Chapter 14

1058 Words
Nanami Yoshino (Katana) Present time; Agad kong iniiling ang ulo ko upang alisin sa isip ko ang mga alaala na pilit pumapasok sa isip ko ngayong muli kong narinig ang pangalang matagal ko nang kinalimutan. Alaalang walang ibang dala sa akin kundi pagdurusa dahil sa mga hindi magandang bagay na aking naranasan mula nang makuha ako ng mga taong iyon. Hindi ko na dapat pang iniisip ang bagay na nangyari sa nakaraan dahil hindi naman iyong makakatulong sa kung ano ang kinakaharap ko sa kasalukuyan. Nang marating ko ang kinalalagyan ng mga zombie ay agad ko nang inihanda ang sarili ko sa gagawin kong pagsugod. Ngunit bago pa ako makakilos ay agad kong namataan ang isang grupo ng mga lalaki na may dalang armas na palapit sa pinagkukumpulan ng mga zombies. Tahimik lang ang paglalakad nila kaya hindi agad sila napansin ng mga halimaw at naging advantage nila iyon dahil walang hirap nilang napapatay ang mga zombie na abala pa din sa pagpipilit na makapasok sa trailer na napapalibutan ng mga ito. Hanggang sa tuluyan ng naubos ang mga zombie at doon naman pumasok ang mga lalaking iyon sa loob ng trailer. Hindi na ako nag-abala pang lumapit doon. Pumwesto na lang ako sa distansya na hindi agad nila mapapansin dahil wala naman akong alam kung ano ba ang layunin ng grupong iyon. Mukha naman kasing alam nila kung paano labanan ang mga zombies na iyon at synchronize din ang teamwork na mayroon sila kaya nasisiguro ko na hindi lang sila basta lokal sa lugar na ito. Ilang sandali pa ay lumabas na sila sa trailer at nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang may bitbit na silang sanggol. "What the…" Iyon marahil ang pilit inaabot ng mga zombie sa trailer na iyon at ito don siguro ang gumagawa ng ingay kaya lumapit ang mga zombie doon. Pero hindi ko man lang naramdaman o narinig ang iyak nito kaya hindi ko inaasahan na isang sanggol ang nasa loob noon. Hindi na ako nakialam pa at agad ng umatras. Nagawa na naman nilang tapusin ang mga zombies na pakay ko at tingin ko ay aalagaan nila ang batang nakuha nila sa trailer kaya wala nang dahilan para magtagal pa ako dito. Agad ko na lamang hinanap ang iba pang lugar kung nasaan nagkukumpulan ang mga zombies ngunit agad akong mapakunot ang noo dahil bigla na lang tumahimik ang buong lugar. Wala na akong marinig na ungol ng mga zombie. Ni kahit ang mga yabag ng mga ito na dati ay madali kong marinig kahit pa malayo ang distansya nila sa akin ay nagagawa ko ngunit hindi na sa pagkakataong ito. Sobra-sobrang katahimikan ang bigla na lang bumalot sa akin. Napahawak ako sa aking tainga. What the hell is happening? Did I lose my skills? O baka naman may umubos na ng mga zombies kaya wala na akong maramdaman o naririnig na ingay mula dito? Pero imposible. Hindi ganoon kadaling ubusin ang bilang ng mga-- "Katana…" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ko si Ashen. "Are you okay?" kunot noong tanong niya sa akin. "Bakit ganyan ang itsura mo? Na para bang nakakita ka ng multo?" Mabilis akong umiling pagkuwa'y inalis ang mga kamay ko sa aking tainga. "W-wala. I… I just don't hear the zombies moan." "Iyon ba?" aniya. "Eksaktong pagdating ko sa river kanina para iligtas iyong lalaking nakita natin, bigla na lang dumating ang mga militar at sinimulang ubusin ang mga zombies. Mukhang alam na nila kung paano ito iha-handle kaya naman hindi na naging mahirap sa kanila ang trabaho nila." "Militar?" Tumango siya. "Canadian army," sambit niya. "At kung nagtataka ka kung bakit wala kang naririnig na putok ng baril ay dahil gumagamit sila silencers upang hindi sila makaagaw ng atensyon ng ibang zombies." "R-really?" Muli siyang tumango. "Bakit ba ganyan ang reaksyon mo?" Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang dahilan pero hindi na ako nag-abala kaya umiling na lang ako. "Anyway, mukhang kaya na i-handle ng mga sundalo ang sitwasyon dito," aniya. "Gusto mo na bang umalis dito?" Iginala ko muna ang tingin sa paligid pagkuwa'y bumuntong hininga. Tingin ko ay dahil sa mabilis na pagresponde ng Canadian Government ay mabilis na naagapan ang pagkalat ng virus sa buong bansa. At sa ipinapakita nila ngayon ay masasabi kong hindi na nga nila kailangan ang tulong ko. Kaya agad ko nang itinabi ang sandata ko pagkuwa'y muling binalot ng itim na tela ang espada ko. "Let's go," sambit ko sa kanya. "Tapos na ang trabaho natin dito." "Are you sure?" Tumango ako at nauna pang maglakad sa kanya papunta sa direksyon kung nasaan ang ilog na siyang tatawirin namin upang makapunta sa kabilang siyudad na hindi pa naaapektuhan ng virus. "Hindi mo man lang ba pupuntahan iyong lalaking nakasalubong natin?" tanong niya sa akin habang sumasabay sa paglalakad ko. "Ilang beses niya akong tinanong kung ano daw ang nalalaman ko tungkol sa iyo." "What did you say?" "Nothing much," sagot niya. "Wala naman akong ibang alam tungkol sa iyo kundi ang pagiging ex-agent mo, ang real name mo at ang pagiging human subject mo. At alam kong sa tatlong iyon, wala ni isa akong maaaring sabihin sa ibang tao." "Then, we should maintain that," walang gana kong sambit tsaka bumaling sa kanya. "And to tell you this, kailangan na nating putulin kung anuman ang mayroon sa pagitan natin." Kumunot ang noo niya. "What do you mean?" "Maghihiwalay ang landas natin pagdating sa ilog," sabi ko. "Ikaw, babalik sa kapatid mo at sa babaeng duwag na iyon. At ako? Magpapatuloy na sa paglalakbay ko dahil masyado na akong nagtagal sa bansang ito." "Pero--" Agad akong umiling bago pa matapos ni Ashen ang sasabihin niya. "You can't stay where I go. What I am doing is too dangerous so just mind your own life, okay?" Natahimik siya at hindi na nag-abala pang magsalita. Well, mas mabuti na din na maging prangka nang sa gayon ay hindi na siya mapalapit pa sa akin ng lubusan. Mas mabuting habang nagsisimula pa lang ang pagiging malapit namin ay agad na ding putulin dahil magiging mahirap lang ang sitwasyon namin. "It is really nice meeting you, Ashen," malambing kong sabi sa kanya tsaka ginulo ang kanyang buhok. "But I think this should be the last time that we will see each other."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD