Her Pov
Isang malaking pagkakamali na naman ang angyari at mukahng hindi na madaling solusyunan ang problemang ito.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng train na kinalalagyan ko kasama ang iba pang pasaherong nakaligtas sa gulong nangyari kanina.
Bakas ang matinding takot at pag-aalala sa mga mukha nila. Karamihan ay umiiyak dahil sa takot at lungkot lalo na't ang ilan sa mga naging zombie ay kaibigan at kasama nila.
Parang ngayon ko yata gustong magsisi dahil hindi ko pinagkaabalahang bumili ng cellphone. Hindi ko tuloy alam kung paano mako-kontak sina Maia. Ganito din ba ang sitwasyon sa islang iyon?
Nagulo ko nalang ang buhok ko. Hindi dapat ako nag-aalala sa mga iyon dahil hindi naman sila maaapektuhan ng kahit anong virus pa ang kumalat sa earth. Baka dapat pa akong mag-alala kung mga normal na tao ang makakaharap nila dahil iyon talaga ang kalaban ng tulad namin.
"Miss."
Iniangat ko ang ulo at tiningnan ang lalaking nakatayo ngayon saharap ko.
"Ahm. You can use this para matawagan mo naman ang pamilya mo." Iniabot nya sa'kin ang cellphone nya. "I know, walang-wala ito kumpara sa nagawa mong pagligtas sa kapatid ko pero ito lang kasi ang magagawa ko sa ngayon."
Inirapan ko sya tsaka hinablot ang cellphone. Ayokong makarinig ng kahit anong kadramahan. Agad kong idinayal ang number ni Maia pero napakunot ang noo ko nang hindi nito sagutin ang tawag ko.
Ilang beses ko pang sinubukan pero tulad ng nauna ay hindi ito sumagot.
Ano bang ginagawa ng babaeng iyon? Alam nyang kailangan nyang sagutin ang tawag ko kahit ano pang ginagawa nya!
Hindi si Maia ang tipo ng taong hindi sumasagot ng tawag. Palaging nasa kamay nya ang cellphone dahil madalas ding tumawag sa kanya ang asawa nya. Kaya bakit hindi nya sinasagot ang tawag ko?
Hindi kaya tama ang hinala ko kanina? Na tulad dito sa train na kinalalagyan ko ay ganoon din ang sitwasyon kung nasaan man sila ngayon?
Muli kong ginulo ang buhok ko tsaka tumayo at ibinalik ang cellphone ng lalaking iyon. I just say thanks at pumunta sa comfort room. Dahil nasa loob ako ng umaandar na sasakyan, hindi ko masasabi kung magagawa ko bang malaman kung ano ang sitwasyon sa kinalalagyan nila Maia but I still need to try.
Itinaas ko ang manggas ng suot kong long sleeve tsaka bahagyang hiniwa ang palapulsuhan ko. Mula sa maliit nitong sugat ay inilabas ko ang isang microchip. Saglit kong binendahan ang sugat ko tsaka isinalpak ang microchip na iyon sa relong suot ko.
Ako at ang mga kasama ko sa lugar na pinanggalingan ko ay may kanya-kanyang microchips sa katawan. Ito ang nagsisilbi naming tracker at ito din ang ginagamit namin para alamin ang kinalalagyan ng bawat isa sa amin.
At ang bawat microchips na ito ay maaari lang naming i-insert sa mga relong suot namin na syang magagamit namin para ma-locate ang sinuman sa amin.
Sinimulan kong i-type ang buong pangalan ng taong kailangan kong hanapin at ilang segundo lang ay agad lumabas sa screen ng relo ko ang coordinates kung nasaan ito na ikinahinga ko ng maluwag.
Hindi sila umaalis sa lugar na iyon. Ibig sabihin ay sa lugar na ito lang nagkaroon ng outbreak.
Muli ko nang ibinalik sa loob ng katawan ko ang microchips pagkuway binendahan ko ang sugat ko tsaka naghugas ng kamay. Nang masigurong wala nang dugong visible sa suot ko ay agad din akong lumabas.
Doon, naabutan kong nag-uusap-usap ang mga kasama ko dito sa bagon ng tren at bakas ang matinding pag-aalala sa kanila.
"What happened?"
Bumaling sila sa akin.
"Walang sumasagot sa control room ng train so we assume na napahamak na din ang driver nito." sabi noong lalaking nagpahiram sa akin ng cellphone.
"But the fact na hindi tumitigil ang train ay siguradong naka-auto pilot ito. right?" sabi ko na tinanguan nila. "Then, anong ikinababahala nyo?"
"Kung naka-auto pilot ito, ibig sabihin ay kusa itong hihinto sa susunod na station at automatic na bubukas ang mga pintuan." sabi naman ng isang babaeng nakapang-office attire. "Paano kung ganito din ang sitwasyon sa susunod na station?"
Natigilan ako. They were right. Tama nga namang mabahala kami sa bagay na iyon dahil kung makarating kami sa susunod na station at may mga zombie din doon ay siguradong wala kaming kawala. Ang lahat ng nakaligtas ngayon dito ay posible ding maging zombie kung hindi agad magagawan ng paraan.
"Gaano katagal bago makarating sa susunod na station?" tanong ko.
"In 7 minutes, naroon na tayo." sagot ng isang lalaking nakatutok sa kanyang laptop.
Ang alam ko, ang ganitong klaseng train ay may manual button na syang matatagpuan sa mismong control in case of emergency at mukhang iyon ang kailangan naming puntahan para masigurong walang mapapahamak sa amin kung sakaling may mga zombies din sa susunod na station.
"Sinong nakakaalam ng details ng train na ito?" tanong ko at agad lumapit sa akin ang lalaking may hawak ng laptop tsaka iniharap sa akin iyon.
"Iyan ang design ng kabuuan ng train na ito." aniya. "At kasalukuyan tayong nandito sa ikawalong bagon." Itinuro nya iyon sa akin.
"Nagsimula ang outbreak sa bagon kung nasaan ako at kung hindi ako nagkakamali ay ito iyon." Itinuro ko ang ikalimang bagon. "Then, let's assume na ang lahat ng nasa loob ng ika-apat hanggang ikaanim na bagon ay zombie, sila ang kakailanganing harapin kung tatangkain natin pumunta sa control na nasa unahan ng train na ito."
"At imposible iyon." sabi ng babaeng katabi ng lalaking iniligtas ko kanina. "Nakita nyo naman kung gaano kadelikado ang mga zombies na iyon. At wala sinuman sa atin ang may kayang labanan sila."
"Maliban sa kanya." Tumingin silang lahat sa akin na ikinataas ko ng kilay. "Iniligtas nya ang kapatid ko nang muntik itong makagat ng zombie."
Hindi ako sumagot pero hindi ko din itatanggi dahil kaya ko naman talagang patayin ang lahat ng zombie na nasa loob ng train na ito.
"Xhylem! Oo, iniligtas nya ang kapatid mo pero hindi naman yata tama na ibigay natin sa kanya ang obligasyon para sa kaligtasan nating lahat dito gayong delikado ang mga nilalang na iyon." sambit pa ng babae.
"A--" Humarang na ako sa kanilang dalawa bago pa magtuloy-tuloy ang pagtatalo nila. Maikli lang ang oras na meron kami at masasayang lang iyon sa kanilang dalawa. "Miss?"
"Kaya kong makarating sa unahan ng train na ito pero ang pagkakaalam ko ay kailangang i-disable ang auto pilot kung gagamitin natin ang manual button para sa mga pintuan. Am I right?" tanong ko na tinanguan nila. "So, kakailanganin ko ng makakasama na marunong magpatakbo nito dahil kung tama ang hinala natin tungkol sa susunod na station, hindi naman pwedeng mag-stay lang tayo doon. We need to move forward kung pare-pareho nating gustong makaligtas sa outbreak na ito." Binalingan ko ang iba pa naming kasama dito. "We don't have enough time kaya magsalita na kung sino ang pwedeng magpatakbo nitong tren."
"A-ako."
Bumaling ako sa nagsalita at kumunot ang noo ko nang makitang ang lalaking iniligtas ko kanina iyon. Gising na sya at hinihilot ang sentidong nakabalot ng itim na benda.
"Marunong akong magpatakbo ng kahit anong sasakyan at kahit anong sukat." Bumangon sya tsaka tumingin sa akin. "Hayaan mo akong sumama sayo para na din sa pasasalamat ko sa pagligtas mo sa akin kanina."
Pinakatitigan ko sya tsaka tumango. Sabi ko nga, wala na kaming sapat na oras. Kung marunong sya, eh di hindi na ako tatanggi pa.
"Pero As--"
"Vier, don't worry about me." sabi nito sa katabing babae. "Sigurado namang hindi nya ako pababayaan."
"Sumunod ka sa akin sa kabilang bagon." sabi ko at nauna nang pumunta doon.
Wala nang zombie sa bagon na ito kung saan napilitan akong iligtas ang lalaking iyon. I killed them all kaya puro talsik ng dugo ang mga upuan at bintana dito. Nagkalat din ang mga bangkay na pira-piraso pero hindi ko alintana ang lahat ng iyon. Sanay na ako sa ganitong tanawin.
"What the f**k?" Nilingon ko ang lalaking iyon na bakas ang pagkagulat at pagkadiri sa nakikita. "I-ikaw ba ang may gawa nito?"
Tumango ako. "And it is actually your fault."
Kumunot ang noo nya. "What?"
"Wala akong planong labanan ang mga iyan kaso nang makarating ako dito, I saw your annoying face that was begging for someone to save you so I draw my katana." Ipinakita ko sa kanya ang espada kong nakabalot sa itim na tela. "Let's go. Wala na tayong oras."
"Wai--"
"Just stay behind me and don't do anything stupid." sabi ko. "Huwag mo ding iisipin na iligtas ako kung sakaling makita mong makakagat na ako."
"What? Hindi nama--"
"Just do what I said o lahat ng nasa loob ng tren na ito ay magiging zombie." madiin kong sabi.
"F-fine."
"Good." Inilabas ko na sa kaha ang katana. "Nakasalalay sayo ang kaligtasan ng mga natitirang buhay sa tren na ito kaya huwag kang papalpak." Sana lang ay magawa ko syang madala sa control bago pa kami tuluyang makarating sa susunod na station.
*********
Xhylem Aozaki's Pov
Pareho kaming hindi mapakali ni Vierra dahil sa matinding pag-aalala kay Ashen. Hindi namin alam kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa ng babaeng iyon at nababahala na din kami dahil halos tatlong minuto nalang ang natitira bago kami makarating sa susunod na estasyon.
Wala naman sigurong nangyaring masama sa kanila.
"Damn it! Hindi pa din ba sila nakakarating sa unahan nito?" Gusto ko nang sumunod kina Ashen pero hindi ko naman pwedeng iwan si Vierra. Isa pa, binilinan din kami ng babaeng iyon na huwag susunod sa kanila kahit na anong mangyari at ang ilan sa amin ay nakabantay na sa mga pintuan kung sakali mang hindi sila magtagumpay.
"Natatakot ka ba na baka nakagat na din sila ng mga halimaw na iyon?" Napalingon ako sa isang babae na tumutulong sa paglalagay ng mga pwedeng iharang sa pintuan. "Tulad ng sinabi mo kanina, iniligtas nya ang kapatid mo kaya malaki din ang posibilidad na hindi sila mapahamak sa mga iyon." Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa inyo. I'm Rio Celestine. At nakita ko kanina kung paano nya pinatay ang mga zombies sa kabilang bagon para lang iligtas ang kapatid mo."
"What? Nakita mo?" Nilapitan sya ni Vierra. "How did she manage to kill those creatures?"
"The one she's holding. Katana ang laman noon at iyon ang ginamit nya para patayin ang mga iyon." aniya. "And it looks like she masters how to use it gracefully. Kaya masasabi kong walang mangyayaring masama sa kanila. Ang tanging kalaban lang natin ngayon ay ang oras. Kung magagawa nga ba nilang makarating sa control ng train bago pa tayo makarating sa susunod na station."
"Yeah." pagsang-ayon ng isa pang lalaking katulong ni Rio. "I'm Ben Klare." Inilahad nito ang kamay sa harap ko na agad ko namang tinanggap at nakipag-kamay.
"Xhylem Aozaki." pakilala ko. "And this is Vierra Ryougi." Tukoy ko kay Vierra na nakipagkamay din sa dalawa. Mukhang sila lang din kasi ang makakausap namin ng matino dahil ang iba naming kasama dito sa train ay bakas pa din ng matinding pag-aalala at takot.
"Actually, kasama namin sa bagon ang babaeng iyon." ani Ben. "At sya ang dahilan kung bakit kahit paano ay may nakaligtas sa amin at hindi na masyadong nadamay ang mga sumunod pang bagon."
"Eh?"
Tumangu-tango si Rio. "She didn't draw her sword nang magsimulang magkagulo pero lahat ng akmang makakagat ng zombies na malapit sa kanya ay agad nyang hinihila at itinutulak papunta sa kabilang bagon."
"At sya din ang naniguro na hindi na makakalabas sa tatlong bagon na iyon ang mga infected bago sya sumunod sa amin." dagdag pa nila.
"She's that great, huh." ani Vierra. "Pero interisado ako sa katana'ng hawak nya." Bumaling sya sa akin. Siguradong iniisip nya na posibleng iyon ang hinahanap namin. "Alam nyo ba ang itsura noon?"
"Black ang talim." agad na sabi ni Rio. "At bloody red ang handle. May kung anong marka din ang talim noon kaya masasabi kong personalize."
Umiling ako kay Vierra. Hindi iyon ang katana'ng hinahanap namin pero kailangan pa din naming makita ng personal dahil baka makakuha kami ng clue kung saan posibleng mahanap ang bagay na iyon.
"Palapit na tayo sa next station!"
Pare-pareho kaming tumingin sa bintana at unti-unti na nga kaming palapit sa estasyon. At ang masama pa nito, mukhang tama ang hinala namin sa kung ano ang sitwasyon dito.
Dahil tanaw na din namin kung paano magkagulo doon. Marami na ding infected ng zombies at mukhang wala na din kaming magagawa kundi ang lagpasan lang sila or else, lahat ng narito ay magiging tulad nila.
"s**t!" mura ni Vierra tsaka humawak sa akin. "Unti-unting bumabagal ang train."
Pinakiramdaman ko ang train at tama nga sya. Habang palapit kami ng palapit sa station ay unti-unti itong bumabagal.
"Xhylem, tulungan mo akong i-secure ang pintuan dito." sigaw ni Ben na agad ko namang sinunod. "Kailangan nating pigilan ang pagbukas nito kahit anong mangyari."
Tumango ako.
"Vierra, Rio. I-secure nyo naman ang magkabilang pintuan." Itinuro nya ang mga pintuan na nagko-konekta sa mga bagon. "Huwag kayong papayag na may makapasok, infected man o hindi."
Agad na tumalima ang dalawa. Wala kaming ibang aasahan sa pagkakataong ito kundi kaming apat lang kaya mas mabuti nang gawin nalang ang magagawa namin.
"s**t! s**t! s**t!" mahina kong mura habang patuloy kami sa paglapit sa platform kasabay ng pagbagal ng train.
Ashen! Ano na bang nangyayari sa inyo? Hindi ba kayo nakarating agad? O nasaktan ba kayo? s**t lang! Mamamatay na kami dito.
At pare-parehong huminto ang paghinga namin nang tuluyang makarating ang sinasakyan naming train sa platform kasabay ng paghinto nito.
Napapikit nalang ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa pintuan nito para masigurong hindi ito magbubukas pero ilang minuto ang lumipas ay nanatili itong nakasara.
"M-mukhang nagawa nila." ani Ben na ikinadilat ko at agad tumingin sa pintuan. "Hindi bumukas ang pintuan."
"Yo. Sorry kung pinakaba namin kayo." boses ni Ashen na nagmumula sa mga speakers. "I am your new train pilot and this train is under control. Wala nang kahit isang zombies na nasa loob kaya maaari na kayong makampante habang nandito."
Napaupo nalang ako at tuluyang nakahinga ng maluwag. Ligtas kami hangga't nananatili kami sa loob nito.
"Magpapatuloy tayo sa mga susunod na estasyon hanggang makontak ko na ang train headquarters para malaman natin ang sitwasyon sa ibang bahagi ng bansang ito. So seat back and relax."
"Yeah. We can relax for a while."