Chapter 45

1139 Words
Nanami Yoshino (Katana) Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang makabalik ako sa entrance ng simenteryo kung saan ko iniwan sina Ashen at Lychee. Hindi naman ako inabot ng liwanag pero inabot din ako ng siyam na oras bago makuha ang lahat ng citrine stone na mayroon sa libingan na mayroon doon sa gitna ng maze. At naabutan ko ngang nakatulog na ang dalawa sa ilalim ng puno kaya iyong kasama na lamang ni Lychee ang kinausa ko para ibigay ang mga nakuha kong bato. “Can you tell me why do you need that kind of stone?” tanong ko kay Telly, iyong isa sa kasama ni Lychee na dumating dito. Siya ang katulong ko sa paglilipat ng mga bato mula sa bag ko papunta sa brief case na dala nila. Habang si Penny naman ang abala sa pagbibitbit ng mga brief case na napupuno namin papunta sa sasakyan na gamit nila. “Ginagamit namin ito sa paggawa ng espada,” aniya na ikinakunot ng noo ko. “I heard from Master Lychee that you also have a sight so you surely know a thing about the parasites.” “I only know one or two things about them,” sabi ko. “Mayroong nakamamatay na epekto ang citrine stone sa mga parasites kaya naman ito ang pangunahing sangkap ng aming mga blacksmit upang buuin ang sandata na ginagamit ng mga xterminators ng aming organisasyon,” paliwanag niya. Tiningnan ko ang citrine stone. “Ang batong ito ay kahinaan ng mga nilalang na iyon?” Tumango siya. “It can weaken them and slowly hurt them.” “But it can’t kill them?” Umiling naman siya. “Maliban sa citrine stone, mayroon pang inihahalong kemikal sa mga sandata ng xterminators at iyon ang higit na nagbibigay ng fatal blow sa parasite na tinatamaan ng sandata.” “Hindi mo alam kung ano ang kemikal na iyon?” tanong ko. Kung may existence na pala ang isang kemikal na nakakapatay sa nilalang na ito, then maybe I can get one for myself. That way, I don’t have to avoid them or be scared to face them. Muli siyang umiling. “I am sorry, but that is confidential information in our organization so I can say it to anyone else.” “Oh…” Tumango ako at ngumiti. “It is okay. I understand.” Hindi na ako nangulit pa dahil alam ko naman na hindi bibigay itong si Telly kaya tahimik na naming tinapos ang ginagawa namin. At nang maubos na ang laman ng bag ko ay agad na akong lumapit kay Ashen at bahagyang tinapik ang pisngi nito para gisingin. “Ashen…” Dahan-dahan siyang dumilat. “I am done,” sabi ko sa kanya. “Let’s go home.” Tumango siya tsaka naghikab. “Akala ko ay aabutin ka pa ng umaga.” “Aba’y ayaw ko naman na maalanganin ako doon kaya binilisan ko ang kilos para makuha ang lahat ng citrine stone na mayroon doon,” sabi ko. Tinulungan ko siyang makatayo. “Sana ay umuwi ka na muna at binalikan mo na lang ako para maayos kang nakatulog.” “Sa tingin mo ba ay hahayaan kitang mag-isa dito gayong kami naman ang dahilan kung bakit ka nandito?” “Kayo man ang dahilan, ako pa rin ang nagdesisyon na tumulong,” sabi ko. “Anyway, kakausapin ko muna pala si Lychee para makuha na natin ang impormasyon na kailangan nyo.” Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at agad na akong tumakbo palapit kay Lychee na kagigising lang din. “Oy!” tawag ko sa kanya. Napalingon siya sa akin at bahagya pang naghikab. “Ang tagal mo.” “Kasalanan ko ba na sobrang dami pala ng kailangan kong kunin doon?” balik ko sa kanya. “Nakasampung briefcase kaya ako kaya ikaw naman ang sumunod sa napagkasunduan natin.” May kung ano siyang kinuha sa bulsa tsaka ibinabot iyon sa akin. “Iyan ang kapalit ng ginawa mo. Nakasulat na diyan ang sumunod na lokasyon ng Kuchizuke Sword matapos itong i-display sa First Kei University. Isinama ko na din diyan ang pangalan ng naglipat ng espada, maging ang eksaktong petsa. At kasama na din ang contact number.” “Sobra-sobra yata ito,” sabi ko. Binuksan ko ang papel at lahat nga ng sinabi niya ay nakasulat doon. Eh tanging lokasyon lang naman ang napag-usapan namin kaya hindi ko inaasahan na isasama din niya ang naglipat ng espada “Sobra-sobra din ang nakuha mo,” aniya. “Noong ako ang nag-harvest ng mga citrine stone diyan ay nakatatlong briefcase lang ako kaya patas lang ang nakuha natin sa isa’t-isa.” “Oh well, thank you, then.” “Sige na, umuwi na kayo,” sabi pa niya. “May pasok pa tayo mamaya kaya kailangan mo nang matulog.” Hindi na ako nagpaalam sa kanya at muli na lamang bumalik kay Ashen tsaka mabilis na inabot ang papel na ibinigay sa akin ni Lychee kanina. “Iyan na ang impormasyon na kailangan niyo,” sabi ko. Kinuha niya iyon at ngumiti. “Thanks, Katana,” “You know that I don’t accept thanks,” biro ko sa kanya. “A simple lunch is enough for the effort.” Ginulo niya ang buhok ko tsaka bahagyang natawa. “Lunch ang pala,” aniya. “Sige, akong bahala sa lunch mo mamaya.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Baka nakakalimutan mo na hindi sabay ang lunch time natin.” “Don’t worry about that,” wika niya. “Just wait for me at the cafeteria later at your lunch time, okay?” “Okay.” Kahit hindi sigurado ay sumang-ayon na lang din ako. Aba’y syempre naman ay gusto ko din siyang makasabay sa lunchtime pero kung hindi kaya ay okay lang din naman sa akin. “Then, let’s go home.” Nagsimula na kaming maglakad pauwi. “Ano na ang plano nyo ngayon?” tanong ko. “Now that you finally get the information that you need, are you going to drop out from school and go to the next location that Lychee gave?” “That was actually the original plan.” Diretso lang siyang nakatingin sa dinadaanan namin at doon ko napansin na mayroong kakaiba sa kanyang mga mata ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang kakaibang napapansin ko pero sigurado akong mayroon silang napag-usapan ni Lychee. Is it about his ability to see the parasites? Pero hindi naman siya iyong tipo ng tao na basta na lang sasabihin sa iba kung mayroon nga siyang kakayaban na ganoon kaya nasisiguro kong hindi siya makukulit ni Lychee para makuha ang sagot doon. Well, maliban na lang kung mayroon siyang io-offer na impormasyon na mayroong kasing halaga ng kaalaman tungkol sa kakayahan niya. Which I highly doubt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD