Chapter 43

1128 Words
Nanami Yoshino (Katana) “A half-blood vampire?” Tumango siya. “Hindi ba’t alam mo naman na pinaniniwalaan na ang bansang ito ay tinitirhan ng mga bampira noong unang panahon?” “I heard a story about that but I don’t really think that it is true because no one has the ability to confirm that, right?” “Whether it is true or not, vampires are normal to the people that originally live here,” aniya. “Anyway, a half-human and half-vampire was buried at the center of that maze cemetery.” “And?” “I want you to go there and retrieve the item that has been placed at the top of its grave then, bring it to me,” aniya. “Pwede ko bang malaman kung ano ang bagay na iyon?” tanong ko. “At kung bakit kailangan mo pa ng tulong ko para makuha ang bagay na iyon gayong pwede naman na ikaw na lang ang pumasok diyan at kumuha.” “It is citrine stone,” sabi niya. “At kaya ikaw ngayon ang pinapakuha ko nito dahil tanging ang mga biniyayaan lang ng sight ang maaaring makapasok diyan. Maliban pa doon, mahigpit na ipinapatupad ng pamunuan ng simenteryong iyan na isang beses lang maaaring pumasok sa gitna nito ang isang tao sa loob niyan.” “Isang beses lang?” Tumango siya. “Nakapasok na ako diyan at ang citrine stone din ang naging sadya ko noon kaya naman hindi na ako makakapasok pang muli at dahil may kailangan ka sa akin ay sayo ko na ipapaubaya ang muling pagkuha ng citrine stone na naroon.” “Hmm…” Tumangu-tango ako. Hindi ko inaasahan na masyadong madami pa lang arte ang bansang ito. “Paano naman iyong mga normal na bibisita lang sa mga pamilya nilang nakalibing sa simenteryong ito?” tanong ko. “Isang beses lang din ba sila na pwedeng makapasok dito?” “Iyong mga normal na tao na walang sight ay walang kakayahan na makita ang daan papunta sa gitna ng maze.” Oh. Now I understand. Kaya pala ang mga tulad ko na may kakayahang makita ang mga parasites ang mayroong isang pagkakataon na makarating sa gitna ng maze ay dahil kami lang din ang may kakayahan na makita ang daan papunta doon. At kapag lumabas na kami matapos kunin ang sadya ay mawawala na ang kakayahan namin na makita ang daan. Sa totoo lang, hindi ko na maisip kung saan ko pa ba ihahanay ang mga nalalaman ko tungkol sa lugar na ito. Should I think that the defense mechanism of this cemetery is pure science or should I believe that magic exists in this country? Hindi ko na din kasi alam kung paano ipapaliwanag ang pagiging posible ng kakayahan ng mga mata namin at kung paano nila nagawa ang pagtatago sa daan papunta sa gitna ng maze na ito. “So?” ani Lychee. “Are you going to accept this deal?” “In exchange of the information that you have,” I said. “Yes, I am ready.” Ngumiti siya. “Then, good luck,” sabi pa niya. “I just have to remind you that you need to get out of there before the sun rises. Dahil makukulong ka ng isang buwan hanggang isang taon kapag naabutan ka ng araw sa gitna ng simenteryo.” Bumuntong hininga ako. Ang dami namang arte ng simenteryo na ito. Ganoon ba kaimportante ang bagay na nasa gitna nito para maglagay sila ng ganoon kahigpit na security? Ano bang mayroon sa citrine stone na iyon para bigyan ng ganoong seguridad? Para bang mas mahalaga pa iyon kaysa sa buhay ng isang tao. Umiling-iling na lang ako para maialis ang mga bagay na hindi naman mahalaga sa utak ko. Sa ngayon kasi, ang tanging mahalaga lang ay ang kasiguraduhan na makukuha ko ang batong iyon bago pa sumikat ang araw. Aba’y ayoko naman na makulong doon ng isang taon kaya kailangan kong kumilos ng mabilis. Bumaling ako kay Ashen. “Just wait for me here, okay?” Tumango siya. “Just get over this.” “Mabilis lang ako.” Hindi na ako nag-abala pang tumingin kay Lychee at agad na akong tumakbo papasok ng simenteryo. At nang tuluyan ko itong mapasok ay ang una kong ginawa ay inakyat ang pinakatuktok ng mga patung-patong na nitso at mula sa kinatatayuan ko ay bumungad sa akin ang laki ng simenteryo. Hindi ko alam kung ano ang sukat nito pero hindi sasapat ang oras na mayroon ako para marating ang gitna ng maze na siyang destinasyon ko kung gagamit ako ng normal na daan. Kaya naman naisipan ko na lang na talunin ang bawat nitso na nagsisilbi na pader ng maze. Mas mabilis itong shortcut dahil hindi ko na kailangan pang magpaikot-ikot. Isang diretsong daan mula sa ibabaw ng maze lang ay siguradong makakarating ako doon nang wala pang isang oras. Habang binabagtas ko ang ibabaw ng maze ay doon ko lang nakita ang ilang black aura na nasa mga daan sa ibaba. At iisang nilalang lang ang alam kong mukhang itim na aura. Parasites. Hindi na nakakapagtaka na maraming ganito dito sa simenteryo. Dito halos nararamdaman ang iba’t-ibang klase ng negative energy na siyang ikinaka-attract ng mga nilalang na iyon na siyang nagpapalakas sa kanila. Mabuti na din pala na naisipan kong dito sa ibabaw ng maze dumaan at hindi na gamitin ang mismong daan sa ibaba. At least, dito sa ibabaw ay hindi ko kinakailangang harapin ang mga nilalang na iyon. Hindi ko sila kakailanganing pansinin at iwasan. Maayos kong magagawa ang ipinapagawa ni Lychee ng hindi ako nagkakaproblema sa kanila. Hindi ko na pinagtuunan pa ang mga bagay o nilalang na nasa ibaba at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa dinadaanan ko hanggang sa marating ko ang huling tatlong nitso na aking tatapakan bago tuluyang marating ang gitna ng maze. Medyo natigilan ako dahil nang lumipat ako sa nitso na ito ay para bang may barrier akong nilampasan. At hindi iyon maganda sa pakiramdam. Para kasi akong panandaliang binalot ng plastic sa buong katawan. Saglit akong hindi nakahinga ngunit ilang sandali lang ay bumalik din sa normal ang lahat sa akin. Maaaring iyon ang pumoprotekta sa gitna ng maze at ito din ang nagbibigay ng ilusyon sa mga normal na tao upang hindi makita ang daan papunta sa gitna ng maze. Mabuti na lang pala at isang beses lang ako pwedeng makarating dito. Aba’y hindi ko gusto ang pakiramdam ng tumatagos sa barrier na nakapalibot dito kaya hindi ko na gusto pang ulitin ang bagay na ito. Huminga ako ng malalim at muli nang nagpatuloy hanggang sa marating ko na ang pinakagitna ng maze. At namangha ako sa bumungad sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD