang kamay ko at may kung anong kinuha sa kanyang bulsa at iniharap iyon sa akin. “I will first give you my part of the deal.” Isang litrato ang iniharap niya sa akin at isang babae ang naroon. At ang pinakanakaagaw ng atensyon ko ay ang hawak ng babae sa kanyang kanang kamay. “He is the Marina Hits,” sabi niya. “Ang kasalukuyang world champion sa art of swords. At siya ngayon ang humahawak ng Kuchizuke Sword bilang isa sa kanyang mga koleksyon. Her location? Well, that is not part of our deal so…” Kinuha niya ang kamay ko at inilapag doon ang litrato. “... you have to answer my question now.” Agad kong itinago ang litrato at diretsong tumingin sa mga mata niya. “What is it that you want to know?” “May kakayahan kang makakita ng mga parasite, hindi ba?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD