Chapter 16

1098 Words
Ash Eiren Aozaki’s Pov Pare-pareho kaming natigilan nila Xhylem at Vierra nang marahas na bumukas ang pinto na naghihiwalay sa bagon ng train na kinalalagyan namin at sa kabila. Maging ang mga kasama namin dito ay natigil din sa kani-kanilang mga ginagawa at agad na bumaling sa direksyon na iyon. Agad kaming bumaling doon at nanlaki ang mga mata namin nang makitang nakatayo lang sa tapat ng pintuan ang nagbukas noon. Nagsimula na din kaming makaramdam ng matinding takot nang mapansin ang mga mantsa ng dugo na nasa katawan at kamay nito. Habang ang iba naming kasama dito ay puno lamang ng pagtataka. Well, no one can't blame us for having this kind of reaction. We have been into something like this in the past and I think we still have not gotten over it since it only happened last month. "s**t!" mahinang mura ni Vierra. "Is this some kind of joke? Don't tell me, mauulit na naman dito ang nangyari sa atin sa Canada?" Is he really a zombie? I was about to grab the sword that Katana gave to me and attack that man when he lifted up his face while smiling and crying. "What the--" "I… I am sorry for disturbing you," sambit nito. "My wife just gave birth on this train and I just want to ask if there is a doctor on board? I just wanted to make sure that they would be okay until we reached the next station." Ah, that explain the blood all over his body. And he must be overwhelmed by the idea of becoming a father that is why he is crying while his smile shows genuine happiness. Nagkatinginan ang lahat ng nasa bagon na ito. Hanggang sa isang babae na nakaupo sa unang row ang nagtaas ng kanyang kamay. "I am not a licensed doctor but I think I can check them up." Bumaling ang lahat sa babaeng iyon. Maging ako dahil para bang pamilyar sa aking pandinig ang kanyang boses ngunit bigo akong makita ang mukha nito sa kadahilanang nakasuot ito ng jacket na bahagyang malaki sa kanya at nakasukbit sa kanyang ulo ang hood nito. Tanging ang kanyang likuran lamang ang nakaharap sa amin. Labis na nakagalak ang lalaki sa sinabi ng babaeng iyon at hindi na nagdalawang-isip pa na hawakan ito sa kamay at hilahin na ito papunta sa kabilang bagon ng train. Bumalik na sa kani-kanilang mga ginagawa ang mga kasama namin sa bagon. Ang ilan ay labis din ang tuwang nararamdaman na malamang may sanggol na ipinanganak sa unang byahe ng train na ito at sinasabi nilang isa itong swerte. Ang ilan naman ay nababahala din sa kalagayan ng ina at sanggol dahil walang lisensiyadong doctor ang titingin sa kanila habang patuloy pa din ang byahe. "Medyo kinabahan ako doon," ani Vierra habang mahinang tinatapik ang kanyang dibdib. "Akala ko talaga ay mauulit dito ang nangyari sa Canada. Hindi ba't ganoon din ang eksaktong ginawa ng zombie na nakapasok sa bagon natin." "Yeah," sagot ni Xhylem. "But they already take care of that mess kaya hindi na tayo dapat pang kabahan. Hindi naman lihim sa mundo ang nangyari sa Canada kaya naman agad na iyong pinaghahandaan ng bawat bansa nang sa gayon ay maiwasan ang world apocalypse." "Alam ko naman iyon pero syempre, hindi pa din ako mapakali kapag ganyang nakakakita ako ng taong puro dugo ang damit," dagdag pa ni Vierra. At hindi ko na sila pinansin pa dahil abala ang aking isip sa kung ano ba ang nangyayari sa kabilang bagon. Tanaw mula sa kinauupuan ko ang kumpulan ng mga tao sa kabila at bahagya akong inaatake ng kuryosidad dahil sa labis na pagkamangha na nakikita ko sa mukha ng mga taong nandoon. Gusto ko sanang pumunta doon ngunit siguradong hindi ako papayagan nitong sina Vierra at Xhylem. Sa totoo lang ay ayaw talaga nilang sumakay pa muli ng train. Ako lang ang naging mapilit kaya nakapangako ako sa kanila na hindi ako aalis sa tabi nila sa buong byahe. Napakamot na lamang ako ng ulo pagkuwa'y bumuntong hininga. Titigilan ko na nga muna itong pagiging tsismoso ko. "Hindi ba, parang pamilyar iyong boses noong babaeng nagsabi na hindi siya licensed doctor pero titingnan niya ang lagay noong mag-ina?" biglang sabi ni Vierra kaya napalingon ako sa kanya. "Super pamilyar talaga sa akin iyon at sigurado ako na narinig ko na ang boses niyang iyon. Pero hindi ko naman maalala kung saan o kaninong boses iyon." "What do you mean?" Bumaling siya sa akin. "Alam mo naman na matalas ang pandinig ko, hindi ba?" aniya na aking tinanguan. "Then, human voice has its own signatures that makes them unique. Some kind of personal DNA imprint. It means, they already have it ever since they got born and I can detect that. Pero dahil sa dami ng boses na naririnig ko araw-araw ay madalas kong malimutan ang mga mismong may-ari ng mga boses na naririnig ko." "And you are saying that the woman's voice is something that you already heard before?" tanong ni Xhylem. " Tumango si Vierra. "And I can assure you, hindi lang siya basta background voice. I am sure that I heard it right in front of me," dagdag pa niya. "Ibig sabihin ay nakausap ko siya. We probably know her then." "Should we check her?" tanong ni Xhylem. "I know both of you are curious about that woman's identity since you are sure that her voice is too familiar to you. So, why don't we ask her?" "I will do--" Mabilis na ipinulupot ni Vierra ang kanyang kamay sa aking braso. "Not you, Ashen." Itinuro niya si Xhylem. "He can do that." "What?" "You promised, idiot!" singhal niya. "Kaya hindi ka pwedeng umalis dito. Hayaan mong ang kapatid mo ang pumunta doon." "But--" Hindi na ako tuluyan pang nakaangal dahil maging si Xhylem at talaga namang against sa pag-alis ko sa kinauupuan ko kaya napabuntong hininga na lamang ako. "Fine," sambit ko na ikinangiti nilang dalawa. "Just make it fast. Ayokong naiiwang mag-isa sa madaldal na ito." "Hey!" Hinampas pa ni Vierra ang balikat ko. "You are being mean." "Just saying the truth." Inirapan ko siya tsaka bumaling kay Xhylem. "Just look at her face. If you knew her, then go back here immediately. If you don't, then at least ask her name then go back here, Okay?" Bahagya pang natawa si Xhylem habang tinatapik ang balikat ko. "Chill, bro," aniya. "I know what I should do." Napailing na lang ako at sinundan na lamang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa kabilang bagon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD