Chapter 15

1149 Words
Ash Eiren Aozaki’s Pov Isang malakas na pitik sa noo ang naramdaman ko bago ako tuluyang natauhan at ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Xhylem. “What the hell is your problem?” inis kong tanong sa kanya habang hinihilot ang noo ko. “Bakit ka ba nananakit?” “Kanina pa kami daldal ng daldal dito pero hindi ka naman sumasagot diyan!” singhal niya sa akin. “Ano bang nangyayari sayo?” Inilalagay niya ngayon ang mga bagahe namin sa compartment nitong train na sinasakyan namin ngayon. “Hindi ka pa din ba nakaka-move on sa nangyari sa atin last month? Umiling lang ako sa kanya at hindi na sumagot. Isang buwan… Ganyan na pala katagal mula nang maranasan namin ang pagkakasangkot namin sa isang zombie attack na nangyari. Nang makarating kami ni Katana sa surrey ay hindi na kami nag-usap pa. Well, biglaan na lang din naman kasi siyang nawala sa tabi ko at hindi na ako nag-abala pang  hanapin siya dahil nga sinabi niyang kailangan naming maghiwalay na ng landas. At tinanggap ko iyon. Kaya agad kong hinanap sina Xhylem at Vierra dahil alam kong hindi ko din pwedeng pabayaan ang dalawang iyon. Sandaling panahon pa ang inilagi namin sa evacuation center na inilagay sa Surrey upang ma-check up kami at makasigurado ang mga doctor at gobyerno na walang virus carrier ang makakalabas sa perimeter nila. When we finally got to check ourselves out, we immediately continued our journey. And we don’t even dare to look back. Hindi naman kasi talaga magandang karanasan ang pinagdaanan namin sa lugar na iyon. Well, for Xhylem and Vierra, siguradong hindi talaga. But for me? Those times that I had a chance to be with Katana are surprisingly great and I do really want for it to happen again. Pero iniiwasan ko na lang ding umasa dahil sa laki ng mundong ito, maliit lang ang chance na muli kaming magkita ng babaeng iyon nang hindi sinasadya. Kaya naman nag-focus na lang ako sa patuloy na paglalakbay namin. Ilang bansa na din ang napuntahan namin sa loob lang ng isang buwan at ngayon nga ay papunta na kami sa Valier Kingdon. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na para sa pamamasyal namin. Kundi dahil sa isang trabaho na pinapagawa sa amin ng mga magulang ni Vierra na kailangan naming gawin bago kami bumalik ng Japan. At hindi ko alam kung sinu-swerte ba kami dahil kasama kaming tatlo sa mga pasahero na pinalad na unang makagamit ng train transit na siyang nagdurugtong sa Australia at Valier Kingdom. “Iniisip mo na naman si Katana, noh?” ani Vierra na nasa tabi ko ngayon. “Akala ko ay ang babaeng iyon ang tinamaan sayo dahil sa mga kinikilos niya noong kasama natin siya. To the point na pinagbantaan niya ako para lang masiguro na poprotektahan ka namin pero mukhang ikaw pala ang talagang tinamaan sa kanya.” Tinaasan ko siya ng kilay. “What do you mean?” “Well, hindi ba’t hindi ka agad sumama sa amin papunta ng Surrey dahil ginusto mong magpaiwan at makasama ang babaeng iyon?” sabi pa niya. “Muntik pang magkaroon ng sakit sa puso itong kapatid mo dahil sa pag-aalala sayo nang hindi ka niya makita sa barko na sinakyan namin. Tapos malalaman namin na hindi ka pala talaga sumakay dahil gusto mong tulungan si Katana sa kung ano pa ang gagawin niya doon.” “I…” Inirapan ko siya at pumikit na lamang. “...don’t know what you are talking about.” “Oh come on!” Marahas niyang hinawakan ang mga pisngi ko kaya napilitan akong dumilat nang iharap niya ang mukha ko sa direksyon niya. “Mahirap bang aminin na sa sandaling nagkasama kayo ay naramdaman mo agad na may koneksyon kayo?” “Get off me, you witch!” Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa mukha ko pero maging si Xhylem ay nakisali na din at hinawakan pa ang mga kamay ko para hindi ako makapiglas sa kanila. “What the hell?” “Admit it,” sabi ni Xhylem. “You had a connection with that woman.” “Anong koneksyon ang sinasabi niyong dalawa?” “Love,” sabay nilang sabi na ikinatigil ko. “Ah.” Agad nila akong binitiwan at parang wala silang ginawa na preteng naupo sa pwesto nila. “Looks like we were wrong,” dinig ko pang bulong ni Vierra sa kapatid ko kaya napailing na lang ako pagkuwa’y bumuntong hininga. “Yes, you were both wrong,” sambit ko. “It is not like I am in love with her, okay? Masyado kayong malisyoso.” “Oh?” ani Vierra. “Then, bakit hindi ka pa din maka-move on sa kanya kahit pa isang buwan na kayong hindi nagkikita?” Muli akong bumuntong hininga. Siguradong bored ang mga ito kaya ako ang pinagdidiskitahan ngayon. “I am not in love with her,” ulit ko. “But I have this kind of familiar feeling as if she is close to me.” “In your past life?” tanong ni Xhylem. Nagkibit balikat ako. “Hindi ko alam,” sabi ko. “All I know is that I have this feeling of wanting to see her again. But it does not seem logical to feel this way because I only know her for like, two to four days.” “Oh.” Tumangu-tango si Vierra. “It is not love but you still feel some connection with her. Maybe she is your soulmate.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Naniniwala ka sa soulmate?” tanong ko sa kanya. “Our very own Vierra Rougi is a fan of soulmates?” “Hey!” Hinampas niya ang balikat ko. “Don’t be so mean, okay?” “But…” “I know,” putol niya sa akma kong sasabihin. “Soulmates are just for some teenagers or to those hopeless romantic people but sometimes, it is the only thing that can explain why you suddenly know that someone is the right one for you.” “Pero hindi naman iyan ang nararamdaman ko para kay Katana,” sambit ko. “I mean, I don’t have that feeling that she is the one for me.” Kumunot ang noo niya. “What do you mean?” Muli akong bumuntong hininga. Sa totoo lang ay hindi ko din talaga alam kung paano ipapaliwanag sa kanila kung ano itong nararamdaman ko mula nang makilala ko ang babaeng iyon. I don’t even know anything about her except her real name, her daughter’s name, her late-husband’s name. And even the fact that like me, she also became a human subject for a science experiment. That is all I know about her. But her impact on me was too strong. “It was like, I am the one who belongs to her.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD